Interview

1039 Words
Araw na ng Sabado. Ngayon ang araw na mag sa-submit na siya ng resume sa pabrikang tinatrabahuan ni Danny. Kaya inihanda na niya ang resume pati na ang sarili. Ready na siyang pumunta sa Makate. Naka t-shirt at pantalon lang siya na pinaresan niya ng rubber shoes. Nag bus lang siya patungo roon alam na naman niya kung saan ito. Pagkadating sa may labasan pagbaba niya sa sinasakyan ay nagtanong siya agad sa isang guard na nakabantay doon. Pinapasok siya nito. Dumiritso siya sa itinuro nitong direksiyon kung saan ang opisina ng manager na mag iinterview sa kanya. Tinext muna niya si Danny. At agad naman itong nagreply kasi nagkataon na breaktime nito. Malapit na siya sa opisina ng mamataan niya itong naghihintay sa may labasan ng opisina. Naunahan siya nito kasi palabas na pala ito ng area nito at malapit lang sa opisina. “Andiyan si boss kaya goodluck.” Saad nito saka ngumiti. “Salamat.” Gumanti siya ng ngiti. Medyo kinakabahan siya. Nasabi narin ni Danny ang tungkol sa kanya sa boss nito. Mabait daw ito at napakaresponsable sa mga trabahante nito kaya daw parang kaibigan naraw ang turing nina Danny at boss sa isa’t isa. Si Danny na ang kumatok. “Come in.” Anang baritonong tinig mula sa loob. Saka pinihit ni Danny ang seradora at binuksan ang pinto. Sumenyas pa ito sa kanya na let’s go! Kaya sumunod siya rito. “Hello, boss Ken.” Narinig niyang bati ni Danny sa boss. Nakatalikod pa kasi siya habang sinasara ang pinto. “Hi, Danny.” Sagot naman ng lalaking nakaupo sa isang civil chair. Nakatalikod ito. Biglang pumihit ito paharap eksakto namang nasarado na niya ang pinto at pumihit rin paharap at tinungo ang mesa ng Boss. Nagkagulatan pa sila ng makita ang isa’t isa. “Ikaw?!” Magkasabay pa nilang sambit. Nanlaki ang kanyang mga mata at napa porma pa ng letter O ang bibig niya. Sino bang hindi makakalimot sa gwapong este mayabang na lalaking nakaharap niya ngayon?! Tinandaan niya talaga ang hitsura nito. Ngayon lang niya napansin na mahaba pala ang buhok nito na nakatali. Ilang beses pa niya pinikit ang kanyang mga mata at minumulat ulit baka namalikmata lang siya sa nakikita. Pero ito talaga siya eh! “Fancy meeting you here again?” Ani ng boss. Sabay ngiti ng makahulugan. “Dan, siya ba yung sinasabi mong mabait mo na boss?” Bumaling siya kay Danny. Napatango naman ito. Nagtaka! “Magkakilala ba kayo?” Tanong nitong bumaling din sa kanyang boss. “Hindi!” Magkapanabay ulit nilang sabi. Talagang naaalibadbaran na siya sa paraan ng ngiti nito. Kung gayun ito din ang magiging boss niya pagnakapasok siya sa pabrikang ito. Oh my God! Di niya yata kakayanin ang kahambugan nito. Bahala na! Parang nakumbinsi naman yata si Danny kaya sinabi na nito sa boss na interviewhin na siya. Pero yung hitsura niya parang hindi na makangiti. Basta binigay na lang niya ang kanyang resume. Seryoso na ang boss na tumitingin sa kanyang resume. Nakalagay doon na hindi siya nakapagkolehiyo. High School graduate lang siya. Buti nalang hindi na niya nilagay na nakapagtapos siya ng Business Management at baka tanungin pa siyang bat sa pabrika pa siya bumagsak. At pagtawanan pa siya nito. Lalo pa’t nakikita niyang masyadong mapang-asar ito. Mayamayay kung ano-anong mga katanungan ang tinatanong nito sinasagot nalang niya kahit masaydong lampas na sa nakasulat sa resume ang mga tanong. Tiis kalang Erica! Kailangan mo eh. Kalma niya sa sarili. Pagkatapos ng mga ilang katanungan nito basta nalang nito nilagay ang kanyang resume sa ibabaw ng desk nito. Sabay tingin sa kanya. “Matatanggap lang kita...” sabi nito sabay tingin ng seryoso sa kanya. Letse pabitin! “Kapag...” “Kapag?” Aniya na nagtataka. “Mamaya magbabar hopping tayo.” Anito. Ano raw???? Pati si Danny na nakikinig lang sa kanilay napatanga at hindi makaimik. “Kapag pinagbigyan mo ako sa gusto ko mamaya na magbabar tayo pwede ka ng mag-umpisa sa Lunes.” Seryoso parin ito. Seryoso ba to?! Nagtataka talaga siya bakit kailangan nitong mag aya ng bar? “Hmmm Don’t worry isasama naman natin sina Danny at ang asawa niya.” Sabay tingin kay Danny. “Right Danny?” “Yes sir!” Tugon ni Danny sabay tango. “Gf ko po sir. Pinsan ni Erica.” “Ahhh okay! Alright alas8 ng gabi dapat andon na tayo lahat.” Pagkasabi ay tumayo na ito. “See you there!” At sinabi nito kung saang bar sila magkikita mamaya. Nakasunod ang tingin niya rito. Napatayo narin siya at si Danny. “Anyway! I gotta go.” Sabay suot ng coat nito na nakasampay lang sa likod ng upuan. “I have an urgent meeting.” “Ok po sir!” Ani ni Danny. Pero siya nakatayo lang at hindi makaimik. Nagtataka parin dahil sa kanyang magiging boss. Parang naweweirduhan siya dito. Pagkaalis ng boss ay naiwan sila ni Danny sa may labas ng pintuan ng opisina. Kaya hindi na siya nakatiis magtanong. “Ganun ba talaga? Pag may mag-aapply ay mapapainom yung boss niyo?” “Hmmm..! Alam mo Erica, first time lang to nangyari na nag-aya si boss na magbar. Ikaw palang na applikante.” Sagot nito. “Ganun ba?!” Hindi parin siya kumbinsido. “Or talagang baliw lang talaga yung mayabang mong boss?” Tumawa ito. “Magkakilala ba kayo ni sir Ken Erica?” Tanong nito. “Hindi kami magkakilala niyan.” Sagot niya na tumulis ang kanyang nguso dahil naisip na naman niya ang nangyari noong isang araw na na-encounter niya si Ken. Naikwento na niya sa pinsan niya ang nangyari at hindi pa pala nito naekwento sa boyfriend nito. Kaya siya nalang ang nagkwento rito. Napahagalpak ito ng tawa matapos niyang makwento ang nangyari. Na lalo niyang ikinaasar. Kaya napatigil ito bigla dahil masamang tingin ang binigay niya rito. “Huwag kang mag alala Erica, hindi mo pa kilala si sir pero mabait yun.” Kumbinsi nito. Tumango nalang siya at pagod ng makipag-usap kay Danny. Kaya maya mayay nagpaalam na siya rito. Hapon na ng makarating siya ng bahay na tinutuluyan. Pagkarating ay umidlip muna siya dahil tulog din ang pinsa nang nadatnan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD