Jang Na-ra

1285 Words
“You’re running out of time apo. Masyadong lampas na sa kalendaryo ang edad mo. Kailan mo ba ipapakilala samin ang sinasabi mong gf mo for 6years?” Patuloy ng lola niya. Napalunok siya ulit ng laway! Another lie. Napilitan siyang magsinungaling ng minsan tinanong siya nitong kailan siya mag aasawa? Dahil kung wala siyang ipapakilalang babae nitong taon na to mapipilitan itong maghanap ng mapapangasawa niya. Dahil gusto nitong makuha na niya at siya na mismo ang mamamahala ng factory nila dito sa Manila. Kung saan nagtatrabho siya bilang isang manager. At ang papa naman niya ang namamahala nito. Nong una wala siyang interesado sa factory at hindi naman niya alam kung paano ito pamamahalaan. Subalit nagkainteresado siya nong kwenento ng lola niya kung paano nabuo ang factory nato sa loob ng 46 years. Hanggang sa ang kanyang ina na ang namahala nito kahit kasal na sa kanyang papa. Ngunit namatay ito 5 years ago kaya napunta sa kanyang papa ang pamamahala. Kaya napilitan siyang bumalik dito sa Pilipinas. At sa kadahilanang nagpakasal ulit ito. 5 years din siya nagstay sa America. Dahil sa edad na 22 umalis na siya ng bansang Pinas dahil sa first love niya. Labis siyang nasaktan non. At magpahanggang ngayon natatakot parin siyang magmahal ng lubusan. May mga naging gf din siya pero it’s just a fling. Iwinaksi niya ang isipan sa nakaraan na yun. Nakamove on na siya. Siguro nong unang taon masakit pero nong lumipas na ang ilang taon parang wala na ito. Nabalitaan nalang niya na nagpakasal ulit ang papa niya kaya tuluyan siyang napauwi ng Pinas. Wala pang isang taon namatay ang mama niya nagpakasal na ulit ito. Nagpakasal ito sa walang iba kundi ang nanay pa ng ex gf niya. Kaya hanggang ngayon sa loob ng 5 taon dito sa Pinas sa Maynila lang siya. Hindi pa siya umuuwi sa probinsiya nila sa Bicol. Kahit miss na miss na niya ang lola niya. Ayaw niyang makita ang step mother at step sister niya. Bat ba sa dinami daming babae sa mundo nanay pa talaga ng ex niya ang napili ng ama. Nakakatawa! “Soon lola” turan niya sabay napakagat ng labi. “You’ll going to meet her soon...at sigurado akong magugustuhan mo siya.” “Hmmm...siguraduhin mo lang Dicken at ng hindi kita ipapakasal kay Alliyah!” Biglang umigting ang panga niya sa narinig na pangalan. Ngayon lang nasabi ito ng kanyang lola. Kung dati rati sa mga anak ng mga kakilala nito siya gustong ipakasal ba’t ngayon sa taong kinaiinisan at kinasusuklaman pa niya sa lahat?! “Hindi ako nagbibiro at talagang totohanin ko ito.” Banta ulit ng kanyang lola. “It won’t be happen. Sige na la bye. At may naghihintay pa sa akin na kleyente.” Pagkasabi ini-off na niya ang kanyang cp. Napatitig siya sa harap ng sasakyan. Ba’t yun ang naisipang sabihing suhestiyon ng lola niya. Anong alam na nito? Walang nakakaalam sa pamilya niya na dati niyang gf ang anak ng asawa ng tatay niya ngayon. Si Alliyah Mendoza ang babaeng dating mahal na mahal niya. Ang dati niyang buhay. Halos dito lang umikot ang mundo niya. Sa edad na 22, ay balak na niya sanang ayain itong magpakasal. Graduated na siya noon sa college. Nakaready na ang sing2x na binili niya para rito. Subalit isang gabi bago ang proposal niya ay narinig niyang may kausap itong lalaki ng minsan bumisita siya dito. Minsan kasi pagdumadalaw siya rito ay hindi siya nagpapaalam kusa nalang siyang bumibisita sa bahay nito sa gabi. Kitang kita mismo ng mga mata niya kung paano maglaplapan ang mga ito sa madilim na lugar ng bahay ng babaeng yun. Labis siyang nasaktan lalo pat sa mga narinig niyang sinabi ng dating kasintahan. Kaya umalis siya ng walang paalam maging sa pamilya niya. Ipinagpatuloy niya ang buhay sa America. Kasama ang mga kaibigan niya. May trabaho naman siya doon at nakapag ipon siya. Napauwi siya nong malaman niyang namatay ang mama niya. Ikalawang beses na siyang nasaktan. Habang nagluluksa siya mga ilang buwan ang lumipas balak na naman sana niyang bumalik ng State pero wala pang isang taon at napag alaman niyang ikakasal ulit ang ama niya. Kaya hindi na siya tumuloy sa pagbalik doon. Kaya naman pumasok siya bilang manager sa sariling companya. Napatigil siya sa pag-iisip sa nakaraan ng biglang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag ang kanyang kleyente. Kaya mabilis siyang lumabas ng kanyang sasakyan. Pagkasarado ng pintoy dumiritso na siya sa loob ng restaurant kung saan may katatagpuin siyang kleyente. “JANG NARA!” naririnig niya mula sa loob ng kwarto ang pagtawag sa kanya ng pinsan sa sala. Dumating na pala ito. Kaya napabalikwas siya ng bangon mula sa kama. At tiniklop ang pocketbooks na binabasa kanina. Alam niyang siya ang tinatawag nitong “Jang Nara”. Kamukha daw kasi niya ang korean actress na si Jang Nara lalo na pagnakabusangot ang mukha nito. Pero cute naman tingnan. Kahit sino ay nakakapuna sa hitsura niya. Noong unay hindi siya kumbinsido na magkamukha sila. Dahil una sa lahat hindi naman siya hilig manood ng mga koreanovela. Hindi siya avid fans ng mga 2inE1 or di kaya mga hip hop korean at kiPop. Pero nang mapanood niya ang teleserye nitong oh my baby ay nakumbinsi siyang magkamukha talaga sila. Nadatnan niya ang pinsan sa sala na nakaupo sa sofa. Nang lumabas siya. May nginangatngat itong mangga hilaw. Nagtaka siya at biglang napatingin at tumabi siya rito habang nakatitig. May nahihimigan siyang kakaiba. Kaya napatigil ito ng isusubo na sana nito ang kapirasong hiwa ng mangga. Nakatitig din ito sa kanya. Nagtitigan sila. “Buntis ka na naman ba?” Kunot noo niyang tanong dito. Napakunot ang noo nito habang nakatitig lang sa kanya. Mayamayay napatawa ito ng malakas. Kaya nagtaka siya. Baliwa na ba pinsan niya? “Dahil sa kumakain lang ng mangga, buntis na agad?! Hindi ba pwedeng mahilig lang talaga ako sa mangga pagmalapit na akong nireregla?!” Ani nito habang patuloy sa pagpapak ng manggang hilaw. Iningusan niya lang ito. “Ambot lang jud sa imuha dai!” Sabi niya sa bisaya na ang ibig sabihin ay iwan ko lang talaga sayo inday. “Hahahaha...” nang aasar na ang tawa nito. “Ano naman ngayon kung mabuntis insan eh sa ang sarap kaya gumawa ng bata.” Sabay ngisi. Kinilabutan siya sa sinabi nito. Kaya tinakpan na niya ang mga taynga kung ano ang susunod nitong sasabihin. “Lalo na pagmahal na mahal mo yung gumawa. s**t!” Sabay haplos niyo sa leeg na parang nag iimagine. At pumalatak na ng tawa “Stop!ayaw ko ng marinig. Nakakadiri!” Patuloy siya sa pagtakip ng mga taynga. Lumakas na ang tawa nito. “Ganyan talaga pag-v*** pa wala pang karanasan.” “Ang baboy mo Riza!” “Oy!!!!! Hindi ah! Mararanasan;n to mo rin yan pagnagkajowa ka na.” “Ayoko nga. Kung jowa lang wag munang isuko ang bataan saka na pagmag asawa. Nakakaloka!” Ito na naman yung busangot niyang mukha at tumutulis na naman yung nguso niya. “Hindi na uso yan ngayon!” Anito. “Uso yan!” Sabay ingos. “Para sa akin!yan ang pinakamahalaga.” “Ang pinakamahalaga ay yung nagkakaintindihan kayo ng partner mo. At tanggap ka kung ano ka.” Seryos na to. “Over all na yun.” Napatingin siya ulit dito. “Teka! Ano ng balita insan?” “Saan?” Kunwari nito. “Ahhh yun?! Ang sabi ni Danny anytime naman daw may hiring sila. Magsubmit ka lang daw ng resume mo sa Sabado. Sasamahan ka niya.” Nagliwanag bigla ang mukha niya at hinalikan pa ito sa pisngi. Masayang masaya siya sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD