Nagising siyang para siyang dinuduyan. Pero pagod na pagod parin ang diwa niya at hinihila pa rin siya ng antok. Ayaw pa rin magmulat ng mga mata. Pero ramdam niya may pumapangko sa kanya, maya mayay naramdaman niyang inilalapag siya nito sa malambot na kama. Nakakarinig din siya ng mga katok. Gustong gusto niyang magmulat ng mga mata pero ayaw pa rin makisama. Ngunit ramdam niya lang ‘yung nasa paligid. Nang ibuka niya ng dahan dahan ang kanyang mga mata at naalimpungatan siya sa mabangong amoy at kaninay mabigat na nakadagan sa kanya pero ngayon ay umalis ito sa pagkakadagan. Hindi niya maaninag kundi parang anino lang. At tuluyan na siyang napamulagat ng makita niyang si Ken, naghuhubad ng suot nitong pang-itaas. Akala niya tumayo lang ito at binuksan ang pinto, dahil may kumakatok. P

