“So Erica.” Untag ng lola ni Ken sa kanya. Napatigil siya sa kanyang pagsubo ng magsalita ito at narinig ang kanyang pangalan. “What do you do for the living. Paano mo nakilala ang apo ko?” Anito habang kumakain ng pakonti konti. “Ahmmm.” Kita niya ang pagngisi ni Alliyah. Kaya napataas ang kilay niya. “Hindi po ba na-ikwento ni Ken sa inyo?” Umpisa niya na napangiti at tumungin saglit sa asawa saka ibinalik sa kausap. Ang lola nito. “We’ve meet in Los Angeles before. Before i came from Mexico.” Napatingin bigla si Ken sa kanya. Nagulat siguro sa sinabi niyang Mexico. Kaya bigla niya itong sinubuan ng pagkain gamit ang kutsara niya sabay kindat. Parang nagpapahiwatig ang tingin at ngiti nito na wala yata to sa agreement? “Yeah before i come to Los Angeles.” Patuloy niya. “I went to M

