Kabanata 3 - Tunay na Kulay

1700 Words
Kabanata 3 - Tunay na Kulay  Isang malalim na buntong-hininga. Dalawang hakbang ng mga paang papalapit sa kaniya. Tatlong pitik ng isang puso sa loob ng isang segundo. Naririnig iyon ni Adelaida. Gayunpaman, nanatili siyang nakatayo. Suot niya pa rin ang maluwag na hospital gown at komportable naman siya doon. Isang tao lamang ang dumating. Dalawang lunok ng sariling laway. Tatlong katok ang narinig niya sa pinto. Hindi siya gumalaw, kusang bumukas ang pintuan at sinalubong ang kaniyang pigura ng simoy ng hangin. Nakikita niya ang liwanag galing sa flashlight ng lalaking dumating. Tanghaling tapat pa lang ngunit dahil nasa gitna ng kagubatan ang abandonadong kumbento, madilim na sa lugar na iyon lalo na't nabibilang lang sa daliri ang mga bintana doon. Hindi nagsasalita ang lalaki. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang mukha ng bagong dating. May kaunting takot sa kaniyang mga mata, ito rin ay nagugulumihanan, ngunit pinakita nito ang tapang sa kabuuan ng kaniyang tindig. Mahigpit ang kapit nito sa flashlight na para bang ito lang ang sasagip sa kaniya sa panganib. "Hindi ba ako ang hinahanap mo, ginoo?" tanong ni Adelaida nang mapagdesisyunang lumabas mula sa madilim na parte ng hagdan. Puno ng alikabok ang lugar, at tunay ngang nakakatakot. "Are you the one responsible with how our memories altered?" tanong ng lalaki na si Stone. Ilang oras rin siyang naglakad mula sa kaniyang dorm nang mag-isa. Kahit narinig na niya ang sinabi ng pari at ang babala ng kaibigang si Sanchez, nagpatuloy pa rin ito. "Bueno, ako nga," sagot ni Adelaida. Maputla ang mukha nito, mataas rin ang buhok na abot hanggang tuhod. Matangos ang ilong, kulay abo ang mga mata, at maliit ang mukha. Kung titignan, parang magkasing-edad lang sila ni Stone. Mukha rin siyang white lady. Ngunit puno ito ng sugat sa lahat ng parte ng kaniyang katawan, maging ang mukha nito'y parang ilang beses na sinugatan ng kutsilyo. Ang leeg nito'y parang ilang milyong beses sinakal. Kahit natatakot, bumato pa rin si Stone ng isa pang tanong. "P-Paano mo nagawa iyon? A-Anong klaseng nilalang ka?" "Sigurado ka bang kakayanin mo ang mga sagot?" walang emosyong tanong ni Adelaida. Humakbang siya papalapit sa binata na ngayon ay umaatras na. "O-Oo." "Puedo oír tus latidos," sabi ni Adelaida. Naririnig ko ang t***k ng iyong puso. "Hindi kakayanin ng iyong tuhod, ginoo. Bukas ang aking pinto ngunit hindi bukas ang aking kalooban sayo." "Andito na ako, I won't back out now," matapang na sagot ng lalaki na nagpataas ng sulok sa labi ng maputlang babae. "Sigurado akong binura ko na ang memorya mo, at sigurado rin akong isa kang mortal kaya tatablan ka. Hindi ko sukat aakalain na may isang mortal na maglalakas loob na pumunta dito," sabi ni Adelaida. "M-Mortal?" "Anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Adelaida. Ilang minuto ang lumipas ngunit walang salita ang lumabas sa bibig ni Stone. "Wala naman pala," sabi ni Adelaida at tumalikod na para umakyat sa hagdan. Ilang minuto pa ang lumipas at narinig niya ang mga salitang hindi niya inakalang maririnig niya kahit kailan. "May nakita akong kawing ng isang kadena doon sa ospital!" sigaw ni Stone. Nanigas ang babae sa kaniyang kinatatayuan. "K-Katulad ng kadena na nasa leeg mo." Dahan-dahang humarap si Adelaida at nakakuyom ang kamao nito. Bumalik siya sa baba at nilapitan ang binata. "Wala akong panahong makipaglaro sayo, bata. Eso es suficiente, fuera!" That's enough, get out! "I'm not lying! As terrifying as it sounds, may kadena talaga," sagot ng lalaki. Nakaramdam siya ng kakaibang takot nang makitang nag-iba ang kulay ng mga mata ni Adelaida. Naging bughaw ito. "K-Kadenang tanging ako lang ang nakakakita!" "Mentiroso!" sigaw ng babae at sa isang iglap ay nakalutang na sa ere ang binata. Sinasakal ito ng kadenang hindi nakikita ninuman. Nahihirapang huminga si Stone. "Hindi mo maaaring sabihin ang mga salitang wala namang katotohanan! Hindi maaaring isang mortal lang ang makakakita nito!" "N-Ngunit t-totoo ang sinasabi ko!" sigaw ni Stone gamit ang natitira niyang boses. Nang mapagtanto ni Adelaida na walang saysay ang patayin ang mortal, binagsak niya ito sa sahig. "Kung gayon, sabihin mo sa akin ang kulay ng kadenang nasa leeg ko," sabi ni Adelaida. Ilang beses pang tumaas-baba ang dibdib ni Stone, desperadong makakuha ng hangin. Lumipas ang ilang minuto bago ito nakabawi. "Walang kulay ang kadena," sagot ni Stone. "It's just a glowing light shaped like a chain, a bluish-white light." Hindi makapaniwala si Adelaida sa naririnig niya. Ayaw niya itong paniwalaan. Naalala niya ang sinabi ng mga bathalang nagparusa sa kaniya. "Lingid sa mga mata ng mga ordinaryong nilalang ang mga kadena sa kanilang kaluluwa. Ngunit sayo, bilang isang anghel na tumalikod sa kaniyang pagkatao'y masasaksihan ang anyo ng kadenang matagal ng nakapulupot sa iyong puso't naging parte na ng pagiging ikaw. Masasaksihan ng iyong mga mata ang pagdurusa mo maging ang kamatayan ng mga taong may lugar na sa iyong puso. Ngunit ang nilalang na makakakita sa kadena mo'y siyang magpapalaya sayo." "Akin na ang iyong mga kamay," sabi ng babae. Kumunot ang kaniyang noo nang hindi man lang gumalaw si Stone sa kaniyang puwesto. "Ayaw kong ulitin ang aking mga salita, ginoo." "Buburahin mo ba ang memorya ko?" tanong ni Stone. Tinatago nito ang kaniyang mga kamay sa likuran. "Gustuhin ko man, alam kong hindi maaari," sagot ni Adelaida. Lumapit pa siya lalo sa binata. "Huwag kang mag-alala, titignan ko lang kung sino ka sa nakaraan mong buhay." Naguguluhan man, inabot ni Stone ang kanang kamay niya. Hinawakan iyon ni Adelaida at unti-unting nagliwanag ang pag-iisa ng kanilang mga palad. Gaya ng kadenang nasa leeg, may kulay bughaw na liwanag ang lumabas. Ipinikit ni Adelaida ang kaniyang mga mata. Nang buksan niya iyon, nawala na rin ang liwanag. Nagulat pa si Stone nang bigla itong matumba. Mabuti naman at nasalo niya ang babae bago ito bumagsak sa sahig. "B-Bakit di ko mabasa ang iyong nakaraan? Maging kung sino ka man noon?" nagugulumihanang tanong ni Adelaida. Hindi siya makapaniwalang malaking porsyento ang nawala sa enerhiya niya sa simpleng pagbasa sa naging kapalaran ng lalaki. "Are you alright?" tanong ni Stone. Umiling si Adelaida at sinubukang tumayo. Inalalayan siya ni Stone. "Binalik ko na ang alaala mong ninakaw ko," sabi ni Adelaida. "Kaya alam mo na siguro ang tunay kong pagkatao, maging ang nakaraan ko dahil sa nabasa mo sa aking kuwaderno. Nagkakamali ba ako?" Pinakiramdaman ni Stone ang sarili at inalala ang lahat. Simula sa pagyaya ni Claude na mag ghost hunting, sa pagpasok nila, maging ang laman ng kuwaderno. Naalala niya rin ang pagbura ni Adelaida sa kanilang mga alaala maging ang katauhan ng babaeng nasa harapan niya. "I-Ikaw si Adelaida, ikaw ang ang--" "Huwag mo nang ipagpatuloy," malamig na sagot ng babae. "Paano mo nabasa ang aking mga sulat? Natapos mo ba?" "Hindi pa nga ako nangangalahati. I just depended on the internet for the translations so I'm not even sure if I'm reading it right," sagot ng lalaki. Nakasulat kasi ito sa wikang Kastila kaya nahirapan ang lalaki. Kahit wala siyang tulog mabasa lang ang laman, hindi niya pa rin natapos ito. "Kung tunay ngang nakikita mo ang kadena, sasabihin ko rin sa takdang panahon." "Ngunit nagsasabi ako ng totoo!" "Hindi ako nakakasiguro. Ninakaw na ng mundong ito ang aking tiwala," sabi ni Adelaida. "Sa ngayon, sasamahan kita. Lalabas ako dito sa kumbento." "A-Anong ibig mong sab--" Naitikom ni Stone ang kaniyang bibig nang biglang nagliwanag ang katawan ni Adelaida. Umangat ito sa ere. Ang balat nito'y kumikinang. Ang buhok nito'y parang itim na alon na lumilitaw. Ang tanawing iyon ay parang hindi kapani-paniwala. Para siyang diyosa sa pananaw ni Stone. Nang mawala ang liwanag, nakatapak na si Adelaida sa sahig. Parang nag-iba ang anyo nito. Nawala ang mga sugat na gawa ng kutsilyo, maging ang mga marka sa leeg niya na gawa ng mga tali at ng sariling sakal. Lumabas ang tunay na kagandahan nito. "Huwag ka ng magulat, isa akong imortal. Anumang sugat ang gawin ko sa sarili, hihilom ito sa isang iglap," sabi ni Adelaida. "Isa ba iyang sumpa ng isang bathala?" "Isinumpa ako ng mga Furias, binubuo ng tatlong babae; sina Magaera, Tisiphone, at Alecto," sagot naman ni Adelaida. "Sila ang mga diyosa ng impyerno na nakatalagang magparusa sa mga makasalanan sa lupa." "Bakit ka nila pinarusahan?" tanong ng lalaki. "Dahil nagkasala ako, lalo na kay Bathala Pluto, ang diyos ng impyerno," sagot naman ni Adelaida. "Siya ang taga-pamahala sa pitong kasalanang kardinal. Alam naman siguro ng henerasyong ito ang mga kasalanang ito, ako ba'y nagkakamali?" "You mean the seven deadly sins? The pride, greed, l**t, envy, gluttony, wrath, and sloth," sagot ni Stone. Tumango naman si Adelaida. "And are the deities even real?" "Bakit? Sino ba ang pinapaniwalaan ng mga Indio ngayon?" "Mostly, everyone believes in Jesus. May mga muslim rin, and they call God with different names but they only refer to one God," sagot naman ni Stone. Kumunot ang noo ni Adelaida. "Ang ibig mo bang sabihin ay wala nang sumasamba sa mga bathalang sina Pama, Febo, Cupido, maging kay Venus?" "I'm familiar with some, but I think no one believes in them anymore," sagot ni Stone. "This is the modern era. Kung anuman ang nakagisnan mo, malayong-malayo na sa nangyayari ngayon." "Nasaksihan ko nga," sagot ni Adelaida. Naalala nito maging ang kasuotan ng mga babae at lalaki. "Sasama ka ba sa akin sa paglabas?" tanong ni Stone. Tumango si Adelaida. "Kailangan kong sumama sayo, ikaw ang posibleng tatapos sa buhay ko," walang emosyong sagot ng babae. "Why are you desperate to end your life?" "Dahil hindi naman talaga tunay ang aking pagkabuhay." Nanatiling tahimik ang dalawa. Nang makalabas na sa abandonadong kumbento, napalingon si Adelaida. Hindi niya batid kung makakabalik pa ba siya doon o habang buhay na lilisan. Iyon na ang naging kulungan niya sa loob ng dalawandaang taon. "Adelaida, ano bang kasalanan mo?" Napahinto ang babae sa paglalakad nang marinig ang tanong na iyon. Naiyukom niya ang kamao at nagliwanag iyon. Ilang segundo pa'y kalmado na siya ngunit nanatiling seryoso. "Hindi ko matandaan," sagot ni Adelaida. Ngunit bawat segundo at bawat paghinga niya'y laman pa rin ng kaniyang kaluluwa ang mabigat na kasalanan. -

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD