Chapter 1

1410 Words
(2014) “I wish my book of life was written in pencil. Because there are a few pages I would like to erase…” “Celeslie! Gising na!” pukaw sa'kin ni Tita Anne. “It's already seven. Ma le-late na kayo sa school,” anito pa. “Ugh…” ungot ko. Saka hinablot ang kumot at nagtabon niyon. “Fifteen minutes please…” “Another fifteen more minutes and you will surely be late, Honey.” “Yah! I hate mornings!” ungot ko pa. “No, you don't. Because, waking up in the morning is a sign of new life and a new day! So we should always be thankful for that,” Sermon pa muli ni Tita Anne. “Kung natutulog ba naman kasi kayo ng mas maaga sa alas-dose ng madaling araw, eh ‘di sana ay hindi kayo napupuyat.” dagdag sabi pa nito. I have no choice but to get up on the bed. Para akong zombie sa isang pelikula kung kumilos. Mula sa itsura hanggang sa galaw kuhang-kuha walang mintis. “Mamaya na po ako kakain, maliligo na lang muna ako,” paalam ko muna kay Tita Anne na kasalukuyan ng inaayos ang higaan ko. Ngunit bago pa man ako makapasok sa banyo ay narinig kong sumisigaw na tinawag ni Kel ang pangalan ko. “Ate Celeslie! Si Kuya Jared nasa baba na,” importa nito sakin. “Okay!” sagot ko naman sa pinsan kong si Kel. Matalik na kaibigan ko si Jared. We've been friends since Elementary days. Hanggang sa ngayon na senior high na kami magkaibigan pa rin kami. Or should I say friends and enemies. Matalik na kaibigan, na matalik ko ring kaaway at kabardagulan. Mabilis akong naligo at nagbihis para makababa na. Kailangang kong bilisan ang kilos dahil kung hindi, sermon naman aabutin ko kay Jared mamaya. Nang makababa ay naabutan ko si jared na nakaupo sa sala habang nag-aantay. “Oh pangit ang aga mo, ah,” agaw atensyon ko sa kanya ng makababa ako. “Maaga? It's already seven thirty-seven a.m. in the morning na, Les. Maaga pa ba yun sayo?” nakasimangot na sagot nito ng tingnan ang relo niya sa kanang kamay. “Seven minutes late pa lang naman tayo, ah maaga pa iyon,” pagdadahilan ko pa. Napailing siya. “Whatever, Les. Come on, let's go!” anito pa. Saka basta na lamang hinawakan ang kaliwang kamay ko at hihilain na dapat ako papalabas. “Wait wait!” agad na protesta ko sa kanya. “What?!” “Hindi pa ako, kumakain.” ani ko. Pagkatapos ay hilaw na ngumiti sa kanya. “Then I’ll buy you food at the cafeteria. Sa school ka na kumain. Kailangan na talaga nating umalis. Late na tayo sa first subject natin!” Wala na akong nagawa at naisagot pa ng tukuyan na niya akong hilain papalabas ng bahay. “Celeslie, your breakfast!” dinig ko pang sigaw ni Tita Anne sa akin bago kami tuluyang makalabas ng bahay. “I’m sorry, see you later, bye!” Nang makarating sa garahe ay agad akong pinag buksan ni Jared ng pinto ng sasakyan niya. He's using his favorite car today. Si Cleo, his Toyota Corolla altis. Ang sasakyang regalo sa kanya ng daddy niya last year noong magbirthday siya. “Ano na naman bang pinagpuyatan mo kagabi at na late ka na naman ng gising ngayong araw, lunes na lunes?” He asked. Habang nagmamaneho. “Yay! Jowa ‘yan,” pabirong sagot ko. Pero deep inside, iniisip at hinihiling ko na sana ay gano’n nga talaga kami. “Stop it, Les. Kailan ka ba magseseryoso sa studies mo? Huling taon na natin to sa senior high. Kolehiyo na ang susunod. Pero hanggang ngayon parang wala ka pa ring pakialam, eh.” “Pangit mo talagang ka-bonding kahit kailan,” bulong na sagot ko naman. Pagkatapos ay nagpanggap na lang akong hindi nakikinig sa mga sinasabi niya. “I know you heard me,” pagkakuwan na sabi nito. “Okay naman ang grades ko, ah,” pagdadahilan ko. “Yeah, but we both know that, you can do better. Matalino ka, kung tutuusin sisiw lang sa'yo ang dean's lister kong seseryosohin mo lang. I let out a deep sigh. Alam ko namang concern lang siya pero hindi ko maiwasang mainis sa kanya. “Wala naman magbabago kahit magsunog kilay ako sa pag-aaral ko. There's no use. Hindi naman mapapauwe ng medalyang matatanggap ko ang nanay ko rito. At kahit pa nga yata kamatayan ko, hindi sapat na dahilan para umuwi siya ng pilipinas at ipalibing ako.” Nasasaktan man pero tiniis ko ang sarili kong hindi maiyak habang sinasabi ang mga salitang iyon. Masakit aminin at tanggapin sa sarili ko mismo pero, iyon ang katotohanan. Katotohanang wala na akong mga magulang. “Celeslie!” tawag ni Jared sa buong pangalan ko. Naiirita na siya kapag gan'yan. Pero wala akong pakialam at patuloy siyang hindi pinansin at hinayaan siyang sumunod sa akin saan man ako magpunta. “I’m really sorry, I didn't mean to hurt or offend you a while ago,” ulit na sabi niya pang muli. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang humingi ng sorry simula kanina. Kung tutuusin hindi na ako galit sa kanya. Wala naman na kasing silbi para magalit at damdamin pa ang tungkol sa bagay na iyon. Sadyang gusto ko lang siyang makitang sinusuyo ako. Sinusuyo ako kasi iniisip niya na galit ako sa kanya. I know it sounds immature, but I like it. I feel so special. Gustong-gusto kong sinusuyo at hinahabol ng isang Jared Pimentel. Sino ba namang hindi? Isa sa pinaka gwapong estudyante at magaling na varsity player ng Xavion Academy. MVP at mula sa pamilya ng mga mayayaman? Hayss! Ang sarap mag yabang at ipagsigawan na ‘Mahal ko ‘yan!’ pero syempre, hindi ko magawa. Because it would be the death of me. Para ko na rin kasing inuntog ang sarili kong ulo sa pader kapag ginawa ko ‘yon. Hindi pwede, kasi si Celeslie Laurente lang ako. May kinikilalang pamilya pero walang magulang. May pagkain na nakakain sa lamesa pero walang serbedora. May tahanang natutulogan pero walang kayamanan. Hindi pwede dahil magkaibigan kami, hindi pwede dahil may ibang siyang natitipuhang babae. Hayss! Napakaraming sagabal sa loves storing gusto ko sanang ipaglaban. “Parang gustong sumakit ng ulo ko. Nahihilo na ako sa kasusunod ng tingin kay Jared,” dinig kong reklamo ni Seb. “Ako rin. Hindi ko alam kung kanino ako mas maiinis, eh. Kung kay Les na halatang pa hard to get, o kay Jared na parang nag rorosaryo habang nagpo-prusisyon sa kakasunod kay Les,” segunda naman ni Hero. Nakaupo ang dalawa kasama si Chesca sa isang table na pinakamalapit sa counter kaya dinig ko ang pag-uusap nila. Kasalukuyan akong nakapila sa counter para bumili ng makakain namin ni Chesca. Habang si Jared naman ay nakipila na lang din dahil sa kakasunod sa’kin. Mula sa likuran ay muli akong kinalabit ni Jared. “Come on, Les. Bati na tayo,” Nilungin ko siya at bahangyang tiningala. “Okay, makikipagbati lang ako sayo sa isang kondisyon,” sabi ko. Habang seryoso lang siyang nakatingin sa akin at naghihintay sa susunod kong sasabihin. “Ililibre mo ako, o Ililibre mo ko?” dagdag sabi ko pa. Saka pinagtaasan siya ng kilay. At dahil nakaharap at nakatitig lang din ako sa kanya. Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo niya bilang reaksyon matapos kong sabihin iyon. “Wait, nasaan ang option dun sa sinabi mo?” anito. “Tsk! Ayaw mo? Okay! see you in next lif—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita. “Okay okay! Sige na! Ililibre na kita until Thursday,” pagsuko nito. Napanguso ako. “Hanggang huwebes lang?” sabi ko pa. “Friday, then.” “As in, until Friday lang?” hirit ko pa. “The fuc–” “Oops! Watch your mouth, Pangit!” “Okay fine! Until Saturday then, now happy?!” “Heeyuup!” masigla at nakangising sagot ko naman agad sa kanya. “Yes! unli snacks ako this week!” Pakantang sambit ko pa ng paulit-ulit. “Why do I have this feeling na, nabudol na naman ako?” “Tsked! Ka-budol-budol ka naman kasi talaga!” Halos sabay na sagot ni Seb at Hero kay Jared na nakalapit na pala sa amin mula sa likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD