Matapos bumili ng pagkain ay sabay-sabay na kaming bumalik sa apat at naupo sa iisang lamesa.
“Salamat naman at makakakain na ako,” saad ni Chesca nang makaupo na kami sa table. “Where is my cheesecake?” anito pa. Nang hanapin ang ipinasuyong bilhin na pagkain cafeteria.
“Hmm…ito,” sabay abot sa kanya ng dalawang slice ng cheesecake.
“Hanep, parang gutom na gutom lang, ah.” Komento ni Seb.
“Eh, sa nagugutom naman talaga ako, e. Hindi ako nakapag-almusal kanina sa pagmamadali,”
“Napuyat ka rin?” Pagkakuwan na tanong ni Jared.
“Medyo. Acads, eh” sagot naman ni Chesca na kasalukuyan ng nilalantakan ang pagkain niya sa tabi ko.
“Pangit, nasaan ang pagkain mo?” Tanong ko ng mapansing wala nga pala siyang dalang tray kanina.
“Hindi pa ba kasama diyan sa order mo?”
Nagtataka akong umiling. “Hindi. Sa akin lang ‘tong binili ko, este! Binili mo pala.” dagdag sabi ko pa.
“Hanep! Sayo lang lahat ‘yan? Yang dalawang slice ng pizza, isang ensaymada, fries, spaghetti at dalawang can drinks?!” parang hindi makapaniwala na tanong ni Seb.
“Oo, bakit? May kulang ba?” Nagtatakang sagot ko habang isa-isa ko silang tiningnan.
“Les, alam kong masiba ka. Pero ngayon, mukha ka ng patay gutom,” napapakamot sa kilay na sabi ni Hero sa’kin.
I glared at him. “Eh, kung ikaw kaya ang patayin ko ngayon?” Mabilis na sagot ko saka dinampot ang disposable fork na nasa tray ko.
Agad na tumayo si Hero mula sa pagkakaupo at lumayo sa'kin.
Gano'n din si Seb. “Gago ka Dre’!”
Habang si Chesca naman ay patuloy lang na kumakain sa tabi ko na parang walang pakialam samin.
“Hey! Hey! Stop!” saway ni Jared sa akin. Mabilis niya ‘kong nahawakan sa baywang para pigilan makalapit kay Hero.
“Sira ka kasi! Ba’t mo sinabihan ng gano'n!” saway naman ni Seb kay Hero. Saka binatukan ang kaibigan.
“Sorry na! Malay ko bang magsu-supersayan siya bigla.” pagdadahilan pa nito.
Bumalik ako sa pagkakaupo at inilapag ang tinidor na hawak ko. Habang si Jared naman ay dinampot ang ilang gamit namin nahulog sa sahig.
“Sige na,kumain ka na. Balik muna ako sa counter para bumili ng snacks ko. Hayaan mo na ang mga siraulong ‘yun,” anito.
“Bakit ang lakas ng kutob kong tatandang bulok ang utak niyang kaibigan mo?” Saad ko pa.
Papunta na sana siya sa counter ng biglang nagbulungan ang mga estudyanteng kumakain sa cafeteria. Pare-pareho kaming nagtaka.
Mayamaya pa ay pumasok mula sa entrance ng Cafeteria ang magkapatid na Torres. Si Dexter at Diana, kasama ang pinsan din nilang si Greg na nakasunod lang din sa dalawa.
Nakasunod ang lahat sa kanila ng tingin ng makapasok. Si Dexter na seryoso lang ang mukha at walang pakialam sa mga taong nadadaanan. Habang kasalungat naman nito ang kapatid na si Diana.
Panay kasi ang ngiti at kaway ni Diana sa mga kapwa estudyanteng bumabati sa kanya.
Agad kong nilingon si Jared na nasa tabi ko pa rin. Titig na titig rin siyang nakasunod ng tingin kay Diana. At kahit sino pa yatang makakakita sa itsura ni Jared ngayon, ay mabilis na mababasa ang kaligayahan sa kislap ng mga mata nito.
Nagbaba ako ng paningin. Hindi ko kaya. Nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita siyang masaya dahil sa presensiya ng iba. Nasasaktan ako sa katotohanan na hindi niya ako kayang tingnan ng ganyan ka saya.
Mayamaya pa ay naramdaman ko ang paghawak ni Chesca sa kaliwang braso ko.
Nilingon ko siya. And then, I noticed that she was mouthing something. "Are you alright?”
Bahagya akong tumango at ngumiti sa kanya bilang sagot.
Samantalang bumalik ang atensyon namin ni Chesca kila Diana at Dexter na papalit na ng papalapit sa gawi namin.
Napakunot pa ako ng noo nang makasalubong ko ng tingin ang mga mata ni Dexter.
“Hi Celeslie,” bati agad sa akin ni Dexter ng tuluyang makalapit. Habang nakapamulsang nakatayo sa harap ko.
Hindi ka agad ako nakasagot kay Dexter at saglit na natulala. Pinoproseso pa kasi ng utak ko ang pangyayari. Nagtataka kung bakit niya ako kinakausap at binabati ngayon.
Sikat man bilang isa rin sa mga miyembro ng varsity sa school, ay kilalang suplado at tahimik lang na tao si Dexter. Magaling din siyang player ng basketball team, at minsan na rin tinanghal na MVP. Kung sino-sino rin ang napapabalitang na li-link sa kanyang ka schoolmates namin pero, wala naman doon ang kahit isa ang inamin o nakita man lang na kasama siya.
Pero hindi rin naman kasi impossible ‘yon maging totoo. Di naman mapagkakaila sa itsura pa lang, eh, pasado naman siya sa pagiging heartthrob. Matangkad, gwapo, maporma at mayaman pa.
Hindi ko sigurado pero feeling ko pasimpleng malantod din yata ‘tong si Dexter eh. Parang style Jared lang din ang peg?
“Hoy! Hi daw,” pukaw sa'kin ni Chesca mula sa malalim na pag-iisip.
“Huh?Oh, ahm…Hi!” Nauutal-utal pa na sagot ko.
“Wow! Tameme lang ang peg beh?” Pabulong pa na sabi ni Chesca.
“Hi Les,” nakangiting bati rin sa akin ni Diana na bahagyang kumaway pa.
Ang ganda niya talaga. No wonder kung bakit nagustohan siya ni Jared. Bukod kasi sa mala-angel niyang mukha ay kita rin naman ang pagiging mabait niya. Bagay na bagay sa pagiging muse niya sa vanity team.
Malayong malayo sa itsura at sa pag-uugaling meron ako.
“Hello,” pagkakuwan na sagot ko.
Bumaling siya ng tingin kay Jared. “Hi Jared. It's good to see you again,”
“H-Hi! Ahm…ako rin. Akala ko sa sabado pa kita nakikita ulit,” Matamis at malapad ang pagkakangiti na sagot ni Jared.
Muli na namang pabulong na nagsalita si Chesca sa tabi ko. “Tsk. Magkaibigan nga talaga kayo ni Jared. Parehas tanga at tameme,” dinig kong sabi niya.
Pasimple ko siyang siniko para manahimik. Nakakahiya at baka may iba pang makarinig sa mga pinagsasabi niya.
“Busy sa Acads at training, eh. Malapit na ang Finals. So yeah, medyo busy talaga. Pero sasama ako manood ng training niyo sa Saturday,” anito.
Saka nilingon ang kapatid na si Dexter. “Pwede naman ako sumama Kuya ‘di ba?” tanong pa ni Diana sa nakatatandang kapatid.
“Ikaw bahala,” kibit balikat na sagot ni Dexter. Saka muling lumingon at tumingin sa akin. “How about you, Les? Are you going?” tanong nito sa akin.
“Oo naman!” agad na sagot ko. Pagkatapos ay pinulupot ang kanang kamay ko sa leeg ni Jared.
“Aray! Les!” reklamo pa nito.
“As moral support kahit ang pangit-pangit nitong ka-bonding,” dagdag sabi ko pa.
“Yung panonood ng practice ba talaga ang habol mo, o yung libreng balak mo palang singilin sa akin? Ah..aray! Bitaw ka na nga!”
“See you on Saturday then.” seryoso pa rin ang mukha na saad ni Dexter. Saka walang kung ano-anong tinalikuran na kami nito at dumeretso sa counter.
Nagkibit balikat na lang ako sa ginawa niyang iyon. Alam ko naman na talagang suplado siya at walang pakialam sa paligid niya kaya natural na siguro rito ang gano'ng kilos.
Nagpaalam na rin si Diana at Greg sa amin at agad na sinundan si Dexter.
Nang makaalis sila ay muli kaming naupo at nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na rin sina Seb at Hero sa kinauupuan nila kanina. Habang ako at si Jared naman ay nag-share na lang din sa pagkain sa tray ko.
Abala na ako sa pagkain at pakikipag-usap kina Seb ng maramdaman kong parang may nakatingin sa'kin. Nilingon ko si Jared na nasa tabi ko lang nakaupo. Pero abala siya sa kinakain niyang pasta.
Hanggang sa dumeretso pa ang paningin ko sa bandang unahan.
And then, I met Dexter eyes staring at me.