Chapter 3

1630 Words
“Okay, that would be all. Class dismissed.” “Sa wakas! Natapos din,” sambit ni Chesca ng matapos ang klase namin sa huling subject. Natatawa akong nilingon siya sa bandang likuran ko. “Yeah. Gusto ko na rin talaga makauwe at magpahinga,” sagot ko naman sa kanya. Nag-ayos na rin ako ng gamit para makauwi na. Feeling pagod na pagod din talaga ako sa dami ng activities na ginawa namin ngayong araw. Kung pwede nga lang siguro hindi maki participate ginawa ko na. Kaso hindi pwede eh. Because, each participation and activity has a corresponding number of points. Kung pati iyon ay hindi ko seseryosohin, baka sa kangkungan na talaga ako pulitin. “Ay! Naalala ko,” agaw pansin ko kay Chesca. “sama ka muna sa akin sa locker. Nandun yung Jersey shirt mong hiniram ko noong nakaraan. Nadala ko na kanina, pero iniwan ko lang muna doon at di kita nakita agad kanina, eh.” sabi ko. “Okay,” anito. Saka tiningnan ang screen ng cellphone niya. “wala pa namang text sa'kin.” sabi niya pa na ang tinutukoy ay tiyuhin niyang susundo sa kan'ya pauwi. Lumabas na kami ng room at binaybay ang hallway pa punta sa locker room ko. Papaliko na sana kami papunta sa mismong kinalalagyan ng locker ko ng may marinig kaming nagsasalita. Kaya napa dahan-dahan kami sa paglalakad. “Please Dexter, kahit ito lang. Pagbigyan at tanggapin mo na,” dinig naming sabi ng isang boses babae. Hanggang sa tuluyan na kaming nakaliko at napatigil sa paglalakad ng maabutan namin ang tatlong kataong nakatayo rin doon sa di kalayuan. Napataas ako ng kilay at nagtaka ng makilala kung sino ang mga iyon. It was Dexter, Greg at isa pang babae na nakatayo patalikod sa gawi namin. Hindi ko kilala pero nakasisiguro akong estudyante rin siya sa school base na rin sa uniform na suot niya. Nakita kami ni Greg. Pero saglit lang siyang tumingin sa amin at pagkuwan ay bumaling ulit tingin sa babaeng kausap ni Dexter. “I’m not interested.” Tanggi ni Dexter sa babae. “Kahit ito lang ang tanggapin mo,” pagpipilit pa uli ng babae sa kung anong hawak nitong inaabot kay Dexter. “Please, just think of it as your birthday gift to me.” anito pa. “If I accept that, what should I do with that then?” “Ikaw na bahala, basta tanggapin mo lang ‘to,” Hindi ko alam kung bakit, pero tahimik lang din kami ni Chesca habang nakatayo roon. Hanggang sa mag-ring ang cellphone niya at pareho kaming nataranta. Dali dali naman niya iyong hinanap. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa hiya, ng sabay-sabay silang tatlong lumingon sa gawi namin ni Chesca. Napangiwi na lamang ako sa kanila saka bahagyang kumaway. “Hi…” parang tanga na bati ko pa sa kanila. Pagkatapos ay napa tuon ako ng tingin kay Dexter. Nakatitig rin siya sa akin kaya nakita ko ang reaksyon ng mukha niya na parang may bahid ng ngiti o kung ngisi ba ang tawag doon ay hindi ko na alam. Bigla akong kinabahan. Kumakabog ang dibdib ko parang ewan. “Okay sige po, palabas na ako diyan,” si Chesca nang masagot ang tawag sa telepono niya. Mayamaya pa at kumilos na si Dexter. Tinanggap at kinuha na niya iyong bagay na hawak-hawak ng babae. Natuwa naman ito at paulit-ulit pang nagpasalamat sa binata ng maiabot iyon. “Thank you, Thank you so much, Dexter!” anito. Agad na naglakad at dinaanan lang ng mukong iyong babae na nagpapasalamat pa nga sa kanya. Dirediretso lang siyang naglakad at napansin kong parang papalapit siya sa'kin. Seryoso ang mukha at diretsong nakatingin na naman siya ulit sa akin. Hayss! Bakit ba ang hilig-hilig manitig ng taong ‘to? Sa isip-isip na tanong ko sa sarili ko. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sundan na lang din siya ng tingin. Hanggang sa tumigil siya mismo sa may harapan ko. “Here,” aniya. Napatingin ako sa kamay niya. “Huh?” “I said, here, take this,” ulit niya pa. Habang inaabot sa akin ang hawak-hawak na kulay peach na papel. Nagtataka man pero parang tangang tinanggap ko iyon. Pagkatapos ay walang sabi-sabing iniwan na lang ako nito bigla habang nakatitig sa bagay na ibinigay niya. Huli na ng ma realize kong isa pa iyong sobre na kulay peach. Ito rin yung binigay ng babae sa kanya. “Siraulo, bakit niya binigay sa'kin ‘to?!” Nagtataka pang tanong ko sa sarili ko mismo. Kaya hinabol ko siya. “Wait! Saglit lang!” tawag kay Dexter. “Hoy, Les! Saan ka pupunta, umuwi na tayo!” Habol din sa'kin ni Chesca. Pero hindi ko siya pinansin at patuloy na hinabol si Dexter. “Saglit! Hintay kasi! Ba’t mo ‘to binigay sa'kin?!” sigaw na tanong ko pa habang nakasunod sa kanya. “It's yours.” sagot naman nito. “Huh? At ano namang gagawin ko rito?!” Nagtataka uling tanong ko. Nakasunod pa rin ako sa kanya. Hindi ko siya halos masabayan dahil parang ang bilis niyang maglakad. Kaya tumakbo na ako at nauna para maharangan siya. Mabuti na lang at huminto na rin siya. “Diyos ko! Mas lalo akong napagod sa kakahabol sa'yo, eh,” reklamo ko pa. “Oh,” sabi ko pa sabay abot sa kanya nung sobre. “I said it's yours,” “Huh, Adek! Paanong sa akin, at saka ano namang gagawin ko dito—” hinto ko pagsasalita. At saka muling tiningnan ang hawak-hawak kong sobre, “sa sulat o love letter yata ito para sa'yo, eh.” “Read it for me then,” nakangiti niyang sagot sa akin. Bigla akong natulala at natahimik. Hindi ko alam kung sa nakakagago niyang sagot o sa ngiting nakikita ko ngayon sa mga labi niya? “Marunong ka pa lang ngumiti?” Wala sa huwisyo na sabi ko. Huli na ng napagtanto kong mali ang ginawa ko. Dahil nakita ko ang mabilis na pagkawala rin agad ng ngiting iyon sa mga labi niya. Parang gusto ko na lang din magsisi at sampalin ang sarili ko dahil dun. “I’m sorry,” bumalik sa walang emosyong mukha na namang sabi niya. “Para saan?” Nagtataka na tanong ko. Pero hindi naman niya ako sinagot. Kaya muli akong nagtanong. “Hinihingan mo ng sorry sa akin ang pag ngiti mo?” Nag-iwas siya ng tingin sa'kin. Mukha siyang nagsisisi na nahihiya dahil doon? “Bakit? I mean, may sumpa ba ang ngiti mo para hindi pwede makita ng iba?” Ani ko pa. “No, it's just that—” naputol ang sinasabi niya ng dumating si Greg. “Diana is at the parking lot already,” saad nito. Nilingon ni Dexter ang pinsan. “Okay,” sagot niya rito. “Go on, susunod ako.” Greg nodded at me before he left. “Katulad ng sabi ko, diyan na ‘yan sa'yo. Basahin mo para sa akin,” pagkakuwan na sabi ni Dexter. Muli na naman akong naguluhan at nagtaka. “Bakit ako?” Parang sirang plaka na namang paulit-ulit na tanong ko mula kanina. “I'm not interested in that.” “Tinanggap mo tapos hindi ka naman pala interesado? Aba'y sira ka rin eh,” medyo naiirita na sagot ko. “Dapat kung gano'n naman pala ang pananaw mo, eh hindi mo na lang sana tinanggap! Isipin mo, hindi ka naman siguro tanga para hindi mahalatang may gusto siya sayo?! Kaya ka nga sinulatan eh. At dahil diyan sa ginawa mo, you are giving a false hope to someone! Kung hindi ka naman pala interesado at the first place, hindi mo na lang sana tinanggap at nireject mo na lang agad-agad! Masasaktan siya sa rejection, but at least mas madali niyang matatanggap yun kasi nalaman niya kaagad. Hindi iyong katulad ng ginawa mo ngayon, na iisipin niya muna na may chances siya kasi tinanggap mo itong sulat niya. Pero later on malalaman din niyang wala naman pala? Kung kailan umasa na siya? Double kill yun! Mas masakit kesa direct rejection! Kapag nalaman niya!” Halos hingalin na sabi ko pa. Nakakainis isipin na may mga taong hindi marunong magpahalaga sa damdamin ng iba. Such an impulsive act! Lumipas ang ilang segundo pero walang may umimik sa aming dalawa. Magkaharap na nakatayo lang kaming dalawa roon na parang inaaral at kina kabisado ang mukha ng isa't isa. Pero agad din naman nabasag ang katahimikan na iyon ng sumagot at magsalita na siya. “Ganon ba talaga ang pagkakaintindi mo sa ginawa ko?” pagkakuwan na tanong nito. “That I'm insensitive?” “Yes, because that's exactly what you did earlier." “Unbelievable! You know what, napaka one sided mo. How can you be so sure na masasaktan siya at gano'n ang mararamdaman niya? Bakit closed ba kayo, nakakausap mo ba siya? Ikaw ba siya?" Sunod-sunod na tanong sabi niya. “Isang possibilities lang ang inisip mo at pinag basehan mo. Hindi mo man lang naisip na baka kaya tinanggap ko kasi nga nabanggit niya na birthday niya. Sorry naman kung pinagbigyan ko siya kasi nga insensitive ako sa feelings niya." Parang pepe lang din akong nakinig sa mga sinabi niya. Hindi man siya sumisigaw o malakas ang boses pero ramdam ko ang bigat sa bawat salitang binitawan niya. “Look, hindi lahat ng sitwasyon pare-pareho. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan ihalintulad mo ang naging karanasan mo sa ibang tao," dagdag sabi pa niya. Saka mas lumapit pa sa akin at muling nagsalita. “Hindi rin ako si Jared para saktan ka na lang ng basta-basta." Sabi niya pa bago tuluyang umalis at iwan akong nag-iisip pa tungkol sa mga sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD