Jade's Point of View
Nandito kasi ngayon ni Jackson Hyung sa grocery para mamili ng mga lulutuin namin para sa birthday ni Jace. Paboritong pagkain niya ang lulutuin namin, konti lang naman dahil kami kami lang naman ang magse-celebrate, wala siyang ininvite na kahit na sino gusto niya kami lang anim.
Nandito na rin naman kami sa mall bibili na rin kami ng pang decoration para naman mag mukha talagang birthday hindi parang kumain lang kami. Bibili rin ng regalo si Jackson Hyung dahil hindi siya nakabili kahapon.
"Kumpleto na ang lahat?" tanong ko kay Jackson Hyung nasa kanya kasi ang listahan ng bibilhin naming ingredients.
"Yes," sabi niya sabay sara ng notebook na hawak niya. "Bayaran na natin."
"Okay," sabi ko at tinulak ang push cart papunta sa cashier. Maaga kaming dumating dito kaya konti pa lang ang pila, may dalawang tao pa bago kami ang nasa pila pero punong puno naman ang cart nila.
"Ako na lang muna ang pumila dito, bili ka muna ng i-rerelo mo para mabilis tayo," sabi ko.
"Okay," sabi niya tsaka naglakad palabas ng grocery.
Mga ilang minuto pa ang hinintay ko ng ako na ang sumunod, hindi naman ganun ka dami ang binili namin kaya mabilis lang ako na natapos. Hindi rin naman ako nahirapan na magbuhay dahil nakalagay naman sa push cart, saktong paglabas ko ng dumating si Jackson Hyung dala ang binili niya.
"Tapos ka na?" tanong niya.
"Yes," sagot ko.
"Then bili na tayo ng pang decorate para agad tayong makauwi at makapag luto," sabi niya, tumango lang ako sa sinabi niya.
Habang naglalakad kami may napansin akong pamilyar na tao. "Si Noona ba iyon?" tanong ko kay Jackson Hyung.
Tinignan naman niya ito. "Oo siya nga," sabi niya.
May kasamang lalaki si Noona at napapansin namin na parang hindi siya komportable dito kaya nag desisyon kami na lapitan siya. "Christine," tawag ni Jackson Hyung sa kanya na kinaharap niya kita kong parang nakahinga ng maayos si Noona.
"Jackson, Jayden," sabi niya. Mabilis na lumapit sa amin at agad na kumapit sa kamay ko.
"May ginawa ba siyang hindi maganda, Noona?" mahinang sabi ko.
"Blind date ko siya dati pero ayoko sa kanya dahil bastos, kahit ilang beses ko siya i-reject ayaw niya akong tigilan," bulong niya.
"Sino sila Christine?" tanong nung lalaki.
"I'm Jayden, her boyfriend," sagot ko, ito ang alam ko para tigilan niya si Noona. Alam kong napatingin sa akin si Noona pero wala naman siyang sinabi.
"Boyfriend ka niya?" takang tanong nito.
"Oo bakit?" malamig na tanong ko.
Kita ko naman na natakot siya. "W-Wala," utal na sabi niya.
"Anong kailangan mo sa kanya? Bakit parang ginugulo mo siya?" tanong ko.
"W-Wala may tinatanong lang ako, s-sige alis na ako," sabi nita at mabilis na umalis.
Tumawa naman ng malakas si Jackson Hyung. "Duwag naman pala iyong lalaking iyon eh," sabi niya.
"Salamat Jayden," sabi ni Noona.
"Wala iyon, Noona," sabi ko. "Bakit kasi hindi mo sinabi agad sa kanya na may boyfriend ka na?'
"Hindi kasi maniniwala iyon kapag sinabi ko lang dapat may maipakita ako sa kanya," sagot niya.
"Mabuti na lang nakita ka naman," sabi ko.
"Oo nga, mabuti na lang natakot sa 'yo kaya paniguradong hindi na niya ako guguluhin," sabi niya.
"Kung guguluhin ka man tawagin mo lang ako Noona," sabi ko.
"Ahhh, ang sweet talaga ng bunso ko," sabi niya at kinurot ako sa pisngi, sanay naman ako na lagi niya akong binibaby at kinukurot sa pisngi.
"Sama nga na muna sa amin Noona, Baka naghihintay pa iyon sa 'yo sa labas," sabi ko sa kanya.
"Mabuti pa nga," sabi niya tsaka kami nanglakad. "Sino ang may birthday?" tanong niya ng makita ang mga pinipili naming decoration.
"Si Jace," sagot ko.
"Oo nga pala birthday niya pero bakit wala akong nababalitaan na maghahanda siya? Sikat si Hunter kaya paniguradong kakalat iyon," sabi niya.
"Simple lang naman ang gagawin namin kaya hindi na siya nag imbita pa ng iba," sagot ko. Napatango naman siya.
Nang mabili na namin lahat ng kailangan namin, umuwi na kami. Hinatid na muna namin si Noona bago kami bumalik sa bahay namin. Agad naman namin inasikaso ang pagluluto habang si Tayler Hyung ang mag aayos ng mga decoration na binili namin.
"HETO ang regalo ko," sabi ko at binigay kay Jace ang regalo ko. "Marami ka ng ganyan pero 'yan lang ang alam kong iregalo sa 'yo."
"It's okay as long as it's from you," nakangiting sagot niya.
"Hindi pa rin talaga ako sanay na makitang sweet si Hunter," sabi ni Tayler Hyung na nakangiwi.
"Masanay na kayo dahil araw araw niyo ng makikita iyan," sabi ni Jackson Hyung.
"Ano pa nga ba kasama natin siya sa bahay," sabi ni Tayler Hyung.
Binuksan ni Jace ang regalo ko, una niyang nabuksan ay 'yung suit kita ko naman na nagustuhan niya iyon, sinunod naman niya ang relo.
"Wow, iyan ba ang limited edition na SpeedMaster Moonwatch Apollo 11?" manghang sabi ni Samuel Hyung. Mahilig siyang mangolect ng watches kaya ganito na lang siya mamangha.
"Limited edition 'yan?" tanong ko, hindi na kasi ako nagtanong ng kung ano ano basta binili ko na lang 'yung nagustuhan ko.
"Oo, hindi mo alam?" tanong niya.
"Hindi eh," sagot ko. "Nagustuhan ko kasi ang style kaya binili ko na, naisip ko kasi na bagay kay Jace 'yang relo."
"Hindi ka man lang nagtaka sa price? Nasa mahigit 700 thousand 'yan," sabi niya.
"Hindi, gumamit kasi ako ng credit card kaya hindi ko alam kung anong price niyan," sabi ko.
Wala rin naman akong pakielam kung anong price ng binibili ko, mukha man akong mayabang pero kapag kasi talaga marami kang pera hindi mo ramdam ang pagbawas nito dahil doble pa ang papasok sa bank ko kesa sa binibili ko.
Para namang nakakita ng multo si Tayler Hyung tapos napailing. "Young master ka nga pala," sabi niya.
Tumawa naman si Samuel Hyung. "Tama, 'yung kotse nga niya na bago parang wala lang nung binili niya, biruin mo binili niya lang iyon para may masakyan siyang pangmalayuan," sabi niya.
Hindi ko rin naman matatago sa kanila ang kotse ko na iyon kaya sinabi ko na lang sa kanila na binili ko ito para hindi sila magtaka kung bakit may iba akong kotse na dala.
Napakamot naman ako ng leeg. "Tingin niyo ba para akong mayabang sa ginawa ko?" tanong ko.
"Tingin ko hindi naman," sabi ni Jackson Hyung. "Kasi sa ilang buwan ka namin nakakasama napaka simple mo lang at hindi ka naman masyadong bumili ng kung ano ano. Pangalawang beses mo pa nga lang bumili eh, 'yun nga lang ang mamahal pero hindi ibig sabihin 'nun mayabang ka na."
"Tama, hindi ka gaya ng mga schoolmate natin na sobrang yabang," sabi ni Skylar Hyung.
"Mabuti naman, akala ko mayabang na ang dating ko," sabi ko. Ayoko naman kasi nakamuhian nila ako dahil sa pagiging mayabang ko. "Oo nga pala, Jace nagustuhan mo ba ang regalo ko?"
"Of course, I said as long as it's from you," sabi niya na kina ngiti ko.
KINABUKASAN nasa garden ako ngayon para tignan ang ginagawa ng mga nagtatrabaho, may mga estudyante rin na nanunuod. Hindi ko naman sila binabawalan as long as hindi sila lalagpas sa may garden at hindi sila manggugulo sa mga nagta-trabaho.
"Wow, ang galing naman ni President naisip niya talaga na ipaayos ito,"
"Oo nga, excited na tuloy akong tambayan ito,"
"Sa lahat ng mga naging President dito si Jayden lang ang nakapagpaayos ng garden. Matagal ko ng gustong magawa ito para may matambayan ako pero hindi pa rin napapagawa."
"Mabuti na lang si Jayden ang naging President 'no? Baka kung si Violet iyon baka wala man lang siyang magandang magagawa,"
"Shhh, 'wag kang maingay nandiyan si Violet,"
"Ang yabang mo na 'no porket may napagawa ka," Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Violet.
"What? Ako nagmamayabang kelan?" takang tanong ko sa kanya. "Responsibilidad ko naman bilang President na ipaayos itong garden, anong gusto mong gawin ko tumunganga?"
Umirap naman siya. "Ang mahal siguro nitong pinagawa mo, saan ka kumuha ng pampagawa sa funds?" nakangising sabi niya. Malakas din ang boses niya kaya rinig ng mga estudyante.
"Yes, normal lang naman na kumuha ako sa funds dahil project naman ito para sa school pero dahil nag sponsor ang council ng 100 million hindi ko na gagalawin ang funds," sagot ko sa kanya na kinasimangot niya. "Violet, hindi naman ako gaya mo na iniisip lang ay ang pansariling kapakanan. Hindi ako 'yung klase ng tao na aasa lang sa mga kasama ko sa Student Council, kasi kung kaya ko naman gagawin ko dahil iyon talaga ang dapat kong gawin as President hindi iyung nakakulong lang sa office."
"Oo nga naman,"
"Mas naging maayos nga ang school dahil kay Jayden, siya ang pinakagusto ko sa mga naging President,"
"Tama,"
Namumula naman sa hiya si Violet. "Hmmp," sabi lang niya tsaka naglakad paalis.
Napangisi naman ako, akala niya siguro masisiraan niya ako sa mga estudyante. Oo, ayokong maging President pero kung si Violet naman ang magiging President magcha-chaga ako sa posisyon ko. Nag e-enjoy na rin naman ako sa pagiging President, nagagawa ko ang gusto ko kahit hindi ako pumasok ayos lang.
"Jayden," Napaharap naman ako sa tumawag sa akin. Si Hera. "I'm sorry, nakalimutan ko na sobra pa lang traffic dito sa pilipinas kaya na late ako."
"Ayos lang hindi naman kita pinagmamadali," sabi ko.
Tumingin naman siya sa garden. "Not bad, ang bilis ng process baka bago pa mag November matapos na ito," sabi niya.
"Maganda iyon para magamit ng maaga ng mga estudyante," sabi ko.
One Week Later
Third Person's Point of View
INGAY ng mga gangster ang bumungad sa Enigmatic Royalty ng pumasok kasi sa underground arena. Lahat sila excite na sa magaganap na battle of the gang. Habang hindi pa nag uumpisa ang battle of the gang may mga naglalaban muna sa stage pampainit muna.
"OMG nandiyan na ang Enigmatic Royalty," kinikilig sabi ni Joana sa kaibigan niya ng makita ang Enigmatic Royalty.
"Ang gwapo talaga nila," sabi ni Rita.
"Pero totoo ba ang balita na may relasyon sina Emperor at Prince?" tanong ni Joana.
"Oo, nag aaral ang pinsan ko kung saan nag aaral ang Enigmatic Royalty, sinabi niya na totoong may relasyon ang dalawa dahil sila na namismo ang nag conferm. Isa pa, nakikita rin niya na nag ho-holding hand sila habang naglalakad," sagot ni Rita.
"Ohhh, pero bagay naman sila," sabi ni Joana habang kinikilig.
"I know right," sang ayon ni Rita at kinilig din.
"Tsk, bakit ganyan ang reaction niyo hindi ba kayo nandidiri dahil mga bakla sila," inis na sabi ng isang lalaki na nakarinig ng pinag uusapan nila.
"Hindi, wlaa naman kaming pakielam," sabi ni Rita.
"Oo nga, sa panahon ngayon normal na lang ang same s*x relationship, pero may mga kagaya mo na against pa rin kahit tanggap naman ng iba," sabi ni Joana.
"Nakakadiri kaya sila," sabi nito.
"So? At least sila wala silang tinatapakan na tao 'di gaya mo na ang pangit mo na nga wagas pang mandiri, hmmp 'wag na nga natin itong kausapin," sabi ni Rita tsaka umalis kasama ang kaibigan niya. Nainis naman ang lalaking naiwan, naiinis siya na yung tinatawag niyang bakla ay nagugustuhan pa rin ng mga lalaki pero siya na lalaking lalaki walang nagkakagusto sa kanya.
Jace's Point of View
"Dito muna tayo sa private room habang naghihintay tayo," sabi ni Skylar Hyung.
"Mabuti pa nga dito, ang ingay sa labas," sagot ko, kahit sanay ako sa ingay may time pa rin na naririndi ako.
Umupo ako sa sofa na nakaharap sa malaking bintana kaya kita namin ang mga tao sa labas pero kami hindi nila nakikita dahil one side window ito. Hindi ganun ka galing ang naglalaban kaya wala akong nararamdaaman na excitement sa kanila.
"Ang boring," sabi ko tsaka nahiga dahil katabi ko si Jace nasa hita niya ang ulo ko. "Ano bang oras mag uumpisa ang battle of the gang?" tanong ko.
"Maya-maya magsisimula na," sagot ni Jackson Hyung.
"Sana naman 'wag magtagal ang mamaya na iyan dahil naiinip na ako gusto ko ng magsimula ang laban," sabi ko.
"Hinihintay pa kasi nila ang mga ibang kalahok, Talong grupo pa lang kasi ang dumadating sa mga kalahok," sabi ni Jackson Hyung.
"Ano ba 'yan," naiinis na sabi ko.
Sampong grupo ang maglalaban laban sa battle of the gang at kasali ang mga ito sa Rank 10, sila naman kasi ang madalas na sumasali sa ganitong event kaya ang mga baguhang gangster hindi na nagbabalak pang sumali dahil alam nila na matatalo lang sila.
To be continued...