Chapter 29

2392 Words
Jade's Point of View "Ladies and Gentlemen, magsisimula na ang battle of the gang sa mga kalahok umakyat kayo dito sa stage at magbunot ng number," sabi ng mc. Naririnig namin ang sinasabi ng mc dahil sa maliit na speaker na nakakabit sa gilid ng kisame. "Oh, baba na tayo magsisimula na," sabi ni Tayler Hyung. Tumayo naman ako sa pagkakahiga ganun din si Jace tsaka kami sumunod sa kanila palabas. Sigawan ng mga tao ang bumungad sa amin, may kanya kanya silang chini-cheer. Pagdating namin sa gilid ng stage si Jackson Hyung lang ang umakyat sa tass dapat si Jace dahil siya ang leader pero ayaw niya tinatamad daw siya kaya si Jackson Hyung na langa ng umakyat. Itong si Jace talaga kahit kelan ang tamad, walang kwentang leader pero hindi ko naman makakailang magaling siyang leader pagdating sa laban dahil ang gagaling ng plano niya pero kapag sa ibang bagay na hindi na siya maaasahan kaya si Jackson Hyung na lang ang gumagawa ng mga ayaw niyang gawin. "Emperor," Napatingin kami sa nagsalita. Isang lalaking punong puno ng tattoo sa katawan kahit sa mukha meron siyang tattoo.  "Sino siya Jace?" mahinang tanong ko sa kanya. "He's Snake, member of Gun Bullet Gang, Rank 6," sagot niya, tumango naman ako sa sinabi niya. "Mukhang totoo ang sinasabi nilang may relasyon kayo ni Prince." sabi niya sabay tingin sa magkahawak naming kamay pero wala naman kaming pakielam hindi naman namin balak na itago sa lahat ang relasyon namin. "Yes, is there a problem?" malamig na tanong ni Jace. "Hindi ka ba nahihiya na may karelasyon kang lalaki, ikaw pa naman ang kinikilalang pinakamalakas dito tapos magiging bakla ka lang pala?" nakangising sabi niya. "Bakit may problema ka sa bakla?" tanong ni Skylar Hyung dito. "Baka nakakalimutan mong bakla ako. Ano bang problema kung bakla si Emperor hindi naman nakakabawas iyon ng lakas niya." Napangisi naman ako sa sinabi niya. Minsan lang kung sumali sa umasapan si Skylar, madalas kasi na tahimik lang itong nakikinig kahit na marami ng sinasabi sa kanya na masasakit tahimik pa rin ito. Sabi kasi niya na mas magandang tahimik ka lang kapag may kaaway ka dahil mas maiinis lang ang kaaway mo kapag wala kang sinabi sa kanya.  Tama naman siya kasi minsan mas magandang manahimik na lang kesa sa makipag argument ka pa sa kanila lalo na kung sarado ang utak ng kausap mo papaniwalaan at papaniwalaan pa rin kung anong pinaglalaban niya kahit mali siya, mapapagod ka lang sa pakikipag argument dito kaya mas mabuti pang manahimik na lang kesa sa mapagod ka pa at sumakit ang ulo. Hindi naman nakapagsalita ang lalaki, bubuka ang bibig pero isasarado rin niya. "Kung may problema ka 'wag mong idaan sa pang lalait dahil gawain lang 'yan ng mga duwag, gangsters tayo kaya idaan natin sa laban," sabi ko sa kanya. "Ha! Ang yabang mo ah porket nakasali ka sa Enigmatic Royalty kaya ka lang siguro nakasali diyan dahil kay Emperor," inis na sabi niya. Ngumisi naman ako sa kanya at hindi na lang siya pinansin, ipapakita ko na lang sa kanya kung bakit ako napasali sa gang namin.  Namumula naman sa galit ang lalaki ng hindi ko siya pinansin at kung ano anong sinasabi niya pero gaya kanina hindi ko siya pinansin.  "Anong number ang nabunot mo Hyung?" tanong ko kay Jackson Hyung ng makababa siya. "Number 5," sabi niya. So, last kaming makikipaglaban. "Kung siniswerte ka nga naman makakalaban namin kayo," sabi na naman ni Snake. "Oo nga eh," sabi ko. "Kanina pa ako naririndi sa 'yo mabuti na lang agad kitang mapapatahimik." "Ang yabang mo talaga," galit na sabi niya pero hindi ko ulit siya pinansin. "Pwede bang ibalato niyo na siya sa akin?" sabi ko kina Jace. "Of course, gawin mo kung anong gusto mong gawin," sagot ni Jackson Hyung. "Napakayabang mo talaga akala mo ba kaya mo ako ha?" sabi ni Jake. "Ang daldal mo ikaw yata ang bakla eh," inis na sabi ko. 'Yung kaninang pagtitimpi ko sumabog na, nakakarindi kasi ang boses niya para siyang bubuyog. May isang lalaki naman ang lumapit kay Jake tsaka niya ito pinilit humuko sa amin. "Pagpasensyahan niyo na siya, mainitin talaga ang ulo niya," sabi nito. "Ako nga pala si Crimson ang leader ng Gun Bullet Gang." "Nice to meet you," sabi ko tsaka nakipagkamay sa kanya pero agad din akong napabitaw ng hinila ako ni Jace, napatingin naman ako sa kanya kita kong mas naging seryoso pa siya kesa kanina.  "Napanood ko ang laban mo dati, sobrang humanga ako sa 'yo dahil mabilis mo lang natalo ang isang daang mga gangster, kaya siguro sinali ka ni Emperor sa gang niya," sabi niya. "Bakit parang big deal sa inyo na napasali ako sa Enigmatic Royalty?" tanong ko. Napapansin ko kasi na ang parang galit na galit sa akin ang iba ng malaman nila na napasali ako sa gang namin "Marami na kasing sumubok na sumali sa kanila pero wala ni isa sa kanila ang napasali kaya ng malaman nila na napasali ka galit na galit sila," sagot niya. Ang dami na pa lang sumali sa kanila pero bakit ako sinanali nila agad? "Sinali namin si Prince dahil sa kakaibang aura niya," sabi ni Jackson Hyung. "Nung una namin siyang nakita nakaramdam kami ng kilabot ng maramdaman namin ang aurang bumabalot sa kanya. Curious lang kami ng una pero habang tumatagal nakikita namin ang potential niya kaya bago man siya maagaw ng iba kinuha na namin siya." "Naiintindihan ko ang sinasabi mo kahit napakaamo ng mukha niya pero 'yung aurang bumabalot sa kanya kakaiba kaya hindi mo siya pwedeng malaitin dahil lang sa itchura niya," sabi niya. NAGSIMULA na ang laban, sa napanood ko ngayon masasabi kong ibang iba ito sa mga laban na napapanuod ko dito. Talaga ngang malalakas ang mga nasa rank dahil p*****n kung p*****n nag gianwa nila pero wala naman namamatay dahil pinagbabawal iyon, pwede mong gawin ang gusto mo sa kalaban mo as long as hindi mo pinapatay. ibang iba talaga ang mundo ng gangster sa mafia dahil walang awa ang mga mafia dahil kahit inusente pinapatay pero hindi naman ako ganun pumapatay lang ako kapag hindi na talaga kayang ikulong ang mga mafia. Makapangyarihan ang mga ito walang kwenta sa kanila kahit makulong sila dahil hangga't may pera sila babayaran at babayaran lang nila ang mga ito makakalaya na sila. Wala rin kasing may gustong bumangga sa mga ito kaya kahit ang iba labag sa loob nilang magpayad wala silang magagawa dahil ayaw nilang madamay ang pamilya nila pero mas marami pa rin na nagpapasilaw sa pera kaya ang ibang pulis hawak ng ibang mga mafia kaya malaya sila sa kung anong gusto nilang gawin. Ito ang dahilan kung bakit nandito kami ni Dad, kami ang tumutugis ang mga mafia na gumagawa ng iligal na bagay. Pinapatay namin sila para hindi na magtuloy tuloy pa ang gawin nila dahil doon marami ng mga mafia boss ang takot sa mafia namin, ang Barrington Mafia. "The winner is Titan gang," sabi ng Mc. "Tayo na rin sa wakas," sabi ko kanina ko pa gustong lumaban kaya lang ang tagal matapos. Malalakas naman kasi talaga ang mga ito hindi rin naman ako nainip sa panonuod. "Ang susunod na lalaban ang Gun Bullet Gang at ang Enigmatic Roylaty," anunsyo ng mc. Napuno ng sigawan ang underground arena kanya kanya sila ng sinisigaw na pangalan. Naunang umakyat ang Gun Bullet sampo ang member nila pero dahil anim lang kami anim lang ang umakyat sa kanila pagkatapos nilang umakyat umakyat na rin kaming anim. Third Person's Point of View Nasa gitna na ang dalawang magkalaban, magkaharapan ang mga ito at nakatingin sa isa't isa. Kahit hindi pa nagsisimula mararamdaman mo na ang tensyon sa pagitan nila lalo na kay Snake na masamang nakatingin kay Jade pero wala naman itong pakielam sa kanya. Napatingin siya ng bigla siyang hawakan sa balikan ni Crimson. "'Wag mong pairalin ang init ng ulo mo at 'wag mong maliitin ang makkaalaban mo dahil nararamdaman ko na hindi siya normal na gangster lang," sabi sa kanya pero parang bingi lang siya. Wala siyang pakielam sa kung anong sinasabi nito kaya ng i-anunsyo ng mc na maglalaban na sila agad siyang sumugod kay Jade pero walang kahirap hirap na inilagay lang ang bawat suntok nito. "Nag uumpisa pa lang ang laban nag iinit ka na agad, hindi tayo mag e-enjoy kung magiging mabilis lang itong laban na ito," nakangising sabi ni Jade sa kanya habang umiilag sa suntok niya. Mas lalo lang siyang nainis sa sinabi nito. "Ang yabang mo talaga ano?" galit na sabi niya. "Tsk, wala ka na bang ibang alam na linya kundi 'Ang yabang?' kanina mo pa 'yan sinasabi," sabi nito sa kanya. "Bakit ba inis na inis ka sa akin? Wala naman akong natatandaan na may atraso ako sa 'yo." Wala itong kasalanan sa kanya pero naiinis ito sa kanya dahil napasali ito sa Enigmatic Royalty, bago siya napunta sa Gun Bullet ay sa Enigmatic Royalty siya unang sumubok na pumasok pero hindi man lang siya natanggap at nung nalaman niyang ang may bagong member ang Enigmatic Royalty nainis siya at mas lalo lang siyang nainis ng makita ang itchura ng bagong member nito, wala kasi sa itchura ni Jade na malakas ito kaya hindi niya alam kung paano ito napasali. Kahit na natalo ni Jade ang isang daang gangster hindi pa rin siya naniniwala na malakas ito, tingin niya kasi ay mahihina lang ang pinakalaban sa kanya. Nung nalaman niyang makalaban ng grupo nila ang Enigmatic Royalty natuwa siya dahil maipapakita niya sa mga gangsters na mahina lang si Jace. "Eh ikaw wala ka bang ibang alam kundi umilag lang?" inis na sabi niya. "Kapag kasi nilabanan kita agad baka matapos na itong laban natin," sagot nito, nainis siya sa sinabi nito. "Sabihin mo duwag ka lang kasi kaya hindi ka makalaban sa akin," nakangsing sabi niya. Nawala naman ang ngisi sa mukha ni Jade kaya natuwa siya dito pero nagtaka siya ng biglang mawala sa harapan niya ito at hindi niya namalayan na tumalapon siya bigla, agad naman siyang napasuka ng dugo at napahawak sa tagilira niya. Hindi lang si Snake ang nagulat sa nangyari pati na ang nanunuod, pamilyar na sa iba ang ginawa ni Jade dahil napanuod nila ito nung nakipaglaban ito sa isang daang mga gangster pero ang iba ay ngayon lang nakita kaya sobrang nagulat sila. Hindi sila makapaniwala na bigla na lang napunta si Jade sa likuran ni Snake tsaka mabilis na sinipa ito sa tagiliran. "Kanina pa ako nagtitimpi sa 'yo puro ka dada wala ka naman pa lang binatba," malamig na sabi ni Jade. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ang tinatawag siyang duwag kaya nagdilim ang paningin niya ng marinig iyon. Kung hindi nga lang niya napigilan ang sarili niya baka napatay na niya ito. Ayaw naman niya na ma disqualified ang gang nila. Pilit naman bumangon si Snake pero napapadaing lang siya kapag tumayo siya, ramdam niya kasi na parang may nabali sa buto niya. Totoo nga ang sinabi ng leader niya hindi normal na gangster lang si Jade dahil sa isang sipa lang ganito agad ang natamo niya dahil hindi na niya kayang tumayo sumuko na lang siya kahit labag sa loob niya. "And the winner is Enigmatic Royalty," anunsyo ng mc ng makitang hindi na kayang lumaban ng Gun Bullet. Hindi naman maiwasan ni Jade na mainis dahil ang bilis ng laban. Kasalanan din niya dahil hindi niya na control ang sarili niya, napigilan man niya ang sarili niya malakas pa rin ang impact ng ginawa niya. Jade's Point of View "'Wag ka ng sumimangot diyan may susunod na laban pa naman tayo," sabi ni Jackson Hyung sa akin. Sabagay unang laban pa lang naman ito. Nabunutan kami ulit, sabi ng mc ang isang papel ay blanko kung sino man ang makakabunot nito ay otomatikong mapupunta agad sa final. Ayos lang naman kung hindi siya mapupunta sa amin dahil gusto kong maglaban pero malas yata ang kamay ni Jackson Hyung dahil blanko ang nabunot niya. "Sorry na kasi Jayden hindi ko naman kasalanan na mabubunot ko iyon eh," sabi ni Jackson Hyung. Kanina niya pa ako nilalambing dahil nagtatampo ako sa kanya, gustong gusto kong lumaban tapos iyon ang mabubunot niya. "Kasi naman alam mong gusto kong lumaban eh," sabi ko. "Alam ko naman pero ayos din naman iyon diba? Ma o-observe pa natin ang makakalaban natin at masisiguro mong malakas ang makakalaban mo," sabi niya.  Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama naman siya, panigurado naman na malakas nag makakalaban namin dahil wala naman sigurong mahina na mananalo sa laban. "Tsk, okay fine," sabi ko. Nag apir naman sila ni Tayler Hyung. Habang nanunuod kami ng laban bigla akong nagutom. "May pagkain ba dito? Nagugutom na ako," sabi ko. "Oo meron gusto mo bang ikuha kita?" sabi ni Samuel Hyung. "Ayos lang?" tanong ko. "Oo, wait lang," sabi niya tsaka tumayo at nagpunta sa kung saan, ilang minuto lang may dala na siyang tray na may lamang anim na burger at anim na bottle water. "Pinagdala ko na rin kayo baka gusto ring kumain." "Uy, salamat bigla ko ring naramdaman ang gutom," sabi ni Tayler Hyung at kumuha rin ng kanya. Bigla naman akong namangha ng makita ko ang laban. "Sino 'yung naka blond?" tanong ko. Napakalakas ng aurang bumabalot sa kanya. "Siya si Pride, member ng Seven Deadly Sins, Rank 2," sagot ni Jackson Hyung. "Oh, kaya pala malakas siya," sabi ko habang nakatingin pa rin dito pero dumilim ang paningin ko ng takpan ni Jace ang mata ko. Agad ko naman inalis ang kamay tsaka tumingin sa kanya. "Bakit tinakpan mo ang mata ko?" "Why are you looking at him?" malamig na tanong niya. Napairap naman ako. "Malamang nanunuod ako," sabi ko. "Why are you just looking at him?" tanong niya. "Swempre namangha ako sa lang ako sa lakas niya," sagot ko.  "Tsk," sabi lang niya. "Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya pero hindi siya nagsalita. Tumawa naman si Jackson Hyung kaya napatingin ako sa kanya. "Hayaan mo na siya, nagseselos lang 'yan," sabi niya. Nagseselos? Si Jace? Talaga? Tinignan ko naman si Jace at nakita naman namumula ang tenga niya. Napangisi naman ako bigla sa reaction niy. Ang cute naman pa lang mag selos ni Jace. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD