Chapter 30

3532 Words
Jade's Point of View "Simulan na natin ang final," sabi ng mc. Nag sigawan naman ang mga nanunuod.  Natapos na ang laban ng mga kalahok kanina at ang nanalo ay ang Seven Deadly Sins. Malalakas naman kasi talaga sila kaya hindi na nakakapagtakang mananalo sila. Kahit seven sila pinasali na namin silang lahat, isa lang naman ang nadagdag sa kanila at mas maganda kung mas marami ang makakalaban namin. "Nice to meet you Prince matagal na kitang gustong ma meet," sabi ni Pride sa akin. "Bakit naman?" tanong ko. "Dahil na curious ako kung paano mo nagawa iyong biglang magsulpot mo sa likod ng kalaban mo," sabi niya. "Kahit curious ka wala ka namang makukuhang information doon," sagot ko sa kanya. Tumawa naman siya. "I know pero curious pa rin ako," sabi niya. "Will you just gossip or fight?," inis na sabi ni Jace. "Relax Emperor kinkausap ko lang naman ng bago niyong member," sabi ni Pride. 'Yung tono ng boses niya ay parang nang aasar dito. "Hindi ka naman siguro nag seselos diba? Pero sabagay kahit ako kung ganito ba naman ka cute ang boyfriend ko magseselos ako." Mas lalo namang nainis si Jace sa kanya pero hinawakan ko lang ang kamay nito para kumalma. "Inaasar ka lang niya, 'wag kang magpa epekto," bulong ko sa kanya. Hindi maganda kung maiinis siya dito baka maging dahilan pa ito ng biglang pagkatalo niya. Kapag kasi nadadala ka sa galit madali ka lang matatalo kaya mas magandang kalmado ka at hayaan na lang silang dumakdak ng dumak.  Sinunod naman ako ni Jace, kinalma niya ang sarili niya pero seryoso pa rin niyang nakatingin kay Pride.  "Simulan na natin ito," sabi ko sa mc. Tumngo naman ito pagkatapos nag anunsyo na simulan ang laban.  Sabay sabay naman kaming sumugod, gusto ko sanang kalabanin si Pride dahil gusto kong makita kung anong lakas niya pero inunahan ako ni Jace kaya hinayaan ko na lang sa kanya, alam kong kanina pa siya nagtitimpi kaya mas magandang mailabas niya ang galit niya. "Kayo na lang ang kalabanin ko ah," sabi ko kina Envy at Wrath. Sila lang kasi ang walang kalaban kaya sila na lang kakalabanin ko. Ayos rin na dalawa ang makakalaban ko para hindi agad matapos itong laban. "Sige ba," sabi ng dalawa. Buti pa itong dalawa cool lang, hindi mainit ang ulo hindi kaya ni Snake. Sabay na sumugod ang dalawa sa akin, mabilis kong inilagay pagkatapos mabilis kong sinuntok si Wrath sa may baba niya. Naramdaman ko na sumugod sa likod ko si Envy kaya nag backflip ako papunta sa likod niya tsaka mabilis siya sinuntok sa mukha kaya pumutok ang gilid ng labi niya. "Malakas ka nga," sabi ni Envy habang pinupunasan ang labi niya. "Salamat," sabi ko. Nag fighting posisyon ulit silang dalawa ng makabawi. "Kailangan na namin mag seryoso," sabi ni Wrath. "Agad? Hindi pa nga ako tapos mag warm up," sabi ko, hindi pa nga nag iinit ang katawan ko. Hindi naman makapaniwala ang dalawa. "Hindi ka pa seryoso kanina?" tanong ni Envy. "Hindi pa," sagot ko. "Walang hiya, halos mahilo ako sa sundok mo hindi ka pa seryoso doon? So, paano na lang kung nag seryoso ka na edi mas malalapa doon ang mararanasan namin?" gulat na sabi ni Wrath. "Ganun na nga," sagot ko sa kanila.  "Suko na lang kami, kanina pa masakit ang katawan ko ayoko ng dagdagan pa," sabi ni Envy sabay taas ng dalawang kamay niya. "Oo nga," sabi ni Wrath. Napasimangot naman ako. "Eh, edi wala rin 'yung matagal kong paghihintay?" maktol na sabi ko. "Kung si Pride sana ang kalaban mo edi sana matagal kayong maglalaban," sabi ni Wrath.  "Tsk, inagaw kasi ni Jace eh," sabi ko. Tumawa naman si Wrath. "Better luck next time," sabi niya. "Hindi niyo ba talaga ako pagbibigyan?" tanong ko. Umiling naman si Envy. "Baka kapag nilabanan ka pa namin baka magising na lang kami sa hospital," sabi niya. "Edi hindi ko na lang lalakasan," sagot ko. "Hindi naman kami papayag mas gugustuhin pa namin sumuko kesa sa matapakan ang pride namin," sabi ni Wrath. Mas lalo naman akong napasimangot sa sinabi nila. "Tsk, oo na," sabi ko. Lumapit sila sa mc at sinabi dito na suko na sila tumango naman ang mc tsaka pinababa na ang dalawa habang ako nanatili sa stage kung baba ako talo na ako 'nun. Naiingit ako sa kanila dahil hanggang ngayon lumalaban pa rin sila dapat kasi sa akin si Pride eh pero mas ayos na din kay Jace baka kasi kapag hindi niya linabas ang galit niya baka hanggang mamaya wala siyang gana. Naupo muna ako sa sahig habang hinihintay sila na matapos. Napansin kong mas uminit ang laban nina Jace at Pride, mukhang mas inasar pa ni Pride si Jace dahil nakangisi lang ito habang seryoso lang si Jace pero tingin ko naman hindi ito nagpapaapekto dahil hindi naman ito natatalo sa laban nila. Mayamaya lang biglang tumilapon palabas ng stage malapit sa akin si Pride pagkatapos nagsuka ito ng dugo. Napailing na lang ako sa nangyari sa kanya. "Tsk, tsk, tsk, ayan kasi ang napapala ng mapang asar," sabi ko pero tinawanan lang niya ako. "Ang sarap kasing asarin, ngayon lang kasi nagpakita ng emosyon si Emperor," nahihirapang sagot niya, dinadaing niya ang tiyan niya na sinipa ni Jace. "Talagang masaya ka pa 'no," sabi ko sa kanya. "Alam ko naman na wala akong laban kay Emperor kaya inaasar ko na lang siya," sabi niya. "Baliw ka na, paano kung mas malala pa diyan ang gawin sa 'yo ni Emperor?" tanong ko. "Hindi niya magagawa iyon nanunuod ka kasi," sabi niya.  "Tsk, kung hindi mo kasi siya inasar edi sana nakalaban kita, sumuko kasi agad sina Wrath at Envy," nakasimangot na sabi ko. Tumawa naman siya. "Next time na lang kapag may lakas na ako, nararamdaman ko kasi na mas malakas ka kay Emperor baka isang suntok mo lang bumigay na ako. Next time na lang kapag may lakas na ako, pwede naman na mag set ng laban kung gugustuhin mo," sabi niya. "Talaga?" masayang sabi ko. "Oo naman, gusto rin kitang makalaban kaya aasahan ko ang imbitasyon niyo sa amin," sabi niya pagkatapos ginulo niya ang buhok ko. "Tsk," Napatingin naman kami dito. Nakita namin ang napakaseryoso na si Jace. "Sige, alis na ako baka matuluyan ako ni Emperor," nakangiting sabi niya tsaka mabilis na umalis. Napailing naman ako, ang weird talaga niya. "Bakit? Nagseselos ka na naman?" sabi ko sa kanya. Nakaupo pa rin ako sa sahig kaya nakatingala akong nakatingin sa kanya. "Ano ba kasing pinagseselos mo? Tingin mo ba magkakagusto ako doon?" "But he like you," inis na sabi niya. "Paano mo naman nasabi?" tanong ko. "I can see it in his eyes," sabi niya. Napabuntong hininga naman ako. "Kung man may gusto siya sa akin hindi ibig sabihin 'nun ay magkakagusto ako sa kanya, sa 'yo nga ang daming mga babaeng nagkakagusto sa 'yo pero hinahayaan ko lang dahil alam ko na ako lang ang mahal mo," mahabang sabi ko. Oo, nagseselos ako pero hindi ko pinapahalata, may tiwala naman kasi ako sa kanya. Nawala naman ang pagkaseryoso niya. "I'm sorry," biglang sabi niya. "I just can't avoid being jealous."  Napangiti naman ako sa kanya para kasi siyang batang pinapagalitan. "Ayos lang, ang cute mo ngang magselos," sabi ko. "Tapos na ba kayong maglambingan," biglang sabi ni Jackson Hyung. Tapos na pala sila, nakatingin din silang lahat sa amin. "Oo," sagot ko tsaka tumayo. "Mabuti naman dahil kanina pa kami nilalanggam," sabi niya. "Inggit ka lang dahil hindi mo nakakasama ang fiance mo," mapang asar na sabi ko na kinasimangot niya lang. Nasa ibang bansa kasi ang Fiance niya dahil sa photoshoot niya at isang buwan siya doon.  Tinawanan naman siya nina Samuel Hyung at Tayler Hyung. "'Wag mo kasing asarin si Jayden dahil matinding pang aasar ang balik niyan," sabi ni Samuel Hyung. "Oo nga tignan ikaw tuloy ang naaasar ngayon," sabi ni Tayler Hyung. "Oo na, 'wag niyo na akong pagtulungan," inis na sabi ni Jackson Hyung. "Umuwi na nga tayo." MASAMA ang gising ko dahil una puyat ako pangalawa may menstration ako ngayon kaya sobra sobra ang init ng ulo ko pero susubukan ko naman na 'wag magalit para hindi sila magtaka kung bakit ang dali kong mainis ngayon. Kaya lang problema ko kada first day ng menstration ko lagi akong nagka-cramps at ito lang ang sakit na hindi ko kayang tiisin dahil kakaiba ang sakit nito sa mga physical na sakit na nararamdaman ko. "Ayos ka lang Jayden?" tanong ni Noona sa akin. Nakasubsub kasi ako sa table ko, iniinda ko ang sakit ng puson ko. Pilit akong ngumiti kay Noona. "Ayos lang ako, napuyat lang kasi ako." "Oh, kung ganun matulog ka muna, wala ka naman masyadong gagawin," sabi niya. "Mabuti pa nga siguro," sabi ko. Kapag tinulog ko ito baka mawala ang sakit ng puson ko. Agad naman akong nakatulog. Nang magising ako agad akong tumingin sa wrist watch ko 10am na pala, dalawang oras din akong nakatulog. Kailangan ko na rin magpalit ng napkin dahil naglalagkit na ako, hindi naman ako matatagusan dahil sa artificial body na meron ako. Kinuha ko sa bag ko ang napkin at ang extra underware ko, dinikit ko muna ang napkin sa underware pero hindi ko inaasahan na papasok si Noona. "Jayden, gising ka na---," napahinto siya sa sinasabi niya tsaka napatingin sa hawak ko. Nanlaki bigla ang mata sa mata niya. "Jayden, diba?" Agad naman akong lumapit sa kanya at tinakpan ang bibig niya. "Shhh," sabi ko sabay sara ng pinto tsaka hinila siya sa sofa. "B-Bakit ka m-may napkin?" takang tanong niya. "B-Babae ka ba?" Napabuntong hininga naman ako. Wala na akong maidadahilan pa dito. "Yes," sagot ko. "So, babae ka talaga hindi lalaki?" tanong niya. "Si Jayden lalaki talaga siya, ako hindi," Kita ko naman na mas lalo siyang nagtaka. "Kakambal ako ni Jayden." sabi ko gamit ang totoong boses ko na kinalaki ng mata niya. "Nagpanggap akong si Jayden." "Ha? Bakit?" tanong niya. Pinaliwanag ko naman sa kanya ang lahat para mas maintindihan niya. "Kaya pala sa isang iglap nagbago bigla si Jayden, hindi pala si Jayden ang kaharap namin." "Yes, and I'm sorry kung nilinlang ko kayo pero wala naman akong choice kundi gawin iyon para mahanap ang dahilan ng pagka coma ng kapatid ko," sabi ko. "Naiintindihan naman kita pero may tanong ako," sabi niya. "Ano 'yun?" tanong ko. "Maliban sa pagpapanggap mo bilang si Jayden may iba pa ba?" tanong niya. Umiling ako. "Wala lahat ng mga nakikita niyo sa akin iyon talaga ako," sagot ko. "So, hindi ka nakikipagkaibigan lang sa Enigmatic Royalty?" tanong niya na agad kong kinailing. "No, of course not, totoo ang mga pinapakita ko sa kanila, may tinatago man ako sa kanila naging importante naman sila sa akin," sabi ko.  "Mabuti naman akala ko niloloko mo lang sila," sabi niya. "Hindi ko magagawa iyon, sila lang ang tanging naging kaibigan ko ng totoo," sagot ko. Hindi ko naman sila magagawang lokohin, nagsisinungaling man ako sa katauhan ko ngayon pero ang mga pinapakita ko totooo lahat ng iyon. "May balak ka bang sabihin sa kanila ang totoong pagkatao mo?" tanong niya. "Sangayon hindi muna, hindi sa wala akong tiwala sa kanila, gusto ko lang kasi talagang makasiguro. Mas konti ang nakakaalam, mas safe ang sekreto ko," sabi ko. "Kung magagalit man sila dahil sa ginawa ko handa akong tanggapin lahat ng galit nila dahil karapatan naman nila iyon dahil niloko ko sila." "Pero siguro naman maiintindihan ka naman ng mga iyon, may dahilan ka naman kung bakit ka nag sekreto para rin naman iyon kay Jayden," sabi niya. "So, hindi ka galit sa ginawa ko?" tanong ko. "Bakit naman ako magagalit? Nagulat ako, oo pero magalit hindi, naiintindihan ko naman ang dahilan mo kung ako rin ang nasa kalagayan mo baka ganyan din ang gagawin ko," sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Salamat," sabi ko. "'Wag kang mag alala, marunong akong magtago ng sekreto kaya nga gustong gusto nilang sa akin magsabi ng sekreto nila," sabi niya. "Salamat kung ganun," sabi ko. "Oo nga pala, anong pangalan mo?" tanong niya. "I'm Jade Iris Barrington," pakilala ko sa kanya. "Barrington?" takang sabi niya. "Alam mo naman siguro na divorce ang magulang namin diba?" sabi ko. "Ah, oo na kwento ni Jayden," sabi niya. "Surname ni Dad ang dala ko habang si Jayden sa step-dad niya ang dala niya," paliwanag ko. "Oh, I see," sabi niya. "Oo nga pala, kung babae ka bakit sobrang lakas mo? Napatumba mo ang mga lalaking mas malaki pa sa 'yo." "Bata pa lang kasi kami ni Jayden tinrain na kami ni Dad para sa safety namin, Mafia Boss kasi si Dad," sagot ko. "Trinain din si Jayden?" Tumango naman ako. "Pero bakit hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya?" "Iyon nga nag pinagtataka ko kasi nung bata kami siya lagi ang taga pagtanggol kaya hindi ako makapaniwala na nabubully siya," sabi ko. Tumango tango naman siya. "Nasaan nga pala si Jayden?" tanong niya. "Nasa u.s, napag alaman kasi namin na may butas nag puso niya kaya pinadala ko siya sa u.s para mas masikaso siya doon," sabi ko. "Oh, akala ko mabibisita ko siya," sabi niya. "Maganda rin iyon para walang makabuking sa akin," sabi niya. "Tama ka," sabi niya. "Last question na lang, paano nangyaring 'yung katawan ko pang lalaki?" "Oh," sabi ko tsaka tinaas ang damit ko. "Artificial body lang ito." Nagulat naman siya. "Talaga? Wow naman parang totoo," manghang sabi niya tsaka hinawakan ito. "Pati ba iyang umbok na nasa baba mo pinalagyan mo?" "Yes, pinalagay ko na para talagang siguradong hindi ako mabubuking," sabi ko. "Talagang hindi ka mabubuking dahil parang totoong totoo ito, realistic din ba ang nasa baba mo?" tanong niya. "Oo, gusto mo bang makita?" nakangising sagot ko. Namula naman siya. "'Wag na," tanggi niya. "Hindi ka ba naiilang na makita iyan?" "Hindi naman, kasi hindi naman totoo," sagot ko. "Pero sabi mo realistic kaya parang totoo," sabi niya. "Oo nga pero wala naman dapat ikailang, maiilang ka lang kung madumi ang isip mo," sabi ko. "Hoy hindi madumi ang isip ko ah," mabilis na tanggi niya. Sobrang pula ng mukha niya. Natawa naman ako sa reaction niya. "Wala naman akong sinabi na madumi ang isip mo ah," sabi ko. Mas lalong namula ang mukha niya. "K-Kahit na parang sinasabi mo na rin na ganun," utal na sagot niya. "Sabi mo eh," sabi ko. "SO, ALAM na niya ang katauhan mo?" tanong ni Hera matapos kong sabihin sa kanya na alam na ni Noona na babae ako. "Oo nga, paulit ulit ka naman," sabi ko. "Naniniguro lang," sabi niya. "Anong ginawa mo pala dito? Diba may lakad ka?" tanong ko. "Na-postpone kaya dito na lang ako dumiretso," sabi niya. "So, guguluhin mo ako ganun?" tanong ko. "Hindi ah, ililibot ako ni Christine sa school niyo. Ilang araw na ako dito pero hindi ko man nalibot ang school niyo," sabi niya. "Edi umalis na kayo," sabi ko. "Ang sungit mo talaga kapag may dalaw ka," sabi niya tsaka tumayo. "Tara na nga Christine baka sungitan lang tayo ng sungitan nito." "Mabuti pa ngang umalis ka na," sabi ko. "Hmmp, ang sungit talaga," sabi niya, tumawa lang si Noona sa kanya. Nang mawala sila sinimulan ko na ulit ang ginawa ko pero hindi ako masyadong makapag focus dahil sumasakit na naman ang puson ko. Nakakainis naman kasi bakit kasi kailangan pang magmens monthly ang mga babae, buti pa ang mga lalki isang beses lang sila natuli kaya isang beses lang nila naranasan ang sakit. Tingin ko nga hindi na nila matandaan ang sakit dahil bata pa sila. Ang mga babae monthly makakaramdam sila ng sakit tapos idagdag pa na kapag nanganak kaming mga babae dagdag sa sakit na nararaman namin tapos magagawa pang mambabae ng ibang mga lalaki. Ang iba naman kapag nakabuntis ang dali lang nilang takbuhan, ayaw ng responsibilidad pero gumagawa ng kabalustugan, gusto lang ng sarap ayaw ng hirap. Tsk, kung ano ano naman ang naiisip ko at kung saan saan limilipad ang utak ko. Nakakainis naman kasi talagang maging babae, sana nagpalit na lang kami ng katauhan ni Jayden. One Week Later "DUMAAN muna tayo mamaya sa bilihan ng mga prutas," sabi ko kina Jackson Hyung habang tinatali ko ang sintas ng rubber shoes ko.  Kada linggo binibisita namin si Lola gaya ng pangako namin pero nung last sunday hindi namin siya nabisita dahil sa battle of the gang.  Ngayon isasama ko sina Jackson Hyung dahil gusto nilang makilala si Lola at paniguradong matutuwa ito dahil maraming bibisita sa kanya kaya lang hindi makakasama si Jace dahil deadline na niya ngayon, gustong gusto man niyang dumalaw kay Lola wala siyang magawa dahil kailangan niyang maipasa ngayon ang ginagawa niya. "Okay," sagot nila. "Tapos na kayo?" tanong ko ng matapos kong mag sintas. Tumango naman sila sa akin. "Tara na." sabi ko tsaka naglakad pero napahinto ako ng may naalala ako. "Wait, may nakalimutan lang ako." Agad akong bumalik sa kwarto namin ni Jace. "Alis na kami," paalam ko sa kanya. Huminto muna siya sa ginagawa niya. "Okay, take care," sabi niya. "Yes, tawagan kita mamayang lunch baka kasi makalimutan mong kumain," sabi ko. "Okay," sabi niya tapos ngumuso siya kaya agad kong linapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya. "Sige, alis na kami," sabi ko. Lumabas na ako ng kwarto tsaka lumabas ng bahay. "Tara alis na tayo." sabi ko sa kanila. Sumakay kami sa kanya kanya naming kotse at dahil ako lang nakakaalam ng daan ako ang nauna sa kanila, nang may nadaanan kaming nagtitinda ng prutas bumili kami ng iba't ibang klase ng prutas. Hindi naman ganun ka-traffic kaya mabilis lang kaming nakarating sa bahay ni Lola. "Lola," masayang bati ko sa kanya ng makababa ako ng kotse tsaka mabilis siyang niyakap. "Na-miss kita." "Naku, ang apo ko talaga ang galing mambola," natatawang sabi niya. "Hindi po ah, totoo naman kasi na namiss kita, hindi kasi kita nadalaw nung isang linggo," sagot ko. "Oh siya sige na," sabi niya. "Sino naman itong mga gwapong kasama mo?" Pinakilala ko naman sila kay Lola. "Mabuti naman at may mga kaibigan ka ng pinapakilala sa akin. Dati wala ka man lang maipakilala sa akin." Nginitian ko lang si Lola. "Nasaan nga pala si Hunter?" tanong niya. "May ginagawa po kasi kaya hindi muna po siya makakarating ngayon, sabi niya po pasensya na," sagot ko. "Naku, ayos lang, sabi ko nga kapag busy kayo ayos lang na 'wag niyo muna akong dalawin," sabi niya. "Okay po," sabi ko. "O siya magsipasok na muna tayo masakit na ang likod ko gusto ko ng maupo," sabi niya. Pumasok naman kami sa loob ng bahay ni Lola. Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang magkwentuhan lang at ng umapit ang lunch time nag sikain na kami. Bago ako kumain tinawagan ko muna si Jace para siguraduhin na makakain siya. "Kain ka na muna," sabi ko sa kanya. "Yes, I have already ordered my food," sabi niya. "It's a pity I'm not there. I miss Grandma's cooking." "Don't worry, sabi ni Lola dalhan daw kita ng pagkain," sagot ko. "Oh, really?" masayang sabi niya. "Yes," sagot ko. "Sige na, kakain na kami." "Okay," sabi niya kaya binaba ko na ang tawag. Gaya namin ni Jace, nagustuhan nila ang luto ni Lola, sobrang sarap naman kasing magluto ni Lola. Chef kasi dati si Lola kaya hindi na nakakapagtaka na masarap itong magluto. Nag sumapit ang hapon nagpaalam na kami kay Lola. "Mag iingat kayo sa biyahe ha?" sabi niya. "Opo, Lola," sabi ko. Nagsisakay na kami sa kotse namin, kumaway muna ako kay Lola bago kami umalis. Pagdating namin sa bahay naabutan ko pang busy si Jace. "Hindi ka pa rin tapos?" tanong ko sa kanya. "Not yet," sagot niya. "How is Grandma?" "Ayos naman, malakas pa rin," sagot ko. "Good," sabi niya. "Gusto mo bang tulungan na kita?" tanong ko. "No, I'm almost done too," sagot niya. "Okay," sabi ko tsaka naglakad sa cabinet ko at kumuha ng pambahay ko.  KINABUKASAN maaga akong pumasok dahil ngayon dadating ang mga gamit na pinamili namin ni Hera. Saktong padating ako ng dumating ang truck na nagdeliver sa mga gamit. "Saan ilalagay ang mga ito?" tanong ng lalaking nag deliver. Katabi niya ang isa niyang kasama. "Doon sa may garden, ituturo ko na lang sa inyo," sabi ko. Isa isa nilang inilagay sa garden ang mga gamit, medyo malayo ang garden kaya napagod sila. Binigyan ko na lang sila ng tig isang libong tip para kahit papano makabawi sa pagod nila. "Salamat po sir," sabi nila. "Wala iyon," sabi ko. Nagpasalamat ulit siya bago umalis.  Nang magsidatingan ang mga nagtatrabaho pati na rin si Hera, agad nilang inilagay ang mga gamit sa lugar na tinuturo ni Hera. Mas nakikita ko na ngayon ang ganda ng garden ng mailagay ang mga gamit, tapos na rin naman ang garden kaya mamaya pwede ng magamit ng mga estudyante. Bukas ang isusunod naman namin ay ang greenhouse, maraming gagawin dito dahil nagkalat ang mga nabasag na salamin ng greenhouse, mas ma trabaho ito kumpara sa garden. Malaki ang greenhouse kaya maraming mga salamin na papalitan. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD