Jade's Point of View
"Jayden heto na ang listahan ng mga sasali sa Sport Festival," sabi ni Noona tsaka nilapag ang hawak niyang listahan agad ko namang kinuha iyon.
"Salamat," sabi ko tsaka tinignan. "Marami rin pa lang gustong sumali ng Sport Festival."
"Kahit pasaway ang mga estudyante dito noon, maaasahan naman sila pagdating sa mga sport laging champion ang school namin sa mga sports," paliwanag niya. Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Sa mga booth meron na bang nagbigay?" tanong ko, kailangan kong malaman ang napili nilang booth para ma distribute ko na ang mga funds na gagamitin nila. Maibabalik anman nila sa akin iyonkapag kikita sila at para mas pag isihan nila nagpa contest ako.
Mabibigyan ng one week vacation sa resort ng may ari ng school ang booth na pinaka maraming kinita pero hindi bilang doon ang puhunan na ibibigay ko sa kanila kaya dapat hindi ganun kalaki ang magagastos nila sa pagtayo pero malaki ang kikitain nila. Bawal din silang gumamit ng sarili nilang pera kundi disqualified sila.
Maraming nag kainterest dahil isa ito sa pinaka sikat na resort at tanging mga member lang nito ang nakakapasok doon. Napakahirap pa namang kumuha ng member card sa kanila, hinid ko alam kung anong klaseng qualification ang hinihingi ng may ari para maging member.
"Hindi pa nila papag disisyunan pinag iisipan nila kung ano ba ang mabentang booth," sabi niya.
"Okay, pakibigay na lang sa akin kapag natapos na sila," sabi ko.
Kahit na isang buwan pa bago ang sport festival kailangan ko ng ipaasikaso para may time pang makapag train ang mga sasali sa mga sports. Gusto kong sumali pero hindi pwede dahil kailangan ako bilang President, hindi ako pwedeng ma occupied anytime kasi kakailanganin ako. Kailangan ko ring subaybayan ang mga estudyante para mapanatili kong maayos ang sport festival.
Napag alaman ko rin na isa ang Standford University, mas maraming mga nag aaral na gangsters sa school na iyon kaya maraming mga pasaway sa kanila kaya kailangan silang tutukan dahil hindi sila pwedeng manggulo dito sa school namin.
"Good morning," bati ni Hera pagpasok niya.
"Good morning," sabi namin sa kanya.
"Heto na ang mga nabili ko na buto ng mga gulay at prutas, marami na ang binili ko dahil malaki naman ang greenhouse," sabi ni Hera. Nilapag niya sa table ko ang paper bag na hawak niya pagkatapos naupo sa lamesa na nasa harapan ng table ko. "Grabe nag init talaga dito sa pilipinas."
"Tropical place ito kaya 'wag ka ng magtaka," sabi ko sa kanya.
"Oo nga pala, next week kailangan ko munang bumalik sa Italy may kailangan lang akong i-report," sabi niya.
"Hanggang kelan ka doon?" tanong ko.
"Tatlong araw lang naman ako doon," sabi niya.
"Okay," sabi ko sa kanya.
"KUMUSTA ang practice niyo?" tanong ko nina Jace. Kasali kasi sila ng basketball pero hindi sila member ng basketball club. Sumasali lang sila ng basketball kapag ganitong may sport festival.
"Ayos naman," simpleng sagot ni Tayler Hyung. "Magaling na kami sa basketball kaya sisiw lang ang practice sa amin."
"Yabang," sabi ko lang sa kanya.
"Nagsasabi lang kasi ng totoo," sabi niya.
"Nagsasabi raw ng totoo pero nasa banko lang lagi," nakangising sabi ko.
Nanlaki naman ang mata niya. "Paano mo nalaman?" gulat na tanong niya.
"Napadaan kasi kami kanina doon kaya pinanuod muna namin kayo lahat sila nagpa-practice maliban sa 'yo," sabi ko.
"Hindi na kasi kailangan mag practice ng magagaling," pagmamayabang niya.
"Ang yabang ah," sabay na sabi nina Jackson Hyung maliban kay Jace.
"Kung makakalaban niyo ang basketball team ng Standford University mag ingat kayo sabi ni Noona madadaya raw sila," sabi ko.
"'Wag kang mag alala kaya namin sila," sabi ni Samuel Hyung.
"Alam kong magagaling kayo pero 'wag kayong masyadong magpakasiguro," sabi ko.
"Alam namin," sabi ni Jackson Hyung.
MABILIS lumipas ang araw dumating na ang pinakahihintay ng lahat ang Sport Festival. Sa pagpasok pa lang ng gate makikita agad dito ang mga naggagandahang mga booth na talagang pinaghirapan ng mga estudyante.
Mamaya pa dadating ang mga manlalaro sa mga school na pupunta dito sa school namin at sa pagkakaalam ko sasama rin ang ibang mga estudyante nila. Ayos lang naman dahil open gate naman ang school kahit sino pwedeng pumasok pero mahigpit ang seguridad ng school para kung may nagbabalak man na gumawa ng masama agad nilang maaksyunan.
"Good morning President," bati sa akin ng mga estudyante habnag naglalakad ako sa mga booth.
"Good morning," nakangiting bati ko sa kanila.
Sobrang laki na talaga ng pagbabago ng mga estudyante, mas marami na kasi ang mga sumusunod sa rules, wala na rin akong nakikitang mga estudyante na nambubully nakakatuwa pa nagtutulungan na sila. Gaya ng nakaraan may taga ibang school ang bigla na lang nang trip dalawang estudyante ng school namin na naghihintay lang sa sundo nila hindi nagustuhan ng mga schoolmate namin kaya nakipagsuntukan ang mag ito sa kanila.
Flashback
"Stop!" pigil ko sa mga nag aaway. Pauwi na ako ng marinig ko ang mga estudyanteng nagsisigawan kaya nilapitan ko sila para tignan. "Anong nangyayari dito?"
"Itong mga mayayabang na taga Luna Academy bigla na lang nangti-trip sa dalawang babae," sumbong ni Gino, sikat siya dati na bully pero nagbago na siya.
Tinignan ko naman ang mga sinasabi ni Gino, nakita ko ang limang lalaking nakasuot ng uniform ng Luna Academy.
"Bakit kayo nanggugulo?" seryosong tanong ko.
Ngumisi naman ang isang lalaki. "Wala lang," sagot niya. "Ang sarap lang kasing pagtripan ang mga estudyante dito."
"Aba't t*rantado ka ah," galit na sabi ni Gino at susugod sana pero pinigilan ko.
"Stop Gino, ako ng bahala dito," sabi ko sa kanya. "Alam niyo bang mali kayo ng kinakalaban? Hindi niyo ba kilala kung anong klaseng school ito?"
"Wala akong pakielam kung anong school ito dahil para akin mahihina lang kayo," nakangising sabi pa rin niya.
Nakatingin lang ako sa kanila pagkatapos bumaling ako kina Gino. "Magsiuwi na muna kayo para makapagpahinga na kayo," sabi ko.
"Pero Pres," sabi niya.
"Ako ng bahala dito," sabi ko.
"Okay," sabi niya at sinunod ang sinabi ko.
"Oh, bakit mo sila pinaalis naduduwag na ba kayo?" sabi ng taga Luna Academy.
"Hinid ko sa sayangin ang lakas sa mga utak hangin na gaya niyo bahala na lang sa inyo ang Dean ninyo na magparusa sa inyo," sabi ko.
Tumawa naman sila. "Tingin mo paparusahan kami? Isa ang Dad ko sa stock holder ng school namin," pagmamayabang niya.
"Okay, let's see," sabi ko.
Kinabukasan nagpunta ako sa school ng Luna Academy at kinausap ang Dean nito. Pinaliwanang ko ang ginawa ng mga estudyante niya.
"I'm sorry sa ginawa ng mga estudyante ko, don't worry papatawan ko sila ng parusa," sabi niya.
"Sigurado ka?" sabi ko sa kannya. "Pinagmamayabang ng isa sa mga iyon na isa sa stockholder ang Dad niya."
"Yes, tama siya pero hindi naman kalaki ang percent ng Dad niya kaya kahit mawala ito hindi sila kawalan," sagot niya.
"Good, at sana hindi na mauulit ang ginawa nila dahil alam mo na ang mangyayari kapag hindi mo natupad ang sinabi ko," sabi ko sa kanya.
"Of course, of course," sabi niya at pilit ngumiti. Kanina pa siya takot na takot simula ng malaman niya na President ako ng school namin. Hindi lang siya natatakot dahil malaki ang percent na hawak ng may ari ng school kundi takot din siya sa akin dahil kalat na rin ang ginawa ko sa mga estudyante ng school.
Pinapunta ng Dean ang limang estudyante na nantrip sa mga schoolmates ko sa office niya pati na rin ang mga magulang nila.
"Anong problema Dean?" tanong ng magulang ng estuduanteng nagmayabang.
"Nandito ang President ng Golden Dawn," sabi ng Dean at tinuro ako.
"Oh, bakit ka nandito nagsusumbong ka ba? Tingin mo paparusahan kami? Diba Dean?" nakangising sabi ng estudyanteng nagmayabang.
"I'm sorry Mr. Lim pero hindi ko ito-tolirate ang ginawa mo," sagot ng Dean.
Nagulat naman ito. "What? Stockholder si Dad dito," sabi niya.
"Oo nga Dean, isa ako sa stockholder ng school na ito," sabi ng Dad niya.
"Maliit lang ang percent ng hawak mo Mr. Lim pero ang may ari ng Golden Dawn malaki ang hawak nila, mas hindi ko kayang banggain ito," sagot ni Dean. Natahimik naman si Mr. Lim sa sinabi niya. "Kaya kung ayaw niyo na matanggalan ng posisyon sa school na ito turuan niyo ng leksyon 'yang anak ninyo. Hindi niya alam kung sino ang kalaban niya, hindi lang ang may ari ng Golden Dawn ang kinakatakutan ko pati rin itong President nila dahil kung na kaya niyang pasunurin sa kanya ang mga magulang nga mga estudyante doon ibig sabihin ay nakakatakot ang batang ito."
Napatingin ako sa wrist watch ko, isang oras na pala ako dito kailangan ko ng bumalik ulit sa school. "Dean aalis na ako may gagawin pa ako," sabi ko sabay tayo.
Ngumiti naman ang Dean. "Okay, ako ng bahala dito," sabi niya.
Seryoso ko naman siyang tinignan. "Siguraduhin mo lang na gagawin mo, hindi mo naman siguro gustong kalabanin ang school namin," sabi ko.
"Oo naman," kinakabahabang sabi niya.
"Good," sabi ko tsaka naglakad palabas.
End of Flashback
"NAKILALA rin kita sa wakas Mr. President," sabi sa akin ng Dean ng Eastwood Academy. "Gustong gusto na kitang ma meet dahil hangang hanga ako sa ginawa mo dito sa school ninyo."
"Salamat," nakangiting sagot ko. "Hindi ko akalain na magiging big deal pala iyon sa ibang school."
"Nakakamangha kasi dahil kilala itong school na ito na delinquent school dahil sa dami ng mga estudyanteng mga pasaway pero nabago mo lahat ng mga iyon," sabi niya.
"Kung madali niyo lang maiintindihan ang mga estudyante madali lang din sila mapapabago," sagot ko sa kanya.
"Kaya mas lalo kang nakakahanga," sabi niya.
"Ipapahatid ko na kayo sa room ninyo," sabi ko. Dalawang araw kasi sila dito kaya kailangan nila ng matutulugan, may building na pinatayo ang may ari ng school para dito sa event, hindi naman kasi nila mapapagamit ang dorm kaya nagpatayo sila ng building.
Isa na lang ang hinihintay namin ang Standford University, late na sila sa pinag usapan na oras pero parang wala man silang pakielam doon. Pagbaba nila ramdam ko ang kayabangan nila.
"Welcome Stanford, I'm Jayden Mercado, President of this school," pakilala ko at nilahad ang kamay ko sa Dean nila pero hindi niya iyon kinuha dahil para magsitawa ang mga estudyante niya.
"Nasaan ang Dean niyo?" seryosong sabi niya.
Ngumiti naman ako pero ngiti na lagi kong ginakagawa kapag kaharap ko ang mga mafia boss. "Hindi nakikiharap ang Dean sa mga walang respetong tao," sagot ko. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya tinignan niya ako ng masama pero hindi ako nagpaapekto. "Wala akong pakielam kung ano ang pag uugali niyo sa school niyo pero habang nandito kayo sa terotoryo namin marunong kayong sumunod dahil hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko."
"Anong gagawin mo ha? Paparusahan mo rin kami gaya ng ginawa mo sa mga estudyante dito?" mapang asar na sabi ng lalaki na may number 4 sa suot niyang jacket tsak tumawa, nagsitawanan din ang mga kasama niya. "Hindi kami mahihina gaya ng mga estudyante dito na madali lang mapasunod."
"Tama kayo, hindi niyo nga sila kagaya dahil ang mga estudyante dito kahit na matitigas ang ulo nila kaya naman nilang rumespeto hindi kaya niyo na puro yabang lang ang alam," sagot ko. Nainis siya sa sinabi ko at susugod sana pero pinigilan lang siya ng Dean nila. "Sinabi ko naman hindi ko pakikielaman kung anong ugali niyo, gusto ko lang na 'wag kayong gumawa ng kalokohan dahil ayokong magkagulo dito. Gusto kong mag enjoy ang mga bisita ng school namin." seryosong sabi ko. Kita kong natakot naman sila sa sinabi ko. Puro yabang lang talaga ang alam nila. "Ihahatid ko na kayo sa tutuluyan niyo, sumunod kayo sa akin."
Nauna na akong naglakad papunta sa sampong 12 seater na golf cart, 100 players kasi ang meron sa kada school. Maraming golf cart ang school, 100 na 12 seater, 30 na 4 seater at 50 na 2 seater, isama pa ang tig iisang ATV na para sa sa aming mga Student Council. Sobrang yaman kasi talaga ng may ari ng school na ito kaya hindi na nakakapagtaka na may ganito siya karaming golf cart at ATV. Kailangan din naman kasi ang mga ito dahil parang isang maliit na bayan na itong school na ito.
Hindi lang kasi collage ang meron dito, meron ding mga Kinder to High school, malayo lang ang pwesto nila at iba ang gate na pinapasukan nila. Hindi ko na rin sakop ang mga iyon dahil may sarili silang mga Student Council, isa pa mas matitino naman ang mga iyon may mga pasaway man tolerable naman.
Nagsisakay na ang mga estudyante ng Standford, magkasama kami ng Dean sa isang cart meron ding kaming kasamang isang estudyante dahil 99 lang ang ma-o-ocupied ng siyam na golf cart include na kasi sa 12 seat ang driver kaya eleven student lang ang makakasakay sa isang cart.
"Sana Dean 'wag mong baliwalain ang sinasabi ko sa inyo kanina dahil hindi ako nagbibiro, sana 'wag mong hayaan na manggulo ang mga estudyante mo," sabi ko sa kanya habang nasa biyahe kami pero hindi siya nagsalita. Ilang minuto lang nakarating na kami sa tutuluyan nila. "Uulitin ko, 'wag na 'wag kayong gagawa ng kalokohan dito, 'wag kayong maninira ng kahit na anong gamit, gawin niyo na lang iyan sa school niyo." Pero parang wala silang narinig.
Hinayaan ko na lang sila, kung hindi man nila pakikinggan ang sinabi makikita nila ang ginawa nila. Kahit na isang sira man lang ang makita ko mabubura ang pangalan ng Standford.
"MUKHANG stress ka ah," sabi ni Noona sa akin pagbalik ko ng office ko.
"Ang titigas kasi ng mga ulo ng Standfords, alam ko kahit binalaan ko na sila gagawa at gagawa sila ng kabalastugan," sabi ko.
"Mga matitigas talaga ang ulo nila, wala silang sinusunod na kahit na sino, hindi man lang kasi sila sinasaway ng Dean nila," sabi niya.
"Kita ko nga, isa nga rin siya sa kanila na matigas nag ulo," sabi ko.
Nagsimula na ang ibang mga sports gusto ko man panoorin lahat hindi ko magagawa dahil busy ako tapos ang iba sabay sabay pang ginawa, ang tanging mappaanood ko lang ay ang basketball. Nangako rin kasi ako kina Jace na papanoorin ko sila pero muntik ko ng hindi mabutan ang laro nila dahil hindi ko namalayan ang oras dahil sa pag roronda ko sa school buti na lang tinawagan ako ni Noona. Pagdating ko nag sisimula na sila.
"Jayden dito," tawag sa akin ni Noona habang kumakaway. Nasa may unahan siya. "Mabuti na lang dumating ka na."
"Pasensya na hindi ko namalayan ang oras," sabi ko ng maupo ako sa tabi niya pagkatapos tumingin ako sa court. "Sinong kalaban nina Jace?"
"Ang Standford," sagot niya, tumango naman ako at nanuod.
Mayamaya biglang pumito ang referry. "Black jersey number 4 foul," sigaw nito, SI Jackson Hyung ang tinutukoy niya, nagtaka ako kung bakit siya ang na foul kita naman niya na ito ang natumba. Maraming umalma sa sinabi niya.
"Napapano ba 'yang refery na 'yan kanina pa siya lagi na lang ang team natin ang dinafoul niya pero ang kalaban hindi kahit kita naman na sinasaktan na ng mga ito ang team natin," galit na sabi ni Noona.
Nagsimula muli ang laban at gaya ng sinabi ni Noona, kitang kita na sinisiko ng mga kalaban ang team namin pero wala mang reaction ang refery pero lagi niyang fina-foul ang team namin.
"Foul, black jersy number 1," sabi ng refery kay Jace.
"That's it," sabi ko, kanina ko pa pinipigilan ang sarili pero ngayon punong puno na ako. "ITIGIL NIYO ANG LABAN." sigaw ko. Tumahimik naman ang mga estudyante. Umakyat ako sa railing sa harap namin tsaka tumalon pababa tsaka mabilis na lumapit sa refery. "Ang katangahan ang ginagawa mo ha? Kitang kita namin na kanina pa sinisiko ng kabilang team ang team namin parang wala kang nakikita pero kapag ang team namin hindi lang masadya na masiko ang bilis ng mata mo," inis na sabi ko sa refery. "Sabihin mo nga binabayaran ka ba?"
Bigla namang pinagpawisan ang refery sa sinabi ko. "Mr. Mercado, hindi pwede ang ginagawa mo," sabi ng Dean ng Standford.
"Tingin pwede ang ginagawa ng refery ha?" malamig na sabi ko. "Sinabi ko kanina 'wag na 'wag kayong gagawa ng kalokohan dito."
"B-Bakit, wala naman kaming ginawa," pagdadahilan niya.
"Kung wala bakit parang kampi sa inyo itong refery?" tanong ko.
"Hindi ko alam, masyado lang talagang madadaya ang team niyo," sagot niya.
Napa chuckle naman ako. "Gusto mo bang ipakita ko ang mga cctv videos sa 'yo para makita mo kung sinong nandadaya," sabi ko. Bigla naman siyang namutla sa sinabi ko. "Kanina pa ako nagtitimpi sa inyo pero sobra na ang ginawa ng mga team mo pini-physical na nila ang team namin at ikaw," sabi ko sa refery. "Kapag hindi ka umamin kung bakit ganun ang ginagawa mo sisiguraduhin ko na hindi ka na makakahanap pa ng trabaho kahit kelan."
Nanlaki naman ang mata niya. "'Wag po, pasensya na malaki kasi ang binayad niya sa akin," Tinuro niya ang Dean. "Kailangan ko lang ng pera para sa anak ko, may sakit kasi siya sa puso." umiiyak na sabi niya.
"Mabuti naman umamin ka," sabi ko.
"PRESIDENT!" sigaw ng isa sa schoolmate ko. "'Yung mga gamit sa tinutuluyan ng Standford sira lahat, pati mga appliance." Nakita kong natuwa ang mga Standford at nag apiran pa.
Bigla naman nandilim ang mata ko sa sinabi niya pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "Umalis na kayo," sabi ko sa Dean ng Standford. "Umalis na kayo habang nagtitimpi ako sa inyo."
"Akala mo kasi mapapasunod mo kami sa 'yo," tumatawang sabi ng naka jersey numer 5. "Hindi kami uto uto gaya ng mga estudyante dito."
Nagdilim na talaga ng paningin ko, sa kisap mata nasa pwesto na niya ako sakal sakal siya. "Tingin mo nakikipagbiruan ako sa inyo? Tingin niyo hindi ko kayang gawin ang banta ko sa inyo?" galit na sabi ko. Rinig ko ang sigawan ng mga estudyante pero hindi ko sila pinapansin.
"Stop it Lucas, you can kill him," Bigla naman akong kumalma ng marinig ko ang boses ni Jace tsaka binitawan ang naka jersey number 5. Agad naman niyang hinabol naman niya ang hininga niya.
"I'm sorry," sabi ko sa kanya.
"It's okay," sabi niya.
Humarap muli ako sa mga estudyante ng Standford. "Tandaan niyo itong araw na ito, pagsisihan niyo na hindi niyo sinunod ang sinabi ko," malamig na sabi ko sa kanila.
HUMINGI ako ng paumanhin sa mga Dean ng ibang school dahil sa biglang pagkagulo pero mabuti na lang naiintindihan nila. Natutuwa rin sila dahil pinagdidiskitahan din ng Standford ang mga estudyante nila noon marami na nga raw gustong mag protesta kaya lang wala silang kakayahan dahil mas mataas ang Standford sa kanila.
Tinuloy pa rin namin ang sport festival, mas naging maayos naman ang takbo ng sport fest ng mawala ang Standford. Habang abala ang mga ito sa sport fest ako naman nandito sa sa meeting room ng council para pag usapan ang ginawa ng Standford kanina.
"Matagal na ngang gustong ipasara iyang Standford pero hindi namin pwedeng mapasara ng walang dahilan," sagot ni Mr. Geo. "Kailangan muna nating makahanap ng dahilan para maipasara ang Standford."
"Kung ayos lang po sa inyo ako na po ang bahalang maghanap kung paano natin maipapasara ang Standford," sabi ko sa kanila.
"Kung magagawa mong makahanap ng dahilan sige gawin mo," sabi Mr. Vic.
"Salamat po," sabi ko.
Matapos ang meeting namin lumabas na ako ng meeting room ng council at bumalik ng office ko. Agad ko namang tinawagan si Mark para matulungan niya akong maghanap ng ebidensya na pwedeng magpasara sa Standford. Gusto na naming mapasara iyon sa lalong madaling araw dahil marami na sila binubully na taga ibang school.
"Hello, Mark maghanap ka ng impormasyon na pwedeng magpasara sa Standford University," sabi ko ng sinagot niya ang tawag. "At gusto ko ibigay mo ngayong araw."
"Noted, give me a minutes," sagot niya.
Binaba ko muna ang tawag pero lumipas ang ilang minuto tumawag si Mark para sabihing naipadala na niya sa email ko ang impormasyon ng Standford kaya agad kong tinignan ito at binasa. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ako, pinrint ko ang mga ito pagkatapos nagpunta ulit sa meeting room ng council.
"Totoo ba ang lahat ng mga ito?" gulat na tanong ni Mrs. Lizette ng mabasa ang impormasyon na binigay ko.
"Yes, magaling na hacker ang kaibigan ko makakakuha agad siya ng impormasyon kahit na probado pa ito," sagot ko.
"Kung ganito pala ang ginawa ng Standford kailangan natin talagang maipasara ang Standford," sabi ni Mr. Henry.
Agad kami gumawa ng legal na aksyon, nagpunta kami sa pulisya ni Chief Edgard. Magaling at mapagkakatiwalan ito, hindi ito nasisilaw sa pera dahil mayaman na ang pamilya nila pangarap lang talaga niyang maging pulis nung bata pa siya.
"Sigurado ba kayo sa impormasyon na ito? Mabigat na bintang ang ginagawa niyo sa kanila," sabi ni Chief Edgard ng mabasa ang impormasyon.
"Yes sir," sagot ko sa kanya. "Hindi pa po nagkakamali ang kaibigan ko sa pagkuha ng impormasyon pero para mas makasiguro kayo ay imbistigahan niyo na lang," sagot ko.
"Mabuti pa nga dahil mahirap ng magkamali, drugs at human trafficking ang pinag uusapan dito at kung totoo man ang mga nandito delekado ang mga nag aaral sa Standford," sabi niya.
"Hindi po ako mag ri-risk ng ganito kung hindi ako sigurado," sagot ko.
Ang Standford ay kuta ng mga drug lord, itinayo nila ang school para hindi malaman ng mga gobyerno ang ginawa nila. Ginagamit din nila nag mga estudyanteng pumapasok sa school nila at kapag may balak na magsumbong binebenta nila ang mga ito sa black market. Kaya ganun na lang ang ugali ng mga estudyante sa Standford dahil lulong na sila sa drugs.
Sa mga nalaman ko hindi ko hahayaan na manatili pang nakatayo ang Standford dahil ayoko ng may bagong kabataan pa ang mabiktima nila at sisiguraduhin ko din na pagbabayarin nila ang mga ginawa nila sa mga mag aaral.
To be continued...