Jade's Point of View
"Tapos na," sabi ni Jackson.
"Sa wakas," sabi ko sabay unat.
Ilang oras din niya akong tinatuan kaya sobrang nangalay ang katawan ko. Tumayo ako papunta sa may salamin para tignan ang tattoo na ginawa ni Jackson, kahit na nakita ko na ito sa kanila hindi ko pa rin maiwasan na humanga dahil ang ganda ng logo nila, talagang pinag isipan nila ang design.
"You're officially member of Enigmatic Royalty," sabi ni Jackson. "Bukas ipapatawag namin lahat ng student at ipapakilala ka namin sa kanila para malaman nila na isa ka na sa amin."
"Kailangan pa bang gawin iyon?" tanong ko.
"Oo dahil hindi lang naman kami ang nagkakainterest na isali ka sa gang, marami kami, nagpapaunahan lang kami kung sino ang unang makakuha sa 'yo," sagot niya na ikinatango ko.
"Okay, ngayong member ka na ng Enigmatic Royalty, pormal kaming magpapakilala sa 'yo bilang member ng grupo," sabi ni Jackson. "I'm King, 2nd rank of the group." Nag bow siya ng parang isang prinsepe.
"I'm Knight, 3rd rank of the group," pakilala ni Tayler nag bow din siya gaya ni Jackson.
"I'm Duke, 4th rank of the group," pakilala ni Samuel.
"I'm Princess, 5th rank of the group," pakilala ni Skylar. "Alam kong nagtataka kung bakit princess ang codename ko," Yeah, nakakapagtaka na ganun ang codename. "I'm gay, hindi man halata pero bakla ako at alam ng lahat iyon." Kita ko sa mga mata niya na proud na proud siya sa kasarian niya at gusto ko ang ugali niya, marami kasing mga bakla na natatakot na sabihin na bakla sila dahil sa mga mapanghusgang mga tao.
Marami akong mga kaibigang bakla and I love them all, sobrang bait nilang lahat at sobrang sweet. Sobrang saya namin kapag kasama namin sila kahit na mahaharot sila kapag nakakakita sila ng mga gwapong lalaki mababait naman sila. And speaking of them kapag nakita nila akong ganito ang suot paniguradong lalandiin nila ako.
"Pero bakit confident ka na sabihin sa akin na bakla ka?" tanong ko. "Paano kung homophobic pala ako?"
"Alam ko na hindi ka ganun," sagot ni Skylar. "Sa ilang araw na ino-obserbahan kita marami akong nalalaman sa 'yo. Isa na doon na kahit na ang daming mga baklang lumapit sa 'yo hindi mo sila pinag tatabuyan o pinandidirihan. Kitang kita ko sa mga mata mo na walang bahid ng pagpapaggap kapag kinakausap mo ang mga iyon."
"Good observation," sabi ko. "Oo nga pala, siya ba hindi siya magpapakilala?" Turo ko kay Hunter na kasalukuyang natutulog. Kapag pumupunta ako dito lagi ko na lang naaabutan na tulog 'yan o di kaya ay nakapikit. Lagi ba siyang kulang sa tulog?
"Tamad magsalita 'yan kaya ako ng magpapakilala sa kanya," sabi ni Jackson. "Siya si Emperor, ang 1st rank at leader namin."
"Leader pala 'yan, akala ko ikaw ang leader," sabi ko. "Lagi naman kasing tulog 'yan kapag nakikita ko siya."
Natawa naman si Jackson sa sinabi ko. "Hindi lang ikaw ang nag aakala na ako ang leader pero ang totoo siya talaga, oo laging tulog pero pagdating sa laban gising na gising siya."
"Grabe 'yang leader niyo ah, laging tulog pinaglihi ba 'yan sa Sloth?" tanong ko na ikinatawa nila.
"Siguro," sagot ni Jackson. "Tsaka leader mo na rin siya kaya 'wag mo ng sabihin na leader namin."
"Okay," sagot ko. "Ano nga pala ang magiging codename ko?"
"Prince, dapat kay Samuel iyon dahil kambal sila ni Skylar pero ayaw niya," sagot ni Jackson.
Kambal pala sina Samuel at Skylar, hindi kasi sila magkamukha at magkaiba ang body built nila. Kung si Skylar feminine ang katawan niya, si Samuel maskulado na halatang laging babad sa gym kaya hindi mo aakalain na nineteen lang din siya gaya ko.
Hindi kasama ang Enigmatic Royalty sa mga pinaimbistiga ko kay Mark tanging ang mga taong nakasalamuha lang nito ang kasama. Hindi ko nabasa doon na nakakasalamuha niya ang mga ito kaya hindi na ako nag abala na ipa imbistiga sila kay Mark pero siguro ngayon kailangan ko na para naman hindi ako nagugulat sa mga malalaman ko tungkol sa kanila.
"Bakit naman?" tanong ko kay Samuel.
"Wala lang para sa akin hindi bagay iyon sa akin parang pambata lang kaya Duke na lang ang pinili ko," sagot niya.
"Sabagay parang pambata nga naman iyon," sang ayon ko sa kanya tapos tumingin ako sa wrist watch ko. "So, 'yun na ba lahat?" Gusto ko ng umuwi inaantok na rin ako, kulang ang tulog ko kanina. Namamadali pa naman akong pumasok kanina late rin naman pala ako.
"Oo, bukas na lang uliut," sagot ni Jackson. "Bukas maaga kang pumasok bago magsimula ang klase." Gusto kong umirap sa sinabi niya, ang aga na nga nga klase namin tapos gusto niya pa na sobrang aga.
"Bakit ang aga hindi ba pwedeng after class na lang?" nakasimangot na tanong ko.
"May gagawin pa tayo after class," sagot niya.
"Tsk," nasabi ko na lang. "Sige na, uwi na ako inaantok na ako." Saktong bigla akong hikab.
"Sige na mauna ka na," sabi ni Jackson.
Naglakad na ako palabas ng Royalty Room. Akala ko wala na akong maabutan pang mga estudyante dahil late na pero may mangilan-ngilan pa rin pala.
"Hi, Jayden," bati sa akin ng dalawang babaeng nadaanan ko.
"Hi," bati ko rin sa kanila dahilan para magtilian sila. Napailing na lang ako, kung siguro noon pa lang nag ayos na si Jayden paniguradong walang mambubully sa kanya. Gwapo naman siya pero hindi ko alam kung bakit mas pinili pa niyang maging nerd kesa maging heartthrob.
Pagpasok ko ng kotse ko biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita ko kung sino agad kong sinagod.
"Hello, Mom," sagot ko sa tawag niya.
"Anak pumunta ka dito sa bahay namin," sabi niya.
"Why?" tanong ko.
"Gusto kang kausapin ng asawa ko," sagot niya.
Naging seryoso naman ako sa sinabi niya. "Okay, Mom pupunta na ako," sagot ko.
"Mag iingat ka sa biyahe," nag aalalang sabi niya.
"Yes, Mom," sabi ko pagkatapos binaba na ang tawag pagkatapos agad kong binuhay ang kotse ko at pinaandar.
~
"Bakit mo ako pinapunta dito, Mom?" tanong ko kay Mom ng makapasok ako sa bahay nila.
Magsasalita sana si Mom ng biglang lumitaw ang asawa niya na galit na galit pagkatapos agad akong sinuntok. Hindi ako aware sa ginawa niya kaya hindi ako nakaiwas pero hindi naman ako ganun na saktan sa suntok niya.
"T*ra*tado ka!" galit na sigaw ng asawa ni Mom. "Bakit mo binastos ang kapatid ko ha?"
Napangisi naman ako sa sinabi niya. "Nagsumbong pala sa 'yo si Prof Carla," sabi ko sa kanya pagkatapos tumingin kay Prof Carla na nasa likod niya.
"Oo at sinabi niya lahat ng kabastusang ginawa mo sa kanya," sigaw niya.
"Gaya ng ano?" tanong ko.
"Na-pinahiya mo siya sa harap ng mga estudyante dahil lang sa sinaway niya? Normal lang na gawin niya iyon dahil Prof mo siya," sagot niya.
"Kasama ba sa pagiging Prof niya ang lait laitin ako? Na sinasabi niyang hampas lupa lang ako?" tanong ko.
"Bakit hindi ba totoo?" sabat ni Prof Carla. "Hampas lupa ka lang naman talaga kaya ka lang nakapasok sa school na iyon dahil scholar ka lang."
"Sige, hampas lupa ng hampas lupa pero kanino ba dahilan kung bakit hampas lupa ako? Diba sa kapatid mo?" nakangising sagot ko.
"Aba't t*ra*tado ka talaga ah," galit na sabi ng asawa ni Mom at susugod sana sa akin pero inawat lang siya ni Mom.
"Tama na 'yan Robin," saway ni Mom sa kanya. "At ikaw naman anak bakit nagsasabi ka ng ganun sa tita mo."
"She's not my aunt," mabilis na sagot ko. "Hindi ko siya kadugo kaya hindi ko siya tita. Kung noon hinahayaan ko lang na lait laitin ako ng mga iyan pwes ngayon hindi na, hindi ko hahayaan na gawin nila iyon sa akin."
Ngayong kaharap ko na ang asawa ni Mom hindi ko maiwasan na kumulo ang dugo ko. Kung hindi lang mahaba ang pasensya ko baka kanina pa ito naka bulagta sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.
"Makapagsalita ka ng ganyan, ano bang pinagmamalaki mo 'yang kotse mo ha?" sabat ng isang lalaki at base sa binigay ni Mark na information, siya ang step-brother ni Jayden si Leo Mercado. "Nagmamayabang ka na dahil sa binigay na kotse ng tatay mo?"
"Ano namang kinalaman ng pagbigay ni Dad sa kotse ko sa sinabi ko?" tanong ko sa kanya. "Kahit wala akong kotse sasabihin at sasabihin ko ang mga salitang binitawan ko. Hindi naman habang buhay na magpapaka bait ako."
"At bakit tumanggap ka ng kotse sa tatay mo ha? Dapat wala ka ng tinatanggap sa kanya dahil ako na ngayon ang tatay mo," galit na sabi ni Robin.
"Bakit naman hindi ako pwedeng tumanggap ng regalo galing kay Dad? Eh tatay ko naman iyon," tanong ko.
"Dahil ako na nga ang bagong tatay mo," sagot niya.
"Bakit nagpakatatay ka ba sa akin?" tanong ko. "Kasi kung nagpakatatay ka sa akin, hindi naging miserable ang buhay ko sa puder mo."
"Anong miserable, pinakain at binihisan kita," sumbat niya.
"'Yun naman talaga ang dapat mong gawin dahil pinakasalan mo si Mom 'diba? Alam mo naman na may anak siya kaya alam mo na may isa ka pang bubuhayin kaya 'wag mong isumbat sa akin na pinakain at binihisan mo ako dahil 'yun lang ang ginawa mo," sagot ko.
Bumalik lahat ng inis ko nung nabasa ko ang information ni Jayden, sobrang inis na inis ako kay Robin at gustong gusto ko na siyang patayin pero pinakalma ko ang sarili ko dahil ayokong pumatay ng inosenteng tao kahit pa may nagawa itong hindi maganda kay Jayden hindi dahilan iyon para patayin ko siya, inosente pa rin ito.
"Kung wala na kayong sasabihin na hindi maganda uuwi na ako, maaga pa akong papasok bukas," malamig na sabi ko, hindi ko na hinintay pang may mag salita umalis na ako baka kapag nagtagal pa ako doon hindi na ako makapagtimbi at baka may masaktan na talaga ako sa kanila.
Nang makarating ako sa condo, hindi na ako nagbihis pa at diretso higa na ako sa kama ko, ilang segundo lang nakatulog na ako.
KINABUKASAN naglalakad ako habang humihikab, nakapamulsa ako at walang ganang naglalakad papunta sa Royalty Room. Gaya ng sinabi ni Jackson kailangan kong pumasok ng maaga kaya heto ako ngayon inis na inis dahil kulang ako sa tulog. Maraming bumabati sa akin pero wala ni-isa akong pinansin dahil wala ako sa mood na makipag ngitian sa kanila.
"Oh, sh*t!" dinig ko pagpasok ko sa Royalty Room. "Bakit naman pabagsak mong binuksan ang pinto ha Jayden?" saway sa akin ni Tayler pero hindi ko siya pinansin at dumireto sa sofa kung saan naka higa si Hunter. Wala akong pakielam kahit pa natutulog siya agad kong hinawi ang mahabang niyang paa paalis sofa.
Nagmulat si Hunter at tinignan niya ako ng masama. "What?" malamig na sabi ko sa kanya matapos kong umupo.
Wala siyang sinabi at naupo ng maayos pagkatapos pumikit ulit ito para matulog ng nakaupo.
Third Person's Point of View
Hindi makapaniwala sina Jackson sa nasaksihan nila kanina. Bakit parang wala man lang sinabi si Hunter nung pinaalis ni Jayden ang paa niya? At bakit parang bigla itong natakot ng magsalita ng malamig si Jayden sa kanya? Sabagay sino bang hindi kikilabutan sa malamig na boses ni Jayden para kang nakaharap sa demonyo.
Tingin nga nila parang mas nakakatakot nga si Jayden kesa kay Hunter pero nagtataka sila kung bakit parang ang init ng ulo nito hindi naman ito ganun kahapon maayos naman itong nakakausap. Ano bang nangyari sa kanya.
"Anong nangyari kay Jayden? Bakit parang ang init ng ulo niya?" bulong ni Samuel kina Jackson na kahit sila nagtataka na rin.
"Hindi ko alam, 'wag na lang muna natin siyang guluhin ngayon," pabulong na sagot ni Jackson.
"Anong bang oras ang pagpapakilala niyo sa akin?" Halos tumaas ang balahibo nila ng magsalita si Jayden na nakapikit.
"M-Maya-maya," kinakabahang sagot ni Tayler.
"Tsk," inis na sabi ni Jayden na mas lalo nilang kinatakot. "Gisingin niyo na lang ako kapag magsisimula na."
"O-Okay," sagot ni Tayler.
Napakawala nila ang pinipigil nilang hininga ng hindi na magsalita si Jayden. Hindi talaga nila maintindihan kung bakit sobrang natatakot sila dito, siguro dahil na rin sa itim na aurang bumabalot dito kaya mas nakakatakot ito.
Kahit na ang nakapikit na si Hunter ay may takot na nararamdaman, hindi na ito makatulog mula ng gisingin siya ni Jayden. Hindi siya mapakali sa madilim na presensya na nararamdaman niya dito. Maliban sa lolo niya ay wala na siyang kinakatakutang tao, kahit mafia boss pa iyan hindi niya kinakatakutan pero iba ang takot na nararamdaman niya kay Jayden para itong nakaharap sa demonyo.
To be continued...