Chapter 5

2020 Words
Third Person's Point of View Sa bansang Italy, may isang lalaking nasa idad 40's ang lumabas sa isang magarang sasakyan. Aakalain mong isa siyang modelo dahil kahit naglalakad lang ito parang rumarampa ito sa isang run way. Halata ring batak ito sa gym dahil makisig at maskulado ang pangangatawan nito na bakat na bakat sa suot niyang black three piece suit na suot niya. Siya si Alessandrodo Barrington, isang tanyag na business man sa Italy at sa iba't ibang bansa. "Where's Iris?" malamig na tanong ni Alessandro sa butler niya pagpasok niya sa malapalasyong gusali. Kagagaling lang niya sa isang buwang pag stay sa New Zealand para sulusyunan ang problema ng kanyang business. Akala niya na sa pag-uwi niya ay unang sasalubong sa kanya ang kanyang anak pero tanging ang kanyang butler at mga maid lang ang sumalubong sa kanya. "Boss, the young lady is missing," sagot ng butler nito. Lahat ng mga maid na katabi ng butler ay nanginginig sa takot maliban sa kanya dahil sanay na siya sa ugali ng amo niya na bata pa lang ito ay pinagsisilbihan na niya. "WHAT?!" malakas na sabi niya. "How the hell she's missing?" Nakakapagtaka na mawawala ang anak niya dahil saan mang sulok ng mansion nila ay nagkalat ang mga tauhan niya. Walang maglalakas na manghimasok sa pamamahay niya lalo na at kilala siya bilang pinakamalakas na Mafia Boss sa iba't ibang bansa. "We don't know sir," sagot ng butler. Naiinis na kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan ang anak. Alam niyang hindi ito nawawala, tumakas ito sa mga tauhan niya. "Hello," sagot ng anak niya. "Iris where the hell are you?" mahinahong tanong niya kahit na galit na galit na ito sa biglang pagkawala niya hindi niya kayang sigawan ang kanyang prinsesa. "Dad, nandito ako sa pilipinas," sagot nito. "What?!" gulat na sabi ni niya. "Anong ginawa mo diyan?" "Because of Jayden," sagot nito. "What happened to Jayden?" nag aalalang tanong niya, kahit na hindi matagal na niyang hindi nakakasama ang isang anak, mahalaga pa rin ang isa niyang anak. "Na-hospital si Jayden, ang sabi ni Mom na bully daw ito pero hindi ako sigurado kung dahil lang ba doon," paliwanag nito. Hindi niya nagustuhan ang mga narinig niya lalo na ang part na nabu-bully ang anak niya. "Alam ba ng Mom mo na na bu-bully ang kakambal mo?" "No, nalaman lang niya ng ma-hospital si Jayden. Hindi kasi sinasabi ni Jayden sa kanya ang nangyayari dito." "Hindi ba kayang labanan ni Jayden ang mga iyon?" tanong niya. Bago pa sila maghiwalay ng dating asawa, tinuruan niya ng martial arts ang kambal para balang araw ay magamit nila ito para protektahan ang sarili. "No Dad, masyadong naging duwag si Jayden, hindi ko alam kung bakit naging ganun siya dahil hindi naman siya ganun dati, siya pa ang prumo-protekta sa akin noon," "Yun na nga, siya ang unang tinuruan ko ng martial arts pero bakit naging ganun siya," "Sa palagay ko may kinalaman ang asawa ni Mom kung bakit lumaking duwag si Jayden," "Nagkita na ba kayo ng lalaking iyon?" tanong niya. Noon pa man hindi na niya gusto ang asawa ng dati niyang asawa. Kahit hindi siya mahal nito ay mahal niya ito, tanggap naman niya na mag aasawa ulit ito pero hindi sa lalaking iyon dahil alam niyang hindi maganda ang magiging buhay nito dito pero hindi ito nakikinig sa kanya at pinakasalan niya pa rin ito. "No at ayoko rin naman na makita ang lalaking iyon kahit na hindi ko pa ito nakikita hindi ko na ito gusto," sabi nito. "Sige na Dad mamaya na lang tayo mag usap, nagpaalam lang akong mag c.cr." "Okay, bye," sabi niya. Jade's Point of View "Mabuti naman at naisipan mo pang bumalik, Jayden," galit na sabi ng Prof Carla, kapatid siya ng step-dad ni Jayden. Lagi rin nitong pinag iinitan si Jayden. "Wala na nga sana akong balak pumasok dahil ang boring ng klase mo," sagot ko sa kanya habang naka pamulsa ako. Namula naman ang mukha niya sa galit. "Anong sabi mo?" galit na sabi niya. "Porket gumwapo ka lang naging mayabang ka na?! Tandaan mo kahit gaano pa ka-gwapo ang mukha mo wala ka pa ring kwenta dahil mahirap ka lang." "Excuse lang ma'am pero hindi niyo po ba nabalitaan na mayaman talaga si Jayden," sabi ni Jessica, kaklase siya ni Jayden sa isang subject. "Siya iyong may ari ng Lamborgini na tinanong niyo sa akin kanina." Tumawa naman si Prof Carla. "Nagpapatawa ka ba? Paanong sa kanya ang Lamborghini na iyon eh ang mahal mahal nun," sabi niya. "Kaya nga sinabi ko na mayaman talaga si Jayden, nagpapanggap lang siya na mahirap noon," sagot ni Jessica. "Mukhang naloko kayo ni Jayden, paanong nagpapanggap lang siya eh mula bata pa lang kilala ko na siya," sabi ni Prof Carla. "Imposible na nagpapanggap lang siyang mahirap dahil hindi naman sila mayaman noon pa man." Maraming sumang ayon sa sinabi ni Prof Carla at kung ano anong sinasabi nila sa aking hindi magaganda. "Then bakit may Lamborghini siya?" tanong ni Jessica. "Baka ninakaw lang niya 'yan," sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya. "Oh, really? Ang galing ko namang magnanakaw at hanggang ngayon hindi pa ako na te-trace ng may ari ng Lamborghini," sagot ko sa kanya. "Tama siya," sang ayon ni Samuel. "Kung ninakaw ang Lamborghini na iyon matagal na dapat na trace iyon." "Kung hindi mo ninakaw iyon saan mo nakuha iyon?" tanong ni Prof Carla na pilit tinatago ang pagkapahiya niya. "My Dad give that to me," sagot ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko. "Imposible, bakit ka naman reregaluhan ng kapatid ko ng ganung kamahal na kotse," sabi niya. "Masyado ka na bang matanda para makalimutan mong hindi ako anak ng kapatid mo? Na-anak ako ni Mom sa unang asawa niya?" tanong ko. Alam na alam niya iyon kaya nga lagi niyang pinag iinitan si Jayden dahil hindi siya totoong anak ng kapatid niya. Magsasalita na sana siya ng biglang mag ring ang bell. "Perfect, mabuti na lang naubos ang oras mo sa pakikipag debate sa akin at least hindi na ako makikinig sa napaka boring mong lesson." Rude kung rude wala akong pakielam, sa mga ginagawa niya sa kakambal ko hindi ko siya mapapatawad. Wala akong makita na dahilan para kamuhian niya ang kakambal dahil wala naman itong ginagawang masama sa kanya kaya bakt galit na galit siya sa kakambal ko dahil lang ba sa hindi ito anak ng kapatid niya? Iniwan kong nakatulala si Prof Carla at hindi pinansin ang mga titig ng mga kaklase ko. Malapit na ako sa canteen ng may umakbay sa akin. "Ang galing ng ginawa mo kanina," sabi ni Skylar. "Thanks," sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. "Pahiyang pahiya si Prof Carla dahil sa ginawa mo," sabi niya. Ngumisi naman ako. "Bagay lang sa kanya iyon, dati pa ako bwisit na bwisit sa kanya, ayoko lang noon masira ang image ko bilang good student pero ngayon wala na akong pakielam." "Hindi ka ba natatakot na tanggalin ka nila ang scholar mo?" tanong ni Skylar. "Kung tatanggalin nila ako edi tanggalin, kaya ko namang bayaran ang tuition fee dito," sagot ko sabay bukas ng pinto ng canteen. "Eh bakit nag scholar ka?" tanong ni Samuel. "Na-challenge kasi ako sa exam ng scholar kaya sinubukan ko hindi ko naman akalain na papasa ako," sabi ko. "Sayang naman iyon kaya kinuha ko na." "Bakit pakiramdam ko pinagyayabangan tayo nito na matalino siya," pabirong sabi ni Skylar kay Samuel. "Oo nga eh," sang ayon ni Samuel sa kanya. "Tara pagtulungan natin ito para mawala ang kayabangan." Natawa naman ako sa kalokohan ng dalawa. "Gawin niyo nga para naman ma-exercise ako," panirong sabi ko rin at pinatunog ang kamay ko. "Ha? Wala naman akong sinabi ah, 'diba Skylar wala naman?" sabi ni Samuel. "Oo nga wala naman eh," sang ayon ni Skylar. Napailing na lang ako sa sinabi niya at nag order ng pagkain ng ako na ang sumunod. Nang makapag order na kaming tatlo umakyat na kami sa second floor saktong naabutan naming kumakain ang tatlong kaibigan ng dalawa. "Hyung, napapayag na namin si Jayden na sumali sa atin," sabi ni Skylar kay Hunter pero hindi ito ang sumagot sa kanya. "Talaga?" masayang sabi ni Jackson. "Totoo bang sasali ka Jayden?" Paniniguro nito sa akin. "Oo," sagot ko. "Mabuti naman madali kang napapayag ng dalawa?" tanong ni Tayler. "Sabi nila maraming mas malalakas pa sa Piosonous Gang akong makakalaban," sagot ko. "You know napaka boring ng college life ko noon kaya gusto ko namang maging excitement ito." Napatango naman si Jackson. "Tama ka ng sinalihan dahil kami ngayon ang nasa rank 1 maraming gustong makalaban kami kaya paniguradong mag e-enjoy ka sa mga gagawin natin," sabi niya na ikinangisi ko. Nangangati na talaga ang kamao ko ilang buwan na akong walang ginagawa at nakakasawa aman kung laging ang mga lampang tauhan ng mga mafia boss ang mga makakalaban ko. Nakakasawa na rin ang makipag batuhan ng mga bala sa mga mafia boss, gusto ko naman bago yung kamao sa kamao hanggang sa magdugo ang mga ito. I love blood. "'Wag ka na ulit ngingisi ah Jayden," sabi ni Tayler. "Ha?" takang tanong ko. "Alam mo kasi para kasing may mga nakapalibot na demonyo sa paligid mo kapag ngumingisi ka," sagot niya. Na-gets ko naman agad ang sinabi niya at mas lalong ngumisi. "Bakit natatakot ka ba?" Napalunok naman siya sa takot kaya nakatawa ako. "Biro lang, masyado ka namang matatakutin." Biglang tumikhim si Jackson. "May itatanong ako Jayden," "Ano 'yun?" tanong ko. "Nagpa-tattoo ka na ba?" tanong niya. "Yes, why?" tanong ko. Ako ang may tattoo hindi si Jayden, good boy nga siya diba? Imposible na magpatattoo siya. "Kasi ta-tattoo-in ka mamaya, sumbulo iyon na member ka ng Enigmatic Royalty," sabi niya. "Okay," sagot ko. "Kung nagpatattoo ka na, saan ka nagpatattooo?" tanong ni Samuel. "Here," Tinaas ko ang long sleeve ng uniform ko at pinakita ang tattoo ko. "Wow," manghang sabi nila ng makita nila ito. Sawang nakapalibot sa mga rosas ang pinagawa ko, may malaking peklat kasi ako sa braso kaya nagpa-tattoo na lang ako para matakpan ito. Siko hanggang pulso ang laki ng tattoo ko dahil ganun din kalaki ang peklat ko sa braso. Mabuti na lang long sleeve ang uniform nina Jayden kaya madali akong itago ito, ang hassle naman kasi kung concealer ang gagamitin ko. "Kelan mo pinagawa 'yan?" tanong ni Jackson. "Nung 19 ako," sabi ko. "May peklat kasi ako dito kaya nagpa tattoo ako." "Kasing laki ng tattoo mo ang peklat?" tumango naman ako sa tanong niya. "Grabe, ang tagal mo na pa lang may tattoo pero hindi man lang namin nalalaman," sabi ni Skylar. "Swempre sino bang good boy ang may tattoo?" tanong ko. "Sabagay," sagot niya. Natapos na ang lunch time kaya nagsipasok na kami sa kanya kanya naming room. As usual nakakaboring na naman ang mga lesson, muntik pa akong makatulog sa sobrang bored ko. Ayoko naman masira ang record ni Jayden tama na 'yung sinagot sagot ko si Prof Carla. May dahilan naman ako kung bakit ko nagawa iyon. Hindi madalas tawagin si Jayden kapag recitation dahil mas puntarya ng mga Prof ay ang mga hindi nakikinig sa klase alam kasi nila na masasagit at masasagot ni Jayden kaya hindi na nila ito tinatawagan maliban kay Prof Carla na halos buong klase niya si Jayden ang pinapasagot niya kaya hindi na nakikinig ang mga student sa kanya dahil alam nilang hindi sila nito tatawagin. Maliban kay Prof Carla, professional lahat ng mga prof dito hindi sila nagpapadala sa kung anong yaman ang meron ang mga student. Hindi sila natatakot na ibagsak ang mga ito kapag bagsak talaga dahil alam nila na protektado sila ng may ari ng school na ito kaya hindi sila maaaring saktan ng mga estudyante. Nawala ang antok ko nung tumunog ang last bell ngayong araw. "Uwian na rin sa wakas," sabi ko sabay unat. Nakakapagod ding maupo maghapon. "Tara na Jayden," yaya sa akin ni Samuel at Skylar ng maalis ang mga kaklase namin. "Okay," sagot ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD