Jade's Point of View
"Mabuti na lang dumating ka na," sabi ni Jessica sa akin ng makarating ako sa bar. "Akala ko hindi ka na dadating."
"I'm sorry, traffic lang kasi kanina," dahilan ko hindi ko akalain na sobra ang traffic dito sa pilipinas. Kung alam ko lang sana edi inagahan ko sana.
"It's okay, at least nakarating ka," sabi niya pagkatapos bigla siyang kumapit sa braso ko. "Tara na hinihintay ka na ng mga kaibigan namin."
Hinayaan kong hilain niya ako papasok ng bar pagpasok namin agad bumungad sa akin ang amoy ng alak at sigarilyo isama pa ang naghahalong iba't ibang amoy ng pabango. Hindi naman bago sa akin ang amoy na ito dahil ilang beses na akong nakapasok ng bar. Nagtungo kami sa isang private room, pagpasok namin may apat na babae at lalaki sa loob.
"Guys, Jayden's here," anunsyo ni Jessica sa mga kaibigan niya.
"Hi Jayden," sabi nila sa akin pagkatapos isa isa silang nagpakilala maliban kina Patricia at Barbara.
"I can't really believe na nagbago ka," sabi ni Marie. "Super gwapo mo naman pala kapag nag ayos." Hindi ko alam kung nilalait niya ako o pinupuri pero kahit ganun nginitian ko pa rin siya.
"Bakit hindi ganito ang ginawa mo nung una pa lang?" tanong ni Nikolo. "Edi sana hindi ka na bu-bully at mas marami kang mga kaibigang gaya namin." May pagkamayabang ang pagkasabi niyang iyon.
"Kailangan ba maging gwapo bago pumasok sa school?" tanong ko na ikinatahimik nila. Agad naman akong tumawa. "I'm kidding, kaya lang naman hindi ako nag ayos noon dahilgusto kong maging tahimik ang buhay ko habang nag aaral ako."
"So, bakit ka nagbago ngayon?" tanong ni Jay.
"'Cauze, I'm tired," sabi ko at sumiryoso. "I'm tired of being weak and innocent, you know acting weak and innocent may cause of many problem, kahit wala kang ginagawang masama at nanahimik ka may mga taong guguluhin ka pa rin."
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong kwarto pero agad ding nabasag iyon ng biglang tumawa ng pilit si Barbara.
"Let's begin the party," sabi ni Barbara sabay kuha ng baso niyang may lamak alak. "Cheers!"
Ginaya namin ang ginawa niya. "Cheers!" sabi namin.
~
"PASENSYA na Jessica kailangan ko ng umuwi kanina pa naghihinay si Dad," sabi ni Patricia. "Hindi na kita masasamahan na hintayin ang driver mo."
"Hindi ba pwedeng ilang minuto pa baka dadating na ang driver ko," sabi ni Jessica.
"I'm sorry Jessica," sabi ni Patricia.
Kaming tatlo na lang ang naiwan dito, nauna na ang ibang mga kasama namin. Hindi pa ako umaalis dahil ayokong iwan ang dalawang ito.
"Sige na umuwi ka na, ako ng bahala kay Jessica," sabi ko, hindi naman ako nagmamadaling umalis.
"Talaga?" sabi ni Patricia.
"Oo," sagot ko.
"Salamat naman kung ganun," sabi niya. "Si Jayden na raw bahala sa 'yo Jessica, sige na alis na ako ha?"
"Okay, bye," sabi nito, naglakad na papasok ng kotse si Patricia. "Ayos lang ba talaga sa 'yo na mag hintay?" tanong niya sa akin.
"Yes," sagot ko.
"Salamat," sabi niya at saktong tumunog ang cellphone niya, lumayo ito ng konte at sinagot ang tawag. Mayamaya inis itong bumalik.
"My gosh, hindi ako masusundo ng driver ko" inis na sabi ni Jessica.
"Why?" tanong ko.
"Sabi niya biglang nasiraan ang kotse habang papunta siya dito," kita ko ang frastration sa mukha niya. "Wala pa naman masyadong dumadaang taxi ngayong gabi."
"No, don't take a taxi it's dangerous," sabi ko lalo pa naman napaka sexy ng suot niya hindi imposibleng magahasa siya sa suot niya. "I bring you home."
Natuwa naman siya sa sinabi ko. "Really?" Tumango ako. "OMG! Thank you!"
"Wait me here kukunin ko lang ang kotse ko," sabi ko, mabuti na lang hindi ako uminom ng marami.
After kong makuha ang sasakyan ko agad akong nagdrive papunta kay Jessica pagkatapos mabilis akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto.
"Thank you," sabi niya nginitian ko lang siya at sinara na ang pinto pagkatapos bumalik ako sa driver's seat at agad pinaandar ang kotse.
Itinuro sa akin ni Jessica ang daan papunta sa bahay nila at habang nasa biyahe kami panay ang kwento niya sa akin kinwento niya ang buhay niya lalo na ang lovelife niya.
"Nakakainis ang mga manlolokong lalaki manggagamit lang sila," galit na sabi niya, ilang beses na siyang niloko ng lalaki para sa pera niya. "By the way," Naging sweet ang boses niya. "May girlfriend ka na ba?"
"No," maikling sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Hmm, may balak ka bang pumasok sa isang relasyon?" tanong niya.
"Wala,," sagot ko.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Matapos ang ginawang panloloko sa akin ni Marie, siguro 'wag muna akong mag girlfriend," sagot ko.
Sobra akong nainis ng malaman ko na ginagamit lang ng Marie na iyon ang kakambal ko para lang makapasa tapos ang lakas pa ng loob na sabihing kaya nagbago si Jayden dahil sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon lalo na at may boyfriend siya. Sabagay, kapag malandi kahit may boyfriend pa maglalandi at maglalandi iyan.
"Marami namang babaeng hindi kagaya ni Marie," sagot niya.
"Yes, I know," sagot ko.
"Pero bakit ayaw mo pang mag girlfriend?" tanong niya.
Red light naman kaya tumingin ako kay Jessica. "Required ba na pumasok ako sa isang relasyon matapos ng isa kong relasyon?" Para kasing pinapahiwatig niya na kailangang mag girlfriend ni Jayden.
"Ah, no, no, no," mabilis na sagot niya sabay pag wave ng kamay niya. "What I mean is may balak ka pa bang mag girlfriend."
Pinaandar ko muna ang sasakyan bago ako sumagot. "I don't know, siguro kapag naka graduate na ako o kapag nahanap ko na ang babaeng mamahalin ko," sagot ko.
After that nanahimik na lang si Jessica buong biyahe magsasalita lang siya kapag ituturo niya ang daan papunta sa bahay nila.
"Maraming salamat sa paghatid sa akin Jayden," sabi ni Jessica ng makarating kami sa bahay nila. Talagang anak mayaman siya dahil sobrang laki ng bahay nila napakarami rin na mga bodyguard sa paligid ng bahay pero sigurado ako na hindi ordinaryong bodyguard lang ang mga iyon.
"Wala iyon, hindi ko naman hahayaan na umuwi ng mag isa ang isang babae," sagot ko.
Hindi ako nagpapaka gentlemen, ganito lang talaga ang ugali ko kahit nung hindi pa ako nagpapanggap na si Jayden. Hindi ko hinayaan na umuwi ng mag isa ang mga kaibigan kong babae. Ako kasi kaya ko naman ang sarili ko pero sila hindi, ayokong mabalitaan na lang isang araw na nagahasa sila.
"How sweet, sana may boyfriend akong kagaya mo," sabi niya.
"Makakahanap ka rin," sabi ko.
Magpapaalam na sana ako ng may isang lalaking nasa 30's pero maskulado ang katawan.
"Buti nakauwi ka na Jessica," sabi nito kay Jessica pagkatapos tumingin ito sa akin. "And who is this young man?" Halata sa mukha niya hindi niya gustong makita ako.
"Ah, Dad, si Jayden kaibigan ko," pakilala niya sa akin. "Hinatid niya ako dahil nasiraan ang driver ko."
"Kung ganun salamat sa paghatid sa anak ko," sabi niya. "Pero kaibigan ka ba talaga niya o isa ka rin sa mga g*gong lalaking pineperahan ang anak ko?" Ramdam ko ang nakakatakot na aurang bumabalot sa kanya kung ordinaryong tao ang makaramdam nito baka manginig na sila sa takot.
"DAD!" saway ni Jessica sa Dad niya.
"No sir, hinatid ko lang talaga ang anak niyo dahil delekado sa babae na mag isang uuwi," sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya.
Hindi nagasalita ang Dad ni Jessica nakatingin lang din siya sa akin na parang nakikipagtagisan ng titig pero kalaunan bigla itong ngumisi.
"Nakakahanga ka, sa lahat ng mga lalaking nakasama ng anak ko ikaw lang ang nakayang tumagal sa titig ko at wala man lang akong makitang takot sa mata mo," sabi niya.
"May kailangan ba akong ikatakot?" sagot ko pagkatapos nilabas ko ang aura na lagi kong ginagamit kapag nakamaskara ako. Nanlaki ang mata niya at napaatras sa naramdaman niya.
"Dad ayos ka lang?" takang tanong ni Jessica.
"Y-Ye-" He cough. "Yes, pumasok ka nasa loob malamig na dito."
"Pero Dad hindi pa nakakaalis si Jayden," reklamo niya.
"Ako na ng bahala sa kanya sige na pasok ka na," sabi nito.
"But," sabi niya.
"Pumasok ka na para makapag pahinga ka na," sabi ko.
Napabuntong hininga naman siya. "Okay fine, ikaw ka sa pag uwi," sabi niya sa akin, tumango naman ako.
"You're Poison," sabi niya ng makaalis si Jessica.
"What do you think?" tanong ko.
"Wala akong ginagawang masama kaya 'wag mong sasaktan ang anak ko," sabi niya ramdm ko ang takot niya hindi dahil nalaman niyang ako si Poison kundi dahil sa anak niya. Importante sa kanya ang anak niya.
"I know," sagot ko.
"Kung ganun bakit kasama mo ang anak ko?" tanong niya.
"Gaya ng sinabi ko kanina hinatid ko lang ang anak mo," sagot ko.
Nakahinga naman siya ng maluwag. "Bakit ka nga pala nandito sa pilipinas?" tanong niya.
"Personal issue," sagot ko.
"Hindi ka ba natatakot na sabihin ko sa iba na nandito ka?" tanong niya.
Ngumisi ako. "Tingin mo ipapakilala ko ang sarili ko kung magagawa mo iyon?" Unang kita ko pa lang sa kanya alam kong pagkakatiwalaan ko siya.
Ngumiti naman siya. "You're really a genius, Poison," sabi niya. "At hindi ko akalain na isang batang lalaki si Poison."
"Actually, I'm woman," sagot ko na ikinalaki ng mata niya. "Kasalukuyan akong nagpapanggap bilang kakambal ko, gusto kong malaman kung sino ang nanakit sa kanya."
"Wow, a woman, ang kinakatakutang si Poison ay isang babae," sabi niya tsaka tuwa. "Kapag nalaman ito ng mga natalo mo paniguradong mahihiya sila dahil isang babae ang nakatalo sa kanila."
"Bakit tingin mo hindi kaya ng isang babae ang magpatumba ng mga mafia boss?" malamig na sabi ko.
"N-No, what I mean sa pag aakala kasi ng iba na lalaki si Poison kaya malaking sampal sa kanila na natalo sila ng babae," paliwanag niya, pilit niya akong kinukumbinsi na hindi niya minamaliit ang pagiging babae ko. Mabait naman ako kaya palalampasin ko ang sinasabi niya.
"Let's change the topic, kaya ako nagpakilala sa 'yo because I need an ally," sabi ko. "Kaya ko namang hanapin ang mga gumanun sa kapatid ko pero gusto ko as soon as possible at hindi ko magagawa iyon kung ako lang mag isa."
"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa Dad mo?" tanong niya.
"It's none of your business," malamig na sabi ko. "Papayag ka ba o hindi?"
"Of course papayag ako, it's an honor na maging kasangga ang kinakatakutang si Poison," sagot niya.
"Good," sabi ko at naglakad na papuntang kotse ko. "Alis na ako may pasok pa ako mamaya." 2am na at kailangan ko ng matulog, panuguradong mainit ang ulo ko bukas dahil magkukulang ako sa tulog.
"Okay, mag iingat ka," sabi niya.
"JAYDEN," tawag sa akin nina Skylar at Samuel ng makapasok ako sa room.
"Bakit wala ka sa first subject natin?" tanong ni Samuel.
"Na-late ako ng gising," sagot ko sabay upo sa upuan ko pagkatapos hinilot ko ang sumasakit kong ulo.
"Alam mo bang usap usapan ang biglang hindi mo pagpasok kanina," sabi ni Skylar.
"Bakit bawal?" tanong ko.
"Hindi naman pero nakakagulat lang dahil ni minsan hindi ka nag a-absent o na-le-late sa klase kahit may sakit ka pumapasok ka pa rin," sagot niya.
Tsk, bakit ba napakasipag ng kakambal ko? Hindi niya magawang mag absent kahit isang araw man lang?
"Well, masanay na kayo dahil baka sa susunod hindi lang isang subject ang hindi ko pasukan," sagot ko habang nakangisi.
"Aba, nagiging badboy ka na yata ah," sagot ni Samuel.
"Naisip ko kasi na kung mananatili ako sa pagiging goodboy, hindi magiging excitement ang college life ko," sagot ko.
Kung pananatilihin ko ang pagiging good boy ni Jayden, magiging boring ang pananatili ko rito at hindi ko gusto iyon. Ang boring na nga ng lesson pati ba naman ang buhay ni Jayden boring din? No way, mas gugustuhin ko pa na marami akong makaaway dito kesa sa manahimik na lang sa isang tabi.
"Gusto mo ng excitement?" tanong ni Skylar sa akin. "Kung ganun, sumali ka sa amin, sumali ka sa Enigmatic Royalty at paniguradong magiging excitement ang college life mo."
"Really?" tanong ko. "May makakalaban ba ako na mas malakas pa sa Poisonous Gang?"
"Oo naman," sabi niya.
Mukhang magandang idea iyon, habang hinahanap ko ang mga nanakit sa kakmbal ko may paglilibangan muna ako.
"Okay, sasali ako," sabi ko. Nag apir naman ang dalawa.
To be continued...