Chapter 3

2954 Words
Jade's Point of View Uwiian na, nang tumunog ang bell nag sitayuan na ang mga classmate ko. "Jayden," tawag sa akin ni Skylar. "May gagawin ka ba ngayon?" "Wala naman bakit?" tanong ko, dadalaw lang naman ako saglit kay Jayden pagkatapos uuwi na ako para makapagpahinga. "Gusto ka kasing makilala ng mga kaibigan namin," sabi ni Samuel. "Bakit nila ako gustong makilala?" tanong ko. "Curious lang kasi natalo mo ang malalakas na gangster dito sa school," sagot ni Skylar.  "Dahil lang doon?" tanong ko. Nakakapagtaka ba na matalo ang mga gangster na iyon? Hindi naman ganun ka lakas ang mga iyon, mas malakas pa ang mga nakakalaban ko sa Italy walang wala sila sa mga iyon para nga lang akong nakikipag laro sa mga iyon. "Yes," sagot ni Samuel. "Isa sila sa malalakas na gangster dito kaya nga kinakatakutan sila." "Parang hindi man," mahinang sabi ko.  "Ha?" tanong niya. Nginitian ko naman siya. "Wala," sagot ko. "Sige makikipagkita ako sa mga kaibigan niyo, wala naman sigurong mawawala." Natuwa naman sila sa sinabi ko. "Kung ganun tara na," Naunang naglakad ang dalawa habang nakasunod naman ako sa kanila. Medyo matagal kaming naglakad bago kami makarating sa isang room. Royalty Room. Nabasa ko sa sign na nasa pintuan sa harapan namin.  Walang katok katok na pumasok ang dalawa swempre sumunod din ako sa kanila. Hindi uso sa akin ang magtanong kung pwedeng pumasok, in the first place sila ang nag invite sa akin na sundan ko sila. Pagpasok ko tatlong lalaki sa loob, may kanya kanya silang ginagawa, ang isang lalaki na busy sa laptop, ang isa naman natutulog sa sofa at ang isa ay naglalaro ng nintendo switch habang nakaupo sa single sofa. "Guys." Pagkuha ng atensyon ni Samuel sa tatlong lalaki, huminto ang dalawa sa ginagawa nila at tumingin sa amin habang ang lalaking natutulog biglang nagmulat. "Nandito na si Jayden, pumayag siyang makilala niyo siya." Medyo nagulat ako nung biglang lumapit sa akin ang naglalaro ng Nintendo Switch. "Hi, nice to meet you, I'm Tayler Valenzuela," masayang pakilala niya sabay kuha sa kamay ko at paulit ulit na shinake ito. Nginitian ko naman siya sa kakulitan niya. "Hello, I'm Jayden," sagot ko. "Yes, I know kilalang kilala ka kaya sa buong school," sabi niya at binitawan ang kamay ko. "Grabe, nakakahanga ang ginawa mo doon sa Poisonous Gang, napanood ko yung video 'nun." "Oo nga, nakakagulat na na kaya mo sila," sang ayon nung lalaking nag la-laptop, naka lapit na ito sa akin. "By the way, I'm Jackson Matthew at yung natutulog siya si Hunter Vaugh." Pakilala niya at nilahad ang kamay niya, agad ko namang kinuha iyon at nakipag shake hand sa kanya. "Nice to meet you," sagot ko. "Paano mo ba natalo ang Poisonous Gang? Don't get me wrong nagtataka lang ako kasi kilala ka dati na lampa at duwag," sabi ni Jackson. Hindi naman ako na offend sa sinabi niya dahil totoo naman na lampa at duwag ang totoong Jayden. "Well, people change," sagot ko sa tanong niya. "Lahat naman ng tao nagbabago kapag napupuno na sila 'diba?" "Pero bakit ngayon lang? Ilang taon kang na bubully dito," tanong ni Tayler. "Wala naman akong pakielam noon kung bulihin nila ako pero ibang usapan na ang nangyari sa akin. Na hospital na ako nalaman ng Mama ko na na bubully ako, ayokong nag aalala sa akin ang Mama ko." sagot ko, ilang beses ko kayang pinag isipan ang dahilan na iyan. Nagpatulong pa nga ako kay Athena kung anong magandang excuse ang gagawin ko. Napatango naman si Jackson. "Sabagay, ibang usapan na kapag nadadamay na ang nanay," sagot niya. "By the way, bakit niyo ako gustong makilala?" tanong ko. Base sa binigay na data sa akin ni Mark kilala ang mga ito na walang pakielam sa paligid nila. Hindi sila nangingielam sa ginagawang pambubuli ng mga students dito kaya nakakapagtaka na bigla silang naging interesado kay Jayden. "Dahil sa bigla mong pagbabago, kahit sino nagulat sa biglang pagbago mo at nakaka curious kung bakit ka nagbago," sagot ni Tayler. "That's it? What special about that?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit parang big deal sa kanila ang biglang pagbabago ni Jayden, lahat naman ng mga tao nagbabago. "Kung para sa 'yo walang special, sa amin meron," sagot ni Jackson. "Hindi lang physical ang nagbago sa 'yo pati personality mo. Noon tahimik ka lang, loner at laging libro ang kaharap mo pero ngayon kabaliktaran sa ugali mo noon at ang pinaka napansin namin," Seryoso niya akong tinignan sa mata ko. "'Yang aura mo, napakalakas kumpara dati." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa sinabi niya. Wala ngang duda na sila ang pinakamalakas na gangster dito sa pilipinas. Konti lang ang kilala ko na marunong makiramdam ng aura kaya nakakahanga na naramdaman nila ang aura ko. "Marunong lang talaga akong itago ang aura ko noon kaya hindi niyo nahahala," sagot ko. Nakatingin lang siya sa mata ko, kinikilatis kung totoo ang sinasabi ko. Malas siya kahit nagsisinungaling ako hindi nila iyon malalaman kahit ipa-lie detector test pa nila ako wala silang ma de-detect na kasinungalingan sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na nagpanggap ako na ibang tao pero ito ang unang beses na nagpanggap ako na lalaki. Third Person's Point of View  "Napaka misteryoso talaga ni Jayden," sabi ni Jackson, sila na lang ang royalty room kanina pa umuwi si Jayden. "Nagsasabi siya ng totoo pero pakiramdam ko may tinatago pa siyang iba hindi ko lang malaman kung ano." Naiinis siya dahil kahit anong gawin niyang pag iimbistiga kay Jayden ay wala siyang mahanap na ibang impormasyon. Laging parehas ang lumalabas na data sa mga nakukuha niya. Kilala siyang magaling na hacker kahit mahirap na site na gagawa niyang i-hack pero sobra siyang nahihirapan sa pagkuha ng impormasyon kay Jayden. "Wala ka na bang mahanap na mahalagang impormasyon kay Jayden?" tanong ni Samuel. "Wala maliban sa personal information niya, wala na akong ibang mahanap," sabi niya halata sa mukha niya ang irita. "Wala ring nakalagay doon na magaling siya sa mga martial arts." "Wow, ngayon lang kita nakitang nahirapan ng ganito sa isang tao," sabi ni Skylar. Kaya nga inis na inis si Jackson dahil nahihirapan siyang makakuha ng importanteng impormasyon kay Jayden. Basic Information lang ang mga nakukuha niiya. "Hindi siguro talaga normal student si Jayden," sabi ni Tayler. "Siguro mayaman talaga siya at nag hire ng mas magaling na hacker para protektahan ang mahahalagang impormasyon niya." "Hindi malabong mangyari 'yan," sabi ni Skylar. "Kanina sabi ng mga nakakita bumababa siya sa isang limited edition na Lamborghini Sian FKP 37. Walang normal na tao ang makkaabili ng ganung kamahal na kotse." "Hindi nga talaga normal si Jayden," sabi ni Samuel. Jade's Point of View "Kumusta na si Jayden, Mom?" tanong ko kay Mom pagpasok ko ng kwarto ni Jayden. "Medyo maayos na siya pero hindi pa rin gumigising," sagot ni Mom. You can see that she's lack of sleep because of the dark circle of her eyes. "Ako muna ang bahala kay Jayden," sabi ko habang umuupo sa upuan. "Go to sleep first." Umiling naman siya. "Hindi rin naman ako makakatulog kung alam kong ganito ang kalagayan ng kakambal mo," sabi niya. Napabuntong hininga naman ako. "I know you're worried of Jayden but please take care of your health first," Ayoko naman na pati siya ma confine sa hospital. "Hindi rin pagugustuhan ni Jayden na dahil sa kanya kaya bumigay ang katawan mo." "Pero..." "No buts, marami pa namang araw na pwede mong dalawin si Jayden, magpahinga at matulog ka muna." Nagbuntong hininga siya. "Okay, ikaw muna ang bahala sa kakambal mo ah?" "Yes, hindi ko siya pababayaan," Hinatid ko siya sa labas at hinintay na makasakay sa taxi pagkatapos pumasok ako sa loob ng hospital. Hindi ako dumiretso sa kwarto ni Jayden kundi sa office ng chairman ng hospital na ito. "Come in," sabi nito ng kumatok ako sa office niya. Agad naman akong pumasok sa loob. "Nathan," tawag ko dito na kinatingin niya sa akin. Nagulat pa siya ng makita ako. "Jade?" Tumango naman ako sa tanong niya. "Bakit ang mukha kang lalaki?" He's Nathan Jacob David, brother of my best friend, Athena. At the age of 26 naging chairman na siya ng hospitals nila dahil sa biglang pagpanaw ng kanilang ama. Kahit hindi pa siya handa sa responsibilidad niya sa hospital nila wala siyang magawa kundi hawakan ito. Hindi naman niya gusto na ang mga sakim na kapatid ng ama nila ang humawak ng hospitals nila. Maaring makuha nila ang pinaghirapan ng kanilang ama kaya nag sikap siya na pag aralan kung paano hawakan ang kumpanya nila. Umupo ako sa upuang nasa harap ng table niya. "Long story short nagpapanggap ako bilang kakambal ko." "Why?" tanong niya. Sinabi ko ang dahilan sa kanya kung bakit kailangan kong magpanggap bilang si Jayden. "Bakit 'di ko alam na nandito ang kakambal mo?" sabi niya. "Iba kasi ang gamit na apilido ni Jayden, Mercado ang gamit niya," sabi ko. Pinagamit ni Mom ang apilido ng asawa niya kay Jayden dahil iyon ang kagustuhan ng asawa niya. Napatango naman siya. "Oh, kaya pala hindi ko alam," sabi niya. "Dahil sa kakambal ko kung bakit ako nandito, gusto ko na 24/7 may nag aasikaso sa kanya para makapag pahinga si Mom. Hindi ko kasi sigurado kung lagi akong nandito para batayan siya," sabi ko. "'Yun lang ba?" tanong niya. "Yes," sabi ko at tumayo na. "Aalis na ako." Lumabas na ako ng office ni Nathan sakto naman na tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagod iyon ng hindi tinitignan ang tumawag. "Yes?" sagot ko sa tawag. "Iris nasa condo mo na ang pinagawa mo sa akin," sabi ni Mark. "Good," sabi ko pagkatapos binaba na ang tawag. Hindi na ako bumalik sa room ni Jayden, naibilin ko na rin naman kay Nathan iyon. Pagdating ko sa parking lot sumakay na ako sa  kotse ko at pinaharurot ito. Mabilis lang akong nakarating sa condo, nakita ko sa harap ng pintuan ng room ni Jayden ang package. Kinuha ko iyan at pumasok sa loob, inilagay ko ito sa coffee table tsaka binuksan. Napangiti naman ako ng makita ako ang bagay na nasa loob ng kahon. "Perfect," sabi ko habang nakatingin sa artificial men's body. Itong artificial men's body na ito ay para siyang one piece swimsuit, ganito ang pinagawa ko para malagay nila ang bottom part ng lalaki. Ang pangit naman siguro kung wala silang makikitang umbok sa pants ko lalo na ang nasa lahi nina Dad ang malaki ang junior nila. Baka dahil doon mabuko pa ako. Pinagawa ko ito kay Mark dahil hindi sapat sa akin na naka benda lang ang dibdib ko. Gusto ko na may suot ako nito para hindi ako mabuking ng kahit na sino. Advance ako mag isip kaya lahat ng posible na pwedeng makapag pabuking sa akin pinag isipan ko. Hindi naman mahahalata na may suot ako na ganito dahil kakulay nito ang balat ko at hindi nila maiisip na fake ito dahil parang totoong totoo ito pati 'yung sa bottom part. Kahit na mag topless pa ako ayos lang. "Dahil maganda ang ginawa ni Mark bibigyan ko siya ng bonus," sabi ko sa sarili ko. Hindi ko binigo ni Mark kaya deserve niya na bigyan ng pabuya. TUMUNOG na ang alarm na sinet ko kagabi at kahit labag sa loob ko bumangon ako dahil may pasok pa si Jayden. Heto ang dahilan kung bakit I hate schools, ang agad ng pasok, I'm not a morning person, mas gusto ko ang gabi kesa sa umaga. After kong maligo kumuha ako ng uniform pati na rin ang artificial men's body. Pinunasan ko muna ang katawan ko bago ko sinuot ang artificial men's body pagkatapos tinignan ko ang sarili ko sa wall mirror. Napahanga ako dahil mukha talaga akong lalaki sa suot ko parang katawan ko talaga dahil hindi mo na makikita ang pagkakaiba ng balat ko sa balat nito. Na satisfied na ako sa nakita ko kaya nagsuot na ako ng uniform baka malate pa ako sa pinaggagawa ko after that lumabas na ako ng condo at bumaba papuntang parking lot. Sa school na ako mag aalmusal dahil tinatamad akong magluto, wala talaga akong energy kapag umaga. Gaya kahapon pinagtinginan na naman ako ng mga students ng makababa ako sa kotse ko. Hindi pa ba sila na kaka-recover sa pagkakagulat nila kahapon at hanggang ngayon gulat na gulat pa rin sila na makita ako. Napailing na lang ako at hindi pinansin ang mga tingin nila. Habang naglalakad ako biglang may tatlong babaeng humarang sa akin at hindi ko alam kung mapapangiwi ako sa suot nilang uniform. Wala ba silang pambili ng tela kaya nagkulang sila sa tela? Malabo naman mangyari iyon dahil mayayaman lahat ng mga estudyante dito maliban lang sa kakambal ko. "Hi, Jayden," sabi ng babaeng nasa gitna. "Hi," nakangiting sabi ko, ayaw ko man silang kausapin pero ayoko naman na sabihin nilang suplado ako. "I'm Jessica," pakilala niya. "I'm Barbara," pakilala ng nasa kaliwa. "And I'm Patricia," sabi ng nasa kanan. "Where going to hang out mamaya sa bar gusto mo bang sumama?" tanong ni Jessica. "Sure, what time ba?" tanong ko, wala naman sigurong masama kung sasama ako. Isa pa na miss ko na rin pumunta ng bar. Natuwa naman sila sa sinabi ko. "Mamayang 10pm doon sa Mercedes Bar," sagot ni Barbara. "Okay," sagot ko. "May pakiusap din pala ako," sabi ni Patricia. "Ano 'yun?" tanong ko. "Pwede ba nasunduin mo kami para sabay sabay tayong pumunta doon," sabi niya. "Ayos lang sana pero two seats lang ang kotse ko kaya hindi ko kayao masusundo ng sabay sabay," sabi ko. Nasa Italy ang ibang kotse ko at ang Lamborgini lang ang pinadala ko. Hassle kasi kung marami akong kotse na dalhin dito, hindi naman ako magtatagal talaga dito kung hindi lang dahil sa kakambal ko. "Oh, that's sad," sabi ni Jessica. "But it's okay magkita na lang tayo sa bar mamaya." "Okay," sabi ko. "Bye, Jayden," sabi nila habang kumakaway kaya kinawayan ko rin sila. Maglalakad na sana ako ng biglang may umakbay sa akin. "Chicks mo ba sila?" tanong ni Samuel, siya ang umakbay sa akin. "No," sagot ko at inalis ang pagkakaakbay sa akin ni Samuel, hindi ko talaga gusto ang may humahawak sa akin. "They just invite me to hang out." "Pumayag ka?" tanong niya. "Yeah, why?" sagot ko. "Naku, mag ingat ka mafia boss pa naman ang Dad ni Jessica, kapag natipuhan ka niyan at nireject mo magsumbong 'yan sa Dad niya," paalala niya. "Mafia boss ha?" sabi ko habang nakangisi. Sa panahon ngayon normal na ang mafia gaya ng sa gangster. Hindi nakikielam ang mga gobyerno sa gagawin ng mga mafia basta hindi nila papakielaman ang batas at kapag may nakalaban na mafia ang mga pulis maaari silang makipagtulungan sa ibang mga mafia boss. "Don't worry, I can handle myself." Kung mafia boss ang tatay ni Jessica paniguradong kilala ko siya dahil halos lahat ng mafia boss nakaharap ko na pero siya hindi niya ako makikilala dahil naka maskara ako kapag kaharap sila. "Alam ko naman na kaya mo ang sarili mo pero ibang usapan na ang mafia boss, hindi sila kagaya ng mga gangster kaya nila pumatay," sabi niya. "I know," sagot ko. "Tara punta na tayo ng canteen hindi pa ako nag aalmusal." Pag iiba ko ng usapan. "Okay, papunta na rin naman ako doon," Naglakad na kami papuntang canteen, pagpasok namin natahimik ang mga tao sa loob pero kalaunan biglang nagtilian ang mga babae. "Sikat na talaga no?" tanong ni Samuel. "Dati halos pandirihan ka ng mga estudyante dito." "Well, that's life," sagot ko. "May mga tao talaga na kikilalanin lang ang isang tao kapag mayaman at may itchura ka." Unfair pero wala naman tayong magagawa doon dahil ganyan na ang mga tao. Kahit anong sabihin mo magiging unfair talaga ang mga tao. Rerespetuhin ka lang kapag mayaman ka at may itchura. "Sabagay tama ka," sang ayon niya. "Hi, Jayden," bati sa akin ng dalawang babae ng madaanan namin sila. Dahil ayoko naman na masabihan ng suplado binati ko din sila dahilan para magtilian sila. "Playboy ka talaga kanina tatlong babae ang kasama mo ngayon ito naman," sabi ni Samuel. "I'm not a playboy, masama bang batiin ang mga bumabati sa akin?" tanong ko. Gusto ko rin kasi na gumanda ang reputasyob ng kakambal ko para naman kapag natapos ko na ang mission ko at nagising na ang kapatid ko maganda ang pakikitungo sa kanya kahit ka-plastikan lang ayos na iyo kesa naman sa lagi siyang nabubully. Babaguhin ko rin si Jayden at tuturuan ng self-defense para ma-protektahan niya ang sarili niya. Naiinis nga ako kay Mom dahil hinayaan niyang maging duwag at lampa ang kakambal ko. "Kaya siguro ang daming babaeng lumalapit sa 'yo dahil hindi ka-suplado," sabi niya. Nginitian ko lang siya sa sinabi niya. Nang makarating kami sa counter nag order agad kami ng pagkain namin pagkatapos naghanap kami ng mauupuan. Maraming nag aalok ng mauupuan sa amin pero nakangiti namin silang tinaggihan. Sabi kasi ni Samuel may reserve silang lamesa sa second floor. "Nandito na pala kayo," bungad ni Samuel sa mga kasama niya ng makarating kami. "Akala ko mamaya pa lang kayo dadating." "Napaaga kami," sagot ni Skylar tapos napatingin siya sa akin. "Mabuti na lang sa amin ka sumabay," sabi ni Tayler sa akin. "Baka hindi ka makakain ng maayos kapag doon ka sa baba kumain." "Ako ang nag alok sa kanya," sabi ni Samuel. "Ito pa namang si Jayden masyadong mabait sa mga babae." "Ayoko naman kasing maging bastos," sagot ko. "Sabi ko sa inyo eh," sabi ni Samuel. "Ang dami mong sinasabi kumain na lang tayo," sabi ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD