Chapter 2

2187 Words
Jade's Point of View Nang mawala ang grupong iyon nag impisa ulit akong nag lakad, hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng nagbubulungan. Pumunta na ako sa Dean's office para ireport ang absences ng kakambal ko na ako na muna pansamantala. Matapos kong maibigay ang medical report ko pumunta ako sa faculty office ng mga teachers para kumuha ng mga notes na namiss ng kakambal ko. Gaya kanina sa Dean office ang dami nilang interview sa akin. Kung ako ba talaga si Jayden o kung ano pa kaya medyo nagtagal ako doon. Naglalakad na ako ngayon papunta sa room ng kakambal ko habang naglalakad ako tinitignana ako ng mga estudyante, meron pa na kinukuhanan ako ng litrato. Hindi pa rin sila makapaniwala na nagbago ang apperance ni Jayden. "Gosh! Jayden?" napatingin ako bigla sa nagsalita. Agad ko naman siyang namukhaan dahil kasama siya sa mga impormasyon ni Jayden. She Marie Cruz, ex-girlfriend niya. Actually, niloko lang nitong Marie na ito ang kakambal ko dahil sinagot niya lang ito para may gumawa ng mga assignments at project niya. Habang sila pa ng kakambal ko may isa pa itong boyfriend. Nalaman ng kakambal ko iyon kaya kinausap niya si Marie. Hindi naman niya tinanggi at inamin niyang ginagamit lang siya. Nagalit si Jayden pero kinimkim na lang niya iyon, wala naman siyang magagawa kung hindi siya gusto ni Marie. "It's true pala na naging gwapo ka na?" tanong niya. "Dahil ba sa akin kaya ka nag ayos para makuha mo ako." Halos mapanganga naman ako sa over confident ng babaeng ito. Really? Narinig ko naman na sumang ayon ang iba na kaya ako nagbago para makuha ko ulit siya. "Hindi ko akalain na mag eefort ka ng ganyan," sabi niya. "Okay, dahil mabait ako, pagbibigyan kita. Babalikan ulit kita." Tinignan ko lang ito mula ulo hanggang paa pagkatapos iniwan siya doon, wala akong panahon para kausapin siya. Bahala sila kung anong isipin nila wala akong pakielam. Ang pinakamisyon ko dito ay mahanap ang bumugbog sa kakambal ko, kaya hindi ko sasayangin ang oras ko sa ibang bagay. KASALUKUYANG nagle-lesson ang last teacher namin ngayong umaga. Bored na bored ako dahil napag aralan ko na ang lesson na tinuturo niya. Nakakainis pa na kailangan ko ulit mag aral, minadali ko nga ang pag aaral ko para makaalis sa impyernong lugar na iyon pero heto ulit ako bumalik sa impyerno. Kundi ko lang mahal ang kakambal ko 'di ko gagawin ito. "Okay any questions?" tanong ng teacher namin, wala namang sumagot kanila dahil wala namang nakikinig. "If you don't have a question, get one whole sheet of paper, we have quiz today." Nagreklamo naman ang mga kaklase ko. "Kapag may nag reklamo sa inyo, ibabagsak ko." striktong sabi nito. Hindi na nakapag reklamo ang mga kaklase ko dahil kilala nila ang teacher namin na ginagawa ang sinasabi niya. Napilitan silang kumuha ng papel. Matapos ang quiz namin at makaalis ang teacher namin ang daming nag reklamo dahil wala man lang silang nasagot sa tanong. Napailing na lang ako sa kanila, wala na lang silang ibang ginawa kundi magreklamo. Kasalanan naman nila dahil hindi sila nakikinig. Magagaling ngang magturo ang mga teacher dito, maiintindihan mo ang mga paliwanag nila at nagbibigay sila ng mga keywords na pwede mong tandaan, hindi katulad sa iba na wala kang maintindihan sa tinuturo nila. Kung marunong lang makinig ang mga ito baka lahat sila matatalino. Kahit hindi ka katalinuhan kung maiintindihan mo ang tinuturo nila makakapasa ka pero dahil hindi sila marunong makinig, nahihirapan sila. Lunch break na kaya nagsilabasan na ang mga kaklase ko, ng mawala na lahat saka ako tumayo at lumabas na rin. Nang makarating ako sa canteen, biglang nagsitahimik ang mga studyanteng sobrang ingay kanina at nakatingin sila sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at nag lakad papunta sa counter at pumila. Medyo nagtagal ako bago ako nakakuha ng pagkain, mabuti na lang 2 hours ang lunch break namin kaya hindi ako magmamadaling kumain. Habang kumakain ako biglang may nagtapon ng pagkain ko. "Hoy! Ikaw Jayden bakit mo pinahiya ang girlfriend ko," sigaw ni Arthur ang boyfriend ni Marie. Huminto ang mga estudente sa ginawa nila at napatingin sa amin. "Hala lagot si Jayden, gangster pa naman si Arthur." "Kawawa naman siya, baka masira ang gwapo niyang mukha." Tinignan ko muna ang mga pagkain kong nagkalat pagkatapos tinignan ko ng malamig si Arthur. Medyo napaatras pa siya sa takot pero di niya pinahalata. "I don't care kung anong kasinungalingan sinabi ng girlfriend mo," malamig na sabi ko. "Ang ayoko sa lahat ang sinasayang ang pagkain ko." Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya pero hindi ito nagpahalata. "Wala akong pakielam sa pagkain mo, humanda ka sa akin dahil binastos mo ang girlfriend ko!" sigaw niya. Inambahan niya ako ng suntok pero agad kong nasalo ito at pinalipit kaya napasigaw ito sa sakit. "Bitawan mo ako!" galit na sigaw niya. "Kung gusto mong hindi mabalian ng buto palitan mo ang pagkain ko." malamig na sabi ko. "Bakit ko gagawin—" napasigaw na naman ito ng malakas dahil mas pinilipit ko ang kamay niya. "Papalitan mo o babalian ko ang buto mo?" seryosong sabi ko. "Oo na, oo na!" sigaw niya. "Bitawan mo muna ako!" Kaya binitawan ko siya. Hinawakan niya ang kamay niyang pinilipit ko pagkatapos tinignan ako ng masama pero mas tinignan ko siya ng malamig kaya nawala ang tingin niyang masama. "Ano na?" tanong ko 'di pa kasi bumibili. "Heto na," Walang magawang sabi niya. Ang laking tao pero madaling matakot. Nasaan ang tapang niya? Umalis na si Arthur para bumili kaya naiwang mag isa si Marie. Kitang kita mo sa mga mata niya na hindi makapaniwala sa ginawa ng boyfriend niya, hindi lang siya ang nagtaka pati na din ang mga estudyante. "Kung magsusumbong ka," sabi ko kay Marie kaya napatingin siya sa akin. "Doon sa taong hindi babahag ang buntot." Magsasalita na sana si Marie pero dumating na si Arthur dala dala ang pagkain ko. Third Person's Point of View Gulat na gulat ang mga nakasaksi sa biglang pagsuko ni Arthur kay Jayden, hindi sila makapaniwala na kayang gawin ni Jayden na takutin at saktan si Arthur dahil kilala kasi ito sa pagiging malakas kaya kinakatakutan nila ito. Kaya iniiwasan nilang galitin si Marie dahil boyfriend siya si Arthur ayaw nila na magsumbong ito dito. Hindi nila kayang tapatan ang lakas ni Athur pero sa nasaksihan nila kanina sobra talaga silang nagulat dahil hindi sila makapaniwala makakayang tapatan ni Jayden si Arthur. Pero hindi rin nila masisi si Arthur dahil kahit sila natakot ng biglang nagsalita ng malamig si Jayden. Sobrang nakakakilabot ang boses nito kapareho ng nararamdaman nila kay Emperor ang leader ng Enigmatic Royalty Gang. Parehas takot ang naramdaman nila kapag nag sasalita sila ng malamig. Nakita din nila kung paano dumaing sa sakit si Arthur sa pagkakapilit ni Jayden sa kamay nito. Nakikita nila kung paano ito nahihirapan na makuha ang kamay nito sa pagkakahawak ni Jayden. Napakalaki ni Arthur kaya imposibleng hindi nito mahila ang kamay sa pagkakahawak ni Jayden kaya naniniwala sila na mas malakas talaga si Jayden. Tahimik pa rin ang buong canteen hanggang makatapos ng pagkain si Jayden saka lang sila na kapag ingay ng makalabas ng canteen si Jayden. "Gosh, mas malakas si Jayden kay Arthur?" "Oo nga diba dati lampa lampa lang ito? Paano siya lumakas." "Baka nag train?" "Nahospital siya diba? Paano siya makakapag train?" "Baka nagpapanggap lang siya, dahil sa nangyari sa kanya kaya hindi na siya nagpanggap na mahina." "Tama ka tsaka diba kaninang umaga nagawa rin niyang talunin ang grupo ng Poisonous Gang?" "Oo nga pala."  Agad namang kumalat ang balita sa buong school dahil may nag post sa website kaya nakarating ito sa Enigmatic Royalty. "Si Jayden?" tanong ni Skyler ng mabasa ang nakasulat sa website ng schoolol nila. "Sigurado ba talaga sila na si Jayden ito?"  "Sabi nila," sagot ni Sam. "'Yung dating nerd na si Jayden naging gwapo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jackson. "Hindi lang yun naging malakas din daw siya," dagdag ni Tayler. Hindi sila makapaniwala sa mga nabasa nila dahil kilalang kilala nila si Jayden dahil mula high school ay  kaya alam nila hindi nito kayang protektahan ang sarili niya kaya nakakagulat lahat ng mga impormasyon na nababasa nila. Hindi sila naniniwala sa lahat ng nababasa nila. "Hindi naman siguro fake news ang mga balita diba?" tanong ni Skyler. "Hindi, kasi hindi naman sila mag po-post ng ganyan kung hindi totoo. Chismosa ang mga estudyante dito pero hindi sila nagpo-post ng fake news," sabi Tayler. "Tama ka," sang ayon ni Skyler. "Pero gusto kong malaman kung totoo ba talaga na malakas ito." Napatingin naman kay Jackson. Kita sa mata niya na gusto niyang makalaban si Jayden. "Yayayain mo ba siya ng laban?" tanong ni Sam. "Oo." nakangiting sabi niya. Hindi na nila pinigilan pa sa gustong mangyari ni Jackson dahil kilala nila ito kapag nag desisyon ito ay final na at hindi na magbabago pa ang isip nito pero kinakabahan sila para kay Jayden dahil maliban sa leader nilang si Hunter ay si Jackson ang pangalawang malakas sa grupo nila kaya natatakot sila sa kung anong mangyayari kay Jayden. "Wag kayong mag alala hindi ko naman sasaktan si Jayden, titignan ko lamang kung malakas ba talaga ito dahil natalo niya ang Poisonous Gang pati na din si Arthur." sabi ni Jackson. Kahit hindi sabihin sa kanya ay alam niya ang mga iniisip nila base sa expression nila sa mukha. "Siguraduhin mo lang, hindi naman gangster si Jayden kaya baka mapatay mo siya." sabi ni Tayler. "Don't worry, alam ko ang gagawin ko." sabi nito. Kung mapatunayan ni Jackson na malakas nga si Jayden ay yayain niya itong sumali sa gang nila. Sayang ang lakas nito kung hindi niya gagamitin pero hindi naman niya pipilitin ito kung ayaw nitong sumali. "Diba Skylar, Samuel Classmate niyo si Jayden?" tanong ni Jackson. "Oo." sagot ng dalawa. "Kayo na lang bahalang magsabi na gusto ko siyang makalaban." sabi nito. "Sige kaming bahala." sabi ni Skylar. Oo classmate nila si Jayden pero hindi sila pumasok kaninang umaga kaya wala silang alam sa pagbabagong nangyari dito. "Tapos na ang lunch break magsipasok na tayo." sabi ni Tayler. Nagsitayo naman sila habang si Jackson ay lumapit kay Hunter at ginising ito. Tanging siya lang kasi ang di natatakot na gising ito. Nakakatakot kasi si Hunter kapag bagong gising kaya walang nagbabalak na gisingin niya. "Tara na." sabi ni Jackson ng magising si Hunter. Walang sinabi si Hunter, tumayo lang ito at naglakad pa labas. Sumunod naman sa kanya ang apat pero nagkahiwalay din naman sila dahil sina Skylar at Samuel ay first year pa lamang sila habang ang tatlo ay nasa third year na. Pagpasok nila sa classroom nakita agad nila si Jayden na nasa tabi ng bintana. Nakatingin ito sa labas ng bintana habang naka salukbaba. Para tuloy itong nag shu-shoot ng drama sa posisyon niya. Hindi naman nagdalawang isip ang dalawa na lapitan agad si Jayden. Sa totoo lang ay matagal na nila itong gustong kaibiganin pero masyado itong ilag at tahimik noon, mas gusto nitong mag solo. Kaya nagtakaga sila ng bigla na lamang itong nagbago magmula ng ma hospital ito. "Hi." bati nila at umupo sa bakanting upuan sa tabi ni Jayden. Humarap naman si Jayden sa kanila at dahil doon mas nakita nila ng maayos ang itchura nito. Totoo nga talaga na gumwapo ito. "I'm Skylar," pakilala ni Skylar. "And I'm Samuel," pakilala rin ni Samuel. Nginitian naman sila ni Jayden. "Hello, I'm Jayden." pakilala nito at nakipagkamay sa kanila. "I know na nagtataka ka na nilapitan ka namin kahit ang tagal ka na naming naging kaklase." sabi ni Samuel. "Masyado ka kasing ilag noon kaya hindi ka namin malapitan pero ngayon nalaman namin na nagbago ka na kaya naglakas loob kaming lapitan ka." "Nah, it's okay," sabi ni Jayden. "Okay lang ba na maging kaibigan ka namin?" tanong ni Skylar. "Sure," sagot ni Jayden. Natuwa naman ang dalawa. Minsan na lamang kasi sila magkaroon ng kaibigan na kaidad nila, merong gustong makipag kaibigan sa kanila noon pero fame lang nila ang habol nila kaya hindi sila nakikipag kaibigan sa kanila. Kay Jayden naman alam nila na hindi nito habol ang pagiging sikat nila madali lang naman nilang nalalaman iyon. Hindi sila magiging gangster kung hindi nila matukoy kung sino ang mababait at masasama. "Great!" masayang sabi ni Skylar. "Matagal ka na namin talagang gustong kaibiganin sabi nga ni Samuel masyado kang ilag noon." "Ngayon hindi na." sabi naman ni Jayden. "Bakit ka nga pala biglang nagbago? Don't be mad ha? Curious lang kami." tanong ni Samuel. "Well, nakakapagod kasing maging mabait sinasamantala nila ang kabaitan ko kaya napag isip isip ko na magbago na lang para naman hindi na nila ako apihin." sagot nito. "Mabuti naman. Tama ang desisyon mo, mahirap talaga na maging sobrang bait sinasamantala lang nila." sang ayon ni Skylar. Naiintindihan niya kasi ito dahil ganun din siya dati masyado siyang mabait kaya sinasamantala ang kabaitan niya. Kaya nang makilala niya ang mga ka gang mate niya ay nagbago na siya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD