Chapter 1

2200 Words
Jade's Point of View "What happened?" I ask my mom while looking at my twin brother. After several years, napabalik ako ng pilipinas dahil sa balita ng Mommy namin. Nasa hospital ito at coma. "Binully siya ng mga schoolmates niya," sagot ni Mommy habang umiiyak ito. Napakunot naman ako ng noo sa narinig ko. "What kind of bullying they do para maging ganyan kalala ang mangyari sa kanya?" And why he's bullied? Hindi niya ba kayang protektahan ang sarili niya? "Hindi namin alam basta nakita na lang namin siya na naliligo sa sarili niyang dugo," Napabuntong hininga at napa roll eyes na lang ako. Who the fvck hurt my twin brother? Kapag nalaman ko kung sino ang mga nanakit sa kanya papatayin ko. Wala silang karapatang saktan ang kakambal ko. Kahit lumaki kaming magkahiwalay dahil nag divorce ang mga magulang namin, importante pa rin siya sa akin. Yes, our parents got divorce when we are 10 years old, napunta ang kakambal ko kay Mommy at ako naman kay Daddy at nag migrate kami sa Italy. But our parents don't divorce because of third person, they divorce dahil pagod na raw ito sa relasyon nila na walang pagmamahal. Arrange marriage kasi sina mom at dad, they try to love each other kaya nga nabuo kami pero kahit anong pilit ni Mom na mahalin si Dad hindi niya magawa at mas lalong hindi niya magawang mahalin ito ng makilala niya ang taong mahal niya. After niyang makilala ang lalaking mahal niya nag decide na itong makipaghiwalay dito, pumayag naman si Dad kahit mahal niya si Mom, ayaw niyang pilitin ito kung hindi siya nito mahal. Nang matapos silang mag divorce, namili sila sa amin kung sino ang isasama nila. Pinili ako ni Mom pero nagpumilit si Dad na sa kanya ako sasama dahil babae ako at may ibang lalaki itong makakasama. Ayaw niyang may mangyaring masama sa akin. Nung una hindi pumayag si Mom kasi hindi naman gagawin yun ng lalaking mahal niya pero hindi pumayag si Dad. Wala naman magawa si Mom kundi pumayag dahil nakakatakot magalit si Dad kaya si Jayden, ang kakambal ko ang sinama niya. Mula noon hindi na kami nag kita o nagkarooon ng kominikasyon ng kakambal ko pero hindi ko naman gusto na ganito kami magkita ng kakambal ko. "Why he's bullied?" I ask. "I don't know," sagot niya, what kind of mother she is? Hindi niya alam kung anong nangyayari sa anak niya? Napabuntong hininga na lang ako, wala naman matutulong kung sisishin ko si Mom, hindi rin naman niya ginusto ang nangyari kay Jayden. Gagawin ko na lang ang lahat para malaman kung sino ang gumawa nito sa kakambal ko but how? Bigla namang may pumasok sa isip ko. "May tatawagan lang ako," sabi ko sa kanya. "Okay," sagot niya, hindi pa rin ito tumitigil sa kakaiyak kahit sinabi kong tumigil na siya. Lumabas ako ng room ni Jayden pagkatapos kinuha ko ang cellphone ko at tumawag. "Hello" He answered. "Mark can you give me all the information of my twin brother?" I said. "Why?" "Just do it." "But..." Hindi ko na siya pinatapos binaba ko agad ang tawag. Pumasok ulit ako para kausapin si mom. "Mom, magpapanggap ako bilang kakambal ko," Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Bakit?" tanong niya. "Gusto kong malaman kung sino ang nanakit sa kakambal ko," At gusto ko din malaman kung bakit binubully nila ang kakambal ko. "Pero hindi natin alam kung anong kaya nilang gawin," Nag aalalang sabi niya. "I can handle myself," I said. "Tinuruan ako ni dad ng self defense." Ayokong sabihin sa kanya na sumali ako ng mafia, kahit hindi ako lumaki sa kanya nanay ko pa din siya at ayokong mag alala siya. "Pero..." "Mom, 'wag niyo na akong pigilan." sabi ko. "Para ito sa kakambal ko kaya gagawin ko lahat makita ko lang gumawa nito sa kanya." Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa para pigilan ang desisyon ko. "Okay, basta mag iingat ka." "Yes, mom don't worry," paninigurado ko. "At gusto ko tayo lang dalawang makaalam na hindi pa gising ang kakambal ko sa pagkaka coma." Nag nod naman. "Even in your husband." Kahit hindi ko pa nakikita ang asawa ni Mom, hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya at hindi pa nagkakamali ang instinct ko kaya lagi kong sinusunod kung anong nararamdaman ko. "Bakit?" takang tanong niya. "Just do what I said mom," "Okay, sige, basta mag ingat ka ha?" "Yes Mom," NANDITO ako ngayon sa condo ng kakambal ko. Binigay sa akin ni mom ang susi nito. Dito raw nakatira ang kakambal ko dahil malapit lang sa school na pinapasukan niya. "Sure kang puputulan natin ang buhok mo?" Athena said, my bestfriend. "Yeah," I said. "Sayang naman ang buhok mo," "I don't care," Kanina pa ito ang tigas ng ulo niya. Sinabi ko ng puputulin ko ang buhok ko kung ano pang sinasabi niya. Hindi naman importante sa akin ang buhok ko dati ko pa nga gustong ipaputol ito pero ayaw ni Dad pero ngayon may dahilan na ako para putulin ito mapapaliit ko na rin. "Pero..." "JUST CUT MY HAIR!" "Sabi ko nga puputulin ko na." She know me very much kapag tumataas na ang boses ko ibig sabihin malapit na ako mapuno sa kanya. Alam niya kung paano ako magalit kaya hangga't maaari iniwasan niya na galitin ako. A minute past, natapos din siya sa paggugupit sa akin. "Ayan, tignan mo sarili mo dali." excited na sabi niya. Binigay niya sa akin ang salamin at nakita ko dito ang isang gwapong lalaki na laging nakikita kong tinitilian ni Athena. "Grabe ang gwapo mo," tiling sabi niya. "Hindi ko akalain na gwapo ka kapag naging lalaki ka, sana naging lalaki ka na lang para maging boyfriend kita." Napangiwi naman ako sa inasal niya. Nagiging fan girl na naman siya, ganyan na ganyan siya sa mga kpop boys na pinapanood niya sa cellphone niya. "Can you please stop that," I said in irritate voice. "Tandaan mo babae pa rin ako kaya tigilan mo ang pagpapantasya mo." Nag pout naman siya sa sinabi ko. "Ang kj mo talaga kahit kailangan," reklamo niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo sa inuupuan ko. May pasok pa ang kakambal ko, ayon sa information na ipinasa sa akin ni Mark kahapon, kaya kailangan kong pumasok at kailangan ko ring magreport dahil ilang linggo ng absent ang kakambal ko dahil sa pagkaka hospital niya. Naligo na ako pagkatapos pumasok ako sa walk-in closet ng kakambal ko at halos mapangiwi ako sa mga damit niya. Out of fashion na ang mga ito. "Athena!" malakas na tawag ko dito. "Ano na na— woah," napahinto ito ng makita ang mga damit ng kakambal ko. "Ano bang fashion taste ang meron ang kakambal mo?" "I don't know.," sabi ko. "Itapon mo ang mga yan at bumili ka ng bagong mga damit." Mabuti na lang may uniform ang school ng kakambal ko dahil hindi ko masisikmura na magsuot ng kanyang klase ng damit. "Siya sige, ako ng bahala dito," sabi niya. "Bilisan mo baka ma-late ka pa." Kumuha ako ng uniform at nagbihis sa banyo. "Ikaw ng bahala dito aalis na ako," sabi ko. "Sige," Lumabas na ako ng condo ng kakambal ko at pumunta sa parking lot ng building na ito. Nandito kasi ang kotse ko na pinadala ko kay Athena. Wala kasing kotse ang kakambal ko dahil hindi naman sila ganun kayaman. Ang condong ginagamit niya ay regalo sa kanya ni Dad. Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot. Gamit ang GPS nakarating ako sa school na pinapasukan niya. Private school siya nag aaral pero scholar lang siya, 'yun ang dahilan kung bakit siya nabubully dahil mahirap ito. Papasok na ako sa loob ng school ng hinarang ako ng isang guard. "Pasensya na sir ngayon ko lang nakita ang kotse niyo kaya gusto kong malaman kung dito kayo nag aaral." magalang na sabi ng guard. "Pwede ko bang makita ang ID niyo?" "Yes, here," binigay ko sa kanya ang ID ng kakambal ko. Tinignan niya ang ID ko at nakita kong napakunod ang noo niya. Tinignan niya ako at balik ulit sa ID. "Kayo ba talaga si Sir Jayden?" takang tanong niya. "Yes, why?" sagot ko. "Ah, wala Sir, ang laki kasi ng pinagbago mo tsaka hindi ka na ka kotse noon." Well, ibang iba talaga ng itsura ng kakambal ko sa apperance ko ngayon. Nerd look kasi siya kapag pumapasok. I smile. "Yeah, nagbago ako ng look dahil nagsasawa na ako sa look ko dati," I know, lame excuse. "Ah ganun ba." sabi niya. "Sige, Sir pasok na kayo." binalik niya ulit sa akin ang ID ko. "Okay thanks," Pinaandar ko na ulit ang kotse ko at pumunta sa parking lot. Agad naman akong nag park ng may nakita akong parking space. Third Person's Point of View Busy ang mga estudente ng Golden Dawn Academy. May grupo na kababaihan na nagke-kwentuhan, pinag uusapan nila ang mga mamahalin nilang mga bag, dress at iba pa, may mga grupo naman na nambubully ng mga kapwa nila estudyante at may grupo na parang may mga sariling mundo pero lahat sila nabulabog ng biglang may kotse na papasok ng school. Gulat na gulat sila sa nakita dahil ang kotse na pumasok ay isang limited edition na Lamborghini Sian FKP 37. Sampung tao lang ang meron niyan at milyon ang halaga nito. Hindi nila maalis ang mata nila sa kotseng ito hanggang magpark. Hinihintay nilang lumabas ang may ari ng kotseng iyon. Halos malaglag ang panga ng mga babae o mapa lalaki man ng lumabas ang may ari ng kotse. Para silang nakakita ng anghel na bumaba sa langit ng makita nila ang lalaki. Kahit simpleng uniform lang ang suot niya para itong model sa suot niya. "Gosh, ang gwapo niya." "Sino siya? Bakit ngayon ko lang siya nakita dito?" "Wait he's familiar. OMG, it's that Jayden?" Hindi makapaniwala ang mga nakaranig sa sinabi nito. Tinignan nila ulit ang lalaki at doon nila nakita na kamukha nga ni Jayden ito. Gulat na gulat sila dahil ang Jayden na kilala nila ay isang nerd at walang sense of fashion at alam din nila na mahirap ito kaya paano ito nagkaroon ng ganung kotse. Jade's Point of View Hindi ko pinansin ang mga matang nakitingin sa akin, naglakad na ako paalis sa parking lot. Habang naglalakad ako biglang may humarang sa aking limang lalaki at dalawang babae. Sa itchura pa lang nila masasabi kong mga bully ang mga ito. "Totoo nga na gumwapo ka," sabi ng lalaking mahaba ng buhok. "Pero kahit nag iba ka ng itchura, isa ka pa ring lampa." Nagtawanan lahat sila. Nilagay ko sa magkabilang bulsa ng pants ko ang dalawang kamay ko at tinignan sila ng malamig. Napansin nila ang titig ko kaya huminto sila. "Bakit ganyan ka makatingin?" galit na sabi ng lalaking may banda na sa noo. Hindi ako sumagot tinignan lang siya kaya mas lalo siyang nainis. Susugurin na sana niya ako pero pinigilan siya ng lalaking may lollipop sa bibig. "Relax, paglaruan muna natin siya." sabi niya. Heto pala ang mga nambubully sa kakambal ko, akala ko malalakas sila pero mukhang mayayabang lang sila. Dumadami na ang mga nanunuod at mukhang sanay na sanay na silang makitang nabubully ang kakambal ko o sadyang natatakot lang silang makialam. "Mukhang yumabang na siya dahil lang gumwapo siya," sabi ng babaeng mahaba ang buhok na makapal ang make up, well, actually parehas na makapal ang make up ng dalawang babae. "Aalisin ko 'yang kayabangan niya," sabi ng lalaking mahaba ang buhok. Sumugod sa siya akin pero agad kong nasalo ang kamao niya. Hindi niya inaasahan yun kaya nanlaki ang mata niya. "Aba mukhang nagpractice ka ah, subukan nga kita," sumugod sa akin ang lalaking may lollipop sa bibig. Inilagan ko siya habang hawak ko pa din ang kamao ng lalaking mahaba ang buhok na pilit niyang kinukuha pero hindi niya magawang alisin. "'Yan lang ba ang kaya niyo?" Mapang asar na sabi ko habang nakangisi. Napikon sila sa sinabi ko kaya sabay silang sumugod pero mabilis ko silang pinagsisipa dahilan para magsitumbahan sila. Nagulat ang mga babaeng kasama nila pati ang mga nanunuod, hindi nila akalain na magagwa ito ni Jayden na kilala nilang lampa pero sorry sila hindi si Jayden kaharap nila. "P-Pano mo nagawa iyon?" utal na tanong na babaeng maiksi ang buhok. Tinignan ko siya. "Secret," sabi ko at nginitian siya, natulala naman siyang nakatingin sa akin. Naramdaman ko na papasugod ulit sila kaya agad ko silang inilagan pagkatapos mabilis ko silang binigyan ng tig iisang suntok. Nawalan pa ng malay ang lalaking may bandana sa noo. "Okay lang ba siya?" Nakangiting tanong ko. "I-Ikaw," utal na sabi ng lalaking mahaba ang buhok. "Hindi pa tayo tapos." Agad nilang binuhat ang lalaking nawalan ng malay at mabilis na umalis, hinila naman ng isang babae yung kasama niyang babae na hanggang ngayon nakatulala pa rin. That's it? Hindi man lang ako pinagpawisan. Ang lakas ng loob mambully mga duwag naman pala. Ito ba ang kinakatakutan ng kakambal ko? Sabagay na train ako ni dad ng iba't ibang martial arts kaya mas malakas ako sa kanila. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD