Chapter 9

2156 Words
Jade's Point of View Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. "Tsk, sino bang storbong ito, ang aga aga nambubulabog," inis na sabi ko. Akala ko makakatulog na ako ng mahaba dahil wala naman pasok ngayon pero heto naman may nang i-storbo.  Wala akong magawa kundi sagutin ang tawag habang nakapikit pa ako. "Hello," sagot ko. "Anak, ang kakambal mo," Nagising ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Mom. "Anong nangyari kay Jayden?" tanong ko, may kaba akong nararamdaman na madalang ko lang maramdaman pero pagdating sa kakambal ko nararamdaman ko ito. "Pumunta ka na lang dito at ang doctor na ang magsasabi sa 'yo," sagot niya. "Okay pupunta na ako," sabi ko sabay baba ng kama ko. "Okay, mag iingat ka," sabi niya. "Yes, Mom, bye," sagot ko pagkatapos pinatay na ang tawag. Agad akong nagpunta sa cabinet at kumuha ng damit ko na pambabae. Hindi ako pwedeng pumunta doon na nakasuot ng panlalaki baka may makakita pa sa akin bilang Jayden, magtaka pa sila kung anong ginagawa ko sa hospital. Nag cup at nag sunglasses ako para sure na wala talagang makakilala sa akin. Hindi alam ng lahat na may kakambal si Jayden kaya kapag may nakakita sa akin paniguradong magtataka sila, identical twin kami kaya siguradong may makakakilala sa akin. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila na may kakambal si Jayden, mas maganda na iyon para iwas conflic. Nang makarating ako sa parking lot agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito, medyo natagalan akong nakarating dahil sa sobrang traffic at dahil sa lintik na traffic na iyan napapahaba nito ang pasensya ko. Ayaw na ayaw ko kasi ang naghihintay pero nandito ako sa pilipinas kaya kailangan kong masanay na laging naghihintay. "What happened?" tanong ko kay Mom pag dating ko, kasama niya rin si Nathan. "Mabuti dumating ka na," sabi ni Nathan sa akin. "May bad news ako sa kalagayan ng kapatid mo, nasa critical ang buhay niya ngayon." "What? Paanong critical, ang ayos ayos lang niya nung isang araw," gulat na tanong ko. "Oo, ayos lang naman siya noon pero kanina bigla na lang bumagsak ang heartbeat niya ng hindi namin malaman na dahilan," sagot niya. "Nalaman niyo na ba ang dahilan?" tanong ko. "Yes, napag alaman namin na may butas ang puso niya, hindi pa ito kapansin pansin noon dahil maliit pa lang ito pero bigla na lang lumaki ang butas dahilan siguro ng pagka coma niya," sagot niya. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Wala namang may sakit sa puso sa pamilya namain kaya bakit nagkaganito si Jayden. "Diyos ko po," sabi ni Mom habang umiiyak. "Bakit ganito ang nangyayari kay Jayden." "May magagawa pa ba tayo sa kalagayan niya?" tanong ko. "Oo, maaari natin siyang dalhin sa main hospital namin sa U.S para mas matutukan siya doon at mas kumpleto ang mga gamit doon," sagot niya. "Okay, do whatever basta magamot lang si Jayden kahit magkano pa ang gagastusin kung kailangan man niya ng bagong puso sabihin mo lang," sagot ko. "Hindi pa naman ganun kalala ang paglaki ng butas ng puso niya kaya pwede pang ma-resulba pero kung hindi magawan ng paraan doon natin papalitan ang puso niya," sagot ni Nathan. "Good," sabi ko pagkatapos lumapit ako kay Mom. "Mom tahan na, gagaling si Jayden." "Sana nga anak, hindi niya deserve ang nangyayari sa kanya, napakabait ng kakambal mo para maranasan niya ang ganito," sabi niya. "I know, sa ngayon umuwi na muna kayo baka magtaka na ang asawa niyo dahil lagi kayong umaalis," sagot ko. "Nagpaalam ako sa kanya na dadalawin kita sa condo mo," sabi niya. "Kung ganun hatid na kita para maniwala siyang pumunta ka sa condo," sagot ko. "Mabuti pa nga," sabi niya. May private plane sina Nathan kaya mabilis lang nila na naibiyahe si Jayden papunta sa U.S. Gusto pa ngang sumama ni Mom pero hindi pwede dahil magtataka ang asawa niya kung bakit matagal itong nawala. NATIGIL ako sa ginagawa ko ng tumunog ang telephone na malapit sa pinto ko. Naka-connect ito sa front desk lahat ng mga nakatira dito may ganito dahil kapag may bisita sila na hindi nila inimbita pwede nilang itanong gamit iyon. Tumayo ako at sinagot ang tawag. "Hello," sagot ko. "Mr. Mercado, itatanong ko lang po kung may kaibigan kayo na Jackson Matthew?" tanong niya. "Yes, why?" sagot ko. "Nandito po siya sa front desk papasukin ko ba siya?"  tanong niya. Anong ginagawa ni Jackson Hyung dito? At paano niya nalaman na dito ako nakatira wala naman akong sinabi sa kanila?  "Okay papasukin mo siya," sagot ko  "Okay, sir," sagot niya. Pagkababa ko ng tawag  bigla kong na realize na hindi ko suot ang artificial body kaya dali dali akong pumunta sa kwarto at isuot ito. Kapag kasi ako lang mag isa hindi ko suot iyon nakasuot lang ako na maluwang na damit. Saktong natapos ako ng may nag doorbell, naglakad ako papunta doon at pinagbuksan si Jackson Hyung. "Hyung bakit ka nandito?" tanong ko pagpasok niya. "Nakalimutan kong sabihin kahapon na titira ka kasama namin," sagot niya,  nagulat naman ako sa sinabi niya. "Kailangan ko ba iyon?" tanong ko. "Oo para kapag may emergency madali na lang tayong magsama sama at para hindi na hassle kapag may training tayo," sagot niya. Kung titira ako sa kanila may chance na mabuko nila ako at hindi pwedeng mangyari iyon. "Ayaw mo ba na tumira ka kasama namin?" dagdag niya kita ko sa mata niya na ang disappointment. "Hindi naman sa ganun," mabilis na sagot ko. "Ilan taon kasi na ako lang mag isa kaya baka manibago ako kapag may kasama ako sa bahay." Umaliwalas naman ang mukha niya. "Don't worry hindi ka namin pababayaan, hindi namin hahayaan na ma out of place ka doon," sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako, wala na akong magagawa kundi pumayag. Mag do-double ingat na lang ako kapag nandoon ako. Water-proof naman ang artificial body na suot kaya pwedeng ipanligo kung sakaling magkakasabay kaming maligo. Sana nga lang wala akong room mate para malaya kong magawa ang gusto ko. "Okay, kelan ba ako lilipat?" tanong ko. "Ngayon na kaya tutulungan na kitang mag impake," sagot niya. Hindi na ako naka react dahil pumasok na siya sa kwarto ko. Mabuti na lang suot ko na ang artificial body at wala akong ni-isang nilagay na pambabaeng damit kahit underware. Hindi ko na rin naman kailangan iyon dahil ayos naman na suotin ang underware ng lalaki, hindi rin naman ako mahilig mag bra kapag nasa bahay. Ang number one na problema ko na lang ay ang monthly period ko, hindi ko naman iyon mahihinto, laking pasalamat ko dahil regular ang mentration ko kaya madali kong ma track kung kelan ako dadatnan. "Na-empake ko na lahat ng mga damit mo kung may importante ka pang gustong ilagay, ilagay mo na," sabi ni Jackson Hyung paglabas niya ng kwarto ko dala ang maleta ko. "No, ayos na iyang mga damit ko, phone and wallet lang naman ang mahalaga," sabi ko. "Kung ganun alis na tayo, ako na ang magsasakay ng maleta mo dahil alam kong hindi ito kasya sa kotse mo," sagot niya. "Next time bumili ka naman ng kotse na maraming makakasakay." Napangiti naman ako sa sinabi niya para siyang si Athena kung pagsabihan ako, alam ko naman sa sarili ko na hindi ako organize sa sarili ko kaya kapag pumupunta ng condo ko si Athena nung nasa Italy kami ay lagi niya akong sinasabihan na ligpitin ang mga nakakalat kong gamit. Minsan kasi wala na rin akong time na maglinis dahil marami akong ginagawa, ngayon lang ako nagkaroon ng time nung naging si Jayden ako. "Si Dad bumili niyan, wala na akong magawa nung dumating 'yan," dahilan ko kahit ako naman talaga ang bumili. "Edi sabihin mo sa Dad mo na bilhan ka ng isa pang kotse," sabi niya. "Sige sasabihin ko sa kanya," nakangiting sabi ko. "Tara na nga alis na tayo sundan mo na lang ako," sabi niya. "Okay," sagot ko. Siniguro ko munang nakapatay lahat ng mga ilaw at naka lock ang pinto bago ako sumunod kay Jackson Hyung. Gaya ng sabi niya nakasunod lang ako sa kanya kahit inip na inip ako dahil ang bagal niyang magmaneho.  Huminto kami sa isang hindi ganun na kalaki na bahay, sobrang lapit nito sa school na kahit maglakad ka lang ayos lang. Sa condo ni Jayden isang sakay ng jeep bago siya makapunta ng school, wala naman kasi siyang kotse ayaw niyang tanggapin ang kotse na binibigay ni Dad, hinayaan na lang nito at least tinanggap niya ang condo. "Nandito na si Jayden," anunsyo ni Jackson Hyung kina Hunter. "Welcome Jayden," masayang sabi ni Samuel. "Magakakasama na rin tayo sa iisang bahay." "Mamaya niyo na kausapin si Jayden," saway ni Jackson tapos bumaling sa akin. "Tara, ituturo ko kung saan ang kwarto mo."  Sinundan ko naman siya mayamaya nakarating kami sa may hallway na may tatlong pinto. Parang hindi ko yata gusto ang nakikita ko. "Tatlo lang ang kwarto dito kaya may kanya kanya tayong room mate," sabi niya, sabi ko na. "At kasalukuyang si Hunter ang walang room mate kaya siya ang magiging room mate mo, ayos lang ba iyon sa iyo?" Pilit akong ngumiti. "Oo naman," sagot ko. "'Wag kang mag alala dalawa naman ang kama kaya hindi kayo magkasama sa iisang kama," sagot niya. Mabuti naman kung ganun. "Heto ang maleta mo, pumasok ka na at mag ayos, dapat matapos kaya bago mag lunch time. "Okay," sabi ko at kinuha ang maleta sa kanya.  Nang makaalis siya doon ako pumasok sa pintuang tinuro ni Jackson Hyung. Pagpasok ko wala akong naabutan na Hunter sa loob, mabuti na rin iyon para makagalaw naman ako ng maayos habang nag aayos ako. Pumunta ako sa kama na walang bedding at tingin ko bagong bili lang ito gaya ng cabinet na nasa paanan ng kama ko. "Mukhang hindi ko maalis ang artificial body ko dahil wala akong pagtataguan," bulong ko sa sarili ko. Tsk, wala akong choice kundi isuot ito, kailangan kong magtiis kesa naman sa mabuko nila ako.  "JAYDEN, kain na tayo," tawag sa akin ni Skylar Hyung mula sa labas. "Coming," sagot ko sabay sara ng cabinet pagkatapos lumabas na ng kwarto. "Tapos ka na ba sa ginawa mo?" tanong niya habang naglalakad kami. "Yes," sagot ko. "Nandito na sila kumain na tayo," sabi ni Jackson ng makarating kami. "So, Jayden anong masasabi mo sa bahay natin?" tanong ni Tayler Hyung. "Good," sagot ko. "Maayos naman siya, nakakapagtaka lang dahil lalaki kayong lahat dito." Usually kasi na kapag lalaki ang nakatira sa iisang bahay magulo ang bahay at makalat. Natawa naman si Samuel Hyung. "Naku, bawal na bawal kaming mangalat dito dahil magagaling si Jackson Hyun, siya kasi ang parang nanay namin dito." Napatango naman ako, sabagay yung kilos ni Jackson Hyung parang isang nanay na inaalagaan ang mga makukulit niya anak. Maamo at mabait ang facial expression niya pero ibang iba iyon sa aurang bumabalot sa kanya, nakakatakot at nakaka intimidate. "Ang kukulit niyo kasi para kayong mga kinder kung kumilos," sagot ni Jackson Hyung. "Bakit 'di niyo gayahin si Jayden kasing idad niyo lang siya pero ang matured niyang kumilos." Napapansin pala iyon ni Hyung?  "Hmp, pakitang tao lang 'yan baka kapag tumagal 'yan dito magulo na rin ito," sagot ni Samuel Hyung.  "I agree," sagot ko. "'Wag niyong pagkatiwalaan kung anong nakikita niyo, hindi niyo alam mas malala ako sa dalawang ito."  "Then try me, matitikman mo ang punishment ko," sagot ni Jackson Hyung. I smirk. "What kind of punishment?" sagot ko. "Aba, na excite pa yata ang loko," sabi ni Tayler Hyung. "Naku, Jayden masama magalit si Jackson." "Hmm, parang gusto kong makitang magalit si Hyung," sagot ko, hindi ko pa nakikitang makalit o mainis si Hyung eh, gusto kong malaman kung paano siya magalit. Napailing naman si Tayler Hyung. "Grabe talaga itong si Jayden, mukhang walang kinakatakutan," sabi niya. "Sabagay, hindi siya natakot nung sinamaan siya ng tingin ni Hunter, ito pa nga yata ang natakot kay Jayden." "Pero hanggang saan kaya ang tapang ni Jayden," sabi ni Samuel Hyung. Napakasaya nilang tignan, kitang kita mo na matagal na talaga silang magkakasama at parang pamilya na ang turing nila sa isa't isa. Never kong naramdaman ang ganito na sobrang welcome na welcome nila ako kahit hindi pa nila ako ganun ka kilala, hindi pa sumagi sa isip nila na baka traydorin ko sila? Na masamang tao ako? Pero imbis na isipin nila iyon mas winelcome pa nila ako na parang ang tagal na nila akong kasama. "Anong ngini-ngiti mo diyan?" tanong sa akin ni Jackson Hyung. "Wala," sagot ko at kumain na ulit. Sisiguraduhin ko na po-protektahan ko sila, hindi ko hahayaan na may manakit sila gaya ng pagpapahalaga ko kay Jayden. Kahit na si Jayden ang kinikilala nila ayos lang at least naramdaman ko naman na magkaroon ng tunay na kaibigan na hindi ako ta-traydorin.  To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD