Jade's Point of View
Tapos na akong maligo at magbihis pero hanggang ngayon tulog pa rin si Hunter Hyung.
Flashback
"Jayden," tawag sa akin ni Jackson Hyung.
"Bakit?" tanong ko.
"May pakiusap sana ako," sabi niya.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Room mate naman kayo ni Hunter pwede ba na kada umaga pakigising si Hunter, lagi kasi kaming na le-late sa kanya, tulog mantika kasi siya kaya mahirap gisingin, ayos lang ba sa'yo?" mahabang paliwanag niya.
Nginitian ko naman siya. "Sure, akong bahala," sabi ko.
End of Flashback
Binigyan ako ng task kagabi ni Jackson Hyun kaya dapat magawa ko iyon. Lumapit ako sa kanya at niyugyug siya.
"Gising na Hyung," sabi ko sa kanya pero umungol lang siya, inulit ko pa ang paggising sa kanya pero hindi siya nagigising na kinainis ko. "SABING GUMISING KA NA!" malakas na sabi ko sabay hatak sa kumot niya.
Effective naman dahil nagising siya pero agad rin niya akong sinamaan ng tingin. "Oh, bakit ha? Galit ka?" masungit na sabi ko. "May pasok pa tayo kaya kumilos kilos ka na diyan, ayokong malate."
"Tsk," sabi lang niya pero sinunod niya ang sinabi ko. Nang makapasok siya sa c.r lumabas na ako ng kwarto.
"Gising na ba si Hunter?" tanong ni Jackson Hyung.
Tumanga naman ako. "Naliligo na siya ngayon," sagot ko.
Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Tayler Hyung at ininspeksyon ang katawan ko. "Ayos ka lang ba Jayden, wala bang bali ang katawan mo?" nag aalalang sabi niya.
"Ano bang pinagsasabi mo Hyung?" tanong ko.
"Wala bang ginawa sa 'yo si Hunter? Hindi ka ba niya binugbog?" tanong niya.
Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Walang ginawa si Hyung sa akin, sinamaan niya lang ako ng tingin," sagot ko.
"Yun lang ang ginawa niya?" takang tanong niya.
"Oo, at bakit ba ang o.a mo?" tanong ko.
"Eh kasi naman kapag ginigising si Hunter hindi pwedeng hindi magkaroon ng black eye ang gumising sa kanya tanging si Jackson lang ang nakakagising sa kanya na wala itong ginagawa," sabi niya.
"Wala namang ginawa si Hyung sa akin kaya 'wag ka ng maging o.a diyan para kang bakla," sabi ko na kinalaki ng mata niya.
"Ako bakla?" gulat na sabi niya. "Ang dami ko ng babaeng naikama tapos aakusahan mo ako ng bakla?"
"Ang o.a mo kasi at anong pake ko sa mga babaeng na ikama mo, hindi 'yan basehan para masabing lalaki ka. Ang totoong lalaki rumirespeto ng babae hindi pinaglalaruan," sabi ko kanya at iniwan siya doon pagkatapos umupo ako sa sofa. Nainis ako sa sinabi niya, tingin niya ba sa mga babae laruan na pagkatapos gamitin itatapon na lang. Tsk, akala ko iba siya sa mga lalaking nakilala ko.
Third Person's Point of View
Nagulat sina Jackson sa inasal ni Jayden, ramdam ulit nila ang masamang aura na bumalot sa kanya nung nasa Royalty Room sila.
"Bakit bigla na naman siyang binalutan ng masamang aura?" bulong na tanong ni Skylar kay Samuel.
"Mukhang hindi nagustihan ni Jayden ang sinabi ni Tayler Hyung na marami itong naikamang mga babae," sagot ni Samuel sa kanya.
Na-guilty naman si Tayler dahil sa sinabu niya. Oo, naging babaero siya noon pero hindi na ngayon, naisip niya rin kasi ang mararamdaman ng mama niya.
"Uy, nagbibiro lang naman ako," sabi niya kay Jayden. "Ayoko naman talaga na ipagmalaki iyon siguro natapakan lang ang ego mo ng sinabi mong bakla ako. Pinagsisihan ko na rin ang pagiging babaero ko noon."
Akala niya hindi siya papansinin ni Jayden pero nagtuwa siya ng nagsalita ito.
"Sigurado ka?" Tanong nito.
"Oo namana," sabi niya.
"Tsk, 'wag mo na ulit sabihin iyon dahil may nanay ka," sabi ni Jayden.
"I know," sagot niya. "So, hindi ka na galit?"
"Hindi na," sagot nito na ikinatuwa niya.
Hindi niya alam pero ayaw niyang magalit si Jayden sa kanya. Siguro dahil magandaan ang loob niya sa kanya? Hindi niya alam pero hindi naman niya kinaiinisan iyon.
Jade's Point of View
Isang buwan na rin ang lumipas ng tumira ako dito sa bahay nina Hunter Hyung. Naging mas close kaming lalo na kay Hunter Hyung kapag kaming dalawa lang lagi siyang nagsasalita, nung una napilitan lang siya dahil lagi kong dinadaldalan pero ngayon kahit na may mga kasama kami lagi na siyang nagsasalita sa akin nga lang.
Pakiramdam ko rin parang ginagawa niya akong bata dahil lagi niya akong sinasabihan na 'wag gumawa ng ganito. Hindi naman ako against doon in fact gusto ko pa nga iyon dahil para akong may kuya sa ginagawa niya, gustong gusto kong magkaroon ng kuya naiingit nga ako kay Athena dahil may Kuya siya.
Tahimik lang akong nakikinood kina Samuel ng tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at tinignan ang tumawag. Speaking of Athena.
"Yes?" sagot ko sa tawag niya.
"Iris nandito ako sa Naia airport pasundo ako," sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
Pansamantalang dito muna titira si Athena, tutulungan niya ang kuya niya sa business nila at patitirahin ko muna siya sa condo ni Jayden.
"Anong ginagawa mo sa airport? Next week pa ang uwi mo diba?" tanong ko.
"Napaaga eh, dalian mo gusto ko ng matulog," sabi niya.
"Tsk bakit kasi hindi ako sinabihan ng maaga para maaga akong nakarating," sabi ko tsaka tumayo. "Sige na, pupunta na ako diyan." Hindi ko na siya hinihintay magsalita pinatay ko na ang tawag.
"Susunduin ko lang yung kaibigan ko sa airport," paalam ko kina Jackson Hyung.
"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Jackson Hyung.
"'Wag na, kaya ko naman," sabi ko baka kapag nakita siya ni Athena baka magtitili na naman iyon, sakit pa naman sa tenga.
"Sige mag iingat ka," sabi niya tumango naman ako.
Pumasok ako sa kwarto para magpalit ng damit.
"Aalis ka?" tanong ni Hunter Hyung, akala ko tulog ito.
"Susunduin ko lang ang kaibigan ko," sabi ko habang naghahanap ng damit.
"Samahan na kita," sabi niya.
"Hindi na," mabilis na tanggi ko. "Idadaan ko rin siya sa condo ko doon muna kasi siya titira."
Napabuntong hininga naman siya pagkatapos lumapit sa akin.
"Okay, mag iingat ka na lang at maaga kang uuwi," bilin niya sabay pat nh ulo ko.
"Okay, Hyung," sabi ko.
"ANG TAGAL mo naman kanina pa ako naghihintay," reklamo ni Athena pagdating ko.
Napairap naman ako. "Sino ba kasi sa atin nag late mag sabi ha? Alam mo namang traffic dito sa manila," sagot ko.
"Eh nakalimutan ko," sagot niya at nagpout.
"Nakalimutan mo pala edi 'wag kang mag reklamo," sabi ko. "Tara na nga, traffic pa naman ngayon."
Naglakad na kami papunta sa kotse kopagkatapos nun binaybay na namin ang daan papunta sa condo ko.
"Dahil wala namang gumagamit ng condo doon ka muna," sabi ko sa kanya.
"Ha? Bakit? Hindi ka na ba doon nakatira?" tanong niya.
"Hindi nakatira ako ngayon sa mga ka gang ko," sabi ko.
"Gang? Sumali ka ng gang?" tanong niya.
"Oo, kilala mo naman ako ayokong hindi ako nakikipaglaban kaya habang nagpapanggap ako bilang si Jayden sumali ako ng gang," sabi niya.
"Ohh, ganun ba," sabi niya. "So, may gwapo ba sa mga ka gang mo?"
"Bakit mo naman tinatanong?" tanong ko.
"Swempre para magkaroon ako ng boyfriend, ano pa ba?" sagot niya.
"Tsk, Athena ilang beses ko bang sinasabi sa 'yo na 'wag puro gwapo lang ang hanapin mo maghanap ka ng lalaking mamahalin mo at mamahalin ka," sabi ko, puro kasi gwapo ang laman ng isip niya.
"Pare-parehas namang manloloko ang mga lalaki kaya kung maghahanap din ako ng boyfriend gwapo na no," sabi niya.
Napailing na lang ako sa sinabi niya, hindi naman dati gwapo ang hanap niyan kahit anong itchura basta mahal siya ayos lang pero ilang beses na kasi siyang naloko ng mga nagiging boyfriend niya, akala niya mahal siya yun pala ang pera lang niya kaya ayan naging obsess sa gwapo.
"Makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal talaga sa 'yo maghintay ka lang," sabi ko.
"Madaling sabihin pero mahirap gawin, ayoko ng naghihintay kaya kung may makitang gwapo at single grab agad," sabi niya.
"Bahala ka basta sinabihan kita," sabi ko.
"Alam ko naman iyon, sangayon kasi for fun lang ang paghahanap ko ng gwapong boyfriend hindi pa ako handang mag commit ang sakit kayang masaktan," sabi niya.
Pagdating sa ganyan hindi ko na siya mabigyan ng payo dhail never ko pa naman kasing naramdaman ang sakit ng pagmamahal dahil never din akong nagkaroon ng boyfriend. Wala rin kasi sa isip ko na magkaroon ng boyfriend dahil sa istado ng buhay ko, ayokong may madamay ako na inosente.
"Gusto kong ma-meet ang mga bagong kaibigan mo, maliban sa akin kasi wala ka ng naging kaibigan kaya curious ako sa kanila," sabi niya.
She's my bestfriend kaya alam niya ang buhay ko kahit ang dark side nito. Wala akong siniseckreto sa kanya at ganun din naman siya. Kapatid na ang turing namin sa isa't isa.
"Sige papakilala ko sila sa 'yo kapag may time," sabi ko.
To be continued...