Jade's Point of View
"Aalis ka na? Hindi ka pa nga nakakatagal dito," sabi ni Athena sa akin, may halong tampo ang boses niya.
"Kailangan kong umuwi ng maaga iyon ang bilin sa akin ni Hunter Hyung," sagot ko habang nagsusuot ng rubber shoes.
"Bakit takot ka ba sa kanya?" tanong niya.
"Hindi naman pero nangako kasi ako sa kanya na uuwi ako ng maaga baka pag uwi ko sermonin ako 'nun," sabi ko.
Nagiging madaldal iyon kapag sinisermunan ako eh, kapag hindi ko sinusunod ang mga bilin niya para siyang presidente ng pilipinas na nagso-sona.
"Ano ba 'yan akala ko makakapag sleepover na tayo," malungkot na sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako. "Pasensya na Athena, tingin ko hindi muna natin pwedeng gawin 'yan habang nagpapanggap ako bilang si Jayden baka kung ano pang sabihin nila," sabi ko.
Mahirap na kasi, hangga't maaari kailangan kong iwasan ang mga bagay na makakapag buking sa akin hangga't hindi ko pa na hahanap kung sino ang may gawa 'nun sa kakambal ko.
"Fine," sagot niya pero nakasimangot pa rin. "Pero sana kapag tayo lang dalawa 'wag mong ibahin ako boses mo, miss ko na kaya 'yang napaka sweet mong boses babae," sabi niya.
Napangiti naman ako sa sinabi ko, isa na siguro sa pinapasalamat ko ay kaya kong manggaya ng boses ng ibang tao kaya hindi ako mamumublema na gayahin ang boses ni Jayden. Swempre magkaiba kami ng boses ni Jayden kasi lalaki siya babae ako, mataas ang boses ni Jayden habang mababa naman ang sa akin.
"Okay, sige hindi ko ibahin ang boses ko kapag tayo lang dalawa," sabi ko sa totoong boses ko na ikinangiti niya.
"Ayan, mas gusto kong naririnig ang boses mo lalo na kapag kumakanta ka para akong nakikinig ng lullaby sa ganda ng boses mo," sabi niya.
"Next time, kakantahan kita para naman makabawi ako sa 'yo," sabi ko.
"Ihhh!!! Kaya Lab na lab kita eh," sabi niya sabay yakap sa akin.
"I love yu too," sabi ko, don't get we wrong ah, wala kaming relasyo. Straight kaming dalawa sadyang sweet lang kami sa isa't isa dahil bata pa lang kami magkasama na kami, isa pa sweet talaga si Athena lagi niya akong niyayakap at hinahalikan sa pisngi. "Sige na alis na ako."
"Okay, ingat ka," sabi niya.
"'Yung bilis ko, Athena 'wag na 'wag mong guguluhin ang condo ng kakambal ko, kialla kita," sabi ko.
Graduate ng interior design si Athena at kapag hindi niya nagustuhan ang design ng interior ng loob ng bahay aayusin niya ito. Ayos naman iyon sa iba pero hindi sa condo ng kapatid ko, ayoko na may mabago sa condo niya kung ano ang iniwan niya iyon ang dadatnan niya. Well, maliban na lang sa mga lumang damit niya ayoko na rin naman na suotin niya iyon.
"Don't worry I like the interior design kaya wala talaga kong babaguhin," sabi niya.
"Good, sige alis na ako," sabi ko at naglakad na paalis.
Ilang minuto lang nakarating na ako sa bahay, nakakunot at naka cross arm na Hunter ang bumungad sa akin habang naka upo ito sa sofa.
"Hindi ako late ah," pangunguna ko sa kanya.
"Tsk," sabi niya lang. "Magbihis ka na at kakain na tayo."
"Okay," sagot ko at naglakad papunta sa kwarto tsaka nagbihis. "Anong ulam?" tanong ko paglabas ko.
"Sinigang," sagot ni Jackson Hyung na kasalukuyang nagluluto.
"Yung maasim na maasim ah," sabi ko.
Mas gusto ko kasi sa Sinigang na maasim na maasim para masarap ang kain.
"Mapapakilig ka sa asim," sagot niya.
"Nice," sabi ko then tumabi ako kay Hunter Hyung na swempre nakapikit na naman pero alam ko hindi siya natutulog. Alam ko na kung nakapikit lang siya o talagang natutulog siya. Ang hirap ka niyang gisingin kapag talaga tulog siya.
"Sino pala iyong kaibigan mo na sinundo mo?" tanong ni Tayler Hyung, naglalaro sila ni Samuel ng PS5.
"Si Athena, bestfriend ko," sagot ko.
"Oh, babae?" tanong ni Samuel Hyung.
"Oo, bakit bawal magkaroon ng babaeng bestfriend.
"Weh, baka girlfriend mo- aray naman nagbibiro lang naman ako," sabi niya habnag hawak ang ulo niya na binatukan ko.
"Kung ano ano kasi ang inisip mo," singhal ko tapos bigla kong naalala ang sinabi ko kay Athena. "By the way, gusto kayong makilala ni Athena. Sinabi ko kasi na nakatira ako ngayon sa ka gang ko."
"Sinabi mo sa kanya na kasali ka sa gang?" tanong ni Tayler Hyung.
"Yes, hindi ako nagtatago sa kanya ng sekreto," sabi ko.
"Ohh, sige ba kelan?" tanong niya.
"Sa susunod na sabado, dalhin ko na lang siya dito para hindi na hassle pa," sagot ko.
Mas ayos na si Athena na lang ang dalhin ko dito kesa naman makipag meet pa sa ibang lugar.
~
"THANK YOU Jayden sa pagtulong," sabi ni Christine ang SC secretary ng buong school. May iba't iba kasing Student Council sa bawat course.
"Wala iyon, hindi ko naman hahayaan na magbuhat ng mabigat ang babae," sagot ko. Nakita ko siya kanina na may dalang mabibigat na kahon kaya tinulungan ko na siya.
Kahit babae rin ako kaya kong magbuhat ng mabibigat kaya nga medyo may muscle ang braso ko. Ang o.a nga ng reaction ni Athena ng makita ng braso ko.
"Iris bakit ka naman nagpalaki ng braso paano ka niyang magsusuot ng dress?" hesterikal na sabi niya.
"Psst, tingin mo magsusuot ako ng dress?" sabi ko sa kanya.
Babaeng babae ako pero hindi ko gustong magsuot ng dress, mas gusto kong magsuot ng mga komportableng damit kesa sa dress na halos hindi ako makagalaw dahil konting galaw ko lang makikitaan na ako. Hindi naman ako against sa mga babaeng nagsusuot ng mga sexing damit sadyang hindi iyon ang taste ko.
Nakipag debate talaga siya sa akin pero in the end wala rin naman siyang magagawa kundi tanggapin ang kung anong suot ko. Iyon ako eh kung siya kikay magsuot ako hindi, wala akong paki kung walang lalaking magkagusto sa akin dahil sa damit ko ang mahalaga komportable ako.
"Ang gentleman mo talaga Jayden, kaya ang daming babaeng nagkakagusto sa 'yo," sabi ni Christine.
"Ganito rin naman ako dati nung hindi pa ako nagbabago kaso walang nakaka-appreciate sa akin saka lang nila ako na appreciate ng maging gwapo ako," sagot ko.
Matulungin si Jayden noon lahat tinutulungan niya pero wala man lang nakaka appreciate sa kabaitan niya minsan pa nga sinasamantala ang kabaitan niya, ginagawana siyang slave ng mga ito pero ngayon makaasta sila parang wala silang ginawang masama kay Jayden.
Tsk, habang marami akong nalalaman kay Jayden mas lalo lang akong naiinis sa mga ito. Isang buwan pa lang akong nandito pero ang dami ko ng nalaman na hindi magandang ginawa nila kay Jayden. Kung hindi ko lang talaga pinapanatili ang image ng kakambal ko baka lahat sila pinatumba ko na.
"Sabagay tama ka," sabi niya. "By the way, sa susunod na linggo aalis na ng school si President mag ma-migrate kasi sila sa state kaya ngayon naghahanap siya ng papalit sa kanya."
"Ohh ganun ba?" Aalis na pala si President? Kahit hindi niya na ko-kontrol ang mga student naging magaling naman siyang President dahil maayos ang pamamalakad niya. "Pero bakit sinasabi mo ito sa akin?" Nakakapagtaka lang kasi hindi naman kami close para sabihin niya iyon.
"Ano kasi gusto ko sana na maging President ka," mahihiyang sabi niya.
"Ha?" gulat na taning ko. "Bakit naman ako? Wala naman akong alam sa pagiging Preident."
"Nandito naman ako para gabayan ka eh," sagot niya. "Kaya ikaw ang gusto kong maging President dahil nakikita ko na kaya mong kontrolin ang mga estudeynate, isang buwan pa lang mula ng nagbago ka pero ang dami mo ng mga estudyanteng nappaasunod sa 'yo kaya naisip ko na baka pwede kang maging President."
"I don't think kaya ko 'yun," sabi ko.
Hindi ko forte ang ganyan kaya nga hindi ko tinanggap ang alok ni Dad na maging CEO at Mafia Boss, mas gusto kong makipaglaro sa apoy at makipag habulan kay kamatayan kesa sa nakakulong sa isang kwarto. Mabuburyo lang ako kakaupo, gusto ko lagi akong gumagalaw.
"Pag isipan mo muna please, ayokong maging President ang step-sister mo," pakiusap niya sa akin.
Dito nag aaral ang step brother at step sister ni Jayden, hindi lang kami nagkikita dahil malayo ang building nila sa amin. Sa sobrang laki ba naman ng Golden Dawn imposible talaga na magkita kami, kailangan pa ngan sumakay ng golf cart ng mga Prof para makapunta sa ibang building.
Sina Hunter Hyung kahit may mas malapit na canteen sa building nila mas pinili pa rin nilang punta sa canteen namin para lang sabay sabay kaming kumain. Bumili nga sila ng tig iisang ATV nila para makapunta doon.
"Bakit ayaw mo si Violet ang tumakbo?" tanong ko, pangalan iyon ng Step-sister ni Jayden.
"Kapag kasi siya ang magiging President baka magulo lang ulit ang school tapos baka maubos lang ang funds ng school dahil balak niya na kada friday nights may party, ayos lang sana kung sarili niyang pero kaya lang hindi funds ang gagamitin niya para sa luho niya lang," sagot niya.
Oo nga naman baka imbis na maging maayos ang school maging magulo pa kapag si Violet ang maging President.
"Okay, pag iisipan ko pero 'wag kang umasa," sabi ko, hihingi ako ng tulong kina Hunter Hyung kung anong gagawin ko.
"Salamat Jayden," masayang sabi niya.
"'Wag ka munang magpasalamat hindi pa ako sure," sabi ko.
"Kahit na, salamat pa rin," sabi niya.
~
"TINGIN NIYO anong magandang gawin ko?" tanong ko kina Hunter Hyung, as usual nandito kami sa Royalty Room.
"Tingin ko tama naman ang sinabi ni Christine," sagot ni Jackson Hyung. "Mahirap na kung si Violet ang maging President baka wala naman siyang magawa kundi pa magpaganda lang."
"Wala naman akong alam kung paano maging President," sagot ko.
"Hindi ka naman pababayaan ni Christine at nandito naman kami para tulungan ka," sagot ni Tayler Hyung.
"Hindi ba ito makakaabala sa pagiging member ko ng gang?" tanong ko.
"Hindi tayo naman ang gumagawa ng schedule natin," sagot niya.
So, kailangan ko na ba talagang tanggapin ang alok ni Christine? Kailangan kong malaman ang sasabihin ni Hunter Hyung.
"Hyung," sabi ko sa kanya, hindi na siya naka pikit ngayon at nakikinig sa usapan namin.
Pinat niya ang ulo ko. "Tanggapin mo na ang alok niya," maikling sagot nito.
"Okay, wala naman sigurong mawawala kung tatanggapin ko," sabi ko pagkatapos tumayo. "Puntahan ko lang si Christine."
"Noona," pagtatama ni Jackson Hyung sa akin. "Ikaw talagang bata ka hindi ka marunong rumespeto. Apat na taon ang tanda 'nun sa 'yo."
"Tsk, hindi nga ako sanay," sagot ko.
"Masanay ka na nga dahil maraming mas matanda sa 'yo doon sa Student Council," sabi niya.
"Oo na," sabi ko tsaka naglakad palabas.
"Noona!" tawag ko kay Noona ng makita ko siya sa labas ng Student Council office.
"Oh, buti Noona na ang tawag mo sa akin," nakangiting sabi niya.
"Pinilit ako nina Hyung," nahihiyang sabi ko.
Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko, mas matangkad ako sa kanya kaya naka tingkayad siya. 5'6 kasi ang height ko at 5'7 si Jayden konti lang ang difference kaya walang pinagkaiba. Kahit mas matangkad ako sa mga babae nagiging maliit ako kapag nakakasama ko ang Enigmatic Royalty lalo na si Hunter Hyung.
"Ang cute mo namang mahiya," natatawang sabi niya.
"Noona naman," saway ko pero tinawanan lang niya ako.
"So, na kapag decide ka na ba?" tanong niya.
"Oo," sagot ko.
"Anong sagot mo?" tanong niya.
"Pumapayag na ako basta tutulungan mo ako sa mga dapat kong gawin," sabi ko.
"Oo naman," sagot niya. "Tara ipapakilala kita kay President."
Hinila niya ako papasok sa loob ng office nila, hindi na rin siya kumatok basta pumasok na rin siya at nagulat kami ng makitang nasa loob si Violet.
"Wala ng gusto pang maging President kaya ako na ang gawin mong President," sabi ni Violet kay President.
"Hangga't hindi pa ako nakakaalis hindi ko pa pwedeng ideklara kung sino ang papalit sa akin," sagot ni President kita ko ang stress sa mukha niya.
"Pero paano kung ako lang ang gustong maging President?" tanong ni Violet.
"Then doon ko sasabihin na ikaw ang magiging President," sabi ni President na ikinatuwa ni Violet. "Oh, nandiyan ka pala Christine." sabi niya ng mapansin niya kami, napatingin din si Violet sa akin at kita ko sa mukha niya ang gulat.
"Anong ginawa mo dito Jayden?" inis na sabi niya.
"Bawal ba akong pumunta dito?" sagot ko sa kanya na mas ikinainis niya.
"Aba't-" galit na sabi niya pero pinutol ni President.
"Walang mag aaway sa office ko," saway nito. "And Christine siya ba ang sinasabi mo na gusto mong maging President?"
"Yes," sagot ni Noona.
"What? Siya magiging President?" gulat na tanong ni Violet. "Anong alam niyan sa pagiging President?"
"Bakit may alam ka rin ba sa pagiging President?" masungit na sabi ni Noona. "Mas gusto ko na siya ang maging President kesa ikaw, baka masira pa ang image ng Golden Dawn dahil sa 'yo."
"Hindi ako papayag, hindi siya magiging President," sabi ni Violet at humarap kay President. "Ako ang gawin mong President, mas may alam ako kesa sa kanya."
Bumuntong hininga si President. "Hindi lang ako ang mag de-decide niyan, kailangan kong hingin ang desisyon ng mga estudyante kaya pagbobotohin natin sila kung sino ang karapat dapat na maging President."
"Ganun ba?" Nakangising sabi ni Violet. "Mabuti naman kung ganun."
"Bibigyan ko kayo ng limang araw para mapatunayan niyo sa mga estudyante na karapat dapat ba kayong maging President, naiintindihan niyo ba?" sabi niya.
"Yes, President," sabay na sagot namin ni Violet.
"Kung ganun maaari na kayong umalis," sabi niya.
Sabay kaming lumabas ni Violet.
"Kung ako sa 'yo Jayden sumuko ka na dahil mas marami ang boboto sa akin dahil mas sikat ako kesa sa 'yo," mataray na sabi ni Violet habang naka cross arm.
"'Wag kang masyadong pakampante, tandaan mo sikat na rin ako," sagot ko.
Susuko na dapat ako sa pagiging President dahil waste of time lang ang gagawin namin pero naiinis ako sa ugali niya kaya kakalabanin ko siya. Tama si Noona kung siya ang magiging President baka masira lang ang pangalan ng school.
"Hmp, ang yabang mo rin ano? Porket gwumapo ka lang?" inis na sabi niya.
Ngumisi naman ako. "Bakit hindi rin ba kayabangan ang ginagawa mo? Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, hindi lahat ng mga estudyante dito iboboto ka. Hindi mo ba alam na maraming galit sa 'yo lalo na ang mga babae."
"Inggit kasi sila sa akin dahil maganda ako kaya maraming mga lalaki ang nagkakagusto sa akin." mayabang na sabi niya.
"Malandi," pagtatama ko. "Iyon dapat ang sabihin mo, malandi ka kaya maraming mga lalaki ang nakakagusto sa 'yo. Tingin mo lahat ng lalaki nirerespeto ka? Kaya ka lang naman nila nagustuhan dahil sa katawan mo, maraming gusto na maikama ka. Kaya anong ikaaiingit sa 'yo ng mga babae kung kalandian lang naman ang alam mo."
Sobrang namula ang mukha niya dahil sa galit. "Walang hiya ka," sabi niya at akmang sasampalin ako pero pinigilan ko.
"Kung tingin mo magagawa mo iyong dating ginawa mo sa akin pwes ngayon hindi na dahil hindi na ako ang dating si Jayden," malamig na sabi ko na ikinatakot niya. "Umalis ka na sa harap ko habang nagtitimpi pa ako." Takot naman siyang tumakbo palayo sa akin.
Sh*t! Muntik na iyon, kung hindi lang ako nakapag timpi baka nasa hospital na siya ngayon. Hindi na nga ba ang sinasabi ko kung bakit ayokong makita ang step-brother at sister ni Jayden dahil baka masaktan ko lang sila.
To be continued...