Third Person's Point of View
Kalat na sa buong school na naglalaban sina Jayden at Violet sa pagiging Student Council pero hindi lang iyon ang kumakalat ngayon sa buong school. May isang video na kumakalat sa website ng school at buong estudyante ay pinag uusapan ang video na iyon. Ang video na ito ay ang pagtatalo nina Violet at Jayden, vinideohan ng napadaan na isang studyante. Anonymous ang nakalagay na post kaya hindi nila kilala kung sino ito.
"Tama si Jayden, anong ikaiingit mo kay Violet eh mas maganda naman ako sa kanya."
"Oo nga, may mas maraming magaganda sa kanya makaasta siya akala mo kung sino siyang maganda."
"Mabuti pa si Jayden ganun ang sinasabi sa babaeng iyon hindi katulad nung boyfriend ko na ex ko na ngayon na pinagtatanggol siya na parang santa ang babaeng iyon."
"Kaya dapat si Jayden ang iboto nating President, hindi pwedeng si Violet ang maging President dahil baka masira lang ang school dahil sa kanya."
~
GALIT NA GALIT si Violet dahil sa kumalat na video at hindi na nagugustuhan ang mga comment sa videong iyon, lahat ng iyon ay pabor kay Jayden.
"Sino ba ang nag video nito?" galit na tanong ni Violet sa mga alipores niya.
"Hindi namin alam, ayaw sabihin ng admin ng website kung sino ang nagpasa ng video," sagot ng lalaking patay na patay sa kanya.
"Bayaran mo kasi para magsalita," inis na sabi niya.
"Mas mayaman siya sa akin kaya hindi ko siya masisilaw ng pera," sagot niya.
"Kainis dapat ako ang maging President para magawa ko ang gusto ko dito," sabi niya.
Gusto niyang maging President para mahawakan niya ang funds ng school, kapag nagawa niya iyon ay mabibili niya ang gusto niya. Hindi sila ganun kayaman gaya ng mga nag aaral sa Golden Dawn kaya lang sila nagkapag aral dahil tinulungan sila ng mga kamag anak nila pero hindi nito sakop ang allowance.
"Gagawin namin ang lahat para maging President ka," sabi ng isa pang lalaking patay na patay sa kanya.
"Dapat lang dahil kapag hindi ako naging President hindi na kayo makakalapit pa sa akin," sagot niya.
"Oo, 'wag kang mag alala," sabi nito.
Napangisi naman siya sa sinabi nito. "Good," sabi niya.
Jade's Point of View
Dumating na araw ng botohan, lahat ng mga estudyante ay nagpunta sa Student Council Office para bumoto ng gusto nilang iboto. Paniguradong walang dayaan na mangyayari dahil ang SC officer ang nagbabatay at may cctv pa sa loob ng office.
Hindi ko alam kung sino ba ang mananalo dahil sa limang araw grabe ang ginawa ng grupo ni Violet para iboto nila ito. Kung ano ano ang pinamigay nila para makuha lang ang boto ng mga ito, hindi ko alam kung nakuha ba nila ito o hindi. Ako wala naman akong masyadong ginawa, hindi ako masyadong nag effort.
"'Wag naman sanang manalo si Violet," sabi ni Noona, tapos na lahat mag boto at mamayang after lunch i-announce kung sino ang maging President. Kasama namin siya ngayon mag lunch."Kapag siya ang nanalong President baka mag quit na ako bilang secretary."
"Kung aalis ka baka mas lalong masira ang school dahil paniguradong ka grupo niya ang ipapasok niya bilang secretary." sabi ko.
"'Yun na nga eh pero kapag hindi ako umalis baka utos utusan lang niya ako," sagot niya.
"Oo nga naman," sang ayon ni Tayler Hyung.
Nang matapos ang lunch time nagpunta lahat sa Auditorium para sa announcement.
"Goodluck Jayden sana manalo ka, ikaw ang gusto kong maging President," sabi ng babaeng nakasabay ko sa paglalakad.
"Salamat," nakangiting sabi ko.
Pagdating namin doon pinapunta nila kami ni Violet sa stage. Napatingin ako sa kanya habang naglalakad kami, confident na confident siya na parang alam na niya na siya ang mananalo.
"May balak ka pa bang umakyat?" sabi niya. "Kung ako sa 'yo 'wag ka ng umakyat dahil baka mapahiya ka lang."
"Wala pa ang resulta, 'wag kang umasta na parang ikaw ang mananalo," malamig na sabi ko.
"Ako talaga ang mananalo," sabi ko.
"Hmp, tignan lang natin baka bumaba ka ng luhaan," mayabang na sabi niya.
Pagakyat namin, pumunta kami sa gitna ng stage kaming dalawa lang ang nandito, nakaupo sa baba sa pinakaharap ng stage ang Student Councils habang si President nasa gilid ng stage sa harap ng podium lectern.
"Nasa kamay ko ang resulta ng mga boto," sabi ni President at tinaas ang hawak niyang envelop. "Dito natin malalaman kung sino ang magiging President ng Golden Dawn." Naghiyawan naman ang mga estudyante. "Umpisahan na natin." Binuksan niya ang envelop at kinuha ang papel sa loob pagkatapos binasa ito. "Nakakagulat ang resulta halos konti lang ang pagitan ng mga boto ng dalawang kandidato natin. Ang resulta ng kandidato A ay 37, 395 at ang kandidato B ay 37, 283."
"Paniguradong ako ang kandidato A," mayabang na sabi niya. "Congrats din dahil marami rin pala ang bumoto sa 'yo."
Ayoko siyang patulan ngayon baka pagpinatulan ko hindi na ako makapagtimpi gaya nung nakaraang nagbangayan kami.
"Tingin niyo sino ang magiging President?" tanong ni President. Maraming sumisigaw ng pangalan ko at ni Violet. "Okay, bago pa kayo mag away sasabihin ko na ang resulta, ang nanalo bilang bagong President ay..."
Todo ngiti si Violet at parang nasa isang beauty pagent kung maka post. Talagang confident siya na siya ang magiging President ng school namin.
"Congratiolation ikaw ang nanalong President Jayden Mercado," anunsyo ni President at nakakabinging sigawan ng mga bumuto sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa naging resulta, kahit paaano kinakabahan ako sa magiging resulta ayokong biguin ang mga sumusuporta sa akin.
"WHAT!" sigaw ni Violet. "Bakit siya ang nanalo ha? Baka dinaya niyo iyan kaya siya ang nanalko."
"Ms. Violet, kami ang nagbabantay ng botohan kaya walang mandadaya dito," sagot ni President.
"Paano mo na sabi? Kakampi ni Jayden si Christine kaya paniguradong nandaya siya," galit na sabi niya, hindi niya matanggap ang resulta.
"Hindi ako umalis sa office kaya hindi sila maaaring mandaya, kahit pa secretary ko si Christine hindi ko hahayaan na madaya ang botohan," sagot ni President.
"Hindi pwede, hindi pwede ito," sabi niya tsaka nag walk out.
"Congrats Jayden," bati ni President ng makalapit siya.
"Salamat President," sabi ko at nakipagkamay sa kanya.
"Ikaw na ang bahala sa school, sana 'wag mong hayaan na masira ito," sabi niya.
"Don't worry akong bahala, hindi ko hahayaan na mawalang bahala ang mga pinaghirapan mo," sabi ko.
Ngumiti naman siya. "Salamat," sabi niya. "Kailangan ko ng umuwi mag iimpake pa ako, nandiyan naman si Christine para ipaliwanag sa 'yo ang gagawin mo."
"Okay," sagot ko.
Naunang bumaba si President pagkatapos sumunod ako, muntik na akong matumba ng bigla akong dinab ng yakap ni Noona mabuti na lang malakas ang paa ko kaya hindi ako madaling matumba.
"Congrats Jayden," sabi niya sa akin habang nakayakap sa akin. "Buti na lang ikaw ang nanalo."
"Salamat, Noona," sabi ko.
Mayamaya biglang kumalas si Noona at parang may nakitang nakakatakot. "Sige una na ako, aayusin ko muna ang office para pag pasok mo sa lunes maayos na," Hindi pa ako nakakapag paalam umalis na siya na parang may tinatakbuhang nakakatakot kaya lumingon ako sa likod ko at nakita ko sina Hunter Hyung.
"Congrats Jayden, sabi na ikaw ang mananalo," sabi ni Tayler Hyung.
"Oo nga eh, malakas din si Violet dahil maraming bumoto sa kanya," sabi ko.
"Nabayaran kasi ang mga iyon at ang iba natakot na baka saktan sila ng mga alipores ni Violet," sabi ni Samuel Hyung.
Sa bagay maraming mga gangster ang may gusto kay Violet, lahat gagawin para lang dito.
"After school kumain tayo sa labas para i-celebrate ang pagkapanalo ni Jayden," sabi ni Skylar Hyung.
"Okay, pero ako ang magbabayad," sagot ko.
Laging sila na lang ang nagbabayad kapagkumakain kami sa labas and I'm not that of person na laging nagpapalibrea, mas gusto ko na ako ang nagbabayad. Kapag nag sho-shopping kami ni Athena lagi ko siyang inuunahan sa pagbabayad kahit lagi niya akong sinasaway na siya naman ang magbabayad.
"Ikaw ang bahala, ikaw ang host ngayon," sabi ni Jackson Hyung.
Matapos ang klase, dumiretso kami sa favorite restaurant namin na malapit sa bahay namin. Masarap kasi ang pagkain dito at maraming pag pipilian, may filipino at meron din naman na pang ibang bansa kaya hindi nakakasawang kumain dito araw-araw. Kung pwede nga lang doon kumain lagi ginawa ko na pero magtatampo si Jackson Hyung.
Pagdating namin agad kaming inasikaso ng isang waitress, regular kami dito kaya kilala na kami. Alam na nila ang gagawin kapag nakita nila kami.
"Anong order niyo mga sir?" tanong ni Steffany ang laging nag aasikaso sa amin. Sa lahat kasi ng waitress dito siya ang pinakamatinong manamit at gumalaw, ang iba kasi kapag nakikita na kami ang seductive ng galaw nila tapos litaw ang cleavage nila.
Miss ko na ang pagkain sa Italy kaya nag order ako ng Italian Food gumaya naman sa akin ang lima. Habang kumakain kami may isang ginang ang lumapit sa amin.
"Hunter, nandito ka rin pala," sabi ng ginang.
Tumayo naman si Hunter. "Aunt," sabi niya at nakipag beso dito.
"Oh, siya ba ang tinutukoy mong bagong kaibigan niyo?" tukoy niya sa akin.
"Yes," sagot nito.
"Nice to meet you madam," sabi ko.
"Nice to meet you rin iho," sabi niya.
"Francesca, perché mi hai lasciato lì?" (Francesca bakit mo naman ako inwan doon) sabi ng ginang na bagong dating. Salitang Italian ang sinasalita niya kaya naiintindihan ko.
"Scusa Chiara, ho visto mia nipote," (Pasensya na Chiara nakita ko kasi ang pamangkin ko.) sagot ng aunty ni Hunter Hyung. "A proposito, questi sono Hunter e il suo amico." (By the way, this is Hunter and his friend.) pakilala niya sa amin. "Mga iho magpakilala kayo sa kaibigan ko, si Madam Chiara. Nakakaintindi naman siya ng English." Nagpakilala naman sina Jackson Hyung dito.
"Buonasera, sono Jayson Mendoza, piacere di conoscerla signora," (Good evening, I'm Jayson Mendoza, Nice to meet you madam.) pakilala ko sa salitang Italian.
Nagulat naman sila ng marinig nila akong mag Italian.
"Puoi parlare italiano?" (you can speak Italian?) tanong niya.
"Si, mio padre e mia sorella gemella vivono in Italia," (yes, my father and my twin sister are living in Italy) sagot ko.
Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto pagkatapos nagpaalam na rin sila dahil may gagawin pa sila.
"Marunong ka palang mag Italino Jayden?" tanong ni Samuel.
"Yeah," sagot ko.
"You have a twin sister?" tanong ni Hunter Hyung, half Italian nga pala siya kaya naiintindihan niya ang sinasabi ko.
"Ah, oo," alangang sagot ko.
"May kakambal ka pala bakit di mo sinabi?" tanong ni Tayler Hyung.
"Hindi naman kasi kami lumaking magkasama ng kakambal ko kaya hindi ko pinapaalam na may kakambal ako," sagot ko pagkatapos kinain ang pubos kong pagkain.
"Bakit naman hindi kayo lumaking magkasama?" curious na tanong Skylar Hyung.
"Our Mom and Dad are divorce, napunta ako sa Mom ko. Matapos ma proseso ng divorce nila nag migrate sila sa Italy," kwento ko.
Kailangan kong maging open sa kanila, sila lagi silang nag ke-kwento sa buhay nila kaya unfair naman kung wala silang alam sa amin ni Jayden.
"Walang third party ang involve kung bakit sila nagkahiwalay, Arrange married lang kasi sina Mom at Dad, pinilit naman nilang mahalin ang isa't isa kaya nga kami na buo pero ilang taon na ang lumipas hindi pa rin magawang mahilin ni Mom si Dad kahit na napamahal na siya kay Dad at mas lalong hindi nagawang mahalin ni Mom si Dad ng makilala niya ang totoong mahal niya at iyon ngayon ang asawa niya." dagdag ko.
Natahimik ng ilang segundo ang table namin. "So, nasaan na ang kakambal mo?" tanong ni Jackson Hyung.
"Nasa Italy at comatose siya ngayon," pagsisinungaling ko, mas ayos na ang ganito baka kasi bigla nilang sabihin na gusto nilang akong makilala.
"Oh, I'm sorry," paumanhin niya.
"It's okay," sabi ko.
"Pero kung ang kakambal mo ang nasa Italy bakit marunong ka ng Italiano?" tanong ni Samuel.
"Kahit naman hindi kami magkasama ng kakambal ko nagkakausap naman kami, tinuturuan niya ako ng Italiano para daw kung sakaling gusto kong bumisita sa kanila maiintindihan ko ang salita nila," pagsisinungaling ko, wala namang nangyaring ganun. Hindi ko nakausap si Jayden, dahil ayaw itong ipakausap ng asawa ni Mom sa amin.
"Identical twin ba kayo o Fraternal twin gaya namin ni Skylar?" tanong niya.
"Identical," sagot ko, napatango naman siya. "'Wag na nga natin pag usapan ang kakambal ko, mas lalong gusto kong pumunta ng Italy para makita siya kaso pinagbabawal ako ng step-dad ko."
"Bakit naman?" tanong ni Jackson Hyung.
"Ayaw kasi niya na magkaroon pa ako ng connection sa totoong tatay ko, kaya nga hindi ko sinabi noon sa kanya na binigyan ako ni Dad ng kotse, 'yung condo nakalusot dahil pinakiusapan ni Dad na tanggapin ko iyon para may tirhan ako ngayong college na ako," sabi ko.
"Bakit pinagbabawalan ka niya eh may karapatan ka naman na tumnggap ng kung ano sa Dad mo," sabi ni Tayler Hyung.
"Natatakot kasi ito na baka bumalik ulit si Mom kay Dad, paano ba naman lumalayo na ang loob ni Mom sa kanya dahil nalaman na nito ang totoong ugali nito," sabi ko.
Noong nakilala kasi ni Mom ang asawa niya lahat ng katangian gusto niya ay nakita niya dito mabait, masipag, mapagmahal at gentleman kaya kahit may dalawang anak na ito ay tinanggap pa rin niya pero ng mapakasalan niya ito unti-unti niyang nakikita ang ugali niya. Ugaling dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang dating asawa nito dito, masyadong mahigpit na nakakasakal na, laging may curfew si Mom kapag lumalabas ito, bawal itong makipag kausap sa mga lalaki at gusto nito na lagi itong inaasikaso na parang isang lahi.
Gusto ng kumalas noon ni Mom pero tinakot siya na papatayin nito si Jayden kung makikipaghiwalay ito sa kanya. Masyado itong obsessess kay Mom lahat gagawin nito para walang makalapit na lalaki dito.
To be continued...