Jade's Point of View
"Lahat ito pipirmahan ko?" gulat na tanong ko kay Noona.
"Oo, na review ko na iyan pero kailangan mo ulit i-double check baka may nakaligtaan ako," sagot niya.
Heto na nga ba ang sinasabi ko kung bakit ayokong maging President, mga tambak na papeles lang ang kaharap ko gaya ng ginagawa ni Dad.
"Ang dami naman," reklamo ko.
"Iyan ang trabaho ng President," sabi ni Noona.
Naoatingin ako sa tumawa. "Anong tinatawa tawa niyo ah," inis na sabi ko sa Enigmatic Royalty. Pumunta sila dito para daw tignan ang pagiging President ko.
"Nakakatawa ka kasi, stress na stress ka na hindi ka pa naman nagsisimula," sabi ni Skylar.
"Eh ang dami," sabi ko pagkatapos binalingan ko si Noon. "Kasalan mo ito Noona, ikaw ang may gustong maging President ako."
Natawa naman siya sa akin. "Kaya mo iyan tsaka minsan ka lang naman magbabasa at magpiprma ng papeles, mas madalas ang pag ikot mo sa bawat building."
"So, hindi ako papasok sa klase 'nun?" tanong ko.
"Hindi na, excuse ka sa lahat basta mapanatili mong mataas ang grado mo," sagot niya na ikinakalma ko.
Ayos din pala, at least hindi na ako makikinig sa nakaka boring na lesson.
"Ayos din palang maging President," sagot ko pagkatapos inumpisahan ko ng tumingin sa mga papel nasa harapan ko. Minsan lang naman daw ito kaya pag tya-tyagaan ko na.
"So, hindi ka na naiinis sa akin?" tanong ni Noona.
"Hindi na," sagot ko habang nakatutok ang mata sa papel nahawak ko.
Christina's Point of View
Nag thumbs up ako sa mga kaibigan ni Jayden ng mag success ang sinabi nila sa akin kanina. Tama sila na maiinis si Jayden sa mga madadatnan niya pero madali lang naman itong pakalmahin.
"Sabi sa 'yo madali lang namang pakalmahin si Jayden," bulong ni Samuel sa akin. "Ayaw na ayaw niyan na makinig sa nakakaboring na lesson kaya mas pipiliin niya ang pagiging President."
"Oo nga," sang ayon ko habang nakatingin kay Jayden na nakakunot ang noo habang binabasa ang papel na hawak niya.
Ang cute niya.
Para kasi itong bata na napilitang gawin ang homework niya at kung hindi dahil sa reward hindi nito gagawin ang homework. Kung hindi mo kilala si Jayden iisipin mo na isa lang itong cute na estudyante pero sa likod ng pagiging cute niya ay isang malakas at matapang nalalaki na kayang harapin kahit pa si kamatayan.
Ibang iba na siya sa dating si Jayden na mahina at duwag, na walang ibang kayang gawin ay matakot at umiyak ng tahimik. Mabait naman si Jayden pero dahil masyadong mataas ang tingin ng mga estudyante dito kaya ng malaman nilang mahirap lang ito ay lagi nilang binubully gusto ko man siyang tulungan noon pero wala naman akong kapangyarihan na gawin iyon, secretary lang ako ng Student Council.
"Makakahabol naman si Jayden sa mga lesson niya 'diba?" tanong ko.
Nagpadalos dalos kasi ako at hindi ko naisip na baka makaapekto ito sa pag aaral ni Jayden. Ayaw ko kasi talaga na si Violet ang maging President walang kinabukasan ang school kung siya ang mamalakad dito at paniguradong mauubos ang funds sa kanya.
Hindi naman makikielam ang council sa problema ng student council, makikielam lang sila kapag malaking problema na labas ang student council gaya ng nangyari noon kay Jayden noon na may biglang pumana sa kanya, mabuti na lang nasalo niya. Nakakagulat nga na kaya niyang gawin iyon pero iba na kasi si Jayden ngayon kaya hindi na imposible iyon.
"Arrggh," inis na sabi ni Jayden. "Noona sigurado ka na ito lang ah?"
Pinilit kong 'wag matawa. "Oo, iyan lang," pagsisinungaling ko.
Marami pang susunod na ganyan, pinapaunti unti ko muna para masanay siya at kapag nangyari iyon hindi na niya mararamdaman na marami siyang ginagawa.
"Tsk, siguraduhin mo lang," sabi niya at bumalik muli sa ginagawa niya.
Jade's Point of View
"Natapos din ako," sabi ko habang nag i-stretch.
"Tapos ka na?" tanong ni Noona na kakapasok pa lang ng office.
"Yes," sagot ko.
"Kung ganun, lunch muna tayo, naghihintay na sa 'yo ang Enigmatic Royalty," sabi niya.
"Okay," sabay tayo. Sumakit ang pwet ko sa kakaupo.
Habang naglalakad ako papunta sa canteen binabati ako ng mga kakasalubong kong mga estudyante.
"Good afternoon, Mr. President,"
"Hi, Mr. President,"
"Hello President,"
Nakangiti ko silang binati ko pabalik. Nang makarating ako sa canteen nakita ko sina Skylar Hyung at Samuel Hyung na nakapila kaya naglakad na ako papalapit sa kanila ng biglang lumingon si Samuel Hyung.
"Nandito ka na pala Mr. President," malakas na sabi niya na kinainis ko.
Kanina pa ako na ririndi diyan sa Mr. President na iyan. "Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng Mr. President," saway ko sa kanya paglapit ko.
"Bakit? President ka naman diba?" nakangiting sabi niya halatang inaasar talaga ako.
"Isa Hyung, masakit ang ulo ko 'wag kang dumagdag," inis na sabi ko.
Sa dami ng binasa kong papeles na ang iba wala namang ka-kwenta kwenta kaya sobrang sakit ng ulo ko.
Tumawa naman siya. "Ito naman pikon talaga kahit kelan,"
"Alam mo naman palang pikon ako inaasar mo pa ako," inis na sagot ko.
"Ang cute mo kasing maasar namumula ang mukha mo—oh walang sakitan," sabi niya ng akmang babatukan ko siya.
"Tigilan mo na kasi siya, stress na stress na nga siya dadagdag ka pa," saway ni Skylar Hyung. Buti pa ito alam niyang umintindi pero itong kakambal niya puro kalokohan ang alam.
Kami na ang susunod kaya nag order na kami ng kakainin namin pagkatapos 'nun pumunta na kami sa second floor. As usual patapos ng kumain ang tatlo, maaga kasi ang lunch nila kaya lagi silang nauuna.
"Oh, Jayden stress na stress ang mukha mo ah," sabi ni Tayler Hyung pag upo namin.
"Paanong hindi ako mai-stress ang dami kong binasang papeles tapos ang iba doon wala naman kwenta?" sabi ko. Galing iyon sa mga club na gustong pataasin ang allowance nila pero wala namang kwenta ang dahilan kung bakit gustong pataasin ang allowance nila. "Mayayaman naman ang pamilya nila bakit hindi sila maghingi ng pera sa magulang nila, bakit inaasa nila—" Nahinto ako ng may pinasok sa bibig ko si Hunter Hyung magrereklamo sana ako pero kumalma ako ng malasahan ko ang chocolate sa bibig ko.
"Here, kainin mo 'yan para mawala ang stress mo," sabi niya at binigay sa akin ang limang cadbery dairy milk.
Natuwa naman ako sa binigay niyang chocolate, alam na alam talaga ni Hunter Hyung ang stress reliver ko. Basta may kinakain lang ako na chocolate wawalaa ng stress ko na parang isang magic.
Kakainin ko sana ang bukas na cadbery ng pinigilan niya ako. "Kumain ka muna," saway niya. Napasimangot naman ako pero hindi ako nag reklamo at sinunuod ko ang sinabi niya.
"Alam na alam mo talaga kung paano pakalmahin si Jayden," sabi ni Jackson Hyung kay Hunter Hyung. "Kilalang kilala mo na talaga siya."
"Paano ba naman laging sila ang magkasama," sabat ni Tayler Hyung.
"Oo nga, silang dalawa lang ang nagkakaintidi sa isa't isa," sang ayon ni Samuel Hyung,
Mag usap naman ang mga ito na parang wala ako pero hindi ko na lang sila pinansin, tinuon ko na lang ng pansin ang pagkain ko dahil kapag hindi ko ito inubos baka bawiin pa sa akin ni Hunter Hyung ang chocolate na bigay niya.
"Shut up, ang ingay ninyo," malamig na sabi ni Hunter Hyung. Tumahimik naman sila pagkatapos 'nun, takot sila kay Hyung pero lagi naman nila itong inaasar. Ewan ko ba kung anong utak ang meron sila.
Mabilis lumipas ang oras tapos na ang lunch time kaya bumalik ang inis ko dahil babalik na naman ako sa office pero naalala kong may chocolate pala ako kaya kinain ko ito para naman gumaan ang pakiramdam ko.
"Mabuti naman nandito kana," sabi ni Noona pagdating ko. "Heto ang second batch ng pipirmahan mo."
Gusto kong mainis sa sinabi niya sabi niya last na iyong kanina pero dahil kumakain ako ng chocolate papalampasin ko siya. Agad akong naupo sa upuan ko at nilapat ang chocolate ko sa table.
"Uy, chocolate penge," sabi ni Noona at akmang kukuha pero agad kong tinapik ang kamay niya tsaka kinuha ang mga chocolate.
"No, akin ito," sabi ko at tinago sa loob ng cabinet ang mga ito.
"Ang damot penge lang," sabi niya.
"Bili ka ng sa 'yo kung gusto mo," sabi ko.
"Kung hindi lang ito cute baka kanina ko pa 'yo tinapon," rinig kong bulong niya pero 'di ko naman naintindihan.
"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala sabi ko mag umpisa ka na," sabi niya at nilagay sa table ang papel na hawak niya.
Kumuha naman ako ng isa at binasa ang iyon. "Tsk, naghihirap na ba ang mga club member para magpadagdag ng allowance nila? Bakit pati luho nila sinasali nila?" inis na sabi ko, kanina pa ako nakakabasa ng ganitong sulat. Nagpapa-approved na tumaas ang allowance nila.
"Akala kasi nila dahil bago ka madali silang makakalusot," paliwanag niya.
"Pwes sabihin mo sa kanila, wala silang makukuha ni piso sa funds," sagot ko.
Paano na lang kung si Violet ang naging President edi butas ang funds ng school? Hindi naman kasi sakop ng council ang funds, kasama ito sa tuition fee nila pero pakikinabangan rin naman nila ito. Gaya sa mga club bibigyan ng mga allowance bawat member, dinedepende ito sa gastos na nagagastos ng club nila kada may activities sila at swepre imo-monitor ito ng President kung tama ba ang calculation na binibigay sa kanya.
Magagamit din ang funds kapag may mga event na gaganapin, walang gagastusin na kahit isa ang mga students, bahala na ang student council ang mag badget sa event na gaganapin. Kaya takot na takot si Noona na makuha ni Violet ang posisyong President dahil magkakaroon ito ng access sa funds ng school at kung mangyari ito mahihirapan ang student council.
Sa pagkakaalam ko nasa milyon ang funds ng school, ang laki ba naman ng tuition fee kaya malaki ang funds na nakukuha ng student council. Lahat iyon ginagamit sa tama at mabuti na lang ang mga nagiging President ay hindi gahaman sa pera. Mayayaman kasi ang umuupo kaya wala na silang pakielam sa pera ng school.
"Mabuti talaga ang fast learner ka kaya hindi ako nahirapan na turuan ka sa gagawin mo," sabi ni Noona.
"Madali naman pala kasi, iba ang expectation ko sa mga tinuro mo," sabi ko.
"Hindi naman kasi President ng bansa ang hahawakan mo, school lang at hindi naman ganun kabigat ang responsibilidad ng President, sa Prof pa din naman ang pinaka autority na sawayin ang mga estudyante bali tinutulungan mo lang sila," paliwanag niya. Oo nga naman, may point siya doon.
"Itapon mo na ang mga walang kwentang papel na ito," utos ko sa kanya.
"Aba, marunong ka ng mamiha ah," sabi niya.
"Gusto mong ako ang President kaya pagsilbihan mo ako," biro ko.
"Naku, kung 'di ka lang cute nasakal na kita," sabi niya na kinatawa ko lang.
"Gawin mo na lang ang utos ko," sagot ko.
"Oo na," sabi niya.
Maganda rin pa lang maging President, kapag tinatamad ako pwede ko na lang iutos. Ayos din pala.
~
"I THINK I'm gonna die," reklamo ko habang nakadapa sa kama ko.
Konti na lang sasabog na ang utak ko sa sobrang sakit. Maghapon panay papel lang ang hawak ko, sinungaling si Noona sabi niya konti lang pero ang dami.
"Ngayon lang 'yan masasanay ka din," sabi ni Hunter Hyung. Kasulukuyan siyang may ginagawa sa laptop niya.
"Kaya ayokong maging CEO eh," inis na sabi ko at nagbaliktad ng higa. Nakatingin na ako ngayon sa kisame. "Mas gusto ko pang makipaglaban sa isang daang ka tao kesa sa maupo at magbasa ng papeles."
"Isang araw pa lang sumusuko ka na agad?" tanong niya. "Gusto mo ba na si Violet na lang ang maging President?"
"Ayoko 'no, sa mga nalaman ko hindi ko na ibibigay sa kanya ang pagiging President," sabi ko.
"Then sanayin mo ang sarili mo," sagot niya.
"Ihhh, kainis naman kasi," maktol ko.
Huminto naman siya sa ginagawa niya at humarap sa akin. "Trust me, mag e-enjoy ka rin sa ginagawa mo, basta mag tiis ka na lang muna," sagot niya.
"Tsk, ano pa nga ba ang dapat kong gawin? Kesa naman sa si Violet ang maging President," sabi ko. "Matulog na nga lang."
"Magbihis ka muna bago ka matulog," paalala niya.
Nagmaktol naman ako pero sinunod naman ang sinabi niya. Nang matapos akong makapag bihis sa c.r agad akong humiga sa kama, ilang segundo lang nakatulog na ako.
Third Person's Point of View
Natapos na ni Hunter nag ginagawa niya kaya pinatay na niya ang laptop niya. Napailing naman siya ng makitang hindi nakakumot si Jade na mahimbing na ngayong natutulog. Tumayo siya at lumapit sa kama ni Jade tsaka kinumutan ito pero bigla siyang tumigil ng mapatingin sa mukha nito.
Hindi niya maintindihan pero ang gaan ng loob niya dito, para itong nagkaroon ng nakakabatang kapatid. Solong anak lang siya dahil parehas na busy ang mga magulang siya kaya wala siyang naging kapatid dahil din doon napunta sa kanya ang pressure na maging tagapag mana ng pamilya nila.
Hindi siya pwedeng gumawa ng bagay na ikakasira ng pangalan ng pamilya nila. Sobrang strikto ng kanyang lolo, lahat ng galaw nito ay inaalam nito, nalaman nga agad nito na meron silang bagong member at alam nito na importante ito sa kanya kaya ngayon ginagamit siya para hindi niya bitawan ang pagiging heir ng pamilya nila.
"I'll protecting you no matter what," bulong niya sa natutulog na si Jade.
Ngayon lang may isang tao na nakaintindi sa kanya at sa kanya lang niya naramdaman ang magkaroon ng nakakabatang kapatid na matagal na niyang gustong magkaroon pero hindi maibigay ng mga magulang niya. Mga kaibigan niya ka gang niya at best friend niya si Jackson pero tangin si Jade lang ang nakakaintindi sa kanya kaya sobrang importante nito sa kanya at gagawin niya ang lahat ma-protektahan lang ito.
"Good night," sabi niya dito kahit hindi siya naririnig.
To be continued...