Jade's Point of View
Nagising ako sa alarm clock, tumayo ako sa kama ko at nag stretch after 'nun naglakad ako papunta sa bintana at binuksan ito. Heto ang nagustuhan ko sa pwesto ng kwarto namin ni Hunter Hyung napakaganda ng tanawin, nature lover ako, maliban sa pakikipaglaban lagi rin akong nag ta-travel.
"Good morning," Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Hunter Hyung na kalalabas lang ng c.r. Nakabihis na rin siya ng uniform.
"Himala nagising ka ng maaga," sabi ko sa kanya.
Ako kasi lagi ang nauunang nagigising sa amin at lagi ako ang nanggigising sa kanya.
"May ginawa kasi ako kaya maaga akong nagising," sagot niya habang nagpapatuyo ng buhok sa towel na hawak niya.
Tumango naman ako. "Maligo na rin ako," sagot ko.
"Okay," sagot niya.
Kumuha muna ako ng unifrom at tuwalya pagkatapos pumasok sa c.r. Ayaw na ayaw kong naliligo tuwing umaga dahil malamig ang tubig pero dahil may heater ang tubig nila ayos lang kahit maligo ako ng maaga. Hindi rin malamig ang loob ng c.r kaya kahit na magbibihis na ako hindi ako nilalamig.
Matapos kong maligo at magbihis lumabas na ako ng c.r, akala ko hindi ko na dadatnan si Hunter Hyung pero nandito pa rin siya at nakaharap sa laptop niya. Napansin ko na lagi na itong nakaharap sa laptop niya na datyi naman hindi niya ginawa.
"Anong ginagawa mo Hyung?" tanong ko. Nakaupo ako sa kama niya habang nagpapatuyo ng buhok.
"Training," maikling sagot niya.
"Training? What kind of training?" tanong ko.
"I'm the heir of my family, after my graduation ako na ang hahawak ng business namin," sagot niya.
"Heir ka pero Law ang kinuha mong course?" nagtatakang tanong ko.
Kung siya ang magmamana ng ari-arian nila dapat realated sa business ang kinuha niyang course para madali na lang para sa kanya ang magpatakbo ng business.
"Lawyer talaga ang gusto kong trabaho pero ako lang ang nag iisang taga pagmana ni Dad kaya kailangan kong maging CEO balang araw pero gusto ko talagang mag aral ng Law kaya nakipag deal ako kay Dad, Law ang kukunin kong course at tatanggapin ko ang alok niya. Pumayag naman siya at sinabing i-te-train na lang niya ako," mahabang sagot niya.
Nag-iisang anak lang pala siya kaya no choice talaga na tanggihan niya ang pagiging taga pagmana. Mabuti na lang may kakambal ako kaya hindi ako mapipilit ni Dad na maging tagapag mana, panigurado naman na papayag si Jayden na siya ang maging CEO in the future dahil ang course niya ay Bachelor of Science in Business Administration.
"Pero hindi mo rin naman magagamit ang course mo kapag ikaw na ang CEO diba?" tanong ko.
"I know but at least I learn about Law at baka magamit ko rin ito sa pagiging CEO ko," sagot niya.
Sabagay tama siya, malaking advantage na marami kang alam about sa Law. Sa business pa naman hindi mawawala ang pagta-traydor gagawin lahat para lang maibagsak ka.
"Oo nga pala, matatagalan ka ba diyan? Baka ma-late na tayo," sagot ko. Ako pa naman ang President ngayon, ano na lang ang sasabihin nila kapag nakita nila na late ako.
Kahit gusto kong mauna ayaw naman niya na mag drive ako ng mag isa kaya lagi niya akong sinasabay sa kotse niya. Pabor naman sa akin iyon dahil tinatamad din akong mag drive kada umaga at makakatulog pa ako sa biyahe.
"Heto na tapos na ako," sagot niya pagkatapos pinanatay na niya ang laptop niya. "Tara na."
"GOOD MORNING, President," bati ni Noona ng makapasok ako sa office namin.
"Good morning," bati ko sabay upo ko sa sofa ng office namin. "What's my schedule?"
"Ngayong araw wala kang pipirmahan," sagot niya na kinasaya ko. Sa wakas hindi ko na kaharap ang mga papel na iyon. "Ang gagawin mo lang ay mag ikot ikot sa buong school para makita kung may mga violators ba."
"Okay, anong oras natin uumpisahan?" tanong ko.
"Mamayang 9am," sabi niya. Tumingin naman ako sa wrist watch ko at may 1 hour and 30 minutes pa naman akong pahinga kaya naman iidlip lang ako saglit.
"Gisingin mo na lang ako mamaya," sabi ko habang nakapikit.
"Okay," sabi niya at iniwan ako.
Nakuha ko na ang tulog ko ng bigla akong magising sa biglang pagbukas ng pinto.
"President, may naguli kaming violators," Malakas na sabi ni Tristan ang Chief Justice, siya ang nagpapanatili ng katahimikan ng school at huhulihin niya ang mga violators na naka 3rd warning na para bigyan ng parusa. Wala disciplinary officers dito dahil hindi rin naman nila kayang patinuin ang mga ito.
"Tsk," inis na sabi ko at lumapit sa kanila. "Anong violation niya?" tanong ko kay Tristan.
"Smoking and cutting classes," sagot niya.
Napabuntong hininga naman ako. "Ano bang parusa ang binibigay sa mga ganitong violators?" tanong ko kay Noona.
"1 week comminity service and 3 days suspention," sagot niya.
"Tsk, masyadong madali kaya umuulit," sagot ko, paano matuto ang mga ito kung ganun lang ang parusa nila. "Bukas may meeting tayo, kailangan nating maging strick sa mga violations Mild o serious violations man yan."
"Yes, President," sagot ni Noona.
"And you," sabi ko sa violator. "Ma-swerte ka ngayon dahil 1 week community service and 3 days suspension lang ang parusa mo pero after this hindi na ganyan ang magiging parusa mo."
"Psst, pakielam ko," walang galang na sabi niya. "Wala akong pakielam kahit na President ka, hindi ka naman nababagay diyan."
"Sinong gusto mo si Violet? Para ano? Para magawa mo ang gusto mo?" seryosong sabi ko at mas lumapit sa kanya. "Kahit pa si Violet ang gusto mong maging President wala ka ng magagawa dahil ako na ang nandito at sa ayaw at gusto mo susundin mo ang rules na gagawin ko kung hindi malaki ang pagsisisihan mo."
"KAHIT KELAN HINDI KITA SUSUNDIN!" sigaw niya.
"Edi 'wag tignan natin kung hanggang saan 'yang pagmamatigas mo," sabi ko at binalingan si Tristan. "Alisin mo na 'yan dito."
"Okay, President," sabi niya pagkatapos nilia na niya paalis ang violator.
Napahilot naman ako sa sintido ko. Umagang umaga pinapasakit nila ang ulo ko, kailangan ko talagang ibahin ang rules ng school kung gusto kong magtino ang mga student dito.
"Relax lang President, 'wag kang masyadong stress," sabi ni Noona.
"Paano ako hindi mai-stress kung may mga ganung violators? Masyadong magaan ang kaparusahan kaya maraming hindi sumusunod," sabi ko.
"Takot kasi si Gerald na taasan ang parusa dahil baka magsumbong ang mga ito sa mga magulang nila at madamay pa ang business nila," sagot ni Noona.
"Oh, I understand pero ngayong ako na ang President gagawin ko lahat para mapatino ang mga estudyante, wala akong pakielam kahit sino ponsiopilatong mga magulang nila. Ako ang batas dito sa school na ito kaya sundin nila ang utos ko," seryosong sabi ko.
"Mukhang sineseryoso mo na ang pagiging President mo ah," sabi niya.
"No choice naman ako kundi tanggapin, hahayaan ko lang ba na gawin ng mga student ang gusto nila habang ako ang President? No way, nakakababa ng pride kung hahayaan ko lang," sagot ko. Kahit naman ayaw ko ang posisyon ko, ayoko rin naman na baliwaliin nila ako bilang President, ayoko ng hindi nirerespeto at binabastos. "After ng meeting natin bukas ipatawag mo ang mga magulang nila para ipasabi sa kanila ang pagbabago sa punishment. Gumawa ka rin ng contract na ipapapirma natin sa kanila."
Huminto naman ito sa pagsulat ng sinasabi ko. "Paraan iyon?" tanong niya.
"Ang contract na iyon ang patunay na hindi sila makikielam sa gagawin kong pang di-disiplina sa mga anak nila, labas sila sa kung ano ang gagawin ko as long as hindi ko sila mapapatay," sagot ko nakita ko naman ang takot sa mata niya.
"A-Anong gagawin mo sa kanila?" utal na tanong niya.
"It depends on the situation," nakangising sagot ko. Kung matigas talaga ang ulo ng mga estudyante hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanila.
Nung pumatak na ang 9am nag libot na kami sa buong school. Marami akong nakitang mga violators at dahil hindi ko pa nababago ang rules sinunud ko muna ang mga punishment na binibigay sa mga violators.
"HYUNG, kailangan ko ang tulong niyo," sabi ko sa kanila. Nagpunta ako sa Royalty Room para kausapin sila. Wala sina Samuel Hyung at Skylar Hyung, dahil may klase pa sila, itong tatlo naman ay wala raw silang teacher. Pare-pareho kasing Law ang course nila.
Kailangan ko ang mga connections nila para mapasunod ko ang mga magulang ng mga students lalo na si Hunter Hyung, isa sila sa pinaka makapangyarihang pamilya sa mundo ng business kaya maraming mga business man ang natatakot na banggain sila
"Ano iyon?" tanong ni Jackson Hyung.
Sinabi ko naman sa kanila ang balak kong gawin bukas.
"Magandang idea 'yan pero hindi ka ba natatakot na banggain sila?" tanong ni Jackson Hyung.
"No, wala naman akong dapat ikatakot sa kanila," sagot ko.
"Maraming mga mafia boss at member ng mafia sa kanila," sabi ni Tayler Hyung.
"May kilala rin naman ako na Mafia Boss na makakatulong sa akin, mas mataas ang rank niya kumpara sa mga iyon," sagot ko tapos bigla kong na realize. "Bakit ba ang dami niyong sinasabi tutulungan niyo ba ako o hindi?"
"Swempre tutulungan ka namin," sagot ni Tayler Hyung.
"Tutulungan niyo naman pala ako ang dami niyo pang sinasabi," masungit na sabi ko. "Aalis na ako marami pa akong gagawin." Naglakad na ako palabas ng Royalty Room at naglakad papunta sa room namin.
"Excuse me, Prof," sabi ko sa kasalukuyang Prof na nagtuturo .
"Kyaahh, si President,"
"Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang cloak cape niya, mukha na talaga siyang prinsepe,"
"Oo nga, ang gwapo niya,"
Kaming mga student council nakasuot ng cloak cape na hanggang tuhod ang haba habang sa babae naman ay hanggang ilalim ng dibdib. Hindi alam kung bakit kailangan pa naming magsuot ng ganito pero ang council ang may sabi nito kaya wala kaming magawa kundi sundin ito.
Bagay naman siya sa uniform namin. Sa mga freshmen at sophomore, dark blue long sleeve at black ribbon necktie habang sa junior and senior ay black, ang pang ibaba namin ay short checkered, jeans naman kapag junior and senior, black long socks na hanggang hita ang sa amin at normal na black socks sa junior at senior and black ankle boots. Sa mga babae naman ay dark blue long sleeve dress,black ribbon necktie, black long socks and black ankle sa lahat ng year.
"Quiet!" pagpapatahimik niya sa mga students tapos lumapit sa akin. "Yes, Mr. President?"
"Pwede ko bang kausapin si Ms. Jessica?" magalang na tanong ko.
"Of course," sabi niya pagkatapos tinawag si Jessica. Kanya kanya namang hiyaw ang mga student, kung ano ano sinasabi na kesyo may relasyon ba kami o ano pero hindi ko na lang sila pinansin.
"Anong kailanga mo Jayden?" nakangiting tanong ni Jessica.
Maaari ko bang mahingi ang number ng Dad mo?" tanong ko.
Hindi ko alam kung tama ba ako ng nakita na may panghihinayang sa mukha niya pero napalitan din iyon ng ngiti. "Oo naman, akin na ang cellphone mo,' sabi niya. Binigay ko naman sa kanya ang cellphne ko pagkatapos nun nag type siya doon. "Heto na."
"Salamat," sabi ko at kinuha muli ang cellphone ko.
"Ano nga palang kailangan mo kay Dad?" tanong niya.
"Secret," nakangiting sabi ko. "Sige alis na ako marami pa akong gagawin."
"Okay, bye," sabi niya. Tumango lang ako tsaka naglakad paalis.
Nang makalayo ako, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan ang binigay na number ni Jessica.
"Hello, who's this?" sagot ni Mr. Hansley.
"It's me, Mr. Hansley," malamig na sabi ko.
"Oh, Poison bakit ka napatawag at kanino mo nakuha ang number ko?" tanong niya.
"From your daughter at kaya ako napatawag dahil kailangan ko ang tulong mo," sabi ko.
"Ano iyon?" tanong niya.
Sinabi ko sa kanya ang mga plano ko bukas, mas mapapadali ang gagawin ko kung tutulungan niya ako.Hangga't maaari kasi ayokong gamitin ang pangalan ni Dad dahil walang nakakaalam na may isa pang anak si Dad, sapat na rin naman ang connections nila para mapanunod ko ang mga magulang ng mga estudyante.
"Hindi naman mahirap gawin ang gusto mong mangyari, ako ng bahala sa kanila," sagot niya.
"Thank you," sabi ko.
"Wala iyon kahit anong gusto mong gawin ko gagawin ko," sabi niya.
"Okay, bukas na lang tayo magkita, may gagawin pa kasi ako ngayon.
"I understand," sabi niya.
To be continued...