Chapter 15

2181 Words
Jade's Point of View "Let's start," pag uumipsa ko pagpasok ko sa meeting room ng Student Council saka naupo sa upuan sa gitna ng table. "Noona pakibigay sa kanila." Inabot ko sa kanya ang mga papel na hawak ko. Kinuha naman niya iyon at pinamigay sa mga member ng Student Council.  "Teka Pres, parang sobra naman ito," reklamo ni Jacob ang Student Body Vice President matapos mabasa ang binigay kong papel. Sinang ayunan naman ito ng iba. "Alam kong sobra iyan pero kung hindi tayo maghihigpit hindi titino ang mga estudyante," sagot ko. "Pero paano ang mga magulang nila? Paano kung magalit sila dito?" tanong ni Sharon ang Student Body Treasurer. "Kaya nga papupuntahin ko sila dito mamaya para kausapin, i-di-discuss ko sa kanila ang mga pagbabago sa mga parusa," sagot ko. Hindi pa rin nawawala ang takot sa mukha nila. "I know natatakot kayo para sa ari-arian ng pamilya niyo, 'wag kayong mag alala dahil aakuin ko lahat ng ito. Ako naman ang may gusto na palitan ang mga parusa." "Hindi ka ba natatakot? Alam namin na kasali ka sa Enigmatic Royalty pero mabibigat ang makakalaban mo," sabi ni Ezekiel isa sa mga Student Body Reporter. Nginitian ko naman siya. "Kung natatakot ako dapat hindi ko na ginawa ito diba? Don't worry, marami akong connections na makakatulong sa akin. Kailangan ko lang mapapayag ang mga magulang nila na 'wag makielam sa kung anong gagawin ko sa mga anak nila as long as hindi ko sila mapapatay," mahabang sabi ko. Gaya ng reaction ni Noona nung sinabi ko iyon ay ganun din ang reaction nila. Napatingin naman kami kay Noona na nasa tabi ko. "Ganyan din ang reaction ko ng sabihin niya iyan," sabi niya. "And trust him, kapag nagawa niya ang mga plano niya paniguradong magkakaroon ng pagbabago gaya ng gusto nating mangyari noon." "Oh, well ano pa nga ba kundi sumang ayon," sabi ni Jacob. Nginitian ko naman sila. "Good, any question?" tanong ko. Nagtaas naman ng kamay si Sharon. "Yes?" "Kanina tinawag mo na Noona si Christine, eh kami hindi mo ba kami tatawagin na ganun? Lahat kami dito mas matanda sa 'yo," sabi niya. "Oo nga naman, wala kang galang ah porket ikaw ang President wala ka ng galang," sang ayon ni Sofia ang Women's Representative, siya ang tinatakbuhan ng mga babaeng binabastos ng mga lalaki. Maraming kaso na ganun kaya nabuo ang posisyon niya dahil sunod sunod ang mga babaeng nagpapakamatay dahil lagi silang nababastos. Napangiwi naman ako ng sunod sunod ang reklamo nila. "Aish. Oo na, tahimik na kayo," inis na sabi ko. Para silang sina Jackson Hyung kung makapag reklamo. "Ganyan talaga ang batang iyan, kung hindi mo pipilitin hindi 'yan gagalang," sabi ni Noona. "Pero kapag nasabihan mo naman siya lagi ka na niyang tatawaging Noona at Hyung." "Tsk, tama na nga ang daldal," saway ko sa kanila. "So, 'yun lang ang gusto kong sabihin, pwede na kayong umalis." Nagsitayuan naman sila at lumabas ng meeting room. Bigla namang sumakita ng ulo ko kaya hinilot ko ito. "Ayos ka lang Jayden?" Nag aalalang tanong ni Noona. "Oo, kulang lang ako sa tulog kaya sumakit ang ulo ko," sabi ko. Pinagpuyatan ko talaga ang paggawa ng bagong parusa para sa mga violators. Siniguro ko talaga na maayos ang planong ginawa ko dahil doon hindi ko na namalayan na alas quatro na pala ako natapos. "Matulog ka na muna kaya," suggest niya. "Mamaya na, kailangan kong paghandaan ang meeting sa mga magulang," sagot ko. Baka kapag natulog ako mainis pa ako kapag ginising ako, ayokong harapin ang mga magulang nila na mainit ang ulo ko baka sumabay pa ako sa init ng ulo nila kapag nalaman nila ang mga parusang bibigay ko sa mga anak nila. "Okay pero matulog mamaya okay?" sabi niya. "Oo naman," sabi ko. NASA BACKSTAGE ako ngayon habang hinihintay na magsidatingan ang mga magulang. Late na sila sa pinag usapang oras, alam kong busy sila pero sana agahan nila para naman mabilis matapos ang meeting namin edi makakaalis sila ng maaga. Nang masiguro namin na kumpleto na silang lahat lumabas na ako sa backstage at nag punta sa podium lectern. "Good morning, Ladies and Gentlemen," bati ko sa kanila. "I know maraming mga busy dito pero salamat pa rin at pinaunlakan ninyo ang paanyaya ko. So, hindi na ako magpaligoy ligoy pa mag umpisa na tayo." Sinenyasan ko naman si Christine Noona na buksan ang screen sa stage at sa ibang mga screen na nakakalat sa auditorium. Pagkatapos nun inumpisahan ko na ang paliwanag ko kung bakit ko sila pinatawag. "Hindi naman pwede iyang sinasabi mo," reklamo ng nasa 2nd row, may bawat mike ang mga upuan para magkarinigan kami, ino-off lang iyon kapag hindi ito kailangan. "Sobra naman masyado ang parusa nila." Sumang ayon naman ang ibang mga magulang. "Hindi sobra iyan kung marunong sumunod sa mga rules ang mga anak ninyo," sagot ko. "Bakit kailangan pang maging strict, kailangan ding mag enjoy ng mga estudyante," sagot ng nasa front row. "Hindi pa ba sapat ang dalawang araw na walang pasok ang mga estudyante para makapag enjoy sila? Hindi ba't binibigay niyo naman ang lahat para mapunan ang enjoyment nila? Hindi itinayo ang school para gawing libangan ng mga estudyante, nandito sila para mag aral at matuto. Kung sa loob pa lang ng paaralang ito ay hindi na sila marunong sumunod sa patakaran paano pa kaya sa labas ng school hindi ba? Isa pa mga college na ang anak ninyo hindi na mga elementary na kailangan pang pasabihan para magtino." Seryosong sabi ko sa kanila na kinatahimik nila.  "Pero hindi pwede ang ganun, kailangan ba lagi silang seryoso sa pag aaral nila?" reklamo ng nasa 4th row. "Hindi ko naman sinabi na kailangan nilang maging seryoso, maari pa rin naman silang mag saya basta sumunod sila sa patakaran ng paaralan. Unang unang patakaran na laging nilalabag ng mga estudyante ay ang 'No Bullying' Alam nilang malaki ang kaparusahan ng mga lalabag dito pero dahila alam nila na tutulungan niyo sila wala silang pakielam. Hihintayon niyo pa ba na may makapatay sila bago kayo umakyon? O baka naman kukunsintihin niyo pa ang kasalan ng anak niyo para manahimik ang pamilyang napatay nila?" Mahabang pahayag ko. "He's right," sang ayon ni Mr. Hansley. "Sa ganitong mga bagay hindi natin kailangang mga magulang makialam, kaya nga may Student Council ang mga school para ito ang dumisiplina ng mga anak natin." "Pero sang ayon ka ba na kung anag anak mo ang parusahan nila?" tanong ng katabi niya. "Oo, gumawa ng kasalanan ang anak ko kaya pagdusahan niya. Hindi naman siya mapaparusahan kung marunong lang sumunod ang mga ito," sagot niya. "Alam kong hindi kayo mapipilit sa salita lang kaya dadaanin natin sa santong paspasan, kapag hindi niyo sinunud ang batang iyan ako ang makakalaban niyo. Isa pa, hindi ninyo alam kung anong kayang gawin niya, mas marami siyang connections kesa sa atin baka magulat na lang kayo isang araw bagsak na ang kumpanya ninyo." Kita ko naman natakot sila sa sinabi ni Mr. Hansley. "Huwag kayong mag alala, sumang ayon lang kayo sa gusto kong mangyari wala akong gagawing masama sa anak ninyo. Hindi ko mapapangako na hindi uuwing walang pasa ang mga ito dahil karamihan dito ay mga gangster at anak ng mafia boss pero ipapangako ko na uuwi sila na humihinga pa," sagot ko. "Okay, sumasang ayon ako pero gusto ko na mapatino mo ang anak ko," sabi ng nasa gitnang row. "Makakaasa ka," sabi ko. "So, anong gagawin namin?" tanong niya. "Pirmahan niyo lang ang mga hawak niyong papel, kung sakaling biglang may magbago ng isip sa inyo ay may hawak akong katibayan na magpapatunay na sang ayon kayo.," sagot ko. Ginawa naman nila ang sinabi ko, isa isa namang kinuha ng mga council member ang mga papel at sigurong nakapirma ang mga ito. Ang council member , para silang mga baranggay tanod kapag may mga event pinapanatili nila ang katahimikan, sila ang nagbabantay sa mga pasaway na mga estudyante. "ANG GALING mo kanina Jayden," sabi ni Samuel Hyung. Nakauwi na kami sa bahay namin at lahat kami nasa sala. "Biruin mo napapayag mo ang mga magulang ng mga estudyante." "Oo nga, hindi mo na kinailangan ang tulong namin," sang ayon ni Tayler Hyung. "Hindi ko kasi akalain na madali lang pala silang kausap akala ko idadaan ko na sa dahas eh," sagot ko.  "Nakatulong din siguro ang sinabi ni Mr. Hansley, sino ba namang hindi matatakot sa banta nito," sabi ni Skylar Hyung. "Siguro nga," sagot ko. "Speaking of Mr. Hansley, bakit parang kilala ka niya? Makapagsabi siya na marami kang connections parang siguradong sigurado siya," sabi ni Jackson Hyung. "Kaibigan siya ni Dad," pagsisinungaling ko. "At yung sinabi niya na marami akong connections tama naman siya." "Sino ang mga 'yun?" tanong ni Tayler Hyung. "Kayo," mabilis na sagot ko. "Isa kayo sa mga connections ko." "Isa kami? So, marami pa?" tanong ni Samuel Hyung. "Huwag ng maraming tanong, Hyung baka ikapahamak mo pa iyan," seryosong sabi ko na kinatahimik nila. "May mga bagay talaga na hindi niyo na kailangan pang malaman, mas konti ang alam niyo mas konti ang risk sa buhay niyo." Ganyan ang nangyari sa akin, dahil mala pusa ako na laging curious lahat gusto kong malaman at habnag dumadami ang nalalaman ko mas marami ang nakakabangga ko. Pabor naman sa akin iyon dahil lagi akong makikipag laban. "Ah, kain na tayo para maaga tayong makatulog," pag iiba ng usapan ni Jackson Hyung. Nararamdaman na niya ang tensyon kaya iniba na niya ang usapan. Jackson's Point of View Hindi pa nga namin talaga kilala si Jayden kahit isang buwan na namin siyang nakakasama. Masyado siyang misteryoso at mahirap siyang basahin. Hindi mo malalaman kung ano ang mga gagawin niya. He's unpredictable, lahat ng galaw niya laging may surpresa. "Habang tumatagal mas sumasarap ang luto mo, Hyung," sabi sa akin ni Jayden habang kumakain kami. "Paanong hindi ako mag iimprove, ang selan selan ng panlasa mo," sagot ko sa kanya. Napaka sensative ng dila niya, kahit na okay sa amin ang lasa ng ulam namin para kanya kulang. Gaya ng adobo na niluto ko, ayos naman ang lasa pero sa kanya ang alat daw, tapos yung sinigang ang asim na nga gusto niya pa ng mas maasim pa doon kaya laging nakahiwalay ang sinigang niya dahil sibrang asim na para sa amin. Pero thanful pa rin ako sa panlasa niya dahil nag i-improve ako sa pag luluto ko kahit sina Mom humanga nung umuwi ako. Mas masarap daw ang luto ko kesa noon, Kahit pala hindi ko nasunod ang course na gusto ko, ang culinary at least dahil kay Jayden nag improve nag pagluluto ko.  Pangarap kong maging chef pero gusto ni Dad na maging Lawyer ako gaya niya. Ayokong ma disappoint sa akin si Dad kaya sinunod ko siya. Nagagawa ko pa rin namang magluto kahit hindi culinary nag course ko. "Hindi maselan ang panlasa ko, wala lang talaga kayong taste sa masarap na pagkain," dahilan niya. Ayaw na ayaw talaga niyang napapatalo. "Oo na, wala na kaming taste," sagot ko. "Balik tayo sa kanina, napasang ayon mo nga ang mga magulang ng mga estudyante, eh sila mapapasunod mo kaya?" Ang titigas pa naman ang mga ulo nila. "Kung hindi ko sila madadaan sa santong dasalan, idadaan ko sila sa santong paspasan," sagot niya. "Madali pa naman akong mapikon, once na pinuno nila ako matitikman nila ang bagong parusang binuo ko." Totoo iyon, sobrang pikon niya at kapag napikon na siya nakakatakot na ang aura niya kaya iniiwasan namin na 'wag siya galitin o pikonin. "Pero kung hindi mo kaya nandito lang kami tutulungan ka namin," sabi ko. "Salamat pero kaya ko naman sila," sabi niya. "Kapag nga hindi mo na sila kaya," sagot ko. "Okay, sige kapag hindi ko sila kaya magpapatulong ako," pagpayag niya. "Good, kailangan mo rin humingi ng tulog na kahit alam mong kaya mo," sabi ko. Ayaw na ayaw niyang humihingi ng tulong lalo na kung alam naman niya na kaya naman niya. Kahit nga hirap na hirap na siya hindi pa rin siya hihingi ng tulong kung hindi lang namin pipilitin baka hindi pa rin siya magpatulong. "Oo na, 'wag mo na akong sermuna," napipikon na sabi niya kaya natawa ako. See, ang dali talaga niyang mapikon. Lahat na lang kinaayawan niya. Hindi niya gustong sermunan siya lalo na kung mahaba ang sinasabi sa kanya sasang ayon na lang siya kapag gusto niyang kaming patahimikin. "Pinapapaalalahanan lang kita," sagot ko. "Oo na," Nakasimangot na sagot niya. Tama nga si Christine, ang cute nga ni Jayden kapag nakasimangot na ito. Para itong batang ayaw na ayaw napapagalitan. Ganito pala ang pakiramdamn ng may nakakabatang kapatid. Sina Samuel at Skylar matured na matured ang isip nila kaya parang hindi sila kasing idad ni Jayden. Kaya siguro napalapit si Hunter sa kanya, matagal na kasi niyang gustong magkaroon ng kapatid at natupad naman niya sa pamamagitan ni Jayden. "Oh, bakit ka nakangiting nakatingin sa akin?" tanong ni Jayden. "Wala," sagot ko. "Ang weird mo talaga," sagot niya nakinatawa ko lang. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD