Chapter 16

1040 Words
Third Person's Point of View Kalat na sa buong school ang pagbabagong ginawa ni Jayden kahapon. Marami ang pabor sa ginawa niya pero marami rin ang hindi pabor lalo na ang mga estudyante na madalas na rule breaker. "President time na," paalala ni Christine kay Jayden na busy sa binabasa niyang papeles. 'Tignan mo nga naman, dati ayaw na ayaw niyang humarap sa mga papeles pero ngayon kahit hindi ko ipaalala gagawin na niya' sabi sa isip ni Christine. "Noona," Nabalik siya sa wisto ng tinawag siya ni Jayden. "Aalis na ba tayo o tatayo ka lang diyan?" Hindi man lang niya namalayan na nasa pinto na ito. "Heto na," sabi niya at lumapit dito. Nagpunta sila sa parking lot na nasa likod ng office nila para kunin ang ATV. Sumakay siya sa passanger seat habang sa driver seat naman si Jayden. Hindi pa man sila nakakalayo may nakita silang tatlong mga lalaki na may binubully na isang nerd na lalaki. Nilulubog ng isang lalaking may hikaw sa ilong habang tumatawang nakatayo lang ang dalawa. May mga nanunuod ding mga estudyante pero ni-isa sa kanila walang balak na pigilan ang pambubully ng tatlo. "Tsk," inis na singhal ni Jayden tsaka hininto ang ATV at bumaba. Napansin naman siya ng mga estudyante pati ang tatlong nambubully. "Oh, nandito na pala si Mr. President," nakangising sabi ng lalaking may hikaw sa ilong. "Nandito ka ba para pigilan ako sa ginawa ko?Ha? Anong gagawin mo paparusahan mo kami sa bago mong ginawang parusa?" Nagsitawanan naman ang tatlo pero nakatingin lang sa kanila si Jayden kaya nainis ito. "Oh, ano? Mayabang ka na dahil lang ikaw ang President? Tandaan mo dati ka rin naming binubully kaya 'wag kang magmayabang at kung tingin mong susunod ako sa 'yo manigas ka dahil hindi ko susundin ang loser na kagaya mo."  "Tapos ka na ba?" malamig na tanong ni Jayden na kinatahimik ng tatlo. "Kung tapos na kayo ako naman." Hinubad niya ang cloak niya at binigay kay Christine pagkatapos lumapit sa lalaking kausap niya. "Nabasa niyo naman siguro ang naka post sa bulletin board diba? So, aware na kayo na kakapag may binully kayo, lahat ng mga ginawa niyong pambu-bully gagawin din sa inyo." "Anong gagawin mo? Ilulubog mo rin ba ako sa putik gaya ng ginawa ko sa nerd na iyon?" Tumawa naman ito na parang nang aasar. "Edi gawin mo kung--" Hindi na niya natuloy ang sinabi niya ng bigla siyang inulubog ni Jayden sa putik.  Naalerto naman ang dalawang lalaki at akmang tutulungan ang kasama ng may pumigil sa kanila.  "'Wag na kayong makielam sa ginawa ni President," nakangiting sabi ni Jacob.  "Oo nga, mas mabuti pang manahimik na lang kayo para mas lumiit ang parusang ibigay sa inyo," sabi naman ni Tristan. Papunta na silang dalawa sa building nila ng makita nila ang kanilang President kaya lumapit sila doon upang alamin ang nangyayari. Saktong paglapit nila ng biglang inubog ng President nila ang isang lalaki. "Ha!" sabi ng lalaki habang hinahabol ang hininga. Ilang beses siyang nilubog lubog ni Jayden sa putik at hindi niya alam kung bakit kahit anong pagpupumilas niya ay hindi niya magawang makawala sa hawak nito sa kanya. "Ano, masarap bang lumubog sa putik?" Nakangising sabi ni Jayden habang hawak pa rin ng isang kamay nito ang dalawang kamay niya mula sa likod habang ang isa ay nakahawak ng mahigpit sa ulo niya. Heto ang mas kinaiinisan niya, isang kamay lang ang gamit ni Jayden pero hindi man lang siya makawala mula dito. "T*rantado ka! Sisiguraduhin ko na magbabayad ka sa ginawa mo!" sigaw niya. Alam niyang kapag sinabi niya ito sa Dad niya ay hindi nito papalampasin ang ginawa ni Jayden sa kanya. "Anong gagawin mo? Magsusumbong ka sa Dad mo?" sabi nito pagkatapos tumawa na parang baliw. "'Wag mo ng aksayahin ang oras ng Dad mo dahil hindi ka niya matutulungan, alam ko na alam mo na pinatawag ko ang mga magulang ninyo para kausapin sila. Pinapirma ko sila na hindi sila makikielam sa kung anong klaseng desiplina ang gagawin ko as long as hindi ko kayo mapatay." "Tingin mo papayag si Dad sa sinasabi mo," sigaw niya. "Oo, pumirma nga siya sa kontrata na binigay ko eh," sagot nito sa kanya na kinatigil niya. Hindi siya makapaniwala na susundin ng kanya ama ang gusto ni Jayden. Walang kahit na sino man ang magkakapagpasunod sa Dad niya pero bakit napasunod ni Jayden ang Dad niya. "Sinungaling, walang kahit na sino ang makakapagpasunod sa Dad ko," sabi niya. "Kung ayaw mong maniwala itanong mo sa Dad mo," sabi niya pagkatapos binitawan nito ang kamay niya at tumayo. "Sinasabi ko sa inyo, hindi ako ang dati niyong President na takot na kalabanin kayo. Ibahin niyo ako sa kanya hindi ako natatakot sa kung anong connections ang meron kayo. Kahit na Mafia Boss pa iyan. Hangga't ako ang President ninyo ako ang batas sa school na ito. Kung meron man na hindi susunod sa akin hindi lang ganito ang mararanasan ninyo." Halos manginig sa takot ang mga estudyanteng nakarinig ng sinabi ni Jayden at mas lalo silang natakot ng bigla itong ngumisi. "Ayos lang din naman sa akin kung maraming pasaway dahil mas maraming pasaway mas marami akong mapaparusahan, paniguradong mag eenjoy ako habang pinapanood kayong nasasaktan." Tsaka ito tumawa. "Sh*t! Si Jayden ba iyan? Bakit parang iba yata ito sa Jayden na nakilala natin," bulong na tanong ni Jacob kay Christine. "Si Jayden pa rin naman iyan," sagot ni Christine. "Isa lang iyan sa personality na meron siya, kung may Jayden na mabait, meron din naman na Jayden na nakakatakot." "Parang ayokong makaharap ang nakakatakot na Jayden," sabi ni Tristan.  "Kaya nga mas mabuti pang 'wag nating galitin si Jayden para hindi niyo makita ang nakakatakot na Jayden," sagot ni Christine. "Mukhang tama ka," sang ayon ng dalawa. "Siguro naman nagkakaintindihan tayo," sabi ni Jayden sa mga estudyanteng nanunuod. "YES PRESIDENT!" malakas na sagot ng mga ito. "Good," sagot ni Jayden tsaka naglakad papalapit kina Christine. "Kailangan mo ulit maligo President," sabi ni Christine kay Jayden. "Kailangan talaga," sagot ni Jayden. Bumalik ang kalmadong boses nito. "Sabihin mo kina Hunter Hyung kailangan ko ng bagong uniform." "Okay, mauna ka na sa office," sagot ni Christine. To be contined...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD