Chapter 17

2027 Words
Jade's Point of View Mabuti na lang may shower ang c.r ng office ko kaya nahubad ko ang artificial body habang naliligo ako. Kung hindi dahil sa lalaking iyon hindi ako maliligo sa putik at kapag hindi ko ginawa iyon ay hindi ito susunod sa akin. Umpisa pa lang alam ko na hindi ko sila mapapasunod lang sa bagong pataran na meron ako kaya kailangan kong gumamit ng dahas para mapasuod sila. Hindi ko man sila mapapasunod ngayon pero balang araw. Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako ng c.r, paglabas ko nandoon ang Enigmatic Royalty. Si Hunter Hyung lang naman ang pinapapunta ko dito para kuhanin ako ng bagong uniform pero lahat sila dumating. "Kalat na sa buong school ang ginawa mo ah," sabi ni Samuel Hyung. "Mas maganda nga iyon para aware sila sa gagawin ko," sagot ko. "Sineryoso mo talaga ang mga sinabi mo na idadaan mo sa dahas," sabi ni Tayler Hyung. Umupo ako sa upuan ko. "Kung hindi ko naman kasi gagawin iyon hindi nila se-seryosohin nag ginawa kong patakaran at hindi nila ako igagalang na President nila," seryosong sagot ko tapos tumingin ako sa wall clock nasa harapan ko. "Meron pa kayong klase Samuel Hyung, Skylar Hyung bakit kayo nandito?" "Nakakainip sa klase eh," reklamo ni Samuel Hyung. "Noona," tawag ko kay Noona. "Bakit?" tanong niya. "Paki dala ng ang dalawang ito sa detention room, sabihin mo nag cu-cutting sila," sagot ko. Agad namang nag reklamo ang dalawa sa sinabi ko. "Jayden naman pati ba naman kami?" reklamo ni Samuel Hyung. "Kahit kaibigan ko kayo hindi ko kayo palalampasin, ayokong maging Bais," sagot ko. "Naging President ka lang naging heartless ka na," sabi ni Skylar Hyung. "Noona," sabi ko. "Oo na ito na papasok na kami," mabilis na sagot ni Samuel Hyung at mabilis na lumabas. Nagsitawanan naman ang tatlo paglabas ng dalawa. "Ang galing mo talaga Jayden, ikaw lang talaga ang nakakapagpasunod sa kanila," natatawang sabi ni Tayler Hyung. "Swempre kailangan nilang sumunod kung hindi sila ang unang makakatikim ng parusang ginawa ko," sagot ko. "Hindi porket ako ang president mamimihasa na sila." "Tama nga naman," sabi niya. "Eh kayo gagawin niyo bang tambayan itong office ko?" tanong ko. Hindi pwedeng nandito sila hindi ko matatapos ang ginagawa ko kapag nandito sila. "Patambay lang saglit, hindi ka na kaya nag ta-tambay sa Royalty Room tapos hindi ka na namin na kakasabay kapag lunch," reklamo ni Tayler Hyung. "Para namang hindi niyo ako nakakasama sa bahay," sagot ko. "Kahit naman nasa bahay ka lagi ka namang natutulog ng maaga," sagot naman ni Jackson Hyung. Sabagay, hindi na ako nakikipag bonding sa kanila kapag nasa bahay kami. Mas pipiliin ko pang matulog dahil maaga akong pumapasok sa school para makita ko ang mga na-le-late. "Oo nga, hindi ka na nakikipag laro sa akin, ayokong kalaro si Samuel ang weak naman kasi niya eh hindi kami nagtatagal sa laro," reklamo ni Tayler Hyung na kinatawa ko naman. "Sige babawi ako sa friday night kahit mag umaga pa tayo," sabi ko. Natuwa naman siya sinabi ko. "Sabi mo 'yan ah," sabi niya. "Oo," sabi ko. "Umalis na nga kayo marami pa akong gagawin. Nakikita niyo ba ang mga papel na nasa lamesa ko?" Tambak ng mga papel ang lamesa ko, hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang mga ito pero base sa sinasabi ni Noona galing ito sa ibang school na partner ng school namin. "Oo na, aalis na kami," sabi ni Tayler Hyung. "Pero dapat sumabay ka sa amin mamayang lunch. "Okay, sige," sagot ko. Nakakalimutan ko lang kasing lunch na kaya minsan hindi na ako pumupunta sa canteen. Mag a-alarm na lang ako para hindi ko makalimutan baka tuluyan na nga silang magtampo sa akin. Lumabas na sila maliban kay Hunter Hyung na hindi man lang gumawa sa pwesto niya. Hindi ito nakapikit pero nakatingin naman siya akin na parang may balak itong kainin ako. "Bakit Hyung?" tanong ko sa kanya. "Tsk, dapat hindi ka na lang namin pinayagang maging President," inis na sabi niya. "Kung alam ko lang na mawawalan ka ng oras sa amin." Napangiti naman ako sa kanya, para kasi itong batang nagtatampo sa mga magulang na laging nasa abroad at hindi sya laging nakakasama. "Ilang araw pa lang naman akong nagiging President," sagot ko sa kanya. Para naman ilang buwan na akong hindi nakikipagbonding sa kanila. "Yun na nga eh, ilang araw ka pa lang naging President pero nawawalan ka na nga ng oras sa amin," sabi niya. Nagkatinginan kami ni Noona. "Hala ka, President sobra ang tampo sa 'yo ni Emperor," bulong na sabi ni Noona. "'Wag kang mag alala agad din namang mawawala ang tampo niya," bulong ko rin. "Anong binubulong bulong niyo diyan?" inis na sabi ni Hyung. Agad naman tumayo ng maayos si Noona at kunwaring may tinignan sa maliit na notebook na laging hawak niya. "Wala," sagot ko pero sinamaan lang niya ako ng tingin. Hindi ko naman mapigilang matawa ulit pero pinigilan ko baka mas lalong mainis siya sa akin. "Huwag ka na ngang magtampo Hyung, ngayon lang naman ako mawawalan ng oras sa inyo pero kapag naayos ko na ang mga estudyante sigurado akong magkakaroon na ako ng oras." "At kelan naman iyon? Next month?" inis na sabi niya. "Of course not, hindi ko ito paabutin ng 1 month," pagkukumbinsi ko sa kanya. "Siguraduhin mo lang dahil kapag nagtagal iyan papaalisin kita sa pagiging President mo," sabi niya pagkatapos naglakad palabas ng office. "Naku, President kailangan mong tuparin 'yung pangako mo," sabi ni Noona. "Mukhang kailangan nga," sabi ko at napangiwi. "Kailangan natin mas maging strict." Pasenya na sa mga estudyante pero kailangan kong mapatino kayo agad kung hindi baka bumuga na ng apoy 'yung dragon. Napapatahimik ko si Hunter Hyung pero kapag galit talaga iyon wala akong magagawa, gagawi at gagawin niya ang mga sinabi niya. DALAWANG linggo mula ng baguhin ko ang patakaran sa school. Kahit papaano may nakikita na akong pagbabago, wala ng masyadong rule breaker, meron pa rin namang violators pero konti na lang mas maraming takot maranasan ang mga parusang binibigay ko sa kanila. Ngayon kasi wala ng warning warning kapag lumabag sa rules parusa agad. Dahil wala na masyadong mga rule breaker naging maluwag na rin ang schedule ko kahit hindi na ako pumasok ng maagang maaga ayos lang dahil nandyan naman ang mga ina-sign ko para bantayan ang mga na-la-late. Last sunday, naipakilala ko na si Athena sa kanila. As usual naging fan girl na naman siya dahil gwapo sina Hunter Hyung. "Hyung, Ito pala si Athena Rose David," pakilala ko sa kanila kay Athena. "A-Athena ang pangalan niya?" utal na tanong ni Tayler Hyung tapos bigla itong tumingin kay Hunter Hyung na ikinakunot ng noo ko. "Oo bakit?" tanong ko. "Ah, wala may naalala lang akong kapangalan niya," sagot niya. "Sikat talaga ang pangalang Athena kaya hindi na nakakapagtakang may kapangalan ako." sagot naman ni Athena. "Oo nga," sabi niya at tumawa. "Oo nga pala, Nice to meet you all," sabi niya sabay lahat ng kamay niya. "Nice to meet you" sabi nila at nakipagkamay kay Athena maliban kay Hunter Hyung. "Nakilala ko rin kayo sa wakas, curious talaga ako kung sino ang mga kaibigan ng best friend ko. Hindi kasi siya madaling magtiwala dahil ilang beses na siyang trinaydor. Kinakaibigan lang siya dahil sa pera kaya nga nagpanggap 'yang nerd noon eh," mahabang sabi ni Athena. Napatingin naman ako sa kanya, aba magaling na rin siyang magsinungaling ah. Totoo na lahat ng sinabi niya maliban sa pagpapanggap na nerd noon. "Kaya pala bigla na lang siyang dumating sa school na nakasakay sa isang limited edition na sports car," sabi ni Samuel Hyung. "Yeah," sagot ni Athena. "Oo nga pala may tanong ako." "Ano 'yun?" sagot ni Tayler Hyung. "Sino ba sa inyo ang single pa?" Kinikilig na sabi ni Athena. "Athena!" saway ko sa kanya. Naku po mag uumpisa na naman siya. "What? Masama bang maghanap ng boygriend? Single naman ako ah," sabi niya. Nailing naman ako sa sinabi niya. "Kabaliwan mo talaga," sabi ko. "Ang kj mo talaga kahit kelan, ayaw mo bang maging masaya ako?" sabi niya at nagpuppy eyes sa akin. Nagpapa cute na naman ito, alam na alam niyang bumibigay ako kapag nagpapa cute siya. Kahit na mas matanda siya sa akin ng isang taon parang siya ang mas bata sa amin. "Tsk, kung hindi lang talaga kita mahal tinapon na kita sa labas," pagsuko ko na kinatuwa niya. "Lahat sila single pero hindi pwede sina Samuel Hyung at Skyler Hyung magkakasing edad lang kami." "Yiieee, di mo talaga ako matiis," sabi niya tsaka ako niyakap. "Talaga bang mag best friend lang kayo o may relasyon kayo?" tanong ni Tayler Hyung nakinangiwi namin ni Athena. "Mahal ko si Jayden pero kadiri ang sinasabi mo," sabi ni Athena at kunwaring nasuka lang siya. "Kapatid lang kaya ang tingin ko sa kanya." "Oo nga, kaya mo bang makipag relasyon sa kapatid mo?" tanong ko sa kanya. "Swempre hindi," sabi ni Tayler Hyung. "Oh yun naman pala eh," sabi ko. "Pero kung sa inyo ako makikipag relasyon game na game ako," sabi ni Athena. "Pass ako, may Fiance ako," sagot ni Jackson Hyung. Oo nga pala ikakasal na sila ng long time girlfriend niya after graduate nila. Pinakilala niya sa akin ang fiance niya, napakabait at napahinhin nito para akong nakikipag usap sa anghel. Kita ko na mahal nila ang isa't isa dahil kahit ilang beses silang nagkakahiwalay pinagtatagpo pa rin sila ng tadhana. "Oh, sayang naman pero ayos lang meron pa naman akong dalawang pagpipilian," sabi ni athena. "Kay Tayler may pag asa ka pa pero kay Hunter malabo, matigas pa sa yelo ang puso niyan, lumalambot lang naman iyan kapag si Jayden ang kausap niya," sagot ni Jackson Hyung. "Ohh, ganun ba," tapos lumingon sa akin si Athena na may ngisi sa labi at taas baba ang kilay niya. Alam ko ang iniisip niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Kung ano anong iniisip talaga ng babaeng ito. "Nandito ka na rin Athena dito ka na kumain," yaya ni Jackson Hyung. "Sige ba, pinagmamalaki kaya ni Iri--Jayden sa akin ang luto mo, mas masarap daw sa chef namin," sabi niya. Muntik pa niyang sabihin ang second name ko. Naintindihan ko naman siya dahil lagi niyang sinasabi iyon pero kailangan niyang masanay ngayon dahil baka mabuko ako. "Talaga?" Masayang tanong ni Jackson Hyung. Masaya 'yan kapag pinagmamalaki ang luto niya. "Oo naman," sagot ni Athena. "Congrats, Jayden lahat ng mga plano mo nasusunod na," sabi ni Tayler Hyung sa akin. Kasalukuyan kaming nasa canteen. "Pero hindi ko akalain na mabilis mong magagawa iyan akala ko isang buwan pa ang aabutin." Tumawa naman ako. "Kailangan kong bilisan may dragon kasi na handa ng bugahan ako ng apoy," sagot ko, naindihan naman nila ang pahiwatig ko. "Oo nga pala, sa sabado magkakaroon ng Battle of the Gang, kasali tayo doon," anunsyo ni Jackson Hyung. Napatango naman ako sa sinabi niya. Good luck sa kanila kaya nila iyan. Napahinto naman ako ng may maalala ako tapos bigla akong natawa kaya nagtaka sila. "Bakit?" takang tanong ni Jackson Hyung. "Nakalimutan ko na kasali pala ako sa Gang niyo," sabi ko tsaka tumawa. Masyado akong na focus sa pagiging President kaya nakalimutan kona na kasali pala ako sa isang gang. Nawala rin sa isip ko ang pagka uhaw ko sa pakikipaglaban, hindi ko akalain na sa pagiging President ko makakalimutan ko pansamantala ang blood lust sa katawan ko. "Ang bata mo pa pero makakalimutin ka na," sabi ni Samuel Hyung. "Pasensya na, masyado akong na focus sa pagiging President," sagot ko. "So, pinagpapalit mo na ba ang pagiging Prince mo sa Enigmatic Royalty sa pagiging President ng school?" tanong ni Tayler Hyung. "Hindi naman swempre gusto ko pa ring lumaban, nawala lang ng pansamantala sa isip ko ang pakikipalaban pero ngayong naalala ko ulit bigla nangati ang kamao ko at gusto ko ng lumaban," sabi ko. "Akala namin mas gusto mo na ang pagiging President," sabi ni Tayler Hyung. "Bakit pipiliin ko ang pagiging President kung pwede namang pagsabayin ko diba?" sabi ko. "Oo nga naman," sang ayon niya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD