Jade's Pointof View
Matapos namin maglunch naglakad na kami pabalik sa pupuntahan namin, habang naglalakad kami nakita namin si Noona na papalapit sa amin.
"President may naghahanap sa 'yo sa gate," sabi niya.
"Sino?" tanong ko.
"Magandang babae at sa narinig ko sa mga nakakakilala sa kanya isa raw siyang model sa Italy," sagot niya.
Kilala ko na kung sino iyon. "Sige salamat," sagot ko pagkatapos naglakad papunta sa may gate.
"Kilala mo ba iyon?" tanong ni Noona na nakasunod sa akin.
"Oo, si Athena best friend ko," sagot ko.
"Model si Noona?" gulat na tanong ni Samuel Hyung.
"Hindi ko ba nasabi sa inyo?" tanong ko.
"Hindi kaya nga kami nagulat," sagot niya. Sabagay. Nakaligtaan ko sigurong sabihin na model ito. Kilalang model si Athena sa Italy lahat gusto siyang kuning model dahil lahat ng dini-fiture niya sold out lahat, paano bang hindi napakaganda at napaka sexy niya idagdag pa na ang cute niya.
"Pero bakit hindi man lang namin alam na sikat pala siya?" tanong ni Tayler Hyung.
"Hindi naman kasi masyadong tinatangkilik dito sa pilipinas ang modeling kaya konti lang ang nakakakilala sa kanya pero sa Italy sobrang sikat na sikat siya," sagot ko.
"Oo nga pala hindi ganun kasikat ang modeling dito mas naka focus kasi ang mga pilipino sa kpop," sagot niya.
Mayamaya nakarating na kami sa may gate nakita ko si Athena nakaupo sa may guard's house. May ibang mga estudyante rin ang nandito mukhang fans sila ni Athena pero nakakapagtakang hindi nila ito nilalapitan.
"Athena," tawag ko ng makalapit ako sa kanya.
Inangat naman niya ang ulo niya at nagulat ako ng makita kong umiiyak siya. Nang makita niya ako agad siyang tumakbo at yumakap sa akin pagkatapos bigla siyang humangungol na mas lalo kong pinag alala.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
Kumawala naman siya sa yakap. "Dinukot si Zeus," Si Zeus ang nakakabang kapatid ng dalawa, hindi ito kilala sa publiko dahil ayaw nilang maggulo ang buhay nito kaya ang alaman ng lahat dalawa lang ang magkapatid na David. "Habang si Kuya nasa hospital dahil malala ang pagkakasaksak sa kanya."
Naging seryoso naman ako sa sinabi niya. "Sinong dumukot sa kanya?"
"Ang sabi ni Kuya ng magising siya, hindi niya makilala ang mga dumukot dahil naka maskara sila pero bago siya mawalan ng malay nakita niya sa braso ng sumaksak sa kanya na may tattoo itong bungo na may nakapalupot na sawa," paliwanag nito.
"Death Snake," bigla sabi ni Jackson Hyung kaya napatingin ako sa kanya.
"Kilala mo sila?" tanong ko.
Magsasalita sana siya ng pinigilan ko siya dahil napansin kong dumami ang mga estudyante. "Ituloy na lang natin sa office," sabi ko.
Naglakad kami papunta sa office ko at pagdating namin pinaupo ko muna si Athena tsaka ko pumunta sa mini kitchen at kumuha ng maiinom.
"Uminom ka muna," sabi ko ng makalapit ako. Kinuha naman iyon ni Athena tsaka mabilis na ininom.
Umupo naman ako sa tabi niya. "Ituloy mo na ang sinasabi mo kanina Hyung," sabi ko kay Jackson Hyung.
"Kilala ang Death Snake sa pangi-ngidnap sa mga bata para ibenta sa Black Market," sagot niya.
Natakot naman si Athena sa narinig at mas lalong umiyak. "No," umiiyak na sabi niya tsak humarap sa akin. "Maililigtas mo naman si Zeus diba?"
"Yes, ililigtas ko ng buhay si Zues," sagot ko.
"Sa bahay ka muna pansamantalang tumira para may kasama ka," sagot ko
"Salamat." sagot niya.
Nilingon ko naman sina Hunter Hyung. "Kayo muna ang bahala kay Athena 'wag niyong hayaan na mapahamak siya."
"Teka Jayden, seryosong gagawin mo ang sinabi mo?" tanong ni Jackson Hyung.
"Oo, kailangan kong iligtas si Zeus," sagot ko.
"Pero Jayden, delekado ang Death Snake parang kasing lakas na nila ang mga Mafia? Bakit hindi na lang natin ito isumbong sa mga pulis," sagot niya.
"No, mas lalong mapapahamak si Zeus kung tatawag tayo ng pulis," sagot ko.
"So, ibubuwis mo ang buhay mo para lang iligtas siya?" malamig na sabi ni Hunter Hyung.
Napabuntong hininga naman ako. "Hyung, ako lang ang makakapagligtas sa kanya," sagot ko.
"Bakit superhero ka ba para masabi mo iyon?" sagot niya medyo tumataas na ang boses niya.
Napahilamos naman ako sa mukha. Ayokong makipagtalo sa kanya, masasayang lang ang oras kung magtatalo pa kami. "Please Hyung 'wag ka ng makipagtalo pa kailangan kong mailigtas agad si Nathan. Hindi ko masabi sa inyo ang dahilan kung bakit ako lang ang makakapagligtas sa kanya. Not now," sagot ko.
"Alam mo Jayden ang dami mong sikreto, kahit ilang buwan na kitang nakakasama parang hindi pa rin kita kilala," sagot niya.
"I know, marami pa kayong hindi alam sa akin, marami akong sikretong dapat manatiling sikreto," sagot ko. "Please Hyung." Nakipagtitigan ako kay Hunter Hyung.
Bumuntong hininga naman siya. "Mag iingat ka," sagot niya na kinangiti ko.
"Thank you," sagot ko at bumaling kay Noona. "Kayo na ang bahalang magpaliwang kung bakit ako nawala."
"Okay, President," sagot ni Noona.
"Pakisabi rin kay Jacob siya ng bahala sa mga estudante kapag hindi sila nakinig pwede kayong magpatulong kina Hyung," sabi ko. Tumango naman siya. "Hyung, si Athena okay?"
"'Wag kang mag alala kaming bahala sa best friend mo," sagot ni Jackson Hyung.
"Thank you," sabi ko. Binalingan ko ng tingin si Athena na hanggang ngayon umiiyak pa rin."'Wag ka ng umiyak, iuuwi ko ng buhay ang kapatidmo." Tsaka pinunasan ang luha niya.
"Alam kong kaya mo iyon," paos na sabi niya.
"Sige, alis na ako," sabi ko pagkatapos tumakbo papunta sa kotse ko.
"MARK NAHANAP mo na ba ang location ng Death Snake?" tanong ko kay Mark gamit ang earpiece ko habang abala ako sa pag iimpake ng mga dadalhin ko dito sa condo ni Jayden. Hindi ito alam ni Jayden pero may hidden room na pinagawa si Dad dito na balang araw ay ipapaalam niya kay Jayden kapag handa na siya pero sa ngayon ako ang nakikinabang dito.
Punong puno ng mga iba't ibang baril, bala, at mga bomba ang loob ng hidden room. Mga bagay na magagamit ni Jayden kapag sinabi na namin ni Dad ang totoo sa kanya.
"Oo, nasa Marawi, Mindanao ang kuta nila at sa sabado na ang umpisa ng Auction para sa mga bata," sagot niya.
"Kung ganun kailangan ko ng bilisan," sagot ko.
Hindi ako pwedeng sumakay ng eroplano, sa mga dala kong armas kaya wala akong ibang choice kundi mag kotse pero aabutin ako panigurado ng isang araw. Hindi ko rin pala pwedeng gamitin ang kotse ko dahil agaw atensyon at baka hindi kayanin ang pangmalayuan na biyahe, idagdag pa na maraming malulubak na mga daan kaya bibili na muna ako ng kotse iyong pwedeng pangbiyahe ng malayuan.
Babalikan ko na lang mamaya ang mga dadalhin ko kapag nakabili na ako ng kotse. Nang makababa ako ng condo pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa malapit na bilihan ng kotse.
"Nandito na tayo, sir," sabi ng taxi driver.
"Salamat," sabi ko at nagbayad ng 1k dahil iyon lang ang barya ko. "Keep the changer." Tsaka ako bumaba.
"Salamat, sir," pahabol ng taxi driver.
Pumasok ako sa loob ng Ford, may tatlong automobile salesman ang tumingin sa akin pero isa lang ang lumapit sa akin para kausapin ako. Yung dalawa parang nangmamaliit ng tingin pero hindi ko na pinansin iyon ang kailangan ko lang ay makabili agad ng kotse.
"Anong hanap mo sir?" tanong ng lumapit sa akin.
"Kahit ano basta yung pangmatagalan sa biyahe," sagot ko.
"hmm, kung ganun sir, itong Ford Ecosport ang mare-recommend ko sa 'yo, 1.5 Tinatanium At ito," suggest niya at tinuro ang gray na sasakyan na nasa tabi namin. Hindi ko gusto ang kulay pero hindi ko na kailangan pang maging mapili dahil kailangan ko ng umalis agad, ibibigay ko na lang ito kay Jayden kapag nagising na siya.
"Sige, kukunin ko," sagot ko.
Natuwa naman siya sa sinabi ko at magsasalita na sana ng magsalita ang isa sa dalawang lalaki kanina na hindi ako pinansin.
"Woah, sandali lang," sabi nito. "Alam mo bang 1.1 million ang price niyan baka hindi mo kayang bilhin 'yan." Nakangisi ito habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"Bibilhin ko ba iyan kung hindi ko kayang bilhin?" malamig na tanong ko. Ano bang pinagsasbai ng lalaking ito, kung kelan nagmamadali ako tsaka naman siya sisingit.
Tumawa naman ito. "Sa itchura mong iyan makakabili ka ng ganyan?" sabi niya pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Let's go, babayaran ko na 'yang kote dahil may pupuntahan pa akong importante," sabi ko sa kausap ko kanina.
Maglalakad na sana kami nung humarang yung lalaki. "Alam mo pare, kung gusto mong magmayabang, sa iba ka na lang magpunta 'wag dito dahil hindi kami nag aaksaya ng oras sa hampas lupang kagaya mo," sabi niya sa akin.
"At hindi ko rin gusto mag aksaya ng oras makipag usap sa gaya mo kaya tumabi ka diyan bago pa ako mawalan ng pasensya sa 'yo," malamig na sabi ko.
"Aba't-" Hindi na niya natuloy ng may nagsalita.
"Anong nangyayari dito?" tanong nito.
"Manager," sabay na sabi ng tatlo.
"Ito kasi Manager nanggugulo," sabi ng lalaking humarang sa akin.
Tumingin naman sa akin ang manager nila. "Anong kailangan mo?" tanong niya.
"I buy a car," sagot ko.
"Alam mo naman sigurong mahal ang mga kotse dito diba?" tanong niya.
"I know," sagot ko.
"Alam mo naman pala bakit dito kapa bumili?" tanong niya.
"Why? Bawal ba?" tanong ko.
"Hindi naman pero kung sa mahihirap na gaya mo oo," sagot niya. Nakangisi lang ang dalawang hindi pumansin sa akin. Alam ko ang pinapahiwatig nila kanina pa, ayoko lang makipag sagutan dahil mawawalan lang ako ng enerhiya kapag ginawa ko iyon. Kailangan kong i-reserve ang lakas ko para sa pagligtas ko kay Zeus.
Kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan. "Hello, Jade bakit ka napatawag?" sagot ng tinawagan ko.
"Nandito ako sa shop mo," sagot ko.
"Eh, Iris? ikaw ba ito? Bakit iba ang boses mo?" tanong niya.
"Long story basta pumunta ka dito," sagot ko.
"Ah, okay, hintayin mo ako," sagot niya kaya pinatay ko na ang tawag
"Oh, nagtawag ka ba ng back up mo?" mapang asar na sabi ng lalaki kanina at tumawa pero hindi ko siya pinansin at hinintay ang tinawag ko.
Mayamaya dumating na ang taong hinihintay ko. Nakita ko naman na naalerto naman ang manager ng makita ito.
"Ms. Remington, bakit kayo nandito?" tanong ng Manager.
She's Erika Remington, may ari nitong Ford. Paborito niya ang Ford kaya nag Franchase siya nito at nagtayo dito sa pilipinas. Nakilala ko si Erika sa Italy, magkaklase kami nung high school. Hindi ko masasabi na magkaibigan kami dahil hindi naman kasi masyadong nagkakausap at nagkikita pero close naman kami dahil business partner ni Dad ang Dad niya.
"Nandito ako dahil nandito ang kaibigan ko," sabi niya at lumingon lingon para makita ako tapos bigla siyang napatingin sa akin. Kumunot naman ang noo niya at ng mamukhaan ako nanlaki ang mata niya. "Jade? Ikaw ba iyan?" sabi niya at lumapit sa akin. hinayaan ko lang siyang tawagin akong Jade dahil hindi naman ako kilala ng mga ito isa pa may lalaki naman na Jade ang pangalan.
"Yeah," sagot ko.
"What happened to you" tanong niya.
"Long story," sagot ko. "Tinawag kita dahil ayaw akong pagbilhan ng mga 'yan ng kotse."
"WHAT?" gulat na sabi niya at humarap sa employee niya. "Bakit hindi niyo siya pinagbibilhan?"
"Kasi ma'am baka hindi niya mabili ang kotse," sagot ng manager.
"At bakit mo na sabi?" tanong niya.
"Dahil ganyan ang suot niya," sagot nito.
"'Yun lang? Dahil lang doon kung bakit ayaw niyo siyang pagbilhan?" galit na sabi niya. "Mas mayaman pa ito sa akin, wala pa nga sa kalahati ang kinikita niya sa kinikita ko at isa pa bakit bumabase kayo sa pananamit ng mga tao, tingin niyo lahat ng mga nakasuot ng magagarang damit mayayaman? Karamihan sa kanila nagpapanggap lang para masabing mayaman sila." Hindi naman nakapagsalita ang manage at nakayuko lang.
Bigla naman akong napatingin sa wrist watch ko. "Tama na 'yan Erika, may pupuntahan pa ako kailangan kong makabili ng kotse ngayon."
"Okay, tara i-process na natin ngayon ang kotse mo," sabi niy tapos tumingin sa mga employee niya. "Mag uusap tayo mamaya."
"Wait, Erika," pagpigil ko sa kanya. "Hindi siya kasali sa mga ayaw akong pagbilhan, siya lang ang umasikaso sa akin dito." Turo ko doon sa umasikaso sa akin.
"Ganun ba? Okay, sa kanya ko ibibgay ang commission ng bibilhan mong kotse," sagot niya.
"MALAPIT NA ako Mark," sabi ko.
Lumipas nag isang araw ay nakarating din ako sa Mindanao, natagalan ako dahil kailangan kong magpagas, kumain at magtulog ng ilang oras. Wala akong kapalitan kaya kailangan kong tumigil para matulog, hindi pwedeng wala akong tulog kapag sumugod ako sa base ng dumukot kay Zeus baka ito pa ang maging dahilan para manghina ako.
"Sakto lang ang dating mo, mamayang gabi dadalhin na ang mga bata sa Auction kailangan mong mailigtas si Zeus bago sumapit ang gabi," sagot niya.
"Noted," sagot ko.
Pagdating ko sa location na binigay ni Mark, pinark ko ang kotse ko malayo sa base ng dumukot kay Zeus. Walang masyadong dumadaan na tao dito dahil medyo tago ito. Pagdating ko sa base nagtago ako sa matataas na d**o at inobserve ang mga nakabantay doon.
"May mga naka bantay sa harap ng base nila may nakikita ka ba na pwede kong pasukan?" tanong ko kay Mark.
"Walang masyadong dumadaan sa gilid ng base, dumaan ka sa taas ng mga puno hindi ka mahahagip ng cctv doon at kapag papasok ka na pansamantala kong i-a-unactive ang mga cctv," sagot niya.
"Okay," sagot ko.
To be continued...