Jade's Point of View
Maingat akong naglakad papunta sa gilid ng base, binaba ko rin ang presensya ko para hindi nila ako maramdaman. Nang masiguro kong nasa iba ang atensyon ng mga bantay agad akong tumakbo papunta sa gilid ng base pagkatapos mabilis na umakyat sa puno. Pagkatapos nun mabilis akong tumalon talon sa mga puno hanggang mapunta ako sa isang puno na malapit sa dingding ng base.
"Mark papasok na ako," sabi ko.
"Okay, 10 seconds lang ang tagal na pwede kong i-unactive ang cctv para hindi nila mahala," sagot niya.
"It's okay, sapat na iyon," sagot ko.
"Go, Iris," signal niya.
Mabilis naman akong tumalon papasok sa base at nagtago sa blind spot ng cctv. Sumilip ako sa bintana na malapit sa akin at ng masiguro kong walang tao pumasok ako at nagtago sa mga gamit na nandoon.
"Marami rin tayong nakuhang mga bata ngayon ah," sabi ng isa sa mga tao dito.
"Oo nga paniguradong tiba tiba tayo," sabi ng kausap niya tsaka sila nagsitawanan.
"Bastards," bulong na sabi ko. "Nasaaan ang mga bata?"
"Sa pintong binabatayan ng dalawang kasama mo," sagot niya.
"Babalik na ako sa pwesto ko baka hanapin pa ako," sabi ng unang nagsalita.
"Sige, Pare," sagot ng kausap niya.
Sumilip ako para tignan kung nakaalis na ba ito at ng masiguro ko na nag iisa na lang ito dahan dahan akong lumapit sa kanya at ng nasa likod na niya ako agad kong pinalupot ang kamay ko sa leeg niya. Nagpupumiglas ito pero ilang segudo lang wala na itong buhay, tinago ko muna siya bago ako pumasok sa loob ng pintuan. Bumungad sa akin ang isang hagdan pababa, madilim at tanging kandila lang ang nagsisilbing ilaw.
Dahan dahan akong bumaba sa hagdan, habang bumababa ko mas lumalakas ang naririnig kong iyakan ng mga bata. Lahat sila natatakot at hinahanap ang mga magulang nila, naikuyom ko naman ang kamao ko. May mga tao talaga na nasisikmurang gawin ang mga bagay na ito, wala ba silang mga anak? Paano kung sa mga anak nila nangyari ito.
"SABING TUMAHIMIK KAYO!" sigaw ng lalaking nagbabantay sa kanila pero imbis na tumahimik mas lalo silang naiyak sa takot.
"'Wag mo na lang kasi silang pansinin mas lalo silang mag iingay dahil tinatakot mo sil," sabi ng kasama niya.
Base sa presenyang nararamdamn ko maliban sa mga bata ay dalawa lang silang nagbabantay dito. Kinuha ko ang dagger ko na nasa liko ko pagkatapos mabili akong tumakbo sa kanila na ikina-alerto nila.
"Sino--" Hindi na niya natuloy ang sinasabi ng hiniwa ko ang leeg niya at pagkatapos mabilis akong lumapit sa isang lalaki at ganun din ang ginawa ko.
"Shhh," sabi ko sa limang bata. Tumahimik naman sila. Binuksan ko ang kandado ng kulungan nila gamit ang pin. "Tara mga bata, 'wag kayong mag ingay."
Nauna akong naglakad sa kanila para masigurong walang mga bantay. Nang wala akong makita sinabihan ko ang mga bata na lumabas agad.
"Sh*t," Nang maramdaman kong may paparating kaya mabilis kong pinatago ang mga bata. Hndi agad sila mapapansin dito.
"Dito muna kayo, kailangan ko munang ubusin ang mga batay para makalabas kayo dito," sabi ko sa kanila. Tumango naman sila. "Wag kayong gumawa ng ingay okay?"
"Teka, nasaan si Andoy bakit walang nakabatay dito?" tanong ng kararating na bantay.
"Kanina nandito lang siya ah," sagot ng kasama niya.
Naglakad ako papalapit sa kanila pero napansin ako ng isang lalaki. "MAY NAKAPASOK!" sigaw nito at mabilis akong pinagbabaril.
"F*ck," inis na sabi ko habang iniilagan ang bala pagkatapos kinuha ko ang baril ko sa hita ko at binaril sila.
Nagsidatingan naman ang ibang mga kasama nila at mabilis akong pinaulanan ng bala. Mabuti na lang at marming mga gamit dito at madali lang akong makaillag.
"HULIHIN NIYO SIYA,"
Kapag nagkakarga sila ng bala nila doon ako lumalabas para barilin sila, hindi naman sila ganun ka dami kaya madali ko lang silang naubos. Akala ko naubos ko na sila pero hindi ko akalain na may hindi pa natuluyan kaya nabaril niya ako sa paa pero agad ko rin naman itong binaril dahil para tuluyan na itong mamatay.
"Arrgg, sh*t," daing ko sa nabaril ko.
"Ayos ka lang, Iris?" Tanong ni Mark.
"Ayos lang naman malayo sa bituka," sagot ko tsaka naupo sa sahig. "Kailangan ko lang maalis ang bala sa paa ko para makalakad ako ng maayos." Nagpunit muna ako sa damit ko pagkatapos tinupi ito at nilagay sa bibig ko at kinagat pagkatapos kinuha ko ang dagger ko pagkatapos nunitunarak ko sa nabaril ko. Napapikit ako sa sakit at mas kinagat pa ang telang nasa bibig ko.
Mayamaya lang natagal ko na ang bala sa paa ko pagkatapos pumunit muli ako sa damit ko kaya naging crop na ito. Ibinalot ko sa nabaril ko ang tela para tumigil ang pag agos ng dugo.
"TIGNAN mo ang nangyari sa 'yo ah, akala ko ba kaya mo ang sarili mo," sermon sa akin ni Hunter Hyung.
"Hunter, 'wag mo na munang pagalitan si Jayden kailangan pa niyang magpahinga," pigil ni Jackson Hyung.
Nandito ako ngayon sa hospital, nung kasing naiuwi ko ang mga bata bigla na lang akong nawalan ng malay dahil sa pagkawalan ng dugo. Hindi kasi sapag ang gianwa ko para mapigilan ang paglabas ng dugo, idadag pa na nag drive pa ako kaya mas lalong bumuka ang sugat ko.
"Tsk, sinabi ko na kasing delekado. Look at him now?," inis na sabi ni Hunter Hyung. "At sino bang mas sabi sa 'yo na tanggalin mo sa sarili mo ang bala ha? Mabiti na lang hindi lumalala ang nangyari sa 'yo."
"Hyung, ayos naman ako eh," sagot ko. "Kapag hindi ko ginawa iyon hindi ako makkaalakad hindi ko maiiuwi ang mga bata."
"Talagang iyon pa ang iniisip mo? Bakit hindi ka na lang tumawag ng pulis sabi mo napatay mo naman lahat ng bantay doon," sagot niya.
"Kailangan namin kasing umalis agad doon bago pa dumating ang ibang back up nila. Ang tagal pa namang dumating ng mga pulis," sagot ko.
Napahilamos naman siya sa inis. "Ang tigas tigas talaga ng ulo mo kahit kelan," inis na sabi niya. Tumahimik na lang ako dahil kapag nagsalita pa ako baka sumabog na siya sa inis. "'Wag mo ng gagawin iyon, 'wag ka ng magpaka superhero kung ikakapahamak mo lang iyon." seryosong sabi niya.
"Oo na, last na ito," For now, habang ako si Jayden tutuparin ko ang sinabi niya pero kapag ako na ulit si Jade mababali ko panigurado ang sinabi ko.
"Talagang last na iyon," sabi niya sabi niya tsaka ito lumabas sumunod naman sa kanya sina Jackson Hyung. May klase pa kasi sila ngayon, nagpaalam lang sila na bibisitahin ako.
"Ang strict naman ng Hyung mo," bulong na sabi sa akin ni Athena na nasa tabi ko at nagbabalat ng mansanas. "Pero ang sweet niya ah, nag aalala talaga siya sa kalagayan mo. Nung nawalan ka nga ng malay halos banggain na niya ang mga kotse maisugod ka lang sa hospital."
"Matagal na kasing gustong magkaroon ng kapatid ni Hyung pero hindi natupad dahil busy siya kaya ng mapalapit ako sa kanya tinuring niya ako na totoong kapatid niya," sagot ko at kinain ang mansanas na binigay niya.
Napatango naman siya. "Pero sobra namna yung pag alala niya. Ako nga na best friend mo hindi ganun ang reaction mo."
"Alam mo kasi ang kayang gawin ko kaya may tiwala ka na sa akin," sagot ko.
"Sabagay, alam kong walang masamang mangyayari sa 'yo," sagot niya.
"Ayos na ba si Zeus?" tanong ko.
"Hindi, masyado siyang na trauma sa nangyari last week," sagot niya.
Kinailangan ipa-psychology si Zeus dahil kapag gabi bigla na lang itong nagsisigaw at kapag may narinig lang siya na sigaw agad siyang nanginginig sa takot.
"Isang linggo na ako dito hindi pa ba ako pwedeng umuwi? Naiinisp na ako," reklamo ko.
Hindi talaga ko sanay na wala akong ginagawa sa buong araw, gusto ko lagi akong gumagalas o may lagi akong ginagawa.
"Pwede naman kaya lang sinabihan ni Hunter ang doctor mo na 'wag ka munang palabasin hanggang hindi pa talaga magaling ang sugat mo," sagot niya.
"Nakakainis naman si Hyung," maktol ko. Kung dati strict na sa akin si Hyung pero mas lalo siyang naging strict dahil sa nangyari sa akin. Lahat ng galaw ko dapat alam niya. "Gusto ko ng lumabas."
"Edi lambingin mo ang Hyung mo paniguradong bibigay iyon sa 'yo," suggest ni Athena.
Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Good Idea," sagot ko.
To be continued...