Chapter 20

2387 Words
Jade's Point of View "Yung sinabi ko sa 'yo Jayden 'wag mong kalimutan," paalala ni Hunter Hyung sa akin. "Oo naman Hyung," sagot ko.  "Good," sabi niya tapos binaling ang atensyon niya kina Samuel Hyung. "Sabihin niyo sa akin kapag gumawa ng mabibigat na trabaho si Jayden, kung hindi kayo ang malalagot sa akin. Understand." "Yes Hyung," sagot ng dalawan. Pinayagan na kasi ako ni Hunter Hyung na pumasok sa school swempre mahabang debate muna ang ginawa namin bago ako payagan pero may mga kundisyon siya, bawal muna akong gumawa ng mga bagay na makakapagbukas ng sugat ko gaya ng paglilibot sa buong school kaya si Jacob na muna ang gagawa nun at ako naman ay sa mga papeles.  Kailangan ko ring manatili sa wheel chair na kahit na pwede namang gumamit ako ng saklay pero dahil makulit si Hunter Hyung gusto niyang mag wheel chair ako. Mas maganda na raw ang sigurado kesa sa mas lumala pa lalo ang sugat ko. ""Tama na 'yang pagpapaalala mo paniguradong hindi na nila iyan makkaalimutan dahil ilang beses mo na silang pinapaalalahanan," sabi ni Jackson Hyung. Kanina pa kasing nasa bahay kami hanggang sa makasakay kami ng kotse panay ang paalala niya sa amin kung ano ang dapat namain gawin. "Tss. Maganda ng nagkakaintindihan kami lalo na at sobrang kulit nitong si Jayden," sabi niya kinangiwi ko. Aminado naman ako na makulit ako pero mas makulit naman kaya siya. "Oo alam namin pero kapag nagtagal ka pa sa panenermon mo baka ma-late na tayo, may long quiz pa tayo sa first subject natin," sabi ni Jackson Hyung. "Oo nga Hyung, alam ko na naman ang gagawin ko," dagdag ko. Marami rin akong gagawin dahil isang linggo akong absent. Hindi ko naman maaasahan si Jacb dahil dakilang tamad iyon mas gusto niyang tumambay lang pero maaasahan naman iyon pagdating sa responsibilidad niya bilang VP ayaw na ayaw nga lang talaga niyang magbasa. Nagbuntong hininga naman si Hunter Hyung. "Sige na, papasok na kami," sabi niya pagkatapos sumakay na sila sa ATV nila para pumunta sa building nila. "Una na rin kami," sabi ni Skylar Hyung. "Okay," sabi ko kaya naglakad na sila papunta sa building namin. "May kakulitan din pala si Hunter no? Biruin mo halos 30 minutes kang sinasabihan," sabi ni Noona hang tinutulak ang wheel chair ko. "Mas magugulat ka pa kung malaman mong para siyang bata," sagot ko sa kanya. "Pero malabong makita mo iyon sa akin lang niya kasi pinapakita ang ugali niyang iyon." "Kapatid na kapatid talaga ang turing niya sa 'yo no?" sagot niya. "Yeah," sang ayon ko.  "Maganda rin siyang maging kapatid dahil spoiled na spoiled ako sa kanya lahat ng gusto ko nakukuha ko pero kapag may ayaw siya na gusto kong gawin hindi ko siya mapipilit." "Wow, ang sarap naman sa pakiramdam na spoiled ka ng kilalang pinaka cold na tao dito," sabi niya. "Oo nga at kahit na mahigpit siya hindi namna nakakasakal," sagot ko. "BAKIT ANG DAMI naman nito?" reklamo ko ng makita kong sobrang taas ng mga papeles na nasa table ko. "Isang linggo ka ba namang nawala malamang matatambakan ka," sagot ni Noona. "Kainis naman oh," inis na sabi ko pero kahit anong reklamo ko hindi mawawala ang sangkaterbang papeles na ito kaya no choice ako kundi ang gawin lahat. "Maiwan na kita para matapos mo na nag gagawin mo," sabi ni Noona. "Okay," sabi ko at inumpisahan ng basahin ang mga papeles na nasa table ko. Nakalahati ko na ang mga papeles ko ng mapansin kong may letter na nakalagay doon. Kunuha ko ito pagkatapos binasa. Dear Mr. Jayden Mercado, Nabalitaan ko ang ginawa mong pagbabago sa school ninyo at humahanga ako sa ginawa mo dahil napatino mo ang ilan sa mga schoolmate mo. Kahit na napakaraming mga gangters, anak ng mga mafia at anak ng mga milyonaryo ang nag aaral diyan ay hindi ka natakot na banggain sila kaya sobrang laki ng respeto ko sa 'yo. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako napasulat sa 'yo, gusto ko sanang magpatulong sa 'yo na gawin mo ang ginawa mo sa mga schoolmates mo sa mga estudynate ko dito sa Heavens University. Sana mapagbigyan mo ang hiling ko. Thank and Regards, Kimberly Jones, DEAN of Heavens University Mabilis rin palang kumalat ang balita ang ginawa kong pagbabago sa school, paanong hindi maliban sa kilala ang school na pinakamagandang University sa buong pilipinas kilala rin ito dahil sa mga estudante sa pagiging baolente at pasag ulo. Marami mang gustong pumasok dito hindi nila magawa dahil sa balitang laging nabubully ang mga baguhang estudyante lalo na kapag mahirap kaya nga lagi nilang binubully si Jayden noon. "Hindi naman masamang tanggapin ang alok ni Ms. Kimberly pero paniguradong hindi papayag si Hunter Hyung na tanggapin ko ito, kailangan ko munang magpagaling," sabi ko sa sarili ko. Kahit pa makipag debate ako sa kanya ng makipag debate hinding hindi iyon papayag. Kapag nag desisyon na siya hindi na mababago pa nag isip niya, napagbigyan lang ako sa hiling ko na pumasok dahil nangako ako sa kanya na hindi ko ipapahamak ang sarili ko.  Kumuha ako ng papel at ballpen, susulatan ko si Ms. Kimberly na papayag ako pero kailangan ko munang magpagaling. Sabi ng doctor isang buwan ay gagaling na ang sugat ko pero kailangan ko pa ring iwasan ang mabibigat na gawain para hindi na mas lumala pa ang sugat ko. "Time to drink your medicine," sabi ni Noona sa akin. Napatingin naman ako sa orasant nakitang 10am na . Every four hours kailangan kong uminom ng gamot base sa binigay na reseta ng doctor sa akin. Alam ni Hunter Hyung paniguradong makakalimutan kong uminom ng gamot kaya binilinan niya si Noona na ipaalala sa akin ang gamot ko. "Thank you Noona," sabi ko ng iabot niya sa akin ang gamot pagkatapos mabilis ko itong ininom. "Muntik ko na ngang makalimutan iyan buti na lang nag set ako ng alarm kundi malalagot ako sa Hyung mo," sabi niya na kinatawa ko. Binantaan kasi siya nito na kapag hindi ako napainom ibabagsak nito ang kumpanya nila at seryoso siya sa sinabi niya. Sabi ko nga kapag nag desisyon na siya final na wala ng pero pero. "Hindi ko naman sasabihin kay Hyung kung nakaligtaan mo man," paniniguro ko. "Kahit na malay mo may spy pala siya ng hindi natin alam," sagot niya. Sabagay may point siya. Lahat pa naman kayang gawin ni Hyung. "Oo nga pala," sabi ko tsaka kinuha ang sulat na ginawa ko. "Pakipadala ito sa Dean ng Heavens University." "Para saan ito?" tanong niya ng makuha ang sulat. "Reply ko sa sulat nito," sagot ko. "Ano naman ang dahilan ng pagsulat niya?" tanong niya. "Gusto niya raw tulungan ko siya, gawin ko raw sa school niya ang ginawa ko dito," sagot ko. "Pumayag ka naman?" tanong niya. "Oo pero hindi ngayon, alam mo namang hindi papayag si Hyung na tanggapin ko 'yan habang hindi pa ako magaling," sagot ko. Tumango naman siya. "Okay, ipapadala ko ito," sabi niya pagkatapos lumabas na ng office ko kaya tinuloy ko na ang ginawa ko. Nang matapos ko ang ginawa ko, naisip ko bigla na kumustahin si Jayden. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Nathan. "Hello," sagot niya sa tawag ko. "Kumusta na ang kakambal ko?" tanong ko. "Ganun pa rin pero makakasiguro ka na gagaling ang kapatid mo," sagot niya. "I know, I trust you and your hospital," sabi ko. Sa isang dekadang nakatayo ang hospital nila wala pang namamatay sa mga pasente nila dahil well train ang mga doctor nila. Kahit na naka pag train na ang doctor, i-te-train pa rin nila ito para mas mahasa pa lalo ang mga ito. "Ikaw, may balita ka na ba sa gumawa 'nun kaya Jayden?" tanong niya. "Wala pa nga," sagot ko. "Mukhang nahihirapan ka sa paghahanap mo," sabi niya. Napabuntong hininga naman ako.  "Nahihirapan akong hanapin sila dahil walang clue kung paano sila hanapin pero hindi ako susuko, mananagot dapat ang managot sa ginawa nila sa kakambal ko," sabi ko. Isa rin ito sa dahilan kung bakit nahihirapan ako, hindi ko alam kung paano ko hahanapin ang nanakit sa kakambal ko dahil wala man lang akong clue tungkol doon. Delete rin ang video na kuha ng cctv sa araw na sinaktan nila si Jayden kaya wala akong makuhang lead kung sino ba ang mga taong ito. Kung ganito kalinis nag krimeng ginawa nila paniguradong kasali sila sa organization. Hindi nila magagawa ito kung wala silang connections. "Alam kong kaya mong gawin iyan, ikaw pa ikaw na kinakatakutan ng lahat ng mafia boss," sabi niya. "Doc, kailangan na kayo sa operator room." Rinig ko sa linya niya. "Sa susunod na lang ulit Iris." sabi niya. "Sige," sabi ko pagkatapos pinatay ko na ang tawag. Natapos na ako sa ginawa ko kaya naman sinabi ko na kay Noona na papasok na ako sa klase. Hindi naman porket President ako ay araw-araw akong hindi papasok, student pa rin naman ako pero kapag sobrang busy ko talaga at kinakailangan na mag absent ako ng isang linggo doon lang ako hindi papasok. Nakakasunod din naman ako sa lesson dahil pinapadalhan ako ng mga na miss kong lesson at pinag aaralan ko iyon ng mag isa. Pwede naman na kapag may hindi ako naintidihan magpapatulong lang ako sa mga Prof ko pero hindi ko na kailangan iyon, hindi sa pagmamalaki pero mas mataas pa kay Einstein ang IQ namin ni Jayden. Nung pinakunsulta kami ni Dad para malaman ang IQ namin ay nasa 190 ito pero noong bata pa kami 'nun ngayon hindi alam kung nasa 190 pa rin ba o tumaas madali na lang kasi sa akin ang makapagmemories ng isang buong book. "Excuse me Prof," sabi ko ng makarating ako sa room. Ako lang ang mag isa dahil kaya ko naman papasok rin si Noona ayoko naman na mapagod pa siya. "Oh, Mr. President," sabi ng kasalukuyang Prof namin ngayon at lumapit sa akin. "Ayos na ba ang kalagayan mo?" "Yes, Prof, Thank you for asking," nakangiting sagot ko. "Papasok ka ba?" tanong niya. "Yes, Prof," sagot ko. "Kung ganun tulungan na kitang iakyat ang wheel chair mo," sabi niya medyo mataas kasi ang step sa doorway. "Thank you," sabi ko ng makaakyat ang wheel chair ko. "Wala iyon, sige at para hindi ka na mahirapan dito ka na lang muna sa unahan pansamantala," sabi niya. "Mr. Perez doon ka muna sa pwesto ni Mr. Mercado." "Yes, Prof," sagot nito tsaka naglakad papunta sa pwesto ko. Pinatabi na muna ni Prof ang upuan sa gilid para magamit ko ang lamesa. Pagkatapos nun nag umpisa na kaming mag lesson. "JAYDEN lunch na tayo," sabi ni Samuel ng makalapit na sila sa akin. "Sige, gutom na rin ako," sabi ko. Pumunta naman sa likod ng wheel chair ko si Skylar Hyung pagkatapos itinulak ito. Habang dumadaan kami sa hallway panay ang kumusta sa akin ng mga estudyante at swempre nakangiti ko silang sinagot na ayos lang ako. "Napakaganda talaga ng implowensya mo sa mga estudyante," sabi ni Skylar Hyung. "Kahit wala ka sa school sinusunod pa rin nila ang patakarang ginawa mo, may mga pasaway pero madali naman silang nasasaway." "Madali naman kasi silang patinuin," sagot ko. "Kailangan lang talaga na intindihin ang sitwasyon nila. Karamihan kasi sa kanila kulang sa atensyon sa mga magulang nila, ang iba sa kanila punong puno ng galit sa puso dahil hindi sila pinapaburan ng mga magulang nila at dahil sa mga nararanasan nila sa bahay nakakagawa sila ng hindi maganda dito sa school pero kung naiintindihan mo naman sila  madali lang silang patinuin." Hindi lang parusa ang ginagawa ko para mapatino sila, minsan tinutulungan ko rin sila sa problema nila sa mga magulang nila o sa mismong problema nila. Karamihan kasi talaga na kapag mayaman ang mga magulang hindi mawawala ang pagkakalabuan sa pagitan ng mga magulang at anak, hindi rin maiiwasan ang mag karoon ng favorite ang mga magulang kung mataas ang expectation nila sa mga anak nila kaya nagkakaroon ng kompetisyon sa pagitan ng mga magkakapatid. Kagaya na lang sa sitwasyon ni Dad, middle child siya at hindi siya masyadong napagtutuunan ng pansin ng mga magulang niya. Mukhang pera rin kasi ang mga magulang niya kung sino man ang nakakapagbigay ng pera sa kanila iyon ang pinapaburan nila at paburito ng mga ito ang apo nila sa anak nilang nakakapagbigay ng pera sa kanila. Naalala ko pa nung bata ako, hindi alam nina Lola at Lolo na mayaman si Dad, itinago kasi nito na may tinayo siyang business dahil kilala niya ang mga magulang niya. Nung nagbakasyon kami ni Jayden sa bahay nila, hindi pa nun divorce sina Mom at Dad, laging kami ang inuutusan nila habang ang mga pinsan namin nakahiga lang o kaya naglalaro kahit na kami ang pinakabata kami lagi ang nauutusan. Kapag miryenda, cake at juice ang sa mga pinsan namin habang kami tinapay at tubig lang minsan wala pa. Kapag naman nag aaway kami ng mga pinsan namin kahit hindi naman kami ang nagsimula kami ang papagalitan at papaluin nina Lolo. Sobrang sakit ng pamamalong ginawa nito dahil sa hita kami pinalo kaya halos hindi na kami makatayo sa sakit. Nalaman iyon ni Dad kaya kahit may meeting pa siya pinuntahan niya kami para sunduin. Mula ng mangyari iyon hindi na kami nagpunta pa sa bahay nina Lola at Lolo, makipag communication man hindi na namin ginawa pero ilang taon ang lumipas nasa Italy kami at divorce na sina Mom at Dad tumatawag sina Lola at Lolo kay Dad dahil nalaman na nila na successful business man na ito, gusto ng mga ito na dalawin namin sila pero hindi pumayag si Dad at lalo naman ako na makita muli sila. Sobra ko talaga silang kinamuhian binabase lang nila ang pag aaruga nila sa mga apo nila kung may pera na ibibigay sa kanila. "Kaya nga maraming rumerespeto sa 'yo ngayon dahil kaya mo silang intindihin," sabi ni Jackson Hyung.  "Pero may mga pasaway pa rin naman," sabi ko. "Hindi naman iyon mawawala sa school kahit na sobrang strict ng school may mga estudyante pa rin talaga na lalabag sa batas lalo na kung hindi nila ito gustong sundin," sagot niya. "Yeah, you're right," sagot ko. "Mayamaya na kayo mag kwentuhan nagugutom na ako," reklamo ni Tayler Hyung. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD