Chapter 21

2067 Words
Jade's Point of View "Jayden sit here," sabi ni Hunter Hyung.  Paika-ika naman akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Kaya ko naman talagang maglakad lakad basta 'wag lang bigyan ng bigat ang kaliwang paa ko pero masyado lang talagang o.a si Hunter Hyung mas gusto niyang mag wheel chair ako para daw hindi ko mabigla ang kaliwang paa ko. Maganda naman iyon kaya lang masyado siyang o.a eh. Kinuha niya ang kaliwang paa ko at nilagay sa hita niya, lilinisin niya kasi ang sugat ko. Ayaw niyang ipalinis ito sa akin o kanino man gusto niya siya lang ang maglinis ng sugat ko. Ewan ko ba sa kanya parang wala siyang pinagkakatiwalaan pagdating sa akin. "Tsk," inis na singhal niya ng makita ulit ang sugat ko. Ganito ito kada nililinisan niya ang sugat ko. "One more time I see a wound like this in you. I will lock you in a room, so that you will be unhurt again." "Normal lang naman na magkasugat ako dahil gangster ako diba?" sagot ko sa kanya. Ang o.a naman kasi niya talaga. "Nawala lang ako sa focus kaya nabaril ako pero hindi ko na hahayaan na mabaril pa ako." "Tss," sabi lang niya at inumpisahan ng linisin ang sugat ko. Medyo pahilom na rin naman ang sugat ko kaya anytime gagaling na rin ito pero kahit ganun hindi ko pa rin ito dapat bigyan ng bigat kapag naglalakad ako para mas lalong gumaling ito. "Done." sabi niya ng matapos niya linisin ang sugat ko. Umupo naman ako ng maayos at pinanood na maglaro sina Samuel Hyung at Tayler Hyung sa PS5. "Talo ka na naman," sabi ni Tayler Hyung kay Samuel Hyung. "Tsk, ayoko na nga lagi na lang akong natatalo," inis na sabi nito at padabog na tumayo. "Weak ka lang kasi talaga," sagot ni Tayler Hyung. "Tara tayo namang dalawa ang maglaro Jayden." Sasagutin ko sana siya ng unahan ako ni Hunter Hyung. "He not allowed," sabi niya. "Eh bakit naman? Maglalaro lang naman ako eh," maktol kong sabi. "You need resting for your wound to heal quickly," sagot niya. "Makakapagpahinga naman ako dahil nakaupo lang naman ako," sagot ko. "Oo nga naman, wala na ngang ginagawa si Jayden puro nakaupo na lang siya kaya kailangan rin niya ng libangan," dagdag ni Tayler Hyung. Lahat na lang pinagbabawal niya sa akin, sa pagkain bawal akong kumain ng junkfood dapat laging masustansya ang kakainin ko ayos lang naman sa akin iyon dahil hindi naman ako kumakain ng junkfood dahil sa trabaho ko kailangang maging fit ang katawan ko para hindi mapagod agad ang katawan ko. "Tsk, fine but you only have to go to bed early until 10 pm," sabi niya. Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Thank you," sabi ko tapos tumabi kay Tayler Hyung at kinuha ang controller. "MOM BAKIT ka napatawag?" sagot ko sa tawag ni Mom. "Birthday ng nanay ni Robin bukas kailangan mong magpunta," sabi niya. "Bakit kailangan kong magpunta doon?" tanong ko. "Gusto niyang makita si Jayden at dahil ikaw ngayon si Jayden kailangan mong pumunta," sagot niya.  "Bakit gusto niyang makita si Jayden?" takang tanong ko. "Kahit hindi niya totoong apo si Jayden siya ang paborito nito dahil tanging ito lang kasi ang bumibisita sa kanya noon na hospital ito. Hindi man lang siya dinadalaw ng totoong mga apo niya, pupuntahan lang siya ng mga ito kapag may pakikinabangan sila," paliwanang niya. Kita mo nga naman kung sino pa ang hindi katugo ito pa ang may malasakit, minsan hindi talaga totoo ang 'Blood is thicker than water' dahil kahit kamag anak mo iyan kapag pagdating sa pera hindi ka na nila kikilalanin na kamag anak pa saka ka lang nila kikilallanin kapag mayaman ka na. "Pero may pasok kami bukas Mom," sagot ko. "5pm pa naman mag uumpisa ang birthday party," sagot niya. "Okay, saan gaganapin?" tanong ko. Sinabi naman niya ang address medyo malayo ito sa lugar namin. "Okay Mom pero mali-late ako panigurado dahil malayo," sagot ko. "Ayos lang bast amakapunta ka," sagot niya. "Sige Mom, baba ko na ito marami pa akong gagawin," sagot ko. "Sige bye," sabi niya. Itinabi ko na ang cellphone ko at tinuloy ang ginagawa ko kanin at ilang oras ang lumipas lunch time na. Sinundo ako ni Hunter Hyung sa office ko. "Hyung bukas pupunta ako sa birthday ng Lola ko," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami. "Aren't you attending school tomorrow?" tanong niya. "Papasok, 5pm pa naman ang umpisa 'nun kaya lang ma-le-late ako dahil medyo malayo," sagot ko. "But you can't drive," sagot niya. "Kaya nga isasama kita para mag driver ako," nakangiting sabi ko at kung isasama ko siya madali lang niya akong papayagan. "Is it okay to bring someone with you?" tanong niya. "Oo naman," sagot ko. "Ano ayos lang ba sa 'yo?"  "Of course to make sure your wound won't get worse," sabi niya. UWIAN na pero hindi pa kami uuwi ni Hunter Hyung, pupunta muna kami ng mall para bumili ng regalo kay Lola. Sabi ni Mom hindi naman daw mapili sa regalo si Lola kahit ano tatanggapin niya kahit pa simpleng regalo lang masaya na ito. "You think your Grandma will like it?" tanong ni Hyung at pinakita ang pearl necklace na hawak niya. Nandito kami sa jewelry store. "Sabi ni Mom kahit ano ayos lang sa kanya," sagot ko. "Then this is all I will give as a gift," sabi niya tapos binayaran na niya ito. Wala akong napili na maganda sa mall kaya nagpunta kami sa antique shop. Mahilig din daw kasi si Lola sa mga antique vase kaya iyon na lang ang ibibili ko sa kanya.  "I like this," sabi ko sa hawak kong vase. Blue and White na may dragin at lotus ang design. "Anong tawag dito?" "Dragon and Lotus sir," sagot ni Mr. Henry. Half Filipino half chinese. "A very rare large blue and white 'Dragon and Lotus' vase, Tianping. Qianlong six-character seal mark in underglaze blue and white of the period 1736-1795." Kaya pala ang mahal dahil napaka tagal nito at talagang na preserve nila ito ng maayos dahil ang ganda pa rin ng kulay.  Sigurado akong legit lahat ng antique dito dahil kilala ko si Henry, isa siya archaeology lahat ng mga binebenta niya ay siya mismo ang nakahanap. Legal din ang pagpapatakbo ng business niya kaya tiwala akong legit lahat ng mga binebenta niya. "How much?" tanong ko. "$300 000," sabi niya. Napatango naman ako, good price for a good qualty.  "Kukunin ko ito," sabi ko. "Thank you so much," masayang sabi niya. Matapos kong bayaran ang vase binigay niya ito na naka pasok na sa kahon na kahoy at may lamang mga talahib para hindi agad ito mabasag. Kasama rin sa binigay niya ang authenticity certificate na nagpapatunay na legit talaga ito. "Thank you so much, come again," sabi ni Mr. Henry. "You really are a young master," sabi ni Hunter Hyung pagsakay namin sa kotse. "you don't care even if you spend a lot." Nginitian ko lang siya. I know mukha akong spoiled brat na walang pakielam sa nagagastos dahil mayaman ang magulang but that's my money, hindi na ako umaasa pa kay Dad dahil kaya ko namang kumita ng sarili kong pera. Mas gusto kong pinag hihirapan ang pera ko kesa sa tumatanggap lang ako. "APO KO," sabi ni Lola ng makita ako at agad akong niyakap. "Anong nangyari sa 'yo apo? Bakit naka wheel chair ka?" "Long story po Lola," sagot ko sa kanya. Ayokong mag isip pa ng ipapaliwang ko sa kanya. "Ayos na rin naman po ako papagaling na rin naman po, kailangan ko lang mag wheel chair para madaling gumaling." "Ganun ba," sabi niya tapos tumingin kay Hunter Hyung. "At sino naman ito gwapong kasama mo?" "Kaibigan ko po, si Hunter Hyung," pakilala ko dito. "Nice to meet you madam," sabi ni Hyung at nakipagkamay kay Lola. "Nice to meet you din iho," sagot ni Lola. "O siya kumain na muna kayo bago tayo mag kwentuhan ulit." "Sige po Lola," sabi ko. Iniwan muna kami ni Lola para i-entertain ang ibang mga bisita niya na bagong dating lang din pagkatapos tinilak na ni Hunter Hyung ang wheel chair ko at dinala ako sa table na walang nakaupo. "I'll take our food, what do you want?" sabi ni Hunter Hyung. "Kahit ano," sagot ko. "Okay," sabi niya at iniwan ako. Busy ako sa pagkalikot ng cellphone ko ng lumapit sa akin, pinsan sila nina Violet. "Hi, Jayden," sabi sa akin ng babaeng naka yellow dress at naka twin braids. She's Nichole Mercado. "Pakilala mo naman kami doon sa gwapo mong kasama." "Oo nga," sabi naman ng naka red croptop, short short at naka messy ban. She's Katrina Gabriel. "Sure, why not," nakangiting sabi ko. "Pero habang wala siya magkwentuhan muna tayo," sabi ng naka white t-shirt, black ripped jeans at nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok. She's Lizzette Franco. "Ilang buwan lang tayong hindi nagkikita pero ang laki na ng ipinagbago mo. Hindi namin akalain na sa likod ng malaking salamin mo ay may nakatagong ka-gwapuhan." "Oo nga, hindi kita agad nakilala kung hindi lang sinabi ng Mom mo na ikaw si Jayden," sang ayon ni Katrina. "Bakit ngayon mo lang naisipan na baguhin ang sarili mo?" "Kailangan ba may dahilan ang biglang pagbabago ko?" tanong ko sa kanila. "Can't I just want to change?" Hindi agad sila nakasagot at nakatingin lang sila sa akin. "What happening here?" tanong ng kararating lang na si Hyung. "Nah, just small talk," s**o ko. "Hmm, okay," sabi niya pagkatapos nilapag niya sa harap ko ang pagkain ko at tsaka umupo siya sa tabi ko. "By the way, Hyung, this is my cousins Katrina, Nichole and Lizzette. Girls this is Hunter," pakilala ko sa kanila. "Hi, Hunter," sabay na sabi nila hindi gaya kanina ang tono ng boses nila parang pa-flirty ang boses nila. "Are you single?" tanong ni Katrina kay Hyung pero hindi siya sinagot nito. Kita ko sa mukha niya ang pagkapahiya pero binaliwa niya lang iyon. "You know, I'm single too and I'm ready to mingle." Gaya kanina hindi pa rin siya pinansin ni Hyung. "Pagpasensyahan niyo na siya, he doesn't talk to strangers," sabi ko habang pinipigil ang tawa ko. Base sa information nila, lahat ng babaeng pinsan nina Violet ay mahilig sa gwapo at mayayaman. Ayaw nilang magtrabaho mas gusto nila na mag asawa na lang ng mayaman kaya mas nag focus lang sila sa pagpapaganda. Iyon din kasi ang itinuro sa kanila ng mga nanay nila na magpaganda na lang para makapag asawa ng mayaman. "Ah, ganun ba," sabi ni Katrina. "Pero napakilala mo naman kami kaya hindi na kami stranger." "Yeah. but It doesn't mean he will talk to you," sagot ko. "Hayaan niyo na lang siya nandito lang naman siya para samahan ako at hindi para maghanap ng karelasyon." "Kung ganun din aalis na lang kami," sabi ni Nichole hindi na mabait ang boses niya at inaasahan ko naman iyon. Nilapitan lang naman nila ako para makausap si Hyung ganun naman sila eh kapag may kailangan sila saka ka lang nila kakausapin. "Okay, bye," nakangiting sagot ko. Kita ko namang nainis sila pero agad din naman silang ngumiti tsaka umalis. "Umalis din sila." "You don't like them?" tanong niya. "Yeah," sagot ko at tsaka kumain. "But they are your cousins.," sagot niya. "Nah, just step-cousins, pamangkin sila ng step-dad ko," walang ganang sagot ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa mga iyon lalo na sa mga ginawa nila kay Jayden noon. Kapag nagsasama sama sila lagi nilang ginagawang utusan ito. Ni minsan hindi nila tinuring na pinsan si Jayden, oo hindi nila kadugo ito but the fact na pinakasalan ng Tito nila ang Mom namin sana man lang ituring nila itong pinsan, kung hindi man lang pinsan sana i-respeto naman nila ito hindi iyong gagawin nilang slave si Jayden wala naman itong ginawang masama sa kanila. "Why are you being kind to them? They nothing but want to use you," sabi niya. "Even I hate them; they are still women that should respect," sagot ko. Ayokong baguhin ang pakikitungo ni Jayden sa mga babae. Gentlemen ito kahit na binabastos na siya ng mga babae nirerespeto pa rin niya ang mga ito. "That's why many women like you," sabi niya. Nginitian ko lang siya sa sinabi niya at nag focus sa kinakain ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD