Chapter 22

2196 Words
Jade's Point of View "KUMUSTA ka na apo?" tanong sa akin ni Lola. "I'm fine, kayo po?" tanong ko sa kanya. "Hindi na po kayo nagkakasakit?" "Sa awa ng Diyos hindi pa naman," sagot niya. "Mabuti naman po," sagot ko. Nasa sala kami ngayon nina Lola, nagsiuwian na ang mga bisita niya at kami na lang ang naiwan dito. Dito na rin kami pinapatulog ni Lola, tatanggi sana ako pero ayoko namang makitang malungkot si Lola kaya maaga na lang kaming uuwi bukas. Kahit na ngayon ko lang nakasama si Lola magaan ang loob ko sa kanya kaya siguro napalapit si Jayden sa kanya kahit na hindi niya ito totoong Lola. "Jayden," tawag sa akin ng asawa ni Mom. "Kakausapin kita tungkol sa pang aagaw mo sa posisyon ng Ate mo." "What position?" takang tanong ko. "Ang pagiging President niya. Bakit mo inagaw iyon sa kanya ah," galit na sabi niya. "Inagaw? Bakit ko naman aagawin sa kanya ang posisyon na hindi naman naging sa kanya," sagot ko. Ano bang pinagsasabi ng mga nito? "Akin ang posisyon na iyon," sabi ni Violet. "Ako ang naunang nag volunteer na pumalit sa pagiging President." "Yes, you're the first but that doesn't mean that position is yours," sagot ko sa kanya. "Kahit sino pwedeng maging President hindi lang ikaw," sagot ko. "Pero ako ang nauna doon kaya ako dapat ang maging President." Talagang pinagpipilitan niya pa na sa kanya iyon. Napabuntong hininga naman ako. "Ano bang pinaglalaban mo sa posisyon na iyon? Napakahirap maging President, lagi kang maraming ginawa at dapat na me-maintain mo ang grades mo kahit anong mangyari," seryosong sabi ko. "Sa tingin mo sa grades mo ngayon kapag naging President kaya kaya mo pa bang i-maintain iyon? Ngayon nga na hindi ka President ang baba ng grades mo paano pa kaya kapag naging President ka?" Bigla naman siyang natahimik sa sinabi ko. Hindi gaya namin ni Jayden, nasa average lang ang ang IQ niya. "Ano bang habol mo doon? 'Yun bang funds?" Nagulat naman siya sa sinabi ko. "H-Hindi ah," utal na tanggi niya. Hindi ito makatingin ngmaayos sa akin, sinusubukan ko lang siya pero ang dali niyang bumigay. Hindi siya marunong magsinungaling, madali siyang basahin. "Nung una akala ko nasa 100 thousand lang ang funds ng school pero nagulat ako na nasa million ito. Kung ganito kalaki ang funds marami talagang masisilaw dito. Kung isa kang President madali ka lang makaka access dito at madali mo lang magagawa ang gusto mong gawin dito kahit kumuha ka ng 100 thousand doon hindi ka paghihinalaan," sabi ko at tinignan siya sa mata. "Pero maraming hindi nakakalam na kahit may access ang President sa funds hindi ito pwedeng kumuha ni piso dahil na mo-monitor ng mga council ang bawat perang nababawasan sa funds. Kung may balak man na kumuha ang President ng pera sa funds madali lang din itong mahuhuli at napakalaking kaparusahan ang ipapataw dito." "Bakit mo naman sinasabi sa akin iyan wala naman akong balak na kumuha sa funds." Pilit niyang tinatago ang kaba niya pero napaka obvious naman sa kinikilos niya. "Then bakit mo pinagpipilitang maging President? Hindi ka naman mag ri-risk kung wala kang pakikinabangan diba?" nakangising sabi ko. "'Wag mo ngang pagbintangan si Violet, hindi niya gagawin ang bagay na iyon," galit na sabi ng asawa ni Mom. "Pero bakit gusto niyang maging President? Alam mo ang ugali ng anak mo ayaw na ayaw niyan na napapagod at umaasa lang sa iba, tingin mo kapag naging President siya gagawin niya ang responsibilidad niya bilang President?" tanong ko. "Tama si Jayden," sang ayon ni Lola. "Sa ugali meron ang anak mo hindi siya pwedeng maging President." "Magiging responsable naman ako kapag naging President ako," paliwang ni Violet. "Magiging responsable?" Tumawa ito pagkatapos. "Kalokohan sariling pinaghigaan mo nga inaasa mo pa sa katulong. Pagiging responsableng President pa kaya." "Bakit ganyan naman kayo magsalita sa apo niyo Mom, tandaan mo si Violet ang totoong apo mo," sabi ng asawa ni Mom. "Porket apo ko siya kailangan kampihan ko na siya sa mali niya tulad ng ginagawa mo ha? Kaya ganyan ka spoiled ang anak mo dahil sinusuno mo lagi kahit mali na siya hinahayaan mo lang siya," galit na sabi ni Lola. "At 'wag mong isumbat sa akin na si Violet ang totoo kong apo dahil wala akong pakielam doon. Mas gugustuhin ko pang maging apo si Jayden kesa sa mga totoong apo ko dahil siya lagi niya akong dinadalaw, kahit napakalayo niya nagagawa pa rin niya akong dalawin kahit mababawasan ang allowance niya sa pagbiyahe dito pero ang totoong mga apo ko hindi man lang ako madalaw. Napakalapit ng iba sa akin at may mga kotse pa kayo kahit isang beses man lang hindi niyo ako madalaw." Kaya pala sobrang mahal na mahal niya si Jayden dahil dito niya nararamdaman ang pagmamahal ng isang apo. "Malakas naman kayo Lola bakit namin kayo dadalawin," sagot ni Katrina. "So, gusto niyo munang magkasakit ako bago niyo ako dalawin ha?" malakas na sabi niya. "Matanda na ako, konti na lang ang oras ko sa mundong ibabaw gusto ko naman na makasama kayo sa katiting na buhay meron ako. Paano kung malala ang sakit ko at wala na akong oras para makasama kayo tingin niyo masusulit ko pa ang pagdalaw ninyo." Lumapit naman ako kay Lola para aluhin siya. Sa idad niyang ito bawal na siyang magalit dahil baka bigla na lang siyang atakin sa puso. "Lola tama na, masama sa kalusugan mo ang magalit," sabi ko kanya. Tinignan naman niya ako at nginitian. "Ayos lang ako apo," sabi niya tapos bumaling muli sa mga anak at apo niya. "Naaalala niyo pa ba 'yung na hospital ako? inaasahan ko na isa sa inyo ay alagaan man lang ako para gumaling ako pero anong dahilan niyo lagi kayng busy pero itong si Jayden kahit may pasok siya nagawa niyang lumiban para alagaan ako kaya masisisi niyo ba ako kung si Jayden ang piliin ko sa inyo." "Mom, ginagawa lang niya iyon para may makuha siyang yaman," sabi ng Dad ni Nichole. "'Wag niyong itulad sa inyo si Jayden dahil hindi siya ganun," sagot ni Lola. "Ilang beses ko na siyang inalok ng pera para pag aaral niya lagi niya iyong tinatanggihan at ramdam ko naman na hindi iyon ang habol niya dahil nararamdaman ko sa kanya ang pagmamahal niya para sa akin at tsaka mas mayaman pa nga sa akin si Jayden. Kita niyo naman ang regalo niya sa akin isang antique vase na nagkakahalaga ng $300 000 o 15 million pesos kaya paanong gusto niyang makuha ang yaman ko kung mas mayaman naman siya." "Pero sigurado ba kayo na totoo talaga iyon?" tanong ng asawa ni Mom. "Bihasa sa mga antique vase ang kaibigan ko at sinabi niyang totoo ang vase na ito pati na ang authenticity certificate nito," sagot ni Lola. Bumuntong hininga siya bigla. "Gusto ko ng magpahinga, maliban kay Jayden at sa kaibigan niya umuwi na kayo hindi ko kayo kailangan dito." Tsaka ito tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya. KAHIT inaantok pa ako bumangon na ako, kailangan naming umalis ng maaga para hidni kami late. Magpapadala na lang kami ng uniform kina Jackson Hyung at sa school na lang kami magbibihis. At dahil laging dumadalaw si Jayden dito may mga damit siya dito kaya nakapagpalit kami ng damit kaya lang masyadong malaki si Hunter Hyung kaya sobrang fit sa kanya ng mga damit na pinahiram ko pero ayos naman daw sa kanya nakakagalaw pa rin siya ng maayos. "Good morning Lola," bati ko kay Lola pagbaba namin. Napakalaki ng bahay ni Lola, siya lang at ang mga katulong lang niya ang nandito. Kaya siguro napakalungkot niya dahil siya lang mag isa dito pero napapawi naman iyon kapag dumadalaw si Jayden. Kung malapit lang ang bahay nito sa school baka tumira na dito si Jayden. Hindi rin gustong lumipat ni Lola dahil nandito sa mansion ang mga alaala nila ng yumao niya asawa. "Good morning din apo," sabi ni Lola. "Kain na kayo para makaalis na kayo ng maaga." "Okay po Lola," sabi ko. Umupo kaming dalawa ni Hyung sa kaliwa ni Lola nasa dulo kasi ito nakaupo. "Oo nga po pala La, pasensya na po kung nahinto ako sa pagdalaw ko sa inyo naging busy pa po sa pagiging President ko." Pasensya na rin Lola hindi ako 'yung paborito mong apo. Bigla akong na inggit kay Jayden naramdaman na kasi niya ang pagmamahal ng lola habang ako hindi man lang. Ang lola namin kay Dad pera lang ang habol at ang lola namin kay Mom patay na. Hindi naman siguro masama na hiramin ko muna ang pagmamahal ni Lola habang ako si Jayden diba? Gusto ko lang maramdaman ang may lola. "Don't worry Apo I understand you," sagot niya. "Kailangan mo muna talagang mag focus sa pag aaral mo kahit isang beses mo lang akong dalawin." "Kapag gumaling na ang paa ko linggo linggo dadalawin kita," sabi ko. "Naku, kahit once a month na lang baka maubos ang allowance mo kaka-commute," sabi niya. "Lola, I have a car," sagot ko. Nagtaka naman siya sa sinabi ko. Swempre kilalang kilala niya ang paborito niyang apo. "Bigay po ng totoong Dad ko, hindi ko lang po sinasabi noon baka magalit sa akin ang step-dad ko pero ngayon wala na akong pakielam sa sasabihin niya." "Bigla naman siyang ngumiti. "Nagbago ka na nga apo," sabi niya at hinawakan ang pisngi ko. "At masaya ako sa pagbabago mo, mapapanatag na ako na kahit mawala ako maipagtatanggol mo ang sarili mo." "Lola naman, malakas ka pa kaya 'wag mong sasabihin iyan," sabi ko. "I'm already 87 apo at normal lang sa tao ang mamatay kahit ayoko na iwan ka wala akong magagawa ang Diyos lang ang makakapagsabi kung hanggang kelan lang ako," sabi niya. Bigla naman kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Bakit ngayon ko lang siya nakilala? Sana nakilala ko rin siya ng maaga kagaya ni Jayden. Ang swerte niya. "Kung ganun dapat na linggo linggo kitang dalawin," sabi ko. "Ikaw nag bahala apo, basta makita lang kita ayos na sa akin," sabi niya. "YOU'RE grandma is nice," sabi ni Hyung habang nag da-drive. "Yeah, siya lang ang naging mabait sa akin nung pinakasalan ni Mom ang asawa niya ngayon kahit hindi niya ako totoong apo tinuring niya pa rin ako na apo," sabi ko habang nakatingin sa bintana ng pinto. "You know, I'm kinda jealous to you."Napatingin naman ako sa kanya. "Why?" "Because you have a grandmother, my two grandmas are dead." Parehas pala kaming nagseselos kay Jayden. "Kung gusto mo pwede mo ring maging lola si Lola matutuwa iyon panigurado kapag dalawa tayong dadalaw," sabi ko. "Really, will she agree?" tanong niya. "Of course, mabait si Lola. Ako hindi niya totoong apo pero  tinuring na apo diba?" sabi ko. "Yeah," sagot niya. Hindi ganun ka traffic kaya mabilis kaming nakarating sa school. Sinabihan ko ang guard kung bakit hindi kami na ka uniform kaya naintindihan naman niya tsaka President naman ako ng school. Hindi naman ako lumalabag sa school rules, magbibihis din naman kami at isa pa hindi pa school hour may 30 minutes pa bago magsimula ang klase. "Heto na ang uniform niyo," sabi ni Samuel Hyung at binigay ang school uniform namin. "Thanks," sabay na sabi namin ni Hunter Hyung. "Sige, pupunta na ako sa office ko," sabi ko sa kanila. Pagdating ko sa office ko agad akong nagbihis pagkatapos nahiga na muna sa sofa. Inaantok pa ako kaya matutulog na muna ako at paggising ko akala ko ilang minuto lang akong natutulog pero dalawang oras akong natulog. "Bakit 'di mo ako ginising, Noona," sabi ko kay Noona na nakaupo sa single sof habang nag ce-cellphone. "Ang sarap kasi ng tulog mo," sagot niya. "Konti lang namang gagawin mo kaya ayos lang na matulog ka." "Mabuti naman," sabi ko at naupo ng maayos. "Kumusta kayo kahapon?" tanong niya. "Ayos naman, boring dahil puro matatanda ang bisita ni Lola at business lagi ang pinag uusapan parang hindi nga birthday party iyon parang naging meeting place kasi," sagot ko.  Tumawa naman si Noona. "Ayaw mo talaga kapag business na ang usapan," sabi niya. "Nakakapagtakang business ad ang course mo." "No choice, ayaw din ng kakambal ko na maging CEO," dahilan ko.  Ito ang naisip kong idahilan nawala kasi sa isip kong business ad pala ang course ni Jayden. Yung ugali ko kasi ang na apply ko imbis na ang ugali ni Jayden pero nangyari na eh go in the flow na lang ako. "May kakambal ka pala?" gulat na tanong niya. "Babae o lalaki?" "Yeah, twin sister," sagot ko. "Hindi ko nababanggit na may kakambal ako dahil hindi kami lumaking magkasama kaya hindi ako sanay na may sinasabihan ako tungkol sa kanya." "Why?" Sinabi ko naman sa kanya ang dahilan. "Ang hirap naman 'nun, kambal kayo tapos magkakahiwalay? Hindi naman kasi dapat pinahihiwalay ang kambal." "Kailangan eh, parehas nilang gustong may kasamang anak kaya ginawa na lang nila tig isa sila," sabi ko. "Ang hirap naman ng sitwasyon niyo," sabi niya. "Nasaan ngayon ang kakambal mo?" "Nasa U.S comatose kasi siya," sabi ko. "Oh, I'm sorry," sabi niya. "It's okay," sabi ko. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD