Chapter 23

2186 Words
Jade's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula ng mabaril ako sa paa kaya magaling na ang sugat ko at pwede ko ng ipanlakad. Sa isang buwan maraming nagbago isa na doon si Hunter Hyung, hindi ko alam kung anong nangyari pero isang araw bigla na lang siyang umiiwas sa akin. Noon ang hahaba ng mga sagot niya sa akin kapag kaming dalawa lang pero ngayon halos hindi ko na siya makausap man lang. Lagi rin siyang madaling araw umuuwi hindi gaya noon na parati siyang nasa bahay at natutulog o kaya nagbabasa ng libro. Hindi ko na rin siya kasabay pumasok kaya ako na lang nag da-drive sa sarili ko, hindi na rin namin siya halos makasama sa lunch. Kapag naman tinatanong ko kung bakit parang umiiwas siya sa amin pero palaging wala ang sinasabi niya. Sa una hinahayaan ko lang siya baka may problema lang siya at ayaw niya kaming madamay baka isang araw lang ay pansinin na kami pero dalawang linggo na ang lumipas hindi pa rin niya kami pinapansin ay mali parang ako lang ang ayaw niyang kausapin dahil nakikita ko naman na kapag may tanong sina Jackson Hyung sinasagot naman niya, ako lang ang hindi niya sinasagot niya ng maayos. Naiinis na nga ako kung bakit nilalayuan niya ako wala naman akong maalalang nag away kaming dalawa. "Hindi ka pa rin ba pinapansin ni Hunter?" tanong ni Noona sa akin. Tapos na ako sa ginawa ko kaya nakahiga lang ako sa sofa tinatamad rin akong pumasok hindi rin naman ako makakapag focus dahil laging pumapasok sa isip ko kung ano bang ginawa pa hindi ako pansinin ni Hyung. "Hindi pa," sabi ko tapos napabuntong hininga. "Halos sumakit na ang ulo ko kakaisip kung ano ba ang kasalanan ko kung bakit hindi niya ako pinapansin." Kahit naiinis ako sa hindi pagpansin sa akin ni Hyung hindi ko maiwasan na mamiss ang mga ginagawa niya sa akin. Namimiss ko ang pagiging over protective niya, namiss ko ang pagiging strict niya. "Baka may problema lang siya, kaya hindi ka niya pinapansin ay para hindi ka rin ma-moblema sa problema niya," sagot ni Noona. "Pero dalawang linggo na ang nakalipas mula ng hindi niya ako pinapansin," sabi ko. "Baka hindi ganun kadali ang problema niya kaya natatagalan siya sa paglutas nito," sagot niya. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. "Sana nga ganun nga ang nangyari sa kanya dahil kung hindi baka mabaliw na ako sa kakaisip kung ano bang dahilan kung bakit hindi niya ako pinapansin," sabi ko. "Sana magkaayos na kayong dalawa hindi ako sanay na kasimangot ka eh. Gusto ko ulit makita ang masiyahin at isip batang si Jayden," sabi ni Noona. Kita ko sa mga mata niya na malungkot siya. "Pasensya na Noona," sabi ko.  Hindi ko naman kasi alam kung paano ako magiging masaya kung hindi ako pinapansin ni Hunter. Mula kasi ng hindi niya ako pinapansin may bigla akong na realize akala ko dahil lang sa nakakatandang kapatid lang ang turing ko sa kanya kaya magaan ang loob ko sa kanya pero unti-unti kong napapagtanto na hindi lang kapatid ang turing ko sa kanya kundi higit pa doon pero dahil nagpapanggap ako bilang si Jayden hindi ko maaaring aminin sa kanya na mahal ko siya dahil ayokong mas lalo niya akong layuan, tingin ko hindi naman papatol sa kapwa lalaki si Hyung kaya kikimkimin ko na lang ang pagmamahal ko sa kanya. Jackson's Point of View "Hunter," tawag ko kay Hunter nakahiga siya ngayon sa kama dito sa Royalty Room. Pinaalis ko muna si Tayler dahil kailangan kong makausap si Hunter tungkol sa hindi niya pagpansin kay Jayden. Ayoko ng nakikitang malungkot at walang gana si Jayden, gutso kong makita ulit ang bibo at makulit na Jayden. "Alam kong gising ka, gusto kitang kausapin." "Tsk," singhal niya tsaka umupo kaya naupo rin ako sa tabi niya. "What?" "Bakit bigla mo na lang hindi pinapansin si Jayden? May problema ba kayong dalawa?" kalmadong tanong ko. "No,we didn't fight," sagot niya. "Hindi pala kayo nag away pero bakit hindi mo siya kinakausap?" tanong ko. Napabuntong hininga naman siya. "I'm confused," sabi niya habang nakapatong ang mga kamay niya sa tuhod at nakatingin sa sahid. Halatang problemado siya. "I don't know what's going on in my heart and why I feel this way for Jayden." "So, na-realize mo na mahal mo si Jayden?" tanong ko. Hindi naman ako against sa mga lalaking nagmamahal ng lalaki, mas humahanga nga ako sa kanila dahil kahit na maraming mga taong ayaw ng same s*x relationship handa pa rin silang banggain ang mga ito para sa kasiyahan nila. Hindi naman kasi talaga kailangan matakot sa mga taong mapanghusga dahil hindi naman ang mga ito ang mamahalin nila, marami manghuhusga sa kanila hanggang doon lang naman sila ang mahalaga maging masaya kayo, kung magpapadala kayo sa mga panghuhusga na binibigay sa inyo walang mangyayari sa inyo. Hangga't wala kayong tinatapakan gawin niyo ang gusto niyo. "Yeah," sagot niya.  "Kaya ba nilalayuan mo si Jayden?" Tumango naman siya. "Pero hindi mo ba naisip na baka kamuhian ka niya bigla dahil sa paglayo mo?" "He will hate me more when he finds out I love him," sagot niya.  "Paano mo nasabi?" tanong ko. "Kilala natin si Jayden hindi siya ganung tao na bigla na lang kamumuhian ang isang tao." "You're right," sabi niya. "Bakit hindi mo subukan na umamin sa kanya? Wala namang mawawala kung susubukan mo diba?" "But we will be awkward with each other," sagot niya. Tama naman siya pero hindi naman namin alam kung ano ba talaga ang magiging reaction ni Jayden kapag umamin siya. "Pero paano mo naman malalaman kung hindi mo susubukan? Sigurado ako na kahit na umamin ka sa kanya hindi pa rin magbabago ang pakikitungo niya sa 'yo. Si Jayden iyon maintindihing tao si Jayden," sabi ko. Si Jayden kasi ang tipong kahit na may kasalanan ka sa kanya at nag sorry ka madali ka lang niyang mapapatawad at parang wala kang kasalanan sa kanya kapag kakausapin ka niya. Hindi mo mararamdaman na napipilitan lang siyang kausapin ka. Tinapik ko ang balikat niya. "Hindi naman kita pinipilit, nagsa-suggest lang ako pero nasasa 'yo pa rin naman kung gagawin mo o hindi," sabi ko at iniwan siya. Jade's Point of View "Jayden, may gustong kumausap sa 'yo sa rooftop," sabi ni Noona. "Sino?" tanong ko. Kailangan bang sa rooftop muna mag usap? Tinatamad kaya akong umakyat. "I don't know, may nagsabi lang na student," sagot niya. "Papuntahin mo na lang kaya siya dito?" tanong ko. "Pinapairal mo na naman 'yang katamaran mo," naiiling na sabi niya. "Puntahan mo na siya para naman ma exercise ka, ilang buwan ka rin nakaupo sa wheel chair diba?" Napanguso naman ako sa sinabi niya. "Oo na," sabi ko. Ang tagal ko ring naupo sa wheel chair kaya nasanay na ako na hindi naglalakad kaya nakakatamad ng maglakad ng malayo. Pagdating ko sa rooftop may nakita akong lalaking nakatalikod nakatingin ito sa tanawin. "Bakit gusto mo akong makausap?" tanong ko sa kanya. Nagulat naman ako nung humarap siya. "Jayden," sabi niya. "H-Hunter Hyung," utal na sabi ko at napahawak sa dibdib ko dahil ang lakas ng t***k nito. Walang dudang mahal ko talaga siya. Hindi naman ako bago sa ganito dahil minsan na akong nagmahal. Sa idad na 16 years old tumibok ang puso ko, alam kong ang bata ko pa para magmahal pero masisisi niyo ba ang puso ko kung nagmahal ito? Pero hindi naman kami naging kami ng taong gusto ko dahil may Fiance pala siya at ngayon kasal na sila. Naka-move on naman ako sa nararamdaman ko sa kanya, umatend pa nga ako ng kasal nila. "Anong sasabihin mo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita pero lumapit siya sa akin at tinitigan ako kaya mas lalong tumibok ang puso ko at pilit na pinapakalma. "First of all I want to apologize to you for suddenly avoiding you. I'm sorry," sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Ayos lang naman sa akin iyon," sagot ko. Hindi naman ako nagagalit sa kanya, may konting tampo pero hindi naman ganun kalaki. "You won't even be mad at me? or ask why I ignored you?" tanong niya. "Kung ano man ang dahilan mo wala akong pakielam basta lumapit ka sa akin at humingi ng tawad," sabi ko. Napangiti at napailing naman siya. "You are really very kind, so I was even more guilty of what I did," sabi niya. Ngayon ko lang napansin na may eyebags siya, hindi ba siya natulog? "Even if you don’t ask I will still tell the reason why I ignored you." Pagkatapos bumuntong hininga siya na parang doon siya kumukuha ng lakas ng loob. "No matter what happens, I will accept whatever your reaction will be to what I say. "No matter what happens, I will accept whatever your reaction will be to what I say." "Ano bang sasabihin mo?" takang sabi ko.  Kita ko kasi sa mukha niya na kinakabahan siya at the same time may takot sa mata niya. "I don't know where to start," kinakabahan sabi niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito lagi lang kasi siyang kalmado. "Kung hindi mo kaya ayos lang naman sa akin," sabi ko.  "No, if I don't say it now I might not be able to say it anymore," sagot niya tapos pumikit siya at bumuntong hinga muli. "Okay. The reason I ignore you is that I’m confused. I’m confused because I don’t know what’s going on with me. I thought you were important to me because I consider you a brother, but there is more to it." Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang pinapahiwatid niya. "W-What do you mean?" utal na sabi ko. Umaasa ako na sana tama ang hinala ko. Tinitigan niya ako. "I know it's forbidden, but I don't know anything else they say I will accept," sabi niya pagkatapos hinawakan ang kamay. "Jayden, I love you." Pagkatapos ng sinabi niya biglang pumatak ang luha ko dahil masaya ako dahil parehas kami ng nararamdaman. "Why are you crying?"Nag aalalang sabi niya tsaka pinunasan ang luha ko. Umiling naman ako. "Dahil masaya ako," sagot ko.  "W-Why?" tanong niya. "Kasi mahal mo rin ako," sagot ko. "Rin? You mean, do you love me too?" tanong niya. Tumango ako. "Yes," sagot ko. "F*ck! Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ulit ako. Nakita ko namang natuwa siya sa sinabi ko kaya napangiti ako. "Thanks. I thought we didn't feel the same I thought after this you would hate me." "Bakit naman?" tanong ko. "Because we are both men," sagot niya. Nginitian ko naman siya. "Ano naman kung parehas tayong lalaki? Hindi naman masama na mag mahalan ang dalawang lalaki, nakakapagpasama lang ay dahil may mga taong mapanghusga." "That's why I love you because of that habit of yours and anyone will fall in love with you," sabi niya. "I'm so jealous when someone likes you, but I have no right to be angry." Natawa naman ako sa kanya para siyang batang inagawan ng kaibigan. "Kahit maraming nagkakagusto sa akin, ikaw naman ang mahal ko kaya 'wag ka ng magselos pa," sabi ko. "I love you too," nakangiting sabi niya. "SABI ko na eh," sabi ni Tayler Hyung matapos naming sabihin na kami na. Yes kami na, hindi na ako nagligaw dahil hindi na namin kailangan iyon dahil kilala na rin naman namin ang isa't isa kaya bakit pa namin patatagalin kung pwede namang sagutin agad pero hindi ko naman sinabi na sagutin mo ang isang lalaki kahit kakikilala mo pa lang sa kanya. Kung gusto mong mas kilalanin ang lalaki bago mo siya sagutin para hindi ka masaktan sa huli ay magpaligaw ka muna but in my case kilala ko na ito. I know unfair ako sa kanya dahil may sikreto ako pero importante naman ang sikreto ko.  "Nararamdaman ko talaga na mahal niyo ang isa't isa noon pa, iba kasi talaga ang closeness niyo," dagdag ni Tayler Hyung. "Oo nga, 'yung mga galawan kasi ni Hunter Hyung hindi galaw na pangkapatid," sang ayon ni Skylar Hyung. "Hindi ako naniniwala na over protective lang siya kundi possessive siya dahil walang over protective na pinapalayo sa mga taong nagkakagusto kay Jayden. Kami rin kapatid ang turing kay Jayden pero hindi naman ganun ang ginagawa namin sa ginawa ni Hunter." Oo nga naman. Iba ang galaw ni Hunter Hyung kesa sa kanila. "At least ngayon alam na natin ang dahilan ng pagiging over protective niya," sabi ni Jackson. "Ang dami naman kasi talagang nagkakagusto kay Jayden mapa babae o lalaki man dahil ideal man talaga ito kaya tibayin mo ang pangbabakod mo sa kanya Hunter dahil baka malusutan ka." Ngumisi naman si Jace. First name niya iyon at tanging ang mamahalin lang niya ang pwedeng tumawag sa kanya at ako iyon kaya Jace na ang tawag ko kanya. Nakakatuwa nga dahil magkalapit ang first name namin parang destiny lang. "Do you think they can do that? When they try, they will see hell." sabi niya. "Ang possessive talaga," sabi ni Samuel Hyung. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD