Chapter 24

2975 Words
Third Person's Point of View Nalaman ng buong estudyante ang relasyon nina Hunter at Jayden. Iba't ibang reaction ang makikita sa mga estudyante, may mga hindi tanggap sa relasyon nila, meron naman na nanghihinayang dahil parehas na maraming babaeng nagkakagusto sa kanila kaya sobra ang paghihinayang nila ng malamang may relasyon ang dalawa pero masaya pa rin naman sila para dito. Kahit na may mga against sa same s*x relationship pero marami ang mga tanggap dito dahil hindi lang ito ang unang may nalaman sila tungkol dito. "Sayang talaga sina Jayden at Hunter pero masaya naman ako para sa kanila tsaka bagay anman sila." sabi ng babaeng estudyante. "Diba? Noon palang siniship ko na sila. Sabi ko nga kung hindi ko sila makakatuluyan sana sila na lang ang magkatuluyan." sabi ng kausap nito. Isa na rin ito kaya madaling matanggap ng iba ang relasyon ng dalawa dahil nung hindi pa sila marami ng mga humihiling na maging sila at ng malaman nilang may relasyon ang dalawa tuwang tuwa ang mga ito. "Tama ka diyan, sobrang tuwa ko nga ng malaman kong sila na eh para akong nanalo sa lotto sa tuwa." sang ayon ng isa pa nilang kasama. "Hay, kung alam ko lang na kayang magmahal ng lalaki ni Jayden edi sana niligawan ko na siya," sabi ng isang lalaking matagal ng may lihim kay Jayden. "Ako nga rin eh," sabi ng kaibigan niya. Nagulat naman ito sa sinabi ng kaibigan. "May gusto ka rin kay Jayden? Akala ko ba ayaw mo sa same s*x relationship?"  "Oo pero iba si Jayden, napakamaunawain niya, siya lang ang nakaintindi sa akin na hindi kayang gawin ng mga magulang ko," Tinuturing kasi siya sa pamilya nila na black sheep laging ang kuya niya lang ang magaling sa mata ng mga ito. Kahit na mataas naman ang grado niya hindi pa rin sapat iyon sa mga ito lagi pa rin siyang kinukumpara sa kuya niya na laging top 1 habang siya ay nasa top 2. Hindi niya maintindihan kung bakit kulang pa rin sa kanila ang grado niya. Laging ganun ang nangyayari kaya napagod na siyang gawin ang lahat para ma-appreciate siya ng mga magulang niya kaya nag rebelde na lang siya. Pinanindigan niya ang turing sa kanya na black sheep. Natuto siyang uminom, magsigarilyo at magsugal lagi na rin siyang nakikipagbasag ulo kaya galit na galing ang mga magulang niya kapag umuuwi siyang may pasa pero wala siyang pakielam sa kanila at sinasagot sila ng pabalang.  Pero nabago lahat ng iyon ng kinausap ni Jayden ang mga magulang niya pina realize niya sa mga ito kung anong pinanggagawa nila sa kanya kung bakit nagrebelde siya bigla sa kanila. Nagsisi ang mga magulang niya sa ginawa nila at humigi ng tawad sa kanila at ngayon pantay na ang turing nila sa kanilang magkapatid. Tinigil na rin niya ang bisyo niya at nag focus sa pag aaral gusto niyang mabawi ang grades niya na binagsak niya noon kaya bumalik muli siya sa freshmen. Nung una akala niya paghanga lang ang nararamdaman niya para kay Jayden pero habang tumatagal na realise niya na mahal na niya ito pero natatakot siyang umamin dahil baka layuan siya nito at ngayon nga na nalaman niya na nakipag relasyon ito sa kapwa lalaki hindi niya maiwasan na mainis, kung sanang umamin siya sana silang dalawa ni Jayden ang may relasyon. "Tama ka iba talaga si Jayden kaya nagustuhan ko siya eh," sabi ng kaibigan niya. "Kaya lang wala na tayong pag asa kaya mag move on na tayo." "No, hindi ako papayag akin lang si Jayden," bulong niya. Hindi pwedeng mapunta lang sa iba si Jayden sa kanya lang ito. "MY GOSH, hindi sumagi sa isip ko na mamahalin niyo ang isa't isa," sabi ni Christine kay Jayden. Gulat na gulat siya ng malamang may relasyon sina Jayden at Hunter. "Wala kasi sa kilos niyo na magmamahal kayo ng kapwa lalaki." "Kahit ako hindi ko inaasahan iyon," sagot ni Jayden dito. "Pero bagay kayong dalawa," kinikilig na sabi niya. "Marami kayang nag-shi-ship sa inyo noon hindi nila hinihiling na maging boyfriends kayo kundi gusto nila na maging kayong dalawa ni Hunter at tuwang tuwa sila ng matupad iyon." Napangiti naman si Jayden "Alam ko," sagot nito. Nakikita niya ang mga iyon sa website pero hindi niya na lang pinapansin. Napatingin naman bigla siya sa wrist watch niya. "Naku, may group meeting pala kami ng mga groupmate ko, alis na muna ako ah," sabi niya. "Sige," sabi ni Jayden kaya lumaba sna siya ng office nito. Naging tahimik muli ang office ni Jayden kaya makakapag focus siya sa paper work niya. Habang busy siya dito bigla siyang nakaramdaman ng antok nung una akala niya dahil nagkulang siya sa tulog dahil hindi nila namalayan ni Hunter na madaling araw na pala, maghapon kasi silang nagkwentuhan dahil matagal ng huli silang mag usap kaya sinulit nila ang araw na iyon pero huli na ng ma realise niya na may naamoy siyang pampatulog dahil hindi na niya kayang pigilan pa hanggang mawalan siya ng malay. Pagkatapos mawalan ng malay ni Jayden may pumasok na isang misteryosong lalaki, nakasuot ito ng gas mask para hindi niya maamoy ang sleeping gas na pinakalat niya sa office ni Jayden. Lumapit siya sa natutulog na si Jayden pagkatapos hinaplos ang pisngi nito. "Akin ka lang Jayden, walang pwedeng umangkin sa 'yo kundi ako lang," sabi ng lalaki pagkatapos binuhat na parang sako si Jayden at dahan dahan na lumabas ng office nito. Siniguro niya na walang tao bago siya pumunta sa rooftop at sumakay ng helecopter ng pamilya nila. "Umalis na tayo," sabi niya sa piloto ng makasakay na siya. "NASAAN si Lucas?" tanong ni Hunter kay Christine pagdating nila nina Jackson sa office ni Jayden dahil ilang minuto na nila itong hinihintay wala pa ring dumadating na Jayden. "Lucas?" takang tanong ni Christine. "Si Jayden second name niya kasi iyon," sagot ni Jackson. "Ay oo nga pala Jayden Lucas nga pala ang real name ni ya," sabi niya ng maalala ang buong pangalan nito. "Hindi niyo ba kasama si Jayden? Pagdating ko kasi dito wala na siya akala ko nag lunch na." "Hindi kanina pa namin siya hinihintay akala namin busy lang siya kaya hindi pa siya dumadating," sabi ni Jackson. "Naku, kanina pa wala si Jayden eh," sagot ni Christine. Bigla namang nakaramdam ng kaba si Hunter kaya pumasok siya sa office ni Jayden. Pagpasok niya may naamoy siya na pamilyar sa kanya. "I smelled sleeping gas," sabi niya sa mga kasamang kakapasok pa lang.  Hindi na ganun katapang ang sleeping gas kaya hindi na sila mawawalan ng malay. "Ha? Bakit may sleeping gas dito?" takang tanong ni Jackson ng maamoy din ang sinasabi niya. "Can I see the CCTV here?" sabi ni Hunter kay Christine. "Okay," sabi niya. Gusto rin niya na malaman kung anong nangyari kay Jayden. Agad silang pumunta sa CCTV room pagkatapos ni-reply nila ito mula sa umaga hanggang sa makita nila ang dahilan ng pagkawala ni Jayden. "Si Jonathan iyan," sabi ni Christine ng makilala niya ito. "Ito 'yung tinulungan ni Jayden sa pamilya niya at sa mga naririnig ko may gusto siya kay Jayden." "Kaya siguro kinidnapped niya si Jayden dahil nalama niya na may relasyon sila ni Hunter," sabi ni Jackson. "Mukhang 'yun na nga ang dahilan," sabi ni Tayler. Napakuyom naman ng kamao si Hunter. "When I see that man I will erase his face," galit na sabi niya. "Kailangan nating ma-track si Jayden para mailigtas natin siya," sabi ni Jackson. "Baka kung ano pang gawin ni Jonathan kay Jayden." Jade's Point of View Nagising ako na masakit ang ulo ko, hahawakan ko ito sana pero may pumigil sa kamay ko kaya namulat ko ang mata ko at tinignan ang dahilan, nakita kong nakatali ang dalawang kamay ko sa magkabilang poste ng kama. Anong nangyari? Bigla na lang bumalik sa alaala ko ang nangyari, nasa office ako tapos may naamoy akong pampatulog. "Gising ka na pala," Napatingin ako sa nagsalita. Madilim sa lugar niya pero alam kong lalaki ito base sa boses niya. "Who are you? Why I am here?" tanong ko sa kanya. Lumakas naman siya papunta sa may liwanag kaya naaninag ko kung sino siya. "Jonathan"? gulat na sabi ko ng makita ko siya. "Bakit mo ako kinidnap ha?" Wala naman akong maalalang may nagawa akong masama sa kanya in fact tinulungan ko pa nga siya na magkabati sila ng mga magulang niya. "Kaya kita kinidnap dahil akin ka lang hindi ka pwedeng mapunta sa iba," parang baliw na sagot niya. "Bakit sa iba ka pa nakipag relasyo ha? Bakit hindi sa akin? Dahil ba gwapo siya?" "Ano bang pinasasabi mo?" tanong ko sa kanya. "Pakawalan mo na ako dito at kakalimutan ko ang ginawa mo sa akin." "Hindi pwede, akin ka lang naintindihan mo? Akin ka lang," sabi niya para talaga siyang baliw. "Bakit mo ba ginawa sa akin ito? Tinulungan naman kita pero ganito lang ang isusukli mo sa akin?" tanong ko. "Oo alam ko kaya nga minahal kita dahil doon dahil ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. Hindi ako umamin sa 'yo dahil akala ko hindi mo kayang magmahal ng kapwa mo lalaki kaya nanahimik lang ako dahil ayoko na kamuhian mo ako pero nalaman ko na may relasyon kayo ng Hunter na iyon," sabi niya. "Tingin mo sa ginagawa mo hindi kita kamumuhian ha?" sabi ko. "Wala na akong pakielam ang mahalaga mapasakin ka lang iyon ang mahalaga," sabi niya pagkatapos lumabas ng kwarto. ~ "SH*T!" Inis na sabi ng hindi ko matanggal ang pagkakatali ng kamay ko. Kung sanang nakatali ako sa likuran madali ko lang itong matatanggal pero nakatali ako sa magkabiliang poste ng kama kay nahihirapan akong tanggalin ito. Dumugo na nga ang kamay ko dahil sa pilit kong tinatanggal ang tali sa kamay ko. "JAYDEN!" sabi ni Jonathan ng makapasok siya pagkatapos mabilis akong nilapitan. "Anong ginawa mo ha? Bakit dumudugo ang kamay mo?" Nag-aalalang tanong niya. "Dahil ba ito sa tali? Kung ganito pala ang mangyayari dapat malambot na tali na lang ang itinali ko sa 'yo para hindi masugat ang balat mo." "Jonathan pakawalan mo na ako please ayokong kamuhian kita dahil malapit ka sa akin," sabi ko sa kanya habnag inaalis niya ang tali ko. "Wala akong pakielam kung kamuhian mo ako ang mahalaga sa akin nakakasama kita," sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya, ayoko siyang saktan pero kailangan kong makaalis dito dahil baka nag aalala na si Jace kaya ng matagal niya ang tali sa kamay ko mabilis akong bumangon at nagpunta sa likod niya tsaka idinapa siya sa kama at pinalo ang leeg niya dahilan para mawalan siya ng malay. "Pasensya na Jonathan," sabi ko sa walang malay na si Jonathan. Hiniga ko muna siya ng maayos pagkatapos kinapkapan ko siya, agad ko naman nakita ang cellphone na hinahanap ko. Agad kong dinail ang number ni Jace, memorise ko naman ang number niya. "Who's this?" tanong niya. "It's me, Jace," sagot ko sa kanya. "Lucas, where are you? Did Jonathan do something bad to you?" tanong niya. "Paano mo nalaman na si Jonathan ang kumidnap sa akin?" tanong ko. "CCTV," sagot niya. Oo nga pala may CCTV sa office ko. "Where are you?" "Hindi ko alam kung nasaan ako," sagot ko habang nakasilip sa bintana. "Tingin ko nasa isang private island ako." Mabuti na lang may signal dito. "Don't turn off the call. We will track you," sabi niya. "Okay," sabi ko. Ni-loud speaker ko ang cellphone ko at nilapag sa table pagkatapos nilapitan ko si Jonathan tsaka siya tinalian. Magigising na rin naman kasi siya mayamaya baka kung anong gawin niya kapag nagising siya. "we've tracked you we're going to be there," rinig kong sabi niya. "Okay, I'll wait," sagot ko sa kanya. "ARE YOU OKAY?" tanong ni Jace at tinignan ang katawan ko nagsalubing ang kilay niya ng makita ang naka bandage na wrist ko. "What happened here?" "Pinilit ko kasing tanggalin ang tali kaya lang mahigpit kaya nasugat," sagot ko. Naiinis pa siya pero hindi naman niya ako pinagalitan kinuha lang niya ang kamay ko at nag holding hands kami tsaka lumapit sa mga kaibgan namin. "Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Jackson Hyung. "Oo ayos lang ako," sagot ko. "Hindi naman ako basta basta masasaktan lang ng isang ordinaryong tao." "Mabuti naman," sabi nitya. "Dadalhin namin sa mental hospital para masuri siya." Napabuntong hininga naman ako, "Hindi ko alam kung bakit naging ganun si Jonathan ayos naman siya 'nung nakaraan lagi naman niya akong binabati kapag nakikita niya ako." sabi ko. "May gusto si Jonathan sa 'yo, siguro na stress ang utak niya ng malaman na may relasyon kayo ni Hunter," sabi ni Jackson Hyung. "Ang dami talagang nagkakagusto sa 'yo mapa babae man o lalaki," sabi ni Tayler Hyung. "Hindi na ako nagtataka kung napamahal sa 'yo si Hunter, iba kasi ang kamandag mo." Napailing na lang ako sa kanya para siyang babaeng nang aasar sa kaibigan niyang may karelasyon na. "Tumigil ka na para ka talagang bakla," sabi ko sa kanya. Ayaw na ayaw niyang tawaging bakla hindi sa hate niya ang mga bakla kundi nakakababa ng ego niya kasi "Straight man" daw siya. Napasimangot naman siya. "Ang galing mo talagang mang asar ano?" sabi niya. "Asar talo ka kasi." sabi ni Skylar Hyung. "Tama, tama," sang ayon ni Samuel Hyung na nakaakbay kay Skylar. "Mamaya na muna 'yan kailangan na nating umalis para makapagpahinga naman si Jayden," sabi ni Jackson Hyung. Naglakad na kami papunta sa tatlong helecopter may kasama pa kasi silang tauhan ng pamilya ni Jackson Hyung. Sumakay kaming tatlo nina Jace at Jackson Hyung sa isang helecopter habang sa isa sina Tayler Hyung. "Maliban sa sugat mo sa kamay wala na bang iba?' tanong ni Jackson Hyung ng umandar ang helocopter. Maingay ito pero dahil nakasuot kami ng headset nagkakarinigan kami. "Wala na, wala naman siyang ginawa sa akin maliban sa pagtali sa akin," sagot ko. Mukhang wala namang balak si Jonathan na saktan ako ang gusto lang niya ay makasama ako. "Mabuti naman kung ganun," sabi ni Jackson Hyung. "Mukhang obsess lang ito sa 'yo kaya kinidnap ka niya." "Mukha nga." sagot ko. Hindi ko akalain na hahantong sa ganun si Jonathan akala ko sweet lang talaga siyang tao at sobrang lapit lang siya sa akin dahil tinulungan ko siya pero hindi pala may gustio na pala siya sa akin nung time na iyon kaya ganun na lang siya kalapit sa akin noon. "ILANG BUWAN ka pa lang diyan an"g dami ng nangyari sa 'yo," sabi ni Athena. Sinasabi ko kasi lahat ng nangyari sa akin dito, hindi naman kasi kami nagsisikreto sa isa't isa dahil may tiwala naman kami sa isa't isa. "'Yun na nga eh," sang ayon ko sa sinabi ko. Ilang buwan pa nga lang akong nagpapangap na si Jayden ang dami na agad nangyari sa akin. "Pero at least exciting naman, hindi ako ma bo-bored habang nandito ako." "Oo nga gusto mo ang ganyan eh," sang ayon niya. "Change topic na tayo, may ike-kwento ako sa 'yo." Kinikilig na sabi niya. "Alam ko na 'yan nakakita ka na anman ng gwapo 'no?" sabi ko, ganyan kasi 'yan kapag nakakita ng gwapo. "Tama ka pero iba ngayon, nakilala ko kasi yung engineer namin grabe ang gwapo niya swempre bilang ako na maharot mong kaibigan nilapitan ko siya tapos nag hello sa kanya," kinikilig na sabi niya. "So, anong sinabi niya?" tanong ko. "Ayun sinungitan ako," sagot niya. "Sinungitan ka pala pero bakit kinikilig ka?" tanong ko. "Gusto ko kasi ang mga kagaya na may pagka cold type parang sa mga kdrama lang, yung bang sa iba ang cold niya pero sa akin hindi," sabi niya. "Sinungitan ka nga niya diba?" sabi ko. "Swempre hindi niya pa ako kilala kapag napatino ko siya magiging ganun ang sitwasyon," sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Good luck kung magagawa mo," sabi ko. Sa kulit ba naman ni Athena mas lalo lang maiinis sa kanya ang taong iyon. Kaya gusto ko makahanap siya ng lalaking iintindi ng ugali niya. "Hmmp, palibhasa kasi nahulog sa 'yo ang napaka cold na si Hunter," sabi niya. "Kung ikaw kaya mo paniguradong kaya ko rin bestfriend tayo diba?" "Oo naman," sabi ko. "Oh my, oras na pala kailangan ko pa palang makipagkita kay Engineer , sa susunod na lang ulit tayo mag usap ulit ha?" Hindi pa man ako nakakasagot binaban na niya ako kaya napailing ako. "Tsk," Napalingon naman ako kay Jace kita ko sa mata niya ang irita. "Why?" takang tanong ko. "Is that really how long you talk to your best friend?" iritang tanong niya. "Halos dalawng oras na kayong nag uusap." Napatingin naman ako sa oras ng cellphone ko at tama nga siyang mag da-dalawang oras na kaming nag uusap ni Athena. "Madaldal kasi talaga si Athena," sagot ko at lumapit sa kanya. "Tsaka minsan lang naman kami nag uusap dahil busy siya sa trabaho niya." "Isn't she busy now so you can talk for more than two hours?" sagot niya. "Ngayon kasi ang free time niya," sagot ko. "'Wag mo na ngang ikunot ang noo mo sige ka mag kaka wrinkles ka agad." But he just click his tongue. "Sit down, I will heal your wound," sabi niya. Sinunod ko naman ang sinabi niya at umupo sa kama ko habang siya pumasok sa c.r mayamaya lang may dala na siya first aid kit. "Tsk, you always have a wound," inis na sabi niya habang ginagamot ang sugat ko. "You really so stubborn." "Hindi ko naman kaya kasalanan na kikidnappin pala ako," dahilan ko. "But you shouldn't just try to get away, so you don't get hurt," sabi niya. "Oo na po, sorry," sabi ko. Napabuntong hininga siya at pinat ang ulo ko. "Just don't repeat it." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD