Jade's Point of View
"Wahhh, Jayden" sabi ni Noona at mabilis akong niyakap. "Nag alala ako ng sobra sa 'yo kahapon akala ko kung ano ng nangyari sa 'yo."
Natawa naman ako ng mahina. "Ayos lang ako Noona," sagot ko. Agad naman siyang kumalas at tinignan ako.
"Pero ang bilis ka naman nilang mahanap?" takang tanong niya.
"Tumawag ako sa kanila tapos trinace nila ako," sabi ko.
"Eh paano ka nakawala kay Jonathan?' tanong niya.
"Hindi naman gangster si Jonathan kaya mabilis lang akong makawala sa kanya, siguro nagawa lang niyang kidnapin ako dahil gusto niya ako," sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun pero nakakalungkot lang isipin na nawala ang pag iisip ni Jonathan dahil lang nagmahal siya." Malungkot na sabi niya.
Kahit ako nanghihiinayang ako sa nangyari sa kanya, napakabata pa niya para maranasan ang mga bagay na ito at kung kelan na natupad na niya ang pangarap niya na mahalin siya ng mga magulang niya ganito pa ang nangyari kaya hindi ko maiwasan na sisihin din ang sarili ko sa nangyari. Kung alam ko lang na mangyayari ito sana sinikreto na muna namin ni Jace ang relasyon namin.
"Sana gumaling na siya at kalimutan na niya ang nararamdaman niya sa akin dahil hindi ko naman kayang suklian ang pagmamahal niya," sagot ko.
"Pero tingin ko hindi ka talaga mahal ni Jonathan, siguro humanga lang talaga siya ng todo sa 'yo sa ginawa mo kaya akala niya mahal ka niya," sabi niya.
"You're right, but we can't tell how a person feels," sagot ko.
Hindi naman kasi pwedeng husgahan agad ang nararamdaman ng isang tao dahil hindi natin nararamdaman ang nararamdaman niya. Ang iba kasi masyadong nakikieam sa nararamdaman ng isang tao pero hindi naman nila alam kung ano ba talagang nararamdaman nito lalo na kung hindi naman ito nararansan.
"Sabagay tama ka," sang ayonniya sa akin. "Oo nga pala, marami ka pa palang gagawin hindi mo kasi natapos ang mga ginagawa mo kahapon dahil sa biglang pag kawala mo," sabi niya.
Napa click naman ako ng dila ang dami ko na namang gagawin dahil sa bwisit na pagkidnap sa akin pero ano pa nga ba ang magagawa ko nangyari na iyon kaya imbis na magreklamo pa ako gawin ko na lang para matapos na agad ako.
"Oo nga pala, tungkol doon sa garden at greenhouse kelan natin iyon uumpisahan?" tanong ni Noona.
"Siguro kapag dumating na ang taong hinintay ko," sagot ko.
Nitong nakaraang araw naisipan kong maglibot tapos nakita kong hindi maganda ang sitwasyon ng garden at green house, naisip ko na kung ipapaayos ko iyon magandang tambayan iyon para sa mga gustong makapag relax. Pwede ko rin iyong tambayan kapag stress ako bilang President.
"Oh, sh*t," sabi ko ng may maalala ako.
"Bakit?" takang tanong ni Noona.
"Kailangan ko pa lang ipasa ang module ko sa mga prof dahil kailangan na nila iyon," sabi ko pagkatapos tumayo. "ikaw munang bahala dito."
"Sige," sabi niya at tinuloy ang ginawa niya sa table niya.
Kinuha ko ang bag ko na nasa sofa pagkatapos kunuha ko sa loob ang modular ko na kailangan ipasa sa mga prof ko. Dito ko nilalagay lahat ng mga mga test na binibigay sa akin ng mga prof, long test ang mga ito kaya kahit hindi na ako magpasa ng mga notes ayos lang basta mataas ang makukuha ko sa test.
"Good morning," bati ko sa mga prof ng makapasok ako sa faculty nila.
Binati ako ng iba habang ang iba may ginagawa. Naglakad ako papunta sa table ng adviser namin sa kanya ko ipapasa lahat ng test ko at siya ng bahalang magpasa sa ibang subject teacher.
"Good Morning Ms. Peterson," sabi ko sa kanya.
Tinigil niya ang ginawa niya at tumingin sa akin. "Magandang umaga rin sa 'yo iho," nakangiting sabi niya. Siya ang pinakapaborito kong Prof dahil napakabait niya at maintindihin, tinutulungan niya ang mga estudyanteng hindi makaintindi ng lesson niya. Hindi siya kagaya ng ibang Prof na magtanong ka lang sobrang galit na galit akala mo may ginawa kang masama kaya nag ibang mga estudyante takot ng magtanong sa mga ganung klaseng Prof.
"Heto na po ang modular ko," sabi ko at binigay sa kanya ito.
"Oh, anong nangyari diyan sa pulso mo?" nag aalalang tanong niya.
"Ah, may ginawa po kasi ako tapos nasugat ko bigla ang sarili ko," dahilan ko. Walang nakakaalam ng nangyari maliban sa Dean hangga't maari ayaw naming ipasabi ang kalagayan ni Jonathan para kung gumaling siya at bumalik dito hindi siya mahihiyang pumasok.
"Naku, mag iingat ka lagi iho," sabi niya.
"Opo," sagot ko. "Sige po aalis na ako marami pa akong gagawin."
"OMG, BAKIT ganyan ang itchura mo?" sabi sa akin ni Hera Bautista, pinsan siya ni Athena at isa siya sa malapit kong kaibigan. Hindi ko siya pwedeng maging best friend dahil ayaw ni Athena, selosa kasi iyon gusto niya siya lang ang bestfriend ko. Naiintidihan naman siya ni Hera.
Sinundo ko siya ngayon sa airport matapos ng klase ko dahil pinapunta ko siya dito. Siya yung taong hinihintay ko, landscape designer siya at kilala siya sa iba't ibang bansa dahil sa galing niyang mag design ng mga landscape kaya siya ang naisip ko na mag de-design ng garden at greenhouse ng school.
"Nagpapanggap kasi ako na kakambal ko," sagot ko.
"Why?" tanong niya.
"Long story sa biyahe ko na lang ike-kwento akin na ang maleta mo," sabi ko binigay naman niya ang maleta niya pagkatapos agad na kumapit sa braso ko, ganito siya lagi kapag magkasama kami kaya nga minsan nagseselos si Athena inaagaw daw kasi ako nito sa kanya pero mas lalo naman siyang inaasar ni Hera, ang cute naman kasing maasar ni Athena.
"Oh, ganun pala ang nangyari," sabi niya ng maikwento ko sa kanya ang dahilan.
"Yes, kaya for now Jayden na muna ang itawag mo sa akin at 'wag na 'wag kang madudulas dahil baka sipain kita pabalik papunta sa Italy," sabi ko.
"Ang brutal mo talaga sa akin," may tampong sabi niya. "Don't worry hindi ako madudulas."
"Siguraduhin mo lang," sabi ko.
ilang minuto lang nakarating na kami sa condo ko. "Kaninong condo ito?" tanong niya habang nasa elevator kami.
"Sa kakambal ko, bigay ni Dad sa kanya." sagot ko.
"Dito ka ba nakatira ngayon?" tanong niya.
"Hindi, nakatira ako sa mga kaibigan at gangmate ko," sabi ko.
"Oh, may bagong mga kaibigan ka na?" gulat na tanong niya.
"Yup" sabi ko.
Gaya ni Athena, alam din niya na maraming beses na akong trinaydor ng mga kaibigan ko at mula nun hindi na ako nakipagkaibigan kaya gulat na gulat siya ng malaman may kaibigan ko ibig sahin nun nagtiwala na ulit ako sa ibang tao maliban sa kanila.
"Gusto ko tuloy silang makilala," sabi niya.
"Makikilala mo rin man sila kapag nasa school ka na," sabi ko.
"Gusto kong malaman kung bakit mo sila kinaibigan, sigurado naman akong hindi ka nagpapanggap na kaibigan lang sila dahil hindi ka ganung tao,' sabi niya.
"Don't worry magugustuhan mo sila kapag nakilala mo sila," sabi ko. "Where here." Nang makarating kami sa condo ni Jayden, agad ko naman binuksan ito.
"Wow," manghang sabi ni Hera. "Wala bang pinakielaman si Athena dito?"
"Wala, ayokong may magalaw ni isa sa mga gamit ni Jayden," sabi ko.
"Maganda naman kaya paniguradong hindi pakikielamn ni Athena," sabi niya.
"Sabi niya nga," sabi ko tapos tumingin ako sa orasan ko. "Kailangan ko ng umalis may gagawin pa ako. Kung nagugutom ka magluto ka na lang pinalagyan ko ng laman ang ref kaya may maluluto ka."
"Nah, may jetlag ako kailangan ko ng beauty rest," sabi niya.
"Okay, kung sakaling makalimutan mo ang code sa pintuan i-text mo lang ako," paalala ko. Makakalimutin kasi talaga siya kaya lagi siyang may dalang notebook para mag notes ng mga importanteng mga gagawin niya.
"Okay," sabi niya.
"MABUTI nandito ka na Jayden," sabi ni Jackson Hyung pagpasok ko sa bahay.
"Bakit?" tanong ko habang naghuhubad ng sapatos.
"Tulungan mo muna akong mamalat wala kasing kwenta 'tong mga ito hindi ko maaasahan," sabi niya habang nilalabas nag mga ingredient sa ref.
Natawa naman ako sinabi niya, kapag kasi namamalat sila ang kakapal halos maubos nag laman ng binabalatan nila.
"Okay, magpapalit lang ako," sagot ko tsaka nagpunta sa kwarto namin. Nadatnan kong nagbabasa ng libro si Jace.
"Oh, you're here," sabi niya tsaka siya tumayo at lumapit sa akin tsaka mabilis akong hinalikan sa noo. Mula ng maging kami hindi na siya masyadong maghigpit sa paglabas labas ko kasi tiwala na siya na walang aagaw sa akin.
"Mamaya na kita tutulungan, nagpapatulong si Jackson Hyung," sabi ko habang kumukuha ng pamalit.
Marami kasi siyang ginawa kaya nag volunteer na akong tulungan siya. Ayoko na naman kasi na mapuyat na naman siya dahil tinatapos niya ang ginawa niya. Namamayat na nga siya dahil sa lagi siyang busy, pinagsasabay niya kasi ang pag aaral at ang training niya sa company nila. Naaawa na nga ako sa kanya pero wala only child lang siya kaya sa kanya napupunta lahat ng pressure ng pamilya nila.
"Take your time maaga pa naman," sabi niya.
"Balik din ako," sabi ko matapos kong mapalit ng pang itaas na damit. Ayos lang naman na magbihis ako sa harapan niya dahil parang lalaki naman ang katawan ko tsaka magtataka siya kung pupunta pa ako sa c.r para magpalit.
Lumabas na ako ng kwarto namin tsaka nagpunta sa kusina. "Anong lulutuin mo Hyung?" tanong ko kay Jackon Hyung.
"Minudo," sabi niya habang naghihiwa ng baboy ngayon lang siya nagsisimula dahil hinintay niya ako. "Sino nga pala ang sinundo mo kanina?"
"Kaibigan ko pinsan ni Athena," sagot ko habang nagbabalat ng patatas.
"Siya ba ang sinasabi mong gagawa ng garden at green house?" tanong niya.
"Yes, landscape designer kasi siya at sikat na sikat siya sa iba't ibang bansa," sagot ko.
"Wow, ibang klase naman ang mga kaibigan mo ah mga professional," manghang sabi niya sabi niya.
Natawa naman ako ng mahina sa kanya. "Oo nga, 'yung kuya nga ni Athena doctor at director ng hospital nila," sagot ko.
Napatango naman siya. "Kaya pala malakas ang loob mong kalabanin ang mga magulang ng mga estudyante dahil marami ka talagang connections," sabi niya. Nginitian ko lang siya sa sinabi niya. Kahit wala naman ang mga connections ko kaya ko na naman sa sarili ko pero dahil nga ako muna si Jayden kinailangan ko muna sila.
Nang matapos kong magbalat at maghiwa bumalik na ako sa kwarto para tulungan si Jace. Tutok na tutok kasi sa ginagawa namin ng biglang pumasok si Jackson Hyung sa kwarto namin.
"Tingilan niyo muna 'yan kain na muna tayo," sabi niya.
Tinitigil na muna namin ang ginawa namin ni Jace, magagalit kasi si Jackson Hyung kapag hindi kami agad pumunta sa dinning area. Nakakatakot kasi magalit si Jackson Hyung, kalmado lang kasi siya lagi at hindi ganun nagagalit pero kapag nagalit na siya paniguradong maghahalo ang binalatan sa tinalupan.
Madami dami ang mga ginawa namin kaya halos magmamadaling araw na ng matapos kami dahil antok na antok na ako hindi na ako nakapaghilamos at diretoso na akong natulog.
"NOONA, this is Hera siya ang sinasabi kong mag aayos ng garden at greenhouse," sabi ko.
"Hi, nice to meet you," sabi ni Hera at nilahad ang kamay kay Noona.
"Nice to meet you too," sabi ni Noona at nakipagkamay dito.
"Tara, simulan na natin ang plano para sa garden," sabi ko.
Umupo ako sa upuan ko at umupo naman ang dalawa sa upuan na nasa harap ng table ko.
"Heto ang blueprint ng garden at greenhouse," sabi ko kay Hera at pinakita sa kanya ang blueprint na nasa laptop.
"Ang laki pala nito kesa sa inaasahan ko," sabi niya.
"Malaki kasi talaga ang school namin," sabi ko.
"So, ano bang gusto mong mangyari dito?" tanong niya.
"Gusto ko sana sa garden ay mapapagtambayan ng mga estudyante pero ayoko naman na basta basta lang na bench ang ilagay, mga noble ang nag aaral dito kaya dapat susyal ang tambayan," sagot ko. Tumango naman si Hera tsaka sinusulat ang mga sinasabi ko. "Sa greenhouse naman gusto ko ay mga gulay ang itanim dahil may mga ka stay in na mga utilities dito para kung sakaling gusto nila ng fress na gulay kukuha na lang sila doon."
"Okay, alam ko na ang i-de-design ko," sabi niya. Heto talaga ang hinahangaan sa kanya madali siyang makapag isip ng mga i-de-design niya at asahan mong maganda ang kakalabasan ng mga ito.
"Good," sabi ko tsaka tumayo. "Pumunta naman tayo ngayon sa garden at greenhouse."
Naglakad na kami papunta sa garden at greenhouse pero inunahan na muna namin ang garden dahil ito ang mas malaki.
"Ang ganda ng school pero anong nangyari dito sa garden?" tanong ni Hera.
"Hindi kasi na focus ang garden noon dahil wala naman pumupunta dito kaya napabayaan," sagot ni Noona.
"Pero ang gandang tumambay dito, ang sarap ng simoy ng hangin," sabi niya.
"Kaya nga pinapaayos ko na para magamit naman ito," sagot ko.
"Kung ganun sisiguraduhin kong maganda ang kalalabasan para naman maingganyo ang mga estudyante," sabi niya.
"Alam kong kaya mo iyan ikaw pa, ikaw ang pinakamagaling na landscape designer," sabi ko sa kanya.
"Pinapalaki mo na naman ang ulo ko," pabebeng sabi niya. Kunwari lang siyang tumatanggi pero gustong gusto naman niyang pinupuri.
To be continued...