Chapter 26

2360 Words
Jane's Point of View "Malapit na ang battle of the gang kailangan na nating mag training," sabi ni Jackson Hyung. "Oo nga pala, na excite tuloy ako," sabi ko. Nawala sa isip ko ang battle of the gang dahil sa dami ng nangyari. Nung naging President ako nawala ang uhaw ko sa laban at nagugustuhan ko naman iyon, kaya ko naman palang mamuhay ng normal na walang laban. Noon kasi naka focus lang ako sa pakikipaglaban hindi ko iniisip ang ibang bagay pero ngayon na nagpanggap ako bilang si Jayden marami akong nalaman sa sarili ko. "Ang swerte mo ang battle of the gang pa ang magiging debut stage mo bilang bagong member namin," sabi ni Samuel Hyung. "Dapat makarami ka para katakutan ka ng mga gangster." "'Yun lang ba? Ang sisiw naman," sabi ko. "Lumabas na naman ang pagiging mayabang mo," sabi ni Tayler Hyung. Binabara lang niya ako kasi gusto niya na mainis ako pero sorry siya hindi ako madaling mainis. "Hindi kaya ako mayabang nagsasabi lang ako ng totoo, diba Jace?" sabi ko. "Yeah," sang ayon niya sa akin. "Oo na, magaling ka na," nakasimangot na pagsuko niya. Kapag kasi nagsalita na si Jace hindi niya ako mababara pa. "Kada gabi ay magte-training tayo kaya sa umaga pa lang tapusin niyo na ang mga ginagawa niyo para hindi kayo mahirapan sa oras," sabi ni Jackson Hyung. "Kelan ba ang exact date ng battle of the gang?" tanong ko. "Sa october 24 na, may 10 days pa tayo para makapag training lalo na ikaw Jayden dahil isang buwan kang nakaupo sa wheel chair kailangan makundisyon ang katawan mo," sabi niya. "Madali namang namang maka-adjust ang katawan ko," sabi ko. Konting training lang makukundisyon agad ang katawan ko dahil ilang taon na rin namang nasanay ang katawan ko sa laging nagte-training. "Good," sabi niya. "Kailangan mas pag igihan natin dahil hindi lang basta basta ang makakalaban natin. Balita ko mas marami ng mga magagaling na gangsters ngayong generation na ito hindi na katulad ng dati na mahihina ang kalaban natin. Hindi na tayo makakasiguro ngayon kung tayo pa rin ang magiging rank 1." "Kaya natin iyon, hindi natin kailangan ibaba ang sarili natin," sabi ko. "Alam ko pero hindi na natin alam kung ano ba talaga ang kakayahan ng mga ito," sabi niya, sabagay tama siya kung hindi namin alam kung anong kakayahan ng makakalaban namin hindi kami makakasiguro kung matatalo namin sila. "Kaya 'wag nating maliitin ang mga makakalaban natin." "HERE'S my design," sabi sa akin ni Hera at inabot sa akin ang isang folder. "Nakalagay lahat diyan ang mga na vi-visualize ko sa garden at sa green house." Binuksan ko naman ang folder at tinignan ang laman, unang bumangad pa lang nagandahan na ako sa picture na nakikita ko at mas lalo akong humanga sa mga susunod na pahinga. "Sa entrance ng garden may lalagay ako ng flower tunnel arch para ito agad ang bubungad sa mga dadaan dito pwede rin nila itong gawin photoshoot kung gusto nila then pagpasok nila bubungad dito ang fountain," sabi niya habang tinuro ang mga pictures. "Sa loob ng garden hindi na ako masyadong naglagay ng mga bulaklak dahil sapat na ang mga bulaklak sa entrace pa lang, nakatulong din ang mayayabong na mga puno kaya hindi na ako naglagay ng mga malalaking payong sa mga outdoor chairs na ilalagay ko sa iba't ibang sulok ng garden, hindi ko masyadong dinamihan ang mga upuan para ma-enjoy naman nila ang green grass pwede rin naman kasi silang magpicnic dito kung gusto nila." "Wow, ang ganda naman ng idea mo," manghang sabi ni Noona kay Hera. "Kaya pala sobra ang pagmamalaki sa 'yo ni Jayden dahil magaling ka talaga." "Salamat," nakangiting sabi niya. Lumalaki na naman ang ulo niya pero deserve naman talaga niyang purihin dahil ang galing talaga niya pagdating sa landscape. "Dito naman sa greenhouse hindi ko masyadong dinesign dahil mga gulay at prutas lang naman ang ilalagay pero gaya ng request ni Jayden naglagay ako ng rest area na pwede niyang tambayan. So, nagustuhan mo ba Jayden?" "Of course," sabi ko, nakangiti kaya ako habang pinakikinggan ang sinasabi niya tsaka agad kong naiimagine ang mga ito. "Ang ganda ng ginawa mo kaya sinong hindi magkakagusto dito, kapag nga natapos ito baka araw-araw akong tumabay doon." "Mabuti naman kung ganun," sabi niya. Kahit na napakagaling niyang landscape designer kinakabahan pa rin siya na ma-reject ang mga design niya pero wala pa naman siyang na re-reject na mga design niya, sabi ko nga napakaganda ng ginagawa niya kaya walang makakapag reject sa mga ito. "Umpisahan na natin bukas para matapos agad, gusto ko kasi matapos ito bago ang sport festival sa December," sabi ko. Kada December nag sport festival namin, paboritong buwan ito ng may ari kaya ito ang pinili niya. Pinili niya rin ito para kapag natapos na ang sport festival makakapagpahinga ng matagal ang mga estudyante dahil wala na ring pasok pagkatapos 'nun at sa January na lang ulit babalik ang mga estudyante. "Don't worry matatapos ko agad ang pagde-design, kilala mo naman ako ayoko ng na de-delay ang ginagawa ko," sabi niya. "Kaya nga ikaw ang kinuha ko eh," sabi ko. "So, kita na lang ulit tayo bukas, may gagawin kasi ako ngayon kaya kailangan ko ng umalis" sabi niya. "Okay," sabi ko. "Hatid na kita sa labas," sabi ni Noona sa kanya. "Salamat," sabi niya tsaka tumayo at sabay silang lumabas sa office ko. Napasandal naman ako sa upuan ko at napapikit. Ngayon ko lang na realize na ang dami ko pa lang aasikasuhin. Una na doon ang battle of the gang, tapos 'yung garden at greenhouse at ang huli ay ang sports festival. Limang school ang pupunta dito sa school namin para makipaglaban kaya dapat maganda ang impression nila sa school. 'Yung tungkol sa request ni Dean Kimberly ng Heavens University pinausog ko na lang ng January dahil ang dami ko talagang gagawin ayokong iwan ang school na marami akong ginagawa matatambakan ako, kailangan ko kasing mag stay doon ng one month para maturuan ko ang President ng school nila. Nanghinayang siya dahil akala niya agad akong makakapunta sa kanila pero naintindihan naman niya ang sitwasyon ko. Bigla akong napabuntong hininga ng maisip ko si Jace. "Paniguradong magtatampo sa akin si Jace dahil mawawalan ako ng time sa kanya." bulong ko sa sarili pero siguro naman maiintindihan niya ako President ako kaya talagang magiging busy ako sa school but I really do my best para bigyan siya ng oras lalo na at nag uumpisa pa lang ang relasyon namin. "JAYDEN nasa labas na si Hunter hinihintay ka," sabi ni Noona. Napatingin naman ako agad sa wrist watch ko at nakita kong lunch time na. Hindi ko na kasi na mamalayan ang oras kaya sinusundo na lang ako ni Jace kapag lunch time. "Mabuti na lang may boyfriend kang magpapaalala sa 'yo ng lunch mo." "Magkakaroon ka rin naman ng boyfriend," sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga paper works ko. "Minamaldita mo kasi ang mga lalaki kaya walang naglalakas loob na ligawan ka." "Eh paano ba naman kasi lahat ng mga 'yun bastos," inis na sabi niya. "Sabihin mo kasi hindi ka pa nakaka-move on sa dating President," sabi ko. Matagal na siyang may gusto dito pero hindi niya lang maamin dahil baka maging awkward lang sila sa isa't isa lalo na secretary siya nito pero hindi niya inaasahan na mag ma-migrate ito sa ibang bansa kaya wala na talaga siyang chance na aminin ang nararamdaman niya dito. "Tsk, pinapaalala mo na naman, nag mo-move on na nga ako eh," reklamo niya. "Hindi ako naniniwala, kung nag mo-move on ka na bakit ini-stalk mo pa rin siya sa f*******: niya?" tanong ko na kinalaki ng mata niya. "Paano mo nalaman?" tanong niya. "Nung nagc.r ka kanina naiwan mong nakabukas ang cellphone mo hindi ko naman sadyang mapatingin doon kaya nakita kong tinitignan mo ang f*******: niya," sabi ko. Napanguso naman siya bigla. "Oo na, ini-stalk ko na si Vladimir," pag amin niya. "Paano ba naman kasi ako makaka-move on sa kanya mula nung high school pa lang kami may gusto na ako sa kanya. Nasa kanya na kasi ang gusto ko sa lalaki, gentlemen, maalaga, mabait at sweet na hindi ko mahanap sa mga lalaking nakikilala ko." "Nag fo-focus ka lang kasi sa kanya, try mo kayang kalimutan mo muna siya 'wag mong ibase sa iba ang ugaling meron si Vladimir dahil iba iba ang ugali ng mga lalaki," sagot ko. "Sinusubukan ko naman eh pero laging ito na lang ang naiisip ko," sabi niya. Magsasalita sana ako ng pumasok si Jace. "Why did you take so long to go out??' nakakunot na tanong niya sa akin. Natawa naman kami ng mahina ni Noona. "Heto na, lalabas na," sabi ko tsaka lumapit sa kanya. "Noona una na kami." "Sige," sabi niya. Hinawakan ni Jace ang kamay ko pagkatapos nag umpisa na kaming lumakad. "What are you talking about; why did you take so long to go out?" "Tungkol lang sa lovelife niya, naiingit kasi siya sa akin dahil sinusunod mo ako," sabi ko, tumango lang siya sa sinabi ko. Hindi naman siya mausisa sa buhay ng ibang tao kaya hindi na siya nagtatangon ng kung ano ano pa. Pagpasok namin sa canteen as usual pinagtitinginan kaming dalawa pero hindi namin sila pinansin at umakyat sa second floor, sabi ni Jace pinag order na kami nina Jackson Hyung ng pagkain namin kaya hindi na kami pipila. Mabuti na rin iyon dahil gutom na gutom na rin naman ako. "Mabuti naman at nandito na kayo," sabi ni Jackson Hyung. "Umupo na kayo para makakain na tayo." Umupo naman kaming dalawa ni Jace sa bakanteng upuan. "Kumusta na pala 'yung garden at greenhouse, uumpisahan na ba ninyo?" tanong ni Jackson Hyung. "Oo, bukas uumpisahan na namin," sagot ko. "Maganda ba ang design?" tanong ni Samuel Hyung. "Oo naman, basta si Hera maganda ang design," sagot ko. "Ano 'yung design?" tanong ni Skylar Hyung. "Secret, alamin niyo na lang kapag natapos na," sagot ko. "Hindi naman kayo madi-disappoint sa kalalabasan dahil talagang magandang gumawa si Hera." "Excited na ako at least hindi na lang ang Royalty Room ang pagtatambayan natin," sabi ni tayler Hyung. "Tsaka mas maganda kung makasagap man lang tayo ng fresh air hindi 'yung puro aircon na tayo." "Oo nga," sang ayon ni Samuel Hyung. "'Yun nga ang dahilan ko kung bakit pinapaayos ko ang garden para makalasap ng fresh air ang mga estudyante," sagot ko. Fully aircon ang buong building ng school namin, makakalabas man kami panandalian lang pero kung may maganda at presko silang pagtatambayan paniguradong lalabas silang lahat sa building. "Buti pa ikaw naisip mong ipaayos nag garden, ang mga naging President hindi man lang nila naisip iyon," sbai ni Tayler Hyung. "Siguro dahil naka focus lang sila sa mga student kaya nakalimutan na nilang gumawa ng project nila," sabi ko. "Oo nga naman," sang ayon sa akin ni Skylar Hyung. "Magkano ba ang budget niyo para doon?" "Ang balak ko lang sana ay isang million pero nag sponsor ang mga council kaya umabot ng 100 miliion ang budget," sabi ko. Nakipag meeting kasi ako sa mga council para ma approve nila ang gagawin kong project. "Good morning, councils," bati ko sa mga ito ng makapasok ako sa meeting room nila. Naglakad ako sa pinka center ng long circle table, naupo doon ang Binati naman nila ako isa-isa. "So, ano ang i-pe-present mo sa amin?" tanong ni Mr. Henry. "About po sa garden at greenhouse, napansin ko kasi na hindi ito napagtutuunan ng pansin ng mga dating President," sagot ko. "Bakit mo naman naisipan na ipaayos ang mga iyon?" tanong ni Mrs. Daniella. "Dahil gusto kong makasagap naman ng sarilwang hangin ang mga estudyante lagi na lang silang nakakulong sa aircon na building, gusto ko na ma appreciate nila ang ganda ng garden natin at para may ipagmalaki naman ang school natin sa darating na sport festival," mahabang paliwanag ko. Tumango tango naman sila. "Magkano naman ang budget para maipagawa ang garden at greenhouse?" tanong ni Mr. Geo. "Balak ko sanang pagkasayahin ang isang million, ayoko naman kasing ubusin ang funds ng mga estudyante," sagot ko. "Okay, pwede bang lumabas ka muna saglit at pag uusapan namin ang prinesent mo," sabi ni Mr. Carlo. Sinunod ko naman ang sinabi niya na lumabas at naghintay. Ilang minuto lang pinapasok nila ulit ako. "Mr. Mercado, we like your presentation, humahanga kami sa 'yo dahil naisipan mong ipaayos ang mga iyon na hindi nagawa ng ibang President," sabi ni Mrs. Anna. "Dalawang buwan ka pa lang bilang President pero ang dami mo na agad nagawa, unang una na doon ang mga ugali ng mga estudyante, mabuti na lang talaga at ikaw ang naging president." "Maraming salamat po," sabi ko. "Alam namin na hindi kasya ang isang million sa project mo kaya nag desisyon kaming sampo na sponsoran ka namin, magbibigay kami ng 10 million para sa project mo," sabi ni Mr. Theo. Napangiti naman ako. "Maraming salamat po, asahan niyo na pagagandahin ko ang garden at greenhouse," sabi ko. "Alam namin na kaya mo," sabi ni Ms. Chella. End of Flashback "Wow, talagang nag sponsor ang mga council?" gulat na tanong ni Tayler Hyung. "Oo, bakit?" takang tanong ko. "Hindi kasi nakikielam ang mga council sa kung anong gagawin ng President kaya nakakagulat na tinulungan ka nila," sabi niya. "Tutulong naman sila, hindi lang kasi nag a-approach ang dating mga President sa kanila, hindi man lang din nila fino-focus ang paggawa ng project," sagot ko. Kung pakikinabangan naman ng school ang project na gagawin tutulong sila dahil iyon naman ang gusto nilang mangyari pero ayaw lang nilang makielam sa kung anong desisyon ng President. Hangga't maaari kasi gusto nilang maging independent ang mga nagiging President pero hindi ibig sabihin 'nun ay pinapabayaan na nila sa mga ito ang school, nakaantabay pa rin naman sila dito. "Tama si Jayden, sa mga nagdaan na mga President wala man lang nakaisip ng ganito gaya ng kay Jayden," sabi ni Jackson Hyung. "Kaya paniguradong natuwa nila sa ginawa ni Jayden." "Oo nga naman," sang ayon ni Samule Hyung To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD