bc

Miss Independent

book_age18+
57
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
sex
fated
aloof
independent
CEO
bxg
serious
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Lahat ng bagay ay nasa kanya na.

Karangyaan, kasikatan, at alindog.

Lumaki siya sa layaw na dahilan ng pagkakaroon ng magaslaw na pag-uugali na kinaayawan ng halos lahat ng tao sa kanyang paligid.

Minsan na niyang sinabi na kaya niya ang mag-isa at hindi kailanman kakailanganin ng isang lalake na magiging katuwang sa pang-araw-araw na buhay.

Hanggang isang araw ay makahanap siya ng katapat sa katauhan ng isang taong magtutuwid sa kanyang pag-uugali at magiging dahilan ng pag-iiba sa kanyang pananaw sa lahat ng bagay. Si Cloud Diaz na kinuha ng mga magulang bilang kanyang bodyguard noong minsang manganib ang kanyang buhay dahil sa kalaban ng mga ito sa pulitika.

Makakayanan ba ni Skye Mendez pakisamahan ang lalakeng mas mahigpit pa sa mga magulang at mas suplado pa sa kanya?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
Malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang nakatayo sa gilid ng isang sapa. Tanaw niya  sa harapan ang daraanang malaki at mahabang putol na  kahoy na nakahiga sa may mababaw na tubig nito.  Ito ang nagsisilbing tulay upang matawid ang kahabaan ng sapa na iyon upang makapagpatuloy sa paglalakad pupunta sa isang  camping site  kung saan mananatili sila ng ilang araw para makapag-relax, i-enjoy ang nature at makalayo sa ingay ng siyudad.  Ito ang napiling gawin ni Skye sa tatlong araw na bakasyon nito mula sa pagtatrabaho at pagiging isang boss sa sariling kumpanya. Minsan lang ito mangyari sa kanya kaya naman minabuti niyang samantalahin  ang pagkakaton habang hindi pa masyadong busy sa kanyang cosmetic company na kasalukuyang namamayagpag ngayon pagdating sa mga listahan ng mga sikat na negosyo sa Pilipinas.  Habang  tila pagko-concentrate kung paano niya gagawin ang pagtawid doon ay biglang sumulpot mula sa kanyang likuran ang isang lalaking bitbit ang lahat ng gamit nila para sa gagamiting pagka-camping doon. Nagulat pa siya ng lumusong ito sa tubig at matalsikan nito ang kanyang mga binti. Naisalubong niya ang mga kilay sa pagkainis. Pinag-iisipan nga niyang mabuti kung paano makalampas sa sapa na iyon ng hindi man lang natatalsikan ng kahit katiting na tubig ang katawan ngunit heto ang lalake at tila walang pakealam na kulang nalang ay magtatalon doon. Mariin pa niyang  pinakatitigan ang tubig sa sapa at nakita na puno iyon ng mga lumot. Naipunas niya ang likuran ng palad sa nabasang mga binti sa pangdidiri. Malay niya ba  kung ano pang mga organismong nakatira doon na hindi niya nakikita. Inilahad ng lalaki ang isang kamay sa kanya pagkatapos ipasa sa kabilang kamay ang hawak hawak na bag para maalalayan siya.   "Cloude, for how many times do I have to tell you I don't need any help!" saad niya dito na nameywang pa. Natigilan ang lalaki. "Okay," kibit balikat nitong saad sabay bawi ulit ng sariling kamay at kinuha ulit mula sa kabilang kamay ang bitbit nito kanina. "Pero kailangan na ho nating magmadali dahil padilim na ho. Isa pa mukhang uulan pa yata!" tumingala ito sa namumuong kulimlim sa langit. "Ano bang ginagawa ko? Ikaw nga diyan, ang bagal mong maglakad!" saad pa niya sa lalake na kanina pa nauuna sa paglalakad at kung hindi lang dahil sa sapang iyon ay malayo na sana siya.  Tila nagpantig ang tenga ng lalaki. Nagtagis din ang panga nito. Kahit kelan talaga napaka insensitive ng amo nitong iyon. Pagbitbitin ka ba naman ng isang katerbang gamit ewan ko lang kung hindi rin babagal ang paglalakad mo. Sinimangutan nito ang babaeng kanina pa nagtataray at sunod na tinalikuran. Nagpatuloy ito sa paglalakad sa sapa na tila walang pakealam kung mabasa man ng tubig ang loob ng hiking shoes. Mabilis na narating nito ang lupa at walang lingon lingon na ipinagpatuloy ulit nito ang paglalakad pagkatapos ayusin sa balikat ang mga daladala.  Samantala, naiwan ang babae na inayos pa ang suot na sumbrero. Maya maya ay nagpasya si Skye na ihakbang na ang isang paa sa kahoy at pagkatapos makiramdam sa stability ng inaapakan ay isinunod sa paghakbang ang isa pang paa. Itinaas niya ang dalawang kamay sa gilid para makuha ang balanse sa paglalakad. Napangiti siya ng nakakailang hakbang na. Tila pa nagyayabang na bahagya pa niyang nilingon ang lalaki.  Ngunit pagkarating niya sa bandang kalagitnaan ng log na iyon ay tila nawalan siya ng balanse dahilan ng pagkahulog niya sa trosong iyon at paupong lumanding sa maruming sapa.  "Ewww!! Kadiri!!!" sigaw niya ng makita ang kalahating katawan na basa na ng kulay tsokolateng tubig  ng sapa. Napahinto si Cloude sabay ang pagpapakawala nito ng pilyong pagngiti. Kung susuwertihin ka rin naman, ang bilis kumilos ng karma. Ayaw man nitong makita ang babae na nakasalampak sa maruming sapa na iyon, ngunit dahil sa kasupladahan nito sa lalaki ay  tila natuwa ito sa nangyari sa dalaga.  Pumihit si Cloude para lingunin si Skye. Nakita nitong diring diri na halos umiyak na ang babae mula sa pagkakahulog nito sa sapa. Dagling isa isa nitong inilapag ang mga bag na bitbit at sukbit sa balikat at patakbong binalikan ang dalaga. Biglang nakunsensya ito sa inisip. Walang ano ano ay kinarga nito ang babae at parang sakong isinampay sa balikat.  Hindi na alintana kung mababasa din ang sarili dahil sa nabasang pang-ibabang suot na leggings  ng babae.  "Put me down!" inis na sambit ni Skye ng medyo malayo na sila sa sapang pinaghulugan.  Tila wala namang naririnig si Cloude na ipinagpatuloy pa rin ang paglalakad.  “I said put me down!” sigaw nito na pinalo pa ng braso ang likuran ng lalaki. Ibinaba ni Cloude si Skye sa tabi ng mga iniwang mga bag. Inis na tinitigan lang ng babae ang bodyguard na wala ring pakealam na binitbit  ulit ang mga bag at gamit na iniwan nito kanina.  Nagpatuloy sila sa paglalakad.  “Teka, parang naliligaw tayo,” naguguluhang nilingon ng babae ang bodyguard na nasa likuran lang nito ng mapansing hindi na pamilyar ang tinatahak nilang daan. Nagkibit balikat lang si Cloude. “Sinusundan ko lang ho kayo,” saad nito na natigilan rin. Ang pagkakaalam nito ay kabisado na ng babae ang lugar na iyon dahil sabi nito ay nakarating na ito dito. Napapadyak ang babae sa inis na inlibot ang paningin sa paligid. Puno ng sari-saring halaman doon at may katamtamang taas ng mga puno. Tila nawala ang trail na sinusundan niya. Naipadyak niya tuloy ang isang paa. Ngayon pa talaga ito nangyari, ngayong feeling niya ay kating kati na siya mula sa pagkakahulog niya kanina sa sapa. “Mabuti pa ho siguro ay magpalipas nalang tayo ng magdamag dito. Mukhang hindi na tayo makakarating sa camping site at kapag umulan pa ay mababasa ang paglalagyan natin ng tent,” suggest ng lalaki.  Sa unang pagkakataon ay sumang-ayon si Skye sa binata kahit pa iniisip nito kung paano lilinisin ang sarili. Sa camping site kasi ay may maliit na bathroom kung saan may tubig na at liguan.  Naghanap sila ng patag na lupa at doon nila inilatag ang kanilang dalawang tent sa medyo malayo sa mga halaman.  Dali dali si Cloude na itinayo ang mga tent ng maramdaman nito ang paisa isang pagpatak ng ulan. Samantalang ang babae ay sinecure ang ilan pang mga gamit sa ilalim ng kalapit na puno para hindi mabasa ang mga iyon. Ikinatuwa na rin ng babae ng umulan ng malakas that way ay makakapaligo siya at tuluyan ng makakapagpalit ng damit.  Magkatabi na inilagay ng binata ang kanilang tent na tamang tama lang na bago  lumakas ang ulan ay natapos na rin ito sa pag-aayos ng mga gamit sa loob. May kalakihan ang tent na binili ng babae na may sariling changing room at space para sa pag-luluto. Ang sa lalaki naman ay tamang tama lang ang laki para sa pagtulog.  Dahil dumidilim na rin ay nagpasya nang i-set up ni Cloude ang kakainin nila sa gabing iyon. Inilabas niya ang mabilis lang na makakain at hindi na kailangang pang magluto. Nagdala sila ng sari-saring  canned goods, mapa prutas man, isda o karne. Inilabas niya ang tinapay at delatang beef stew habang hinihintay ang babae na matapos sa paliligo sa ulan.  Medyo matagal nang nasa labas ang babae ng silipin nito si Skye. Nagulat nalang ito ng makitang naka-panty at bra nalang  ang babae habang nakatuwad at hinihilod ang mga binti at hita sa dala dalang sabon.  Sa lahat ng ayaw ng babae ay iyong tinititigan ito ngunit sa mga sandaling iyon ay hindi na naiwasan ng lalaking ituon ang mga mata sa dalaga. Halos hubad na ito sa suot nitong skinned tone na kulay ng underwear.  Tila nakahalata naman ang babae na parang may nagmamasid sa kanya kaya’t umayos na ng pagkakatayo at tila hinayaan nalang ang ulan na i-rinse out ang mga sabon sa buong katawan. Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas ng may mapansin itong may gumalaw sa kabilang banda ng mga halaman at kasunod noon ang paglabas ng isang hayop at tila pagsugod nito sa babae.  "Ahh!!!! Snake!!!" sigaw ni Skye sa taranta. Nagtatatalon ito at nagpalibot libot doon  na hindi malaman kung saan pupunta.  Mabilis na sumaklolo si Cloude ng makita ang tinutukoy ng babae. Mula sa bulsa ng pantalon ay binunot nito ang de-tuping kutsilyo at inambangan ang ahas. Mabilis namang nagkubli sa likod ng lalaki si Skye. Naghintay ng tiyempo si Cloude para asintahin ang ahas. Nang makakita ng pagkakataon ay inihagis nito ang maliit na kutsilyo, natamaan sa katawan ang ahas ngunit nakawala rin ito at mabilis na gumapang sa pagitan ng mga paa ng lalaki. Sa takot ni Skye ay napayakap ito sa harapan ng lalaki at tila nagpakarga. Binuhat naman nito ang nanginginig ng dalaga. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.6K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
77.9K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.1K
bc

The Ex-wife

read
232.0K
bc

Hate You But I love You

read
62.7K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook