Adrienne Ngayon ang kaarawan ng kaniyang kaibigan na si Chester. Unfortunately, hindi niya makakasama ang kaniyang kasintahan ngayon sa birthday celebration ng kaniyang kaibigan sa private yacht na pagmamay-ari ng pamilya nito. "Pasensiya na, love. May duty ako ngayon sa Sushi House. Hindi ako makakasama sa birthday celebration ni Chester. Pakisabi na lang na happy birthday." "Okay, love. I will. Don't worry. Gusto lang sana kitang maipakilala sa mga kaibigan ko. They keep on asking me kung kelan ba kita ipapakilala sa kanila." Ngayon niya rin sana ipapakilala ang kaniyang kasintahan sa mga kaibigan niyang mga negosyante. Tutal, gusto niya rin namang malaman ng lahat kung sino ang babaeng pinakamamahal niya. Marami kasi ang naiintriga kung sino ba ang masuwerteng babae ang nagmamay-ari

