Adrienne “I still love you.” “Don’t you miss me?” “I still think about you, Adrienne. Can you please give us a chance?” Nagparamdam muli ang kaniyang dating nobya sa kaniya noong nasa China siya para sa business trip. Nabalitaan niya ngang single na ulit ito. Naging magulo at komplikado ang relasyon nito sa lalaking naging dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa. Ginugulo siyang muli ni Kendra. Inilihim niya kay Sofia ang tungkol kay Kendra dahil ayaw niyang mag-isip ito ng kung anu-ano. Tutal wala na naman siyang pakialam sa kaniyang ex-girlfriend. He already moved on long time ago. Masaya na siya sa piling ni Sofia. Hinding-hindi siya gagawa ng ikasisira ng relasyon nila ni Sofia. Parehas sila ng pinagdaanan noon sa kanilang love life bago sila magkakilala. Ayaw niyang saktan ang dam

