Sofia "Mukhang lagi ka ng sinusundo ni Adrienne, ah," kantiyaw sa kaniya ni Adelle. "Kayo na ba?" Mariin siyang napailing. "Hindi. Gusto niya lang akong sunduin," tugon niya. Breaktime nila ngayon. Kagabi kasi ay sinundo siyang muli ni Adrienne sa Sushi House. Marami ngang nagtatanong sa kaniya kung ano niya raw ba ang lalaking palaging sumusundo sa kaniya. Hindi na raw makaporma sa kaniya ang katrabaho niyang si Jerry dahil palaging may sumusundo sa kaniya. "Gano'n? Akala ko kayo na. Number one shipper niyo pa naman ako." Natawa siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Matapos ang breaktime nila ay bumalik na sila sa trabaho. Maraming customer ngayon kaya nag-early in na siya sa trabaho. Next week ay finals na nila. Magiging busy na naman siya sa pag-re-review. Ang bilis talaga ng pan

