Sofia "Kelan mo ba balak sagutin si Adrienne, gurl? Papatagalin mo pa ba?" tanong sa kaniya ni Nadz. Boto naman ang kaniyang mga kaibigan kay Adrienne. Lalo na si Nadz. Malayung-malayo raw ang binata sa dati niyang nobyo na naging malapit din kay Nadz noon. Marami talagang pagkakaiba ang dalawa. Saka mas may effort si Adrienne kesa sa dati niyang nobyo. Adrienne misses her every single day. Na-mi-miss niya rin naman si Adrienne araw-araw. "Ahmm...gusto ko na rin naman siyang sagutin," tugon niya. "Pero may pumipigil ba sa 'yo?" tanong nito. "Wala naman. Gusto ko lang na okay na ako bago ako pumasok sa panibagong relasyon. Kailangan okay na 'yung mental health ko. I mean mas okay kung stable na 'yung mental health ko. Ang hirap kasi kapag sinagot ko na siya tapos na-de-depress pa rin

