Sofia Ngayon lang bumili ng pregnancy test kit ang kaniyang kaibigan. Kinakabahan ito sa magiging resulta ng pt. Nandito sa mansiyon ang kaniyang kaibigan. Hindi nito kasama ang boyfriend nitong si Alastair dahil may trabaho ito ngayong araw. "Kinakabahan talaga 'ko, Sofi. Paano kung positive ang results nito?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya habang hawak-hawak nito ang pregnancy test kit. Nag-aalala din siya para sa kaniyang kaibigan. Pinapunta niya na ito sa banyo para masubukan na nito ang dalawang pregnancy test kit na binili niya para rito. Makalipas ang ilang saglit ay nakita na nila agad ang resulta. Parehas positive ang resulta. Hindi na napigilang maiyak ng kaniyang kaibigan. She comforted her friend. "Anong plano niyo ngayon ng boyfriend mo? Hindi niyo naman maitatago 'ya

