Sofia Nakatanggap siya ng gold necklace at earrings mula sa kaniyang nobyo. Ngayon kasi ang monthsary nila. Hindi niya in-expect na reregaluhan siya ng mamahaling alahas ng kaniyang nobyo. It's her first time to receive a gift from him. Lalo na ganito kamahal. Mas mahal pa sa buhay niya ang jewelry set na ito. Ayaw niya sanang tanggapin kaso magtatampo naman ang kaniyang boyfriend. Hindi naman sa hindi niya na-a-appreciate ang regalo nito. Nalulula lang siya sa halaga ng alahas na regalo nito. It is worth a million dollar jewelry. "Love, masiyado namang mahal 'tong regalo mo sa 'kin," aniya sa malumanay na boses. Hawak-hawak niya ang pendant ng kuwintas na isinuot mismo sa kaniya ng kaniyang nobyo. "Okay lang 'yan, love. Mas mahal naman kita," anito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Na

