Chapter 77

2248 Words

Sofia "Kami na, Sofi. Nu'ng isang araw lang," kinikilig na wika ni Adelle. Nagulat siya sa ipinagtapat nito tungkol sa relasyon nito sa manager nila. Parang kelan lang ay nag-confess si Sir Daryll sa kaniyang kaibigan na gusto nito si Adelle. Hindi niya alam na sinagot na pala ng kaniyang kaibigan ang kanilang guwapong manager. Sa tingin niya naman ay nababagay ang kaniyang kaibigan kay Sir Daryll. Kahit na malayung-malayo ang estado ng buhay ng dalawa. Pero hindi naman iyon problema kay Sir Daryll. Nandito ngayon sa mansiyon ang kaniyang kaibigan. Nakaupo sila sa may sala habang nagkukwentuhan. Maaga itong nagpunta sa mansiyon. Kagigising niya lang din. Kakahilamos niya lang at hindi pa nakakapagsuklay ng buhok nang dumating ang kaniyang kaibigan. Hindi pa rin nga siya nakakapag-almusa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD