Sofia Bumiyahe na sila ng kaniyang nobyo patungo sa apartment ng kaibigan ng kaniyang nobyo. Matagal ding tumira ang kaniyang boyfriend sa sariling apartment ni Charles na isa sa matalik nitong kaibigan. "Love, gusto ko pa sanang magpunta tayo sa kilalang tourist spot dito sa LA. Kaso naalala ko na dalawang araw na lang pala tayo dito," aniya sa kaniyang nobyo na nagmamaneho ng mamahalin nitong sports car. "Puwede pa naman, love. Isingit na lang natin bukas. Saan mo ba gustong magpunta?" anito habang nakatutok ang mga mata sa daan. "Hmm...Saan kaya maganda, love? Parang gusto ko sa beach," tugon niya sa kaniyang nobyo. May dala din naman siyang bikini just in case na mag-swimming nga sila ni Adrienne. Marami pa namang magagandang dagat dito sa LA. Tulad na lang ng Manhattan beach at sa

