Sofia Nakarating na sila sa bansa. Nabilhan niya na rin ng mga pasalubong ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang lolo't lola. Hindi na nila nakita ang isang kaibigan ng kaniyang boyfriend na si Cole. Masiyado raw itong abala ngayon kaya hindi na nila nahagilap ang lalaki. Kinabukasan ay pumasok na siya sa trabaho. Maraming tsika sa kaniya ang kaniyang kaibigang si Adelle nang mag-breaktime sila. Hindi sila sa pantry kumain ng tanghalian para makapag-tsikahan sila nito. Inabot niya na rin ang kaniyang pasalubong sa kaniyang kaibigan. Nagpasalamat naman ang kaniyang kaibigan sa inabot niyang tote bag. "Ang ganda naman nito, Sofi. Thank you, ah," nakangiting wika sa kaniya ni Adelle. Nandito sila sa pinaka malapit na fast food. "Ang cute nga niya. Kaya binili ko," nakangiting tugon niy

