Sofia Simula na ng first day of class nila for this second semester. Pumasok siya kahit kulang ang kaniyang tulog. Nag-overtime siya sa kaniyang trabaho. Tapos kahit pagod siya ay hindi niya natiis si Adrienne nang humirit ito na mag-love making sila. Kaya hayun, ang laki ng eyebags niya. At hikab pa siya ng hikab. Tapos na rin ang holiday break nila. Ang kaniyang mga kaklase ay binisita ang pamilya sa ibang bansa. ‘Yung iba ay nag-holiday break sa Mexico. ‘Yung iba naman ay sa Europe. Ang kaniyang kaibigang si Kaori naman ay nagtungo ng Japan. Half-day lang siya ngayon sa unang araw ng kaniyang klase. May mga bagong mukha sa kanilang klase. Mga irregular students na nag-transfer sa kanilang eskuwelahan. ‘Yung isang lalaki kanina na transferee ay may mga tinanong sa kaniya tungkol sa sche

