Brushstrokes and Bar Stools

1244 Words
Chapter 4 Third Person POV "Noahwan, halika na, sabay na tayong kumain sa canteen. Nandoon na sina Erick at Ivy, hinihintay tayo." yaya sa kanya ni Mei. Napatigil siya sa pag-aayos ng kanyang gamit sa mesa at tumingin sa pwesto ni Mei, na kasalukuyang isinusukbit ang bag nito sa balikat.Bigla niyang naalala ang lalaking nakatagpo niya kanina, baka ito yung Erick na sinasabi nito.Hindi na nga din pala niya nasabi kay Mei na hinahanap siya nito since magkikita naman sila mamaya. "Sige," nakangiting sagot niya sa babae. Tumayo at kinuha ni Noahwan ang kanyang sling bag at sinuot ito sa kanyang balikat.Inayos na muna niya ang suot na blouse bago siya lumapit kya Mei. "So, ano, tara na!" yaya nito kaya ng lumabas si Mei ay agad na rin siyang sumunod dito. "Ah, Mei, pwede bang magtanong?" basag niya sa katahimikan habang binabagtas nila ang mahabang hallway papunta sa exit. Lumingon naman sa kanya si Mei. "Oo naman, ano ba yun?" "Kasi, itatanong ko lang sana kung paano magpasa ng entry para sa mga artworks na ipinapasok sa exhibition at bidding. Nag-reserach kasi ako about doon kagabi at nakita ko na tumatanggap pala ang school na ito at sila mismo ang nagpapacilitate ng event mismo." Tumingin sa kanya si Mei. "Gusto mo bang magpasa ng obra mo?" "Sana," nahihiyang sagot ni Noahwan habang mahigpit na hinawakan ang strap ng bag. "Hmm, as of now dahil summer pa, walang opening at pasahan ng mga artwork, pero alam ko, tuwing opening ng classes at katapusan ng semester sila nag-oopen ng exhibit. Yung mga napipiling painting ay ini-export sa ibang bansa at dini-display sa mga art gallery, bagamat marami rin naman ang bumibibili noon dito sa Pilipinas. Kapag nagustuhan nila, pwede ka rin nila papirmahin ng kontrata kung saan sila na ang kukuha ng mga susunod mong painting, depende sa magiging offer nila." Nagniningning ang mga matang napatigil si Noahwan sa paglalakad. "Talaga ba?" excited niyang sagot dito. "Yes. At kung balak mo mag pasa ng entry, of course you can, Noahwan. Pero sobrang strict at mabusisi talaga ang mga nag-e-evaluate. But knowing you, kahit sa sandaling panahon pa lang tayong magkakilala, alam ko naman na kayang-kaya mo 'yon." Malungkot na umiling si Noahwan, habang unti-unting bumabalik sa isip ang mga anino ng kabiguan. "Hindi eh. Lagi kasi akong bumabagsak, naka-ilang try na rin ako. Saka sa totoo lang, natatakot na ako sa mga rejection." pag-aamin niya dito. Tumigil sa paglakad si Mei, hinawakan ang kanyang palad, at marahang pinisil ito upang damayan siya. "Don't lose hope, Noahwan. Lahat naman tayo natatakot ma-reject, pero naniniwala akong kapag may tumanggi sa iyo, doon ka mas lalong nag-i-strive sa buhay." seryoso nitong sabi. Natawang tumango si Noahwan, pinawi ang bigat ng sandali. "Wala naman yata tayong balak mag-emote sa gitna ng hallway, ano?" biro niya. Sabay silang natawa, at sa gitna ng magaang kuwentuhan ay hindi na namalayan ni Noahwan na narating na pala nila ang bungad ng canteen. Tanaw na agad nila ang dalawang kasamahang guro. Pagkakita sa kanila, agad na tumayo sina Erick at Ivy para salubungin sila ng mainit na ngiti at magagalang na beso.Pero si Noahwan ay nagulat ng makitang ibang mukha ng lalaki ang bumeso sa kanya. So, sino ang lalaking iyon? "Okay, since nandito na tayong lahat, pwede na bang umorder?" masayang tanong ni Erick habang mabilis na binuklat ang menu.Hindi alinatana ang gulat na gumuhit sa mukha ni Noahwan. "Nakapag-order na kami. Kayo na lang ni... I'm sorry, Noahwan nga ba?" baling ni Ivy sa kanya. "Oo, Noahwan ang pangalan ko." sagot niya ng makabawi. "Nice to meet you, Noahwan. I'm Ivy, and this is Erick, masungit lang tingnan 'yan pero hindi talaga, saka 'Ericka' ang pangalan niya kapag gabi," pabirong bulong ni Ivy na ikinatawa nang mahina ni Noahwan. Hinampas naman ni Erick nang mahina ang braso ni Ivy. "Shalaka! Hindi naman halata!" tili ni Ivy habang may kasamang eksaheradong irap na lalong nagpuno ng tawanan sa kanilang mesa. "Oh, by the way, sa weekend, why don't we set a schedule para puntahan ang bagong bukas na bar ni Erick?" pag-ungkat ni Ivy habang umiinom ng tubig. "I heard ang ganda at bongga raw doon, is that true?" Napataas ang isang kilay ni Erick at kuwadradong inayos ang medyo lagpas tainga nitong buhok. "Yes, and I'm so proud of myself na naipundar ko 'yon.Kaya sige dahil first time ninyo pumunta, ililibre ko kayo ng drinks!" "You should be, bakla. Kita mo namang asensado ka na, saka narinig ko, ang dami mo nang lalaki doon." pang-aasar pa ni Ivy. "Loka ka, ang chismosa mo talagang babae ka.Saka hindi naman talaga bar 'yon. Coffee shop talaga yun kapag umaga, at ginagawa lang siyang bar kapag gabi, kaya pwede kayong tumambay doon kapag wala tayong ginagawa rito sa school." Habang pinapanood ang masayang pagtatalo ng dalawa, isang tanong ang biglang pumasok sa isip ni Noahwan na nagpatahimik sandali sa buong mesa. "Bakit ka nga pala nag-volunteer na magturo ngayong summer, Erick?" Ilang segundong natahimik ang paligid bago humagalpak ng tawa si Erick, sinundan ng iba pa nilang kasama bago ito sumagot nang nakangiti. "Why not? Eh, mahilig naman talaga ako sa pintura. Saka alam niyo na, gusto ng father dear ko na dalhin ako sa ibang bansa hangga't wala akong trabaho, kaya ayun, napilitan akong mag-volunteer dito.Umay na umay na ako sa states, noh!." nakangusong sabi nito habang nilalantakan ang inorder na cherry cake. "Eh, how about 'yung business mo? Hindi pa ba achievement 'yun?" si Ivy naman ang sunod na nagtanong. Napairap naman si Erick sa tanong ni Ivy at binaba ang hawak na tinidor at nagpunas ng bibig. "Well, ayaw ko man aminin, pero 'yung bar kasi na 'yun ay may share talaga si Mommy, kaya nga todo bunganga talaga sila sa akin na para bang may mga karapatan talaga. Saka okay lang na nandito ako, at least hindi ako nabuburyong sa bahay. Wala na akong ibang narinig kundi bunganga nila every day.Hello, binabayaran ko yung share ni mom para maging akin na talaga yung lugar." Sumang-ayon naman sila pagkatapos sabihin 'yun ni Erick.Napaisip si Noahwan, mabuti nga ito problema lang sa pamilya ang iniisip.Samantalang siya parang lahat na yata, pinoproblema na niya. "O, ano? Sa weekend, G tayo sa bar?" biglang sabi ni Erick.Masigla na ulit ang mukha. " Sure!" " G!" "Eh, pass na muna ako diyan. Hindi din naman talaga ako mahilig mag-bar," nahihiyang sabi ni Noahwan. Napalingon naman sa kanya ang lahat at sabay-sabay na umiling. "Sus, minsan na nga lang tayo magkakasama, KJ ka pa!" biro ni Erick habang inakbayan si Noah. "Isang gabi lang naman, promise. Hindi ka namin pababayaan doon." "Oo nga, Noahwan! Break muna sa mga painting mo," dagdag pa ni Ivy habang tumatawa. "Libre ko na ang unang bucket kung sasama ka lang." Umiling-iling si Noahwan at pilit na ngumiti. "Huwag na, guys. Kayo na lang muna. May gagawin pa kasi ako sa bahay—" "Walang tatanggi!" sabay-sabay na putol ng grupo sa kanya. "Sige na, pumayag ka na kasi kung hindi, kukulitin ka namin buong magdamag," nakangiting pagbabanta ni Erick. Napabuntong-hininga na natatawa na lamang si Noahwan habang natawa sa kakulitan ng mga kaibigan.Napilitan siyang tumango habang hinihintay ng mga ito ang sagot niya. "Oo na, oo na! Sige na nga, sasama na!" Naghiyawan at nagpalakpakan pa ang mga ito na para bang achievement ang ginawa niyang pagpayag. Bago nga sila magkahiwalay-hiwalay ay gumawa pa sila ng GC nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD