Chapter 3
Third Person POV
Mula sa paglalakad ay inayos ni Noahwan ang kanyang mga hawak na libro at ilang painting materials habang binabagtas ang kahabaan ng hallway papunta sa kanilang building. Nakalagay sa kanyang tainga ang phone niya at inipit sa pamamagitan ng kanyang balikat habang kausap niya si Elise.Pinasok niya kasi ang kanyang hawak na susi sa kanyang bag.
"Naku, magugulat ka sa laki ng university, Elise, it was huge, so beautiful," nakangiti niyang balita sa kaibigan. Kinuha ang phone at hinawakan dahil nangalay ang kanyang balikat.Totoo naman kasi na damang-dama niya ang karangyaan ng buong university.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya.
"Sabi sa iyo eh, ikaw naman diyan, pa ayaw-ayaw ka pa." natatawang pasermon na sabi agad nito sa kanya.
Napailing na lumiko si Noahwan papunta sa faculty room, at nang matanaw niya si Mei na kumakaway sa kanya ay hindi niya alam kung gaganti ba siya ng kaway dahil sa dami ng bitbit niya at hawak pa niya ang phone niya, kaya ngumiting tumango na lang siya dito.
"I was worried about my entry, Elise, yun naman talaga ang dahilan kaya ayaw ko sana na mapunta dito sa Braxen. Pero naisip ko din that Professor Melchora somehow is right, na siguro mas kailangan kong ma-expose muna para makakuha at makahanap ng experience at makagawa ng creation ko without any doubt para sa sarili ko." Sabi niya sa kaibigan.
"Yeah, and I know naman saka kayang-kaya mo iyan, ikaw pa ba Noahwan Valentin. "
Natatawang umingos siya sa kaibagan.
" I hope so, Elise."
"Sus, don't doubt yourself Noahwan.Good luck sa summer classes mo,". Ngumiti at tumango si Noahwan kahit hindi naman niya kita si Elise. " sayang wala ka today, mag out-of-town kami nila Roco at ikaw lang ang wala." dagdag naman nito sa kabilang linya.
Nalungkot na tumigil si Noahwan sa paglalakad at tinitignan ang phone niya. Oo nga pala, tuwing summer lagi silang nag-o-out of town kasama ng mga kaibigan niya, pero ngayon hindi siya pwede dahil nandito siya at magtuturo sa ibang students na may mga back subjects.
"It's fine, Elise, marami pa namang time para diyan."
"Of course, naman, o sige, baka malate ka na niyan sa kakadaldal natin."
Natatawang ibinaba niya ang phone at pinatay ang tawag ni Elise. Natatanaw naman na niya ang faculty room kaya dali-dali na lang siyang pumasok dito.
"Good morning!" agad na bati sa kanya ni Mei ng pumasok siya at ito naman ay nakaupo na sa cubicle nito.
"Hello, good morning din," ganting bati naman niya dito.
"So, ready ka na?'
"Ready na pero kinakabahan pa rin ako."
Mei gave her and encouraging smile saka ito tumayo.
"Huwag kang kabahan, kaya mo naman 'yan. By the way, dalawang classroom ang ipapagamit sa atin dito. Since nasa 25 to 30 students ang nag-enroll ngayon, mahahati sila sa dalawang classrooms and since apat tayo na nandito, may mga specific subjects lang tayong hahawakan for them. The class started at 9 AM at matatapos ito ng 11:30 AM. Sa afternoon naman, we have a 2-hour practical para sa kanila so we will be staying at the art room sa 3rd floor."
Tumango-tango si Noahwan sa sinabi ni Mei. Tiningnan niya ang oras, it's still 8 AM kaya may isang oras pa siya para ayusin ang mga gamit niya sa kanyang cubicle bago niya i-meet ang mga students niya.
"Thank you, Maam Mei."
"Welcome, pero Mei na lang ang itawag mo sa akin mukha naman magkakaedad lang tayo eh,"
" Sige, M-mei." nahihiya niyang sagot dito.
"So, papaano iiwan na muna kita, pupunta lang ako ng canteen, o baka gusto mong sumama, hindi pa kasi ako nag-agahan,"
Umiling si Noahwan saka tinaas ang kanyang dalawang box ng gamit niya.
"Thank you, pero hindi na, mag-aayos na lang muna ako."
"Sure, sure, excuse me."
Nang mapag-isa si Noahwan at inilibot niya ang tingin sa loob ng faculty room. Malawak, maliwalas at tahimik. Maraming mga cute designs sa paligid na nakakaganda lalo ng ambiance ng lugar. Binuksan niya ang bintana na nasa likod ng kanyang swivel chair. Kaya agad na pumasok ang sinag nang araw sa loob at malamig na hangin. The air feels good, na sinabayan pa ng mga naririnig niyang huni ng mga ibon sa labas ng bintana. Ngumiti siya. Sakto pala ang napili niyang pwesto at kita ang buong plaza ng university.
Nagsimula na siyang ayusin ang mga gamit niya at isa-isa niyang nilagay sa mesa ang mga kailangan niya like her laptop at ang kanyang sketch pad na hindi na nawawala sa tabi niya, pati na rin ang kanyang kulay baby blue na coffee mug. Mahilig kasi siyang magkape kaya may dala-dala din siyang baon noon in case na antukin siya. Sa sobrang abala niya sa kanyang ginagawa, nagulat pa siya nang may nakita siyang pares ng sapatos sa kanyang harapan kaya awtomatikong napaangat ang kanyang tingin sa may-ari noon. Bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki, staring at her with his forward brows.
"Hi," alanganing bati niya dito nang tumayo siya mula sa kanyang inaayos na box sa ilalim ng kanyang mesa. Inusog niya ang kanyang swivel chair para makadaan siya at makatayo ng tuwid.Agad na pumasok sa isip niya na baka co-teacher niya ito kaya malawak siyang ngumiti dito.
The man didn't say any words, basta nakatingin lang ito sa kanya. Noahwan gazed at him, and at that moment saka lang niya narealize na sobrang tangkad pala nito. Probably 6-foot-2 or even taller, commanding the space around him with an effortless, intimidating presence. He was wearing a black long sleeve, black pants, and black shoes. Clean cut ito at may hikaw sa kabilang tainga. But what most shocked Noahwan ay ang mukha nito, he possessed those exact same striking, intense eyes and dark, brooding aura, but elevated with an even taller, more prominent bridge of a nose and a much more imposing, statuesque frame. He had those piercing dark eyes, thick eyebrows, and a razor-sharp jawline emphasizing his fiercely manly features, paired with naturally red lips that somehow fit his rugged vibe. Kaya sandali siyang natulala at napatitig sa mukha ng lalaki, particularly pababa sa maganda nitong leeg na kita ang adams apple at sandaling tumigil ang kanyang paghinga.
Agad na napaiwas siya ng tingin ng magtaas ito ng kilay na parang hindi nito nagustuhan ang kanyang ginawang pag-tingin sa kabuuan ng mukha nito.
"I'm looking for teacher Mei."
Oh god, pati ang boses niya, sobrang lalaki at baritonong-baritono! bulalas ng kanyang isip. Napakurap-kurap siya, pilit na pinapakalma ang sarili at binabalot ang sistema sa huwad na kalmado habang sinusubukang iignora ang napipintong presenya nito.
"Ah—si Miss Mei, nasa canteen..." nabulol siya, kaya mabilis siyang napatikhim at umiwas ng tingin, ibinaba ang mga mata sa sahig upang ikubli ang biglang pag-init ng kanyang pisngi.
Hindi ito sumagot. Sa halip ay tinalikuran siya nito, kaya't kusang sumunod ang kanyang mga mata sa malapad at matipunong likod nito, isang tindig na nagtataglay kung gaano kakisig ang lalaki. Bigla siyang napahawak sa sariling leeg dahil sa kanyang mga naisip, at halos mapatalon siya sa gulat nang muli itong lumingon sa kanyang direksyon pero wala naman itong sinabi. Walang imik na lumabas ang lalaki habang siya ang tulalang napasunod ng tingin dito.
Napa-upo siya sa kanyang silya, ramdam ang biglang pagbagal ng takbo ng paligid.
How can a man possessing such lethal, effortless elegance just waltz into her quiet sanctuary and completely dismantle her composure?
Marami na siyang nakitang guwapo sa tanambuhay niya, pero hindi naman ganito ang nararamdaman niya.
"Miss Noahwan!"
"Hay, butiki!" napaigtad na sambit niya nang biglang sumulpot si Teacher Mei.
"Oh! sorry nagulat ba kita? Are you done? Classes are about to begin."
"Ah, hindi, sorry hindi kita namalayang pumasok.'' sagot niya at kinuha ang kanyang sling bag sa upuan.
"Sa Room 26 tayo."
Pagkasabi niyon ay nauna nang humakbang si Teacher Mei habang si Noahwan naman, at nakasunod sa likod nito. Habang naglalakad sila papuntang Room 26. Pagdating nila doon ay agad namang tumahimik ang mga studyante at nagbalik sa kanya-kanyang upuan.
"Good morning, class," bati ni Teacher Mei sa mga ito bago lumingon kay Noahwan. "Class, she's Ms. Noahwan Valentin, your substitute instructor for this session."
Nagsimulang mag-ingay ang klase sa iba't ibang reaksyon, kaya pinatahimik muna sila ulit ni teacher Mei.
"Please be nice to Teacher Noahwan," dagdag ni Teacher Mei at kumindat pa ito sa kanya na siya namang tinanguan niya.
Pumunta siya sa harapan at nagpakilala sa mga ito. Mabuti na lang at well-mannered ang mga studyante at pinakinggan lang siya habang nagsasalita. Pero siya pala ang wala sa sarili, at nagsusumiksik sa utak niya ang imahe ng lalaki kanina.Kaya pinilit niyang matapos ang introduction niya at nagsimuula siyang mag lecture sa mga ito.
Those piercing almond-colored eyes. That prominent, chiseled bridge of the nose.Pero bakit parang familiar siya ?