Chapter 2
Third Person POV
Mula sa ibaba ng building kung saan siya nakatayo, napatingala si Noahwan habang nakatitig sa malaking sign ng Braxen International University na nakasulat sa harap ng napakalaking gusali. Napakalawak ng buong campus at halos maligaw-ligaw siya kanina kakahanap kung saan ang building para sa mga BFA students.
Marami pa ring estudyante ang nakikita niya kahit tapos na ang buong semester.May mga foreign students siyang nakikita na narito para sa summer classes. Pero mas marami pa rin namang mga pinoy, ngunit kapansin-pansin talaga ang international atmosphere ng school. Kahit saan siya tumingin, may mga estudyanteng nag-uusap sa iba't ibang wika, may mga bitbit na art materials, at may ilan ding nagmamadali papunta sa kani-kanilang designated rooms.
Napabuntong-hininga siya bago muling tiningnan ang hawak niyang papel kung saan nakasulat ang direksyon papunta sa faculty room.
“Okay, Noahwan. Kaya mo ’to,” bulong niya sa sarili at inayos ang kanyang headband na suot.
Bitbit ang ilang gamit niya para sa pagtuturo, tinungo niya ang daanan papunta sa building kung saan siya dapat pumunta. Habang naglalakad, hindi niya maiwasang mapatingin sa paligid. The university was far more impressive than she had imagined. Mataas ang mga gusali, malawak ang mga hallway, at bawat bahagi ng campus ay tila may sariling mundo para sa iba't ibang larangan ng sining.Hindi lang naman ito pang sining dahil halos yata ng kursong gustuhin mo makuha ay nandito na sa school na ito.Bukod sa napakalinis nito, fresh and green din ang paligid nito dahil sa mga nakapalibot na trees.Kaya naman napaka refreshing and maaliwalas tingnan ang buong campus.
Pagdating niya sa upper floor kung saan matatagpuan ang faculty room, bahagya siyang napahinto. Tumingin siya sa paligid upang matiyak kung tama ba ang kanyang pinuntahan.Dito medyo tahimik ang building dahil iilan lang ang nakakasalubong niyang mga studyante.
“Faculty room…” mahina niyang basa sa maliit na sign sa dulo ng hallway.Kaya agad na nilakad niya ang daan papunta doon.
Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok, napansin niya ang isang silid na bahagyang nakabukas ang pinto. Mukhang walang klase roon dahil walang tao sa loob.Patay ang ilaw at tanging ang sikat ng araw lang ang nagbibigay liwanag dito na nagmumula sa bintana. Napahinto siya at napatingin dito. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may kung anong nagtulak sa kanyang sumilip pa sa loob. Dahan-dahan niyang itinulak nang kaunti ang pinto at tuluyan ng sumilip sa loob.
Tahimik ang silid. Then suddenly, may narinig siyang tunog ng gitara.Kaya lalo pa siyang napasilip. May isang lalaki na nakaupo sa harap ng isang desk, nakatalikod sa kanya habang hawak ang isang gitara. Bahagyang nakayuko ang lalaki habang marahan nitong tinutugtog ang mga kuwerdas. Ang tunog ng gitara ay mahina ngunit malinaw na umaalingawngaw sa tahimik na silid.
Natigilan si Noahwan. Hindi niya alam kung bakit biglang napako ang kanyang mga mata sa likod ng lalaki. Halatang matangkad ito at maayos ang tindig kahit nakaupo lamang. Nakasuot ito ng simple dark-colored shirt, at bahagyang magulo ang buhok nito.But she couldn't see his face. Namangha siya sa pagtitipa niyo na para bang damang dama niya ang tunog na galing sa tinutugtog nito.
For some reason, she found herself curious about him. Unti-unti siyang naglakad nang kaunti palapit sa bukas na pinto, sinusubukang makita ang mukha nito, baka magiging studyante pa niya ito.
“Maybe pwede ko siyang makilala…” bulong niya sa sarili.
Ngunit bago pa man niya tuluyang makita ang mukha ng lalaki, may biglang tumawag sa kanya mula sa kabilang bahagi ng hallway.
“Miss Valentin!”
Gulat na napalingon agad si Noahwan. Mabilis siyang umatras mula sa pintuan at hindi na niya nagawang tingnan nang maayos ang lalaki.
“Yes, maam?” sagot niya habang nagmamadaling isinara nang bahagya ang pinto ng makita niya ang isang babae na halos kaedaran lang niya na nakatayo sa harapan niya.
"Ah, sorry to interrupt,namukhaan kasi kita and kanina ka pa kasi hinihintay ni Ma’am Cora." anito sa kanya.
"Ah, sige po," sagot niya, bagama't nagtataka kung bakit at paano siya nakilala nito gayong unang araw pa lamang niya dito sa paaralan.
Agad siyang sumunod nang lumakad ito patungo sa faculty room. Hindi niya alam kung bakit, pero habang naglalakad ay nilingon pa niya ang pintuan ng silid na pinanggalingan niya kanina na ngayon ay nakasara na.Wala naman siyang nakitang tao, pero pakiramdam niya may mga matang nakasunod sa kanila habang naglalakad sila. Pagdating nila sa faculty room ay sinalubong sila ng isang may-edad na babae. Agad itong ngumiti nang makita siya at umupo sa swivel chair sa harap ng sarili nitong cubicle.
"You're Miss Valentin, right?" tanong nito sa kanya.
Tumango siya at tumayo nang tuwid sa harapan nito.
" Yes, maam."
"Mei, you can leave us. I want to talk to Miss Valentin alone."
Tumango naman ang tinawag nitong Mei saka sila iniwanang dalawa.Dinig at ramdam ni Noahwan ang kaba sa kanyang dibdib habang kaharap si Ma'am Cora.Hindi niya maiwasang tingnan ang seryoso nitong mukha.
"You may sit, Miss Valentin," sabi nito, kaya umupo si Noahwan sa bakanteng upuan sa harap ng babae.
"How old are you?" Tanong nito sa kanya.
"I'm twenty-five, Ma'am," magalang niyang sagot.
"Oh, so young. I'm Professor Corazon De Merced, ang head ng BFA Department. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na kailangan namin ng extra teachers dito sa school for the summer classes. And I'm sure nabanggit na sa iyo ni Professor Melchora kaya ka nandito ngayon." panimula nito.
Tumango si Noahwan bilang sagot. Nahihiya siyang magsalita dahil mismong ang Chair ng Department ng Fine arts ang kanyang kaharap ngayon.Sa kagaya niyang fresh graduate at naghahanap ng experience at gustong i-explore ang talent, isang priveledge para sa kanya na makaharap ito.
"Ilang subjects lang naman ang kailangan mong ituro sa mga estudyanteng bumagsak last semester. Probably around fifteen to twenty students na hindi nakapasa from all levels, Miss Valentin. Pinagsama-sama na sila para sa summer classes na ito."
"Ah yes, Ma'am. I understand. Pero maaari po bang magtanong kung may makakasama po ba akong ibang teacher?" nahihiya niyang tanong dito.
"Ah, yes, yes. Si Mei ang makakasama mo for this summer class. Fresh grad din siya katulad mo at nag-eexplore din.Galing din siya sa school na ito kaya gamay niya na ang kanyang gagawin dito."
Tumango si Noahwan. At least ay may makakasama siya at hindi nag-iisa.
"You can start tomorrow, Miss Valentin. Apat kayong mga na-hire naming teachers' para sa BFA ngayong summer. Bukod doon, may mga summer class din mula sa iba't ibang courses, so probably may makakasama pa kayong ibang mga guro from other Department. At dahil summer vacation, expect na magiging matigas talaga ang ulo ng mga estudyante. Nandito lang naman ang mga iyan dahil ayaw ng mga magulang nilang mag-back to zero ang mga anak nila, so the school gave them a chance na makasabay pa rin for the next school opening."
Tumango lang si Noahwan sa sinabi ng head.
"Come here, ituturo ko sa iyo ang magiging mesa mo." sabi ulit nito sa kanya.
Sumunod siya ng lumabas sila sa silid nito upang magtungo sa isa pang room. Dito ay makikita ang isang malawak na opisina na may mga bakanteng cubicle.
"You can choose kung saan mo gustong pumuwesto, Miss Valentin since, apat lang naman kayo ang tatao sa faculty this summer." Nakangiting sabi nito.
Ngumiti siya at tumango kay Ma’am Cora. The woman seemed to be in her forties, pero napakasopistikada pa ring tingnan. Maganda pa rin ito at may napakagaang aura and take note, mukhang galing sa buena familia, ika nga nila.
"I will, Ma'am. Thank you!" sagot niya.
"So, iiwanan na muna kita rito. Familiarize yourself with the school protocols and the subjects. Itanong mo na lang kay Mei, she will guide you."
"Yes, Ma'am. Thank you again, Ma'am."
Akmang tatalikod na sana si Ma’am Cora nang muli itong lumingon sa kanya.
"Don't disappoint Professor Melchora. Grab whatever you can for your dreams. Sa school na ito, hindi ka lang magtuturo, marami ka ring matututunan." makahulugang sabi nito sa kanya.
Nagtaka man ay napilitang ngumiti si Noahwan.
Intensyon nga kaya ni Professor Melchora na ipadala siya sa paaralang ito?
Napangiti siya dahil noong una ayaw niya pa.Now, she understands kung bakit siya ang pinadala dito. Napahilot siya sa kanyang sentido at napabuga ng hangin. Kung totoo man na sinadya siyang ipadala ni Professor Melchora, ayaw niyang sayangin ang sakripisyo at pagsisikap ng kanilang propesor para lang makarating siya rito.
Kahit papaano ay masaya siyang lumabas ng Braxen ng araw na iyon.